Instructional Material IN Araling Asyano

You might also like

You are on page 1of 83

INSTRUCTIONAL

MATERIAL
IN
ARALING ASYANO
LAYUNIN
• Naibibigay ang kahulugan ng kolonyalismo
• Natutukoy ang mga bansa na nasakop ng
kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Naipapakilala ang mga taong may kinalaman sa
pananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Natutukoy at naiisa-isa ang mga impluwensya at
epekto ng pananakop sa Silangan at Timog-
Silangang Asya lalong-lalo na sa Pilipinas.
KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA
SILANGAN AT TIMOG-
SILANGANG ASYA
GAWAIN 1: HAGDAN NG AKING PAG-
UNLAD
Panuto: Sagutan ang hanay na Ang aking Alam
at nais malaman. Samantala, masasagutan mo
lamang ang iba pang bahagi ng chart
pagkatapos ng yunit na ito. TANONG
Mga Natutunan
________________ Paano nabago ang
________________ pamumuhay ng
Nais Malaman ________________ mga mamamayan
________________ ________________ sa Silangan at
Ang Aking Alam ________________ Timog-Silangang
________________
________________ ________________ Asya noong
________________
________________ ________________ panahon ng
________________
________________ ________________ Kolonyalismo at
________________
________________ ________________ Imperyalismo?
________________
Ano ang koloyalismo?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ano ang Imperyalismo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
GAWAIN 2: BALIKAN NATIN
Suriin ang mga dokumento na nagbibigay-
katwiran
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa
Asya.
• Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
• Basahin ang patalastas (Advertisement ng Pear’s
Soap.
• Suriin ang nilalaman nito at sagutin ang mga
tanong.
Take up the White Man’s burden— Take up the White Man’s burden—
Send forth the best ye breed— And reap his old reward:
Go send your sons to exile The blame of those ye better
To serve your captives' need The hate of those ye guard—
To wait in heavy harness The cry of hosts ye humour
On fluttered folk and wild— (Ah slowly) to the light:
Your new-caught, sullen peoples, "Why brought ye us from bondage,
Half devil and half child “Our loved Egyptian night?”
Take up the White Man’s burden Take up the White Man’s burden-
Have done with childish days-
In patience to abide
The lightly proffered laurel,
To veil the threat of terror
The easy, ungrudged praise.
And check the show of pride;
Comes now, to search your manhood
By open speech and simple
Through all the thankless years,
An hundred times made plain Cold-edged with dear-bought
To seek another’s profit wisdom,
And work another’s gain The judgment of your peers!
UNANG PANGKAT:

Take up the White Man’s burden


Send forth the best ye breed
Go bind your sons to exile.”
To sense your captive’s need;
IKALAWANG PANGKAT:

Your new-caught, sullen peoples,


Half-devil and half-child.
IKATLONG PANGKAT:

Take up the White Man’s burden


And reap his old reward
The blame of those ye better
The hate of those ye guard
The cry of hosts ye humour
MGA TANONG
1. Tungkol saan ang patalastas
(advertisement)?
2. Anong bahagi ang nagbibigay-katwiran
sa pananakop ng mga kanluranin sa
Asya. Ipaliwanag ang inyong sagot.
3. Sang-ayon ka ba sa mensahe ng
patalastas? Bakit?
GAWAIN 3
Pagkatapos masuri ang
mensahe ng patalastas
tungkol sa pananakop ng
mga Kanluranin sa Asya.
Alamin natin ang ibat-ibang
paraan ng pananakop
ng mga Kanluranin sa
Silangan at Timog-
Silangang
Asya.
Dahilan sa sinaunang rutang
pangkalakan mayroon nang ugnayan
ang Silangang Asya sa mga bansang
Kanluranin. Bunga nito, nabatid ng
mga Kanluranin ang karangyaan ng
mga bansa sa Silangang-Asya.
Isa ang bansang Portugal
na naghangad ng Kolonya sa
Silangang Asya partikular na sa
China.

Nakuha nila ang daungan


ng Macao sa China at Formosa
sa Taiwan.

Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang-Asya sa Unang Yugto


ng Imperyalismong Kanluranin dahil sa matatag na pamahalaaan
ng mga bansa nito.
UNANG YUGTO NG
IMPERYALISMONG
KANLURANIN
Noong unang yugto ng Imperyalismong
Kanluranin, karamihan sa mga daungan sa
rehiyong ito ay napasakamay ng mga
kanluranin.
Ang pagkontrol sa kalakalan ng mga
pampalsa at pagkuha ng ginto ang nag-
udyok upang sakupin ang Timog-Silangang
Asya.
PANANAKOP SA PILIPINAS
Naglakbay sa Silangan
gamit ang rutang
pakanluran.

Napatunayan sa
kanyang paglalakbay na
bilog ang mundo.
KRISTIYANISMO
Relihiyong
pinalaganap ng mga
Espanyol.
Isa sa paraang
ginagamit ng mga
Espanyol sa
Pananakop sa
Pilpinas.
MGA PATAKARANG
IPINATUTUPAD NG MGA
ESPANYOL SA PILIPINAS
PATAKARANG REDUCCION
Naglalayong mailipat ang mga katutubo na
naninirahan sa malalayong lugar upang matiyak
ang kapangyarihan ng mga Espanyol gayundin
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
PANGKABUHAYANG PATAKARANG
TRIBUTO
Pinagbabayad ng
buwis ng mga Español
ang mga katutubo.

Maaari nilang
ipambayad ang ginto,
produkto at mga ari-
arian.
Dahilan dito……
Maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
PATAKARANG MONOPOLYO
• Pagkontrol ng mga Español sa kalakala.
• Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Europa tulad ng tabako.

Dahilan dito…
Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na
sila makapagtanim ng kanilang makakain.
POLO Y SERVICIO
• Sapilitang pagpapatrabaho ng mga
kalalakihang may edad na 16 hanggang 60.
• Gumagawa ng tulay, kalsada, simbahan,
gusaling pampamahalaan at iba pa.

Dahil dito…
Marami sa kanila ang nahiwalay sa pamilya at
namatay sa hirap.
PAMPOLITIKA:
SENTRALISADONG PAMAMAHALA
 Napasailalim sa pamumuno ng mga Español ang halos
kabuuan ng bansa.
 Itinalaga ng Hari ng Español bilang kaniyang kinatawan sa
Pilipinas ang
GOBERNADOR HENERAL
 Pinakamataas na pinunong Español sa Pilipinas

Dahil dito…

Nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamunuan


ang kanilang sariling lupain.
Naglingkod sa pamahalan sa pinakamababang posisyon.
SA SIMBAHANG KATOLIKO
Naging makapangyarihan ang Español na
pari at kura paroko sa panahong ito.
HERARKIYA NG PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL

GOBERNADOR HENERAL

ALCALDE MAYOR/ CORREGODOR

GOBERNADOR CILIO

CABEZZA DE BARANGAY
PANGKULTURA
• Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
• Ipinapatag ang mga pinuno ng katutubong
relihiyon.
• Natutunan ng mga katutubo ang wikang Español.
• Idinaos ang taunang pagdiriwang ng mga
sumusunod:
* Piyesta sa Bayan
* Santacruzan
* Araw ng mga Patay
* Pasko
PANANAKOP SA INDONESIA
Sumakop: Portugal, Netherlands at England.
Nasakop ng Portugal ang
Ternate sa Moluccas. Inagaw
ng Netherlands mula sa
Portugal ang Amboina at
Tidore sa Moluccas.

Nakuha ng England at
ibinalik din sa Netherlands.
Nasakop ng Netherlands
ang Batavia sa Jakarta.
NETHERLANDS
• Dating sakop ng mga Español.
• Dutch – ito ang tawag sa mga
naninirahan dito.

MOLUCCAS
 Tinatawag ding Maluku.
 Kilala bilang Spice Island.
 Lugar na nasakop upang makonrol nila ang
kalakalan ng mga pampalasa.
DIVIDE AND RULE POLICY
Isang paraan ng pananakop kung saan pinag-
aaway-away ng mananakop ang mga lokal na
pinuno o naninirahan sa isang lugar.
NASYONALISMO SA
SILANGAN AT TIMOG-
SILANGANG ASYA
LAYUNIN
• Naibibigay ang kahulugan ng Nasyonalismo.
• Naipapakita ang pagkakaiba ng Nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
• Nakapagbibigay ng halimbawa ng Nasyonalismo.
• Nakagagawa ng tula at musika tungkol sa
Nasyonalismo.
• Nabibigyang pagpapahalaga ang Nasyonalismo sa
Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulat ng tula at
paglalapat ng Musika.
GAWAIN 1
• Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo.
• Ang bawat grupo ay aawit ng “Ang Bayan Ko”
• Pagkatapos umawit/kumanta ay sasagutan ang mga tanong na itinalaga ng
guro.

Unang Grupo: Bakit mahalaga ang kalayaan?

Ikalawang Grupo: Ano ang gagawin mo kung may mga dayuhang nais sakupin
ang ating bansa?

Ikatlong Grupo: Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa bansang sinilangan?

Ika-apat na Grupo: Paano ipinakita ng kapwa natin mga asyano ang


damdaming nasyonalismo?
GAWAIN 2
Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng
halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita
ng damdaming pagka-nasyonalismo.
NASYONALISMONG ASYANO
Kahulugan:
• Nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan.
• Pagkatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang
ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa panlulupig at
pananakop ng mga banyaga o dayuhan.
• Kamalayan ng isang lahi na sila ay may isang
kasaysayan, wika at pagpapahalaga.
DALAWANG ANYO NG NASYONALISMO
1. Marahas at tahasang paghanap ng kalayaan
2. Diplomatiko at banayad
Dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na
noong ika-18 siglo kung saan ipinatupad ang patakarang Sphere of Influence at
Open-Door Policy. Sinundan din ito ng Una at Ikalawang Digmaang Opyo.
Dahilan dito, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino.

REBELYONG TAIPING
Hung Hsiu Ch’uan (Hong Hiuquan) – namuno sa rebelyong Taiping laban
sa dinastiyang Qing na pinamunuan ni Machu.

Layunin:
• Mapabagsak ang dinastiyang Qing
• pagbabago sa lipunan
• Pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa kababaihan
• Pagpapalit ng relihiyong Confucianism at Buddhism sa relihiyong
Kristiyanismo.

- Nagapi ito ng Dinastiyang Qing


- Ito ang isa nsa madugng rebelyon sa kasaysayan ng Tsina
- 20 milyong Tsino ang namatay
REBELYONG BOXER
-binubuo ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and
Harmonious Fists na may kasanayan sa gymnastic
exercise.

Layuning nitong patalsikin ang lahat nang dayuhang


nasa bansa.
Ipinapatay at pinaslang ang mga misyonerong Kristiyano at
debotong Tsino ng relihiyong Kristiyano.

Natalo ang rebelyong Boxer dahil nagpadala ng 2,100 na


mga sundalo ang United States, Great Britain, Russia,
France, Italy at Japan.
Noong ika-20 siglo – lumaganap ang dalawang
Ideolohiya sa China.

IDEOLOHIYANG DEMOKRASYA

SUN YAT-SEN – isinulong ang pagkakaisa ng


mga tsino gamit ang tatlong prinsipyo.
1. san min chu-i o nasyonalismo
2. min-tsu-chu-i o demokrasya
3. min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao
SUN YAT-SEN MAO ZEDONG

-Ama ng Republikang Tsino


-Nagtatag ng partidong -Ama ng Komunistang Tsino
Kuomintang 0 Nationalist Party -Namuno sa
noong 1912. pakikipagtunggali sa grupo
ni CHIANGKAI-SHEK.
CHIANGKAI-SHEK – naging pinuno
ng partidong Kuomintang nang
mamamatay si Sun Yat – Sen.
Tunghayan ang timeline ng mga kaganapan sa
pag-unlad ng Nasyonalismong Tsino
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA
JAPAN
EMPERADOR MUTSUHITO (1867-1912)
• Naging pinuno ng Japan mula ng tangapin ng
mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng
kasunduang Karagawa.
• Nagpalit ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa
kasalukuyan)
Nakilala dahil sa kaniyang pagyakap sa
impluwensiya ng mga Kanluranin na kanilang
ginamit upang mapaunlad ang Japan.
EDUKASYON
• Nagpatupad ng compulsary education o sapilitang
edukasyon sa elementary.
• Nag-imbita ng mahuhusay na guro mula sa ibang
bansa.
• Ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang
bansa.
EKONOMIYA
• Nagtungo sa United States at Europe upang
matutunan ang paraan ng pagnenegosyo at
pagpapaunlad ng iba’t-ibang industriya.
• Nagpagawa ng kalsada, tulay, linya ng kuryente na
nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon at
transportasyon.
SANDATAHANG LAKAS

• Pinalakas ang sandatahang lakas.


• Nagpagawa ng makabagong barko at kagamitang
pandigma
• Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong
Hapones
MODERNISASYON NG JAPAN
BANSA NATUTUNAN
GERMANY Sentralisadong pamahalaan,
ginawang modelo ang
konstitusyon nito.
ENGLAND Kahusayan at pagsasanay ng
mga sundalong British
UNITED STATES Sistema ng Edukasyon
GAWAIN 3: BUUIN NATIN- SILANGANG ASYA
Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng
Nasyonalismo sa Silangang Asya.
Mga Salik ng Paraan ng
BANSA Pag-unlad ng Pagpapamalas ng
Nasyonalismo Nasyonalismo

CHINA
SILANGANG
ASYA
JAPAN

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?
2. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang nasyonalismong China at Japan?
3. Bakit hindi magkatulad ang anyo ng nasyonalismo ng China at Japan?
PAG-UNLAD SA TIMOG-
SILANGANG ASYA
NASYONALISMO SA INDONESIA
Nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng
mga Indones ang patakarang Culture System ng mga
Dutch.
Umusbong at umunlad ang damdaming
Nasyonalismo dahil sa paghahangad na matigil ang mga
patakarang ito.
DIPONEGRO ng Java – namuno sa malawakang pag-aalsa
noong 1825.
1930 – nalupig ng malakas na pwersa ni Diponegro ang
mga Dutch.
Agosto 17, 1945 – idineklara ang kasarinlan ng Indonesia
sa pangunguna ni Sukarno.
Tunghayan ang Talahanayan ng mga
Makabagong Samahan sa Indonesia sa
Aklat na

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Panlipunan
Modyul para sa mag-aaral pahina 356.
NASYONALISMO SA BURMA
1900s – nagsimula ang damdaming nasyonalismo sa
Burma sa pamumuno ng mga edukasdong Burmese
na nakapag-aral sa loob at labas ng bansa.

Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa


pamamagitan ng mga rebelyon at pagtatag ng mga
makabagong samahan.
GAWAIN 4
Basahin at suriin ang epekto sa
kalagayan ng kalayaan ng Indochina
habang at pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang pandaigdig at sagutin ang
mga tanong.
EPEKTO NG PANANAKOP SA PILIPINAS
Bago umusbong ang Nasyonalismo
333 Nasakop ng Espanya ang Pilipinas
• Naapektuhan ang pamumuhay ng mga Pilipinas sa
larangan ng kabuhayan, pampolitika at pangkultura.
• Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang
pagpapataw ng buwis, pagkamkam ng ari-arian at
produktong Pilipino.
• Nabago ang kultura dahil sarelihiyong Kristiyanismo.
• Nawala ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino.
Napasimulan ang pagpapamalas ng Nasyonalismong Pilipino ng
naitatag ang Kilusang Propaganda ng mga Katipunero.
KILUSANG PROPAGANDA O REPORMA
Ang naglunsad nito ay ang mga ilustradong tulad
nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. Del
Pilar.
LAYUNIN:
Humiling ng pagbabago para sa ikabubuti ng
lipunang Pilipino.
LA SOLIDARIDAD – ang naging pahayagan ng mga
progandista kabilang sa mga reporma na hiningi nila ay
1. Kalayaan sa pagsulat at pamamahayag
2. representasyon sa Corte o Lehislatura ng Spain.
3. Pantay-pantay na karapatan ng mga Pilipino at
Espanyol.
DIGMAANG PILIPINO -AMERIKANO
• Idinaan ng mga Pilipino sa mapayapang
paraan upang makamit ang kalayaan.
• Ipinakita nila ang kakayahang pamahalaan ang
sariling bansa.
Hulyo 4, 1946 – nakamtan ng Pilipinas ang
kalayaan noong matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
IKALAWANG YUGTO NG
IMPERYALISMONG
KANLURANIN SA ASYA
(IKA-18-19 NA SIGLO)
CHINA
ISOLATISM
– tumutukoy sa paghihiwalay ng China mula sa
daigdig.
- ipinatupad ng China upang hindi masira ng mga
kanluranin ang kanilang kultura at paniniwala.
Dahilan dito, umunlad ang China sa larangan ng
ekonomiya, kultura at politika.
Ito ang naging simula ng paghahangad na
masakop ang China lalo na nang hindi pumayag ang
emperador na ipasok ang opyo mula sa bansang
England.
OPYO – halamang gamot na kapag inabuso ay
nagdudulot ng masamang epekto sa kalausugan.
Kahit na ipinagbabawal patuloy pa rin na
nagpasok ng Opyo ang mga Bristish sa daungan ng
China. Ito ang naging dahilan ng digmaang Opyo.
DIGMAANG OPYO – digmaan sa pagitan ng China at
England

Mababasa ang dahilan at epekto ng Digmaang Oyo sa aklat na


Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aarl pahina 330-331
SPHERES OF INFLUENCE SA CHINA
Dahilan sa pagkatalo ng China sa Digmaang
Opyo hinati ang mga ito sa mga Spheres of
Influence taong 1900s. Sapagkat hindi sinakop
ng mga kanluranin ang kabuuan ng China.

SPHERE OF INFLUENCE – rehiyon sa China kung


saan nangibabaw ang karapatan ng
kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya
at pamumuhay ng mga tao dito.
OPEN DOOR POLICY
• Patakarang iminungkahi ni John Hay, secretary
of state ng United States.
• Magiging bukas ng China sa pakikipagkalakalan
sa ibang bansa na walang sphere of influence.
Nilalaman ng Open Door Policy:
1. Pagrespeto sa karapatan at kapangyarihan sa pakikipagkalakalan
sa mga lugar na sakop ng sphere of influence.
2. Pagbibigay ng karapatan ng China na mangolekta ng buwis sa
mga produktong inaangkat mula sa bansa.
3. Paggalang sa itinakdang halaga ng buwis sa paggamit ng kalsada,
tren at daungan.
JAPAN
1853 – ipinadala ni pangulong Milliard Filmore ng United
States si Commodore Mattew Perry upang hilingin sa
emperador ng Japan na buksan ang mga daungan para sa
mga barko ng United States.
1854 – upang maiwasan ang pakikidigma sa isang malakas na
bansa, tinanggap ng Japan ang United States sa bisa ng
kasunduang Kanagawa.
- binuksan ang daungan para sa mga barko ng United
States.
Dahilan dito, nakapasok din sa Japan ang England,
France, Germany, Russisa at Netherlands.
EMPERADOR MUTSHUHITO – tinawag ang kanyang
pamumuno na MEIJI ERA na ibig sabihin ay enlightened
rule.
Ayon sa kanya ang mabisang paraan sa pakikitungo sa
mga kanluranin ay ang pagyakap sa medernisasyon.
PILIPINAS
333 taon na napasailalim ang Pilipinas sa kamay ng
mga Espanyol.
Noong una, tinutulungan ng mga
Amerikano ang mga rebolusyunaryong
Pilipino sa pamumuno ni Emilio
Aguinaldo laban sa mga Español.
Natalo nila ito.
HUNYO 12, 1898 – idineklara
ang kalayaan ng Pilipinas.
Subalit lingid sa kaalaman ng
mga Pilipino, may lingid na
kasunduan ang Spain at United
States.
Ayon sa kasunduan, susuko ang Spain sa United States at
isusuko dito ang karapatang pamunuan ang Pilipinas.
Disyembre 10, 1898 – nilagdaan ang kasunduan sa Paris
kung saan pormal na naisalin sa United States ang
pamumuno sa Pilipinas.
1902 – sumiklab ang Digmaang Pilipino – Amerikano at
natalo ang mga Pilipino.
Itinatag nila ang;
PAMAHALAANG MILITAR/PAMAHALAANG SIBIL
• Pinamunuan ng mga Amerikano at Pilipino
• Nagpatayo ng paaralan at ginawang libre ang pag-
aaral
• Nagpatayo ng ospital, kalsada at gusaling
pampamahalaan.
• jkkjNagpalabas din ng batas na nagpapatigil sa mga Pilipino sa
magpamalas ng damdaming Nasyonalismo.
PAMAHALAANG COMMONWEALTH
• Itinatag upang masanay ang mga Pilipino sa
pagpapatakbo ng isang pamahalaang demokratiko
THOMASITES
Tawag sa mga unang gurong
Amerikano na dumating sa Pilipinas lulan
ng barkong S.S. Thomas .
20 milyong dolyar
Ibinayad ng United States sa Spain
kapalit ng pagpapaunlad na ginawa ng
Spain sa Pilipinas.
PERLAS NG SILANGAN
Ganito inilarawan ni Jose Rizal ang
Pilipinas dahil sa ganda ng bansa at sa
kanilang lokasyon sa Asya.
INDONESIA
(East Indies)
CULTURE SYSTEM – kilala rin sa tawag na cultivation
system. Ito ay patakarang iminungkahi ni Johannes
Van den Bosch upang matugunan ang
pangangailangan nito sa pagbebenta ng mga
pampalasa sa pandaigdigang kalakalan.
Ginagamit ng mga mananakop ang isang tribo
upang masakop ang ibang tribo.
PARAAN NG PANANAKOP SA INDONESIA
1511 – narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas
kung saan nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan at
nagpalaganap ng Kristiyanismo.
1655 – pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges at
sinakop ang ilang isla dito gamit ang mas malakas na
pwersang pandigma.
Upang mapanatili ang kapangyarihan…
Nakipag-alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng
Indonesia

at gumamit din sila ng


Divide and rule policy

upang mapasunod at masakop ang mga


nabanggit na isla.
1602 – itinatag ng Netherlands ang Dutch East India
Company upang pag-isahin ang mga kompanya ng
nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
DUTCH EAST INDIA COMPANY
• may sariling hukbong magtatanggol laban sa mga
pirata.
• Nagtayo ng mga daungan sa lupaing nasasakop
• Makipagkasundo sa mga lokal na pinuno ng mga
bansa sa Asya.
Binigyan din sila ng karapatan na manakop ng mga lupain

• Nakontrol ng Dutch East India Company ang Spice


Trade sa Timog-Silangang Asya na nagpayaman sa
bansang Netherlands.
HINDI NAIMPLUWENSYAHAN NG MGA DUTCH ANG KULTURA NG
MGA INDONES
MALAYSIA AT SINGAPORE
Bansang sumakop sa Malaysia:
Portugal, Netherlands at England

Layunin
• Pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan
• Pagpapalagannap ng kristiyanismo subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam
sa rehiyon.
MALAYSIA – kilala sa malawak na plantasyon ng goma
(rubber) at sa pagkakaroon ng malaking reserba ng lata
(tin).
Naging manggagawa ang mga Tsino sa Malaysia
hanggang mas dumami pa ang bilang ng mga Tsino kaysa
sa katutubong Malay sa Malaysia.
Ang pananakop ng British sa Malaysia ay nagdulot ng
paghihirap at kaguluhan sa pagitan ng nandayuhang Tsino at
katutubong Malay.
SINGAPURA – salitang Malay na ang ibig sabihin sa English
ay Lion City.
SINGAPORE – pinakamaganda at pinakamaunlad na
daungan sa Timog-Silangang Asya.
Kinontrol ng British ang Singapore at kumita sila ng malaki
mula sa pakikipagkalakan sa mga karatig na bansa.
BURMA
(ngayon ay MYANMAR)
Ang lokasyon ng Burma sa India ang dahilan
ng pagsakop dito ng mga Bristish.
Sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga
Bristish at Burmese na tinawag na Digmaang
Anglo-Burmese.

