You are on page 1of 2

ASIGNATURA Araling Panlipunan Baitang 5

MARKAHAN Una Pangkat


PAMANTAYAN SA Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa CODE AP5PLP1a-1
PAGKATUTO mundo gamit ang mapa batay sa “absolute
location” nito (longitude at latitude)
Tiyak na Lokasyon o “Absolute Location” ng Pilipinas

ANG GLOBO AT ANG MAPA

Kung titingnan ang globo at ang mapa, mapapansin na may mga guhit ito.Sadyang inilagay ang
mga guhit na ito upang higit na maunawaan ang mundo na siyang kinakatawan nito.

Ang mga guhit na ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Hindi makikita ang mga guhit
na ito sa mundo.

EKWADOR

Nakikita mo ba ang guhit na tila humahati sag globo? Ito ang Ekwador. Pabilog na guhit
ito sa pinakagitnang bahagi ng globo. Hinahati nito ang globo sa dalawang hatingglobo. Ang
Hilagang Hatingglobo at Hatingglobo.

Ang mga guhit latitud na nasa hilaga ng Ekwador ay tinatawag na hilagang latitud. Timog latitud
naman ang guhit latitude na nasa timog ng Ekwador

Meridian

Ang meridian ay ang patayong lilhang isip naguhit sag lobo. Nakaguhit ito paikot mula
hilaga patimog ng globo.

PRIME MERIDIAN

Ang guhit na patayo na may bilang na zero digri (°) ay tinatawag na Prime Meridian. Ito
ang nag-uugnay sa dalawang polo (Hilaga at Timog) at naglalagos sa Greenwich, England.

Sa Prime Meridian ay naghahati sag lobo sa Silangan at Kanlurang Hatingglobo. Ang


nagsasaklaw sa gawing kanan ng Prime Meridian hanggang sa International Dateline ay ang
Silangang Hatingglobo. Sa kabilang panig naman, sa kaliwa ng Prime Meridian hanggang sa
International Date Line, ang Kanlurang Hatingglobo.

Parallel
Ang parallel ay ang pahigang likhang-isip na guhit sag lobo. Nakaguhit ito paikot mula
silangan pakanluran ng globo

Pagtukoy ng ng Tiyak na Lokasyon o “Absolute Location” ng Pilipinas


Ginagamit ang mga likhang isip na guhit sag lobo upang hatiin ang bundo sa mga
bahagi. Sa pagtatagpo ng meridian at parallel, nabubuo ang tinatawag na grid. Ang grid ay ang
kwadradong espasyo sag lobo. Gamit ito sa pagtukoy ng anu mang lugar sa ibabaw ng mundo.

Ang gayong lokasyon ay naipapahayag sa pamamagitan ng longitude at latitude. Ang


longitude ang angular na distansya pasilangan o pakanluran mula sa Prime Meridian. Ang
latitude naman ang angular na distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador.

Gawin Mo

A. Pagtambalin ang hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. modelo ng mundo A. Longtitud
2. mga linyang patayo na guhit sa globo B. Parallel
3. angular na distansya pahilaga o patimog C. Ekwador
4. mga pahigang likhang isip na guhit sa globo D. Globo
5. mga distansyabg pasilangan o pakanluran E. Meridian
mula sa globo F. Latitude

B. Gamit ang mapa sa ibaba. Tukuyin ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa mundo.

Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa mundo ay ________________________________

You might also like