You are on page 1of 6

State Universities and Colleges

GUIMARAS STATE COLLEGE


Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Filipino 302 – Linggwistikang Palarawan

JANET A. CABAGSICAN GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


TAGA-ULAT PROPESORA

I.Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng pag-uulat na ito, ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababatid ang ugnayan ng ‘wika at dalubwika’ at ng ‘wika at kultura’.
2. Nabibigyang halaga ang gamit ng wika at maging ng kultura.
3. Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa gamit ng wika at kahalagahan ng kultura
sa lipunan.
II. Introduksyon
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at kaisipan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting
relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.

III. Nilalaman

Ang Wika at ang Dalubwika

-Hindi kukulangin sa 5,000 ang lahat ng wikang sinasalita sa buong daigdig--- 5,000
iba’t ibang wika.
- Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito, lahat naman ay masasabing may
pagkakatulad sa kadahilanang lahat ay binibigkas at lahat ay binubuo ng mga tunog.
-Subalit, sinasabing walang tunog na unibersal.
Ang ibig sabihin, ang (t), halimbawa, sa lahat ng wikang mayroon nito, ay tiyak
na may pagkakaiba, kung susuriing mabuti, sa uri o sa paraan ng pagbigkas.
-Bawat wika ay may kani-kaniyang balangkas ng mga tunog.

Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit sa


pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Sa wika
ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, takot, galit, pag-ibig- ang halot lahat
-lahat na sa kanyang buhay.

Dalubwika o Linggwista - tawag sa taong dalubhasa sa wika.


Agham-wika o Linggwistika - tawag sa makaagham na paraan ng pagtuturo ng
wika.
-hindi na kailangang matutunan pa ng isang dalubwika ang wikang kanyang
susuriin.
-hindi rin kailangang maraming sinasalitang wika ang isang tao upang siya'y
matawag na dalubwika

Bakit siya tinatawag na isang dalubwika???


 Sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan
hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika. Tulad lamang siya ng isang
manggagamot na hindi na kailangang magkasakit ng tulad ng sakit ng taong
kanyang ginagamot o sinusuri.

Polyglot- tawag sa isang taong maraming nalalamang wika.


 Ang polyglot, kung hindi nagpapakadalubhasa sa wika, ay hindi tinatawag na
dalubwika o linggwista.

Gawain ng isang dalubwika


 inoobserbahan nila ang wika
 kinaklasipika at gumagawa ng mga alituntuning bunga ng kanilang
isinagawang pagsusuri
 may mga dalubwikang isa-isang sinusuri ang mga wika; ang iba naman ay
dalubhasa sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa wika.

Palatunugan - tawag sa set ng mga tunog ng isang wika at kung papaanong


pinagsama-sama ang nasabing set ng mga tunog.
 bukod sa sistema ng pagkakabuo ng mga salita at balangkas ng mga
pangungusap, pinag-aaralan din ng mga dalubwika ang palatunugan ng isang
wika.
 Ang alinmang tunog ng isang wika kung nag-iisa, ay walang kahulugan.
Nagkakaroon lamang ito ng katuturan kung napapasama sa ibang tunog ng wika
upang bumuo ng salita.
 Ang isang salita ay balangkas lamang ng mga tunog. May mga balangkas ng
mga tunog na matatagpuan sa isang wika ngunit hindi matatagpuan sa iba. Ang
balangkas na “kpl” ay wala sa Pilipino, gayundin sa Ingles. Ngunit sa Ingles ay
may “spl” na wala sa Pilipino. Gayundin, may mga salita sa Pilipino na
nagsisimula sa /ng/ ngunit sa Ingles ay wala.

Ang Wika at ang Kultura


Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o
pamayanan, ay may sariling kultura. Ang totoo, ang tao ay hayop din kundi lamang
dahil sa kanyang nalinang na wika at kultura na tanda ng kanyang pag-aangkin ng higit
na mataas na uri ng talino kaysa alinmang hayop sa daigdig.

Kultura- sa payak na kahulugan ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala, at


kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.
Ang bawat pangkat ng mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng isang
wikang angkop sa kanilang pangangailangan.
Sa wikang ito masasalamin ang mga mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at
kaugalian ng mga mamamayan.
Ang kultura at wika, ng isang pamayanan ay dalawang bagay na hindi
maaaring paghiwalayin.
 Alalaong baga, masasabing may wika sapagkat may kultura, sapagkat kung
walang kultura ay saan gagamitin ang wika?
 Ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Ang
isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ay magagamit din ngunit ito'y
hindi magiging kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook.

Ang bansang Pilipinas ay kung ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Pinilit ng
mga Kastila na pairalin ang kanilang sariling wika upang siyang gamitin ng mga
“Indios” na may ibang kultura.
 Indio o Indyo, dating katawagan ng mga Kastila sa mga katutubong Malay
ng Pilipina.

Subalit hindi iyon sapat upang mabisang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang
Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa. Nang
masakop naman ng Amerika sa Pilipinas ay ang wikang Ingles naman ang pinairal ng
mga mananakop na mga Amerikano.
Hanggang ngayon, kahit tayo'y malaya ay nananatili pa rin ang wikang Ingles sa ating
bansa sapagkat nagagamit ito ng mga Pilipinong tulay sa pakikipag-ugnayang panlabas
at sa pagdukal ng karunungan.
Sapagkat ang Edukasyon ng mga Pilipino ay sa pamamagitan ng Wikang Ingles
natatamo, hindi kataka-taka kung Ingles na rin ang maging wika ng batas, ng
pamahalaan, ng komersyo at industriya.
Ang mga Pilipino ay may kulturang kaiba sa kultura ng mga Amerikano. Sa ating
sariling kultura ay nakatanim at kusang nag-uusbong ang isang wikang likas na atin.
Ang Wikang Ingles, bagama't di-maikakaila ng sinumang naka-uunawang Pilipino, na sa
kasalukuyan ay tinatangkilik ng nakatataas na bahagi ng lipunan, ay isang wikang
sapagkat hango sa ibang kultura ay hindi magiging higit na mabisang kasangkapan ng
masang Pilipino sa kanilang pakikipag-ugnayang lokal.

Masasabi nating walang wikang superyor sa ibang wika.


Amerikano- Ingles Intsik- Mandarin
Pilipinas- Filipino Hapon- Niponggo
 Alinmang wika ay may kinaaangkupang partikular na kultura.
 Hindi maipipilit ng mga Pranses na ang kanilang wika ay higit na mabisa
kaysa wikang Ingles. Gayundin naman, hindi masasabi ng mga Amerikano na
ang wikang Ingles ay higit na mabisa kaysa wikang Pilipino. Higit na mabisa
lang ito kung ang gagamit ay Amerikano at ang kinakausap ay kapwa
Amerikano; higit na mabisa ang Pilipino ( o alin mang wika sa Pilipinas na
kanyang kinagisnan) kung ang gagamit ay Pilipino at nag kinakausap ay
kapwa Pilipino sapagkat ang wikang Pilipino ay nakatanim, tumutubo,
at yumayabong sa kulturang Pilipino.
 Anupa’t lahat ng bagay tungkol sa kultura ay maipapahayag sa pamamagitan
ng wikang kabuhol nito.
Sa kultura ng mga Eskimo, halimbawa, ay nangangailangan ng apatnapung
iba’t ibang katawagan sa iba’t ibang kalagayan ng nyebe (snow). Hindi
maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo para sa iba’t
ibang kalagayan ng nyebe upang sila’y magkaintindihang mabuti. Sa kabilang
dako, hindi rin naman angkop na gamitin ng mga Pilipino ang apatnapung
katawagan sa nyebe sapagkat wala namang nyebe rito sa ating bansa na
tulad ng nasa Alaska.

Samakatwid, ang wika ay isang natatanging balangkas ng pinili at isinaayos na


set ng mga salitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-
ugnayan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.

IV. Konklusion
Sa kabuuan, ang Epiko ay nagtataglay ng mga katangian at kahalagahan na
naglalayong maipakilala ang iba’t-ibang kultura ng bawat pangkat ng ating bansa
upang mas maunawaan pa natin na tayo ay may malawak at mayaman na
kulturang pinagmulan.

V. Ebalwasyon
Pagsusulit
1. Magbigay ng dalawang katangian ng Epiko at ipaliwanag ito. (5 na puntos)
2. Sa iyong palagay bakit kailangan na pahalagahan ang Epiko ng ating bansa?
(5 na puntos)
VI. Sanggunian
https://brainly.ph/question/477120

You might also like