Basahin ang Talahanayan ng Dahilan at Bunga ng mga Digmaang


Anglo-Burmese sa aklat na;
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan
Modyul para sa mag-aarla pahina 337-339
GAWAIN 4
1. Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng presentasyon.
Ito ay maaring sa pamamagitan ng talk show, game
show, pagbabalita at iba pa na kung saan matatalakay
dito ang paksang itinalaga ng guro.
Unang Grupo – Pananakop ng mga Español sa
Pilipinas.
Ikalawang Grupo- Pananakop sa Indonesia.
Ikatlong Grupo – Pananakop sa China at Japan.
Ika-apat na Grupo – Pananakop sa Indonesia,
Malaysia at Singapore.
Ikalimang Grupo – Pananakop sa Pilipinas
3. Pagkatapos ng presentasyon, sasagutin ng bawat
isa ang mga sumusunod na tanong.
a) Ano ang naging epekto ng mga patakarang
ipinatupad ng mga kanluraning bansa sa mga
bansang Asyano?
b) Paano nabago ang pamumuhay ng mamamayan
sa nasakop na mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
c) Masasalamin pa ba sa kasalukuyang panahon sa
Silangang Asya at Timog- Silangang Asya ang mga
pagbabagong naganap dulot ng pananakop ng
mga kanluranin? Patunayan ang sagot.
GAWAIN 5
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, suriin ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng una at ikalawang
yugto ng imperyalismong kanluranin sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
Unang Yugto Ikalawang Yugto
ng Imperyalismo ng Imperyalismo
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang bansang kanluranin na nanakop ng
lupanin sa una at ikalawang yugto ng
imperyalismo?
2. Bakit kinakailangan ng mga kanluranin na
manakop ng mga lupain sa Asya?
3. Paano naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluraning bansa ang kalagayan ng bansang
Asyano sa panahon ng pananakop?
4. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng
mga kanluranin sa pananakop ng mga naturang
lupain? Bakit?
GAWAIN 6
Mga kagamitan
- manila paper - colored paper
- newspaper/magazine - pentel pen
- typewriting - scissor at iba pa
1. Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangang makagawa ng collage base sa
pagkakakilala at pagtalakay sa mga epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangang at Timog-Silangang Asya.
Unang pangkat: Pilipinas
Ikalawang pangkat: Indonesia
Ikatlong pangkat: China
Ika-apat na pangkat: Malaysia at Singapore
Ikalimang pangkat: Burma at French-Indo China
Batayang Aklat:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan
Modyul para sa mga mag-aaral
pp. 323-339
GAWAIN 7
Bago natin ipagpatuloy ang pagsusuri sa mga dahilan ng pag-unlad ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay sagutan mo muna ang
Generalization Table.
Ano na ang iyong mga alam tungkol sa ating aralin? Sagutan ang hanay na
Ang Aking naunang pagkakaunawa. Samantala, masasagutan mo lamang ang
iba pang bahagi ng talahanayan sa susunod na bahagi ng yunit na ito. Gawin
ito sa kwaderno.
Generalization Table
Mga Tanong Ang Aking Aking mga Ang Aking
Naunang Natuklasan at Aking Aking
Pagkakaun Pagwawastong mga Paglal
awa Ginawa Patunay ahat
1. Ano-ano ang pangyayari na nagbigay daan sa pag-unlad
ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
2. Bakit magkakaiba ang paraan ng pagpapakita ng
damdaming nasyonalismo ng mga Asyano?
3. Paano ipinamamalas ng mamamayan sa Silangan at
Timog-Silangang Asya ang nasyonalismo?
4. Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at
imperyalismong kanluranin at nasyonalismong Asyano?
GAWAIN 8
1. Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng dula-
dulaan (role play) tungkol sa nasyonalismo.
Unang pangkat: Nasyonalismo sa Tsina
Ikalawang pangkat: Nasyonalismo sa Japan
Ikatlong pangkat: Nasyonalismo sa Indonesia
Ika-apat na pangkat: Nasyonalismo sa Burma
at Indo-China
Ikalimang pangkat: Nasyonalismo sa Pilipinas
GAWAIN 9
1. Ang bawat mag-aarl ay susulat ng tula tungkol
sa Nasyonalismo. Ito ay sa anyong malayang
taludturan.
GAWAIN 10: Paglalapat ng Musika sa
Tula
1.Ang klase ay hahatiin sa lima.
2. Ang bawat grupo ay pipili ng tula na ginawa
ng bawat isa sa kanyang miyembro.
3. Batay sa tulang napili, lalapatan nila ito ng
musika.
4. Isasagawa ang presentasyon sa klase.
GAWAIN 11: ANG AKING PANATA
Bagamat malaya na ang bansang Asyano sa kasalukyan,
mahalaga pa rin na ipahayag nila ang damdaming nasyonalismo.
Makatutulong ito sa pag-unlad ng bansa at maayos na ugnayan
ng mamamayan.
Bilang isang mag-aaral, sumulat ng panata kung paano
maipamamalas ang nasyonalismo upang maisulong ang
kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas. Gawin
ito sa malinis na papel.
Ang Aking Pagkabata
Ako si _____________________________________ ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

___________________________ Nilagdaan sa harap ni


Pangalan at Lagda sa Ibabaw
________________________
Tagapayo
Inihanda ni:

ANAGEN MANREAL – FERNANDEZ


MEM Student

Credits to:
Pictures – www. google.com
Videos – www. youtube.com
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan
Modyul para sa mag-aaral
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan
Araling Panlipunan
Ikalawang Taon

You might also like