You are on page 1of 4

Life, Works and Writings of Rizal

RIZAL LECTURE 9 – PANTAYONG PANANAW NI ZEUS SALAZAR

DALOY NG LEKTURA
I. Kaligiran ng May-akda (akademiko, propesyunal, piling akda, at iba pang mga impormasyon)
II. Kahulugan at ilang Katangian ng Pantayong Pananaw
III. Kontekstong Indehinisasyon na Kinapalolooban ng Pantayo
IV. Apat na Lenteng Pangkasaysayan kung saan Nabibilang ang Pantayo
V. Isa sa mga Pangunahing Mahalagang Ideya ng Pantayo: Dambuhalang Pagkakahating
Pangkalinangan
VI. Mga Patunay ng Pagiging Ispesipiko ng Wika
VII. Pagpipinta sa Larawan ni Rizal
VIII. Mga Kritika

I. Kaligiran ng May-akda
A. Edukasyon
1. BA History (summa cum laude), UP
2. Licence in Prehistoric Archaeology, General Linguistics, Ethnology, History of Religions
3. Diploma in Lengue et Civilisation Malaises, Lengue et Civilisation Francaises
4. Ecole Nationale des Langues Orientales Vivantes (Universitet de Paris), Freie Universitat Berlin
(Germany), Universiteit te Leiden (Olandes)
5. Museology, Museum of Man (Paris)
6. Docteur en Ethnologie, Sorbonne, Universite de Paris
B. Propesyon
1. Retiradong Propesor, UP, DLSU
2. Tagapangulo, UP Kagawaran ng Kasaysayan (1989-1991)
3. Dekano, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (1991-1994)
4. Panauhing Propesor, Universitat Bremen at Universitat Koln (Germany), Ecole des Hautes Etudes
en Sciences Sociales (France), Australia National University (Canverra), InterUniversity Center for
Post Graduate Studies, Dubrovnik (Yugoslavia)
C. Publikasyon
1. The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu
2. The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture
3. Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya
4. Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon
5. Salin ng Manifesto ng Partido Komunista
6. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan
D. Iba pang Impormasyon
1. Tagapagtatag, Diliman Commune
2. Ghost Writer, Tadhana: The History of the Filipino People
3. Isang dekadang nag-aral sa Europa
4. Nakakapagsulat at nakakapagsalita sa wikang Filipino, Bikolano, Ingles, Espanyol, Pranses,
Aleman, Italyano, Ruso, Malayo
Life, Works and Writings of Rizal

5. Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at Bagong Kasaysayan (BAKAS)


6. Tinawag na Bathala
7. Dissertation (1968) - The concept of anitu in Austronesian world: comparative studies of ethnic
religions of Austronesians
8. Ginawaran ng dalawang festschrift: Pantayong Pananaw: Pag-unlad ng Talastasan, Pagbubunyi
kay Zeus Salazar, at Towards a Filipino History: Festschrift in Honor of Zeus Salazar
II. Pantayong Pananaw
A. School of thought sa kasaysayan
B. Unlaping “pan” + pandiwang “tayo”
C. Pag-aaral ng kasaysayan sa maka-Pilipinong paraan
D. Mito ng obhektibong kasaysayan (cf. pamimili ng paksa, pag-oorganisa, pag-iinterpreta)
E. Pag-aaral ng kasaysayan para sa bayan (cf. Constantino at Guillermo
F. Kasaysayan - salaysay na may saysay
G. Talastasang bayan (talas, talastas, talastasan)
H. Paggamit ng sariling wika
I. Diin sa kultural na usapin
III. Napakaloob sa Balangkas ng Indehinisasyon
A. Pagsasa-Pilipino/Pagpopook/Pagsasakonteksto/Kontekstuwalisasyon/Akulturasyon/Apropriyasyon
B. Sagot sa bunga ng kolonyalismo sa akademya
C. Indehinisasyon sa UP, Agham Panlipunan
Zeus Salazar (Pantayong Pananaw), Virgilio Enriquez (Sikolohiyang Pilipino) at Prospero Covar
(Pilipinolohiya)
IV. Apat na Lenteng Pangkasaysayan

MGA NAGSASALITA KINAKAUSAP PINAG- WIKANG HALIMBAWA


PANANAW UUSAPAN GINAGAMIT
Pansilang Katutubo Katutubo Banyaga Katutubo Pilipinong Propesor na nagtuturo
Pananaw sa Pilipinas ng kasaysayan ng
bansang Estados Unidos sa
wikang Pilipino
Pangkayong Katutubo Banyaga Banyaga Banyaga Pilipinong Propesor na nagtuturo
Pananaw sa Estados Unidos ukol sa
kasaysayan ng bansang Estados
Unidos sa wikang Ingles
Pangkaming Katutubo Banyaga Katutubo Banyaga Pilipinong Propesor na nagtuturo
Pananaw sa Estados Unidos ukol sa
kasaysayan ng bansang Pilipinas
sa wikang Ingles
Pantayong Katutubo Katutubo Katutubo Katutubo Pilipinong Propesor na nagtuturo
Pananaw sa Pilipinas ukol sa kasaysayan ng
bansang Pilipinas sa wikang
Pilipino
Life, Works and Writings of Rizal

V. Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan


A. Historia vs. Kasaysayan
B. Taal vs. Banyaga
C. “Cultural Marxism”
D. Elitista/Akulturado/Ladino/Maka-Kanluran/Napasa-kanluran/Banyaga/Inglesero laban sa E.
Katutubo/Taal/Pilipino/Bayan
E. Bayan = Mga nasakop na nanatiling Pilipino ang wika at kamalayan (Katipunan) + Mga hindi
nasakop (Muslim at Lumad)
F. Ingles vs. Filipino
G. Heroe vs. Bayani (pangangayaw, pagbabalik)
H. Rebolusyon vs. Himagsikan (Enlightenment vs Filipino)
I. Independencia vs. Kalayaan (Political vs. Economic)
J. Ilustrado vs. Katipunero
K. Nasyonalista vs. Makabayan
L. Nasyon vs. Bayan
M. Kristiyanismo vs. Babaylanismo
VI. Mga Argumento sa Pagiging Espesipiko ng Wika (o kung bakit ang wika ay nakaugnay sa kultural na
identidad ng mga taong nagsasalita nito)
A. Konsepto ng “Pagka” (Being)
B. Pagiging “flexible” ng wikang Pilipino: paggamit ng “nag” bilang patunay (nagbasketball, nag-
anime, nag-kdrama, naglandi)
C. Palay-Bigas-Kanin
D. “Bigyan niyo po kami ng aming kakanin”
E. I love you vs. Mahal kita
F. Mga salitang tumutukoy sa mga extended family members (salin sa Filipino at Ingles; kadalasang
gamitin sa lipunang Pilipino ng “ate,” “kuya,” “nay,” “tay,” “lolo” “lola”)
G. Utang na loob vs. Gratitude
H. Bahala na vs. Come what may
I. “Si Bathala” vs. “Ang Diyos”
J. Paulit ulit na salitang “Ano”
K. Ari-arian vs. Property
L. Kasarian (siya vs. he/she, anak vs. son/daughter; kasarian sa wikang Espanyol: la mesa, el niño, la
niña, el rio, la patria, el señor, la señora)
I. Kapag wala sa wika ay wala rin sa kamalayan: kompyuter, basketbulan
J. Sa Ingles ay walang salitang saktong katumbas ng “bayanihan,” na nagpapakita ng ideya ng
pagtutulung-tulungan ng mga pinagsama-samang bayani.
VII. Pagpipinta sa Larawan ni Rizal
A. Si Rizal ang nagpasimula ng pangkaming pananaw sa pagsusulat ng kasaysayan (anotasyon sa
Sucesos)
B. Isang akulturado, i.e., napasakanluran
C. Nasa linya ng mga ladino, ilustrado at mga pencionado
D. May cultural schizophrenia o krisis ng kakanyahan
Life, Works and Writings of Rizal

E. Siya ay isang heroe (lumalaban mag-isa, nakahiwalay sa bayan, kailangan mamatay, madrama),
hindi bayani (kasama ang bayan na lumalaban, maaaring buhay pa, nakapagbibigay ng ginhawa sa
bayan).
F. Isang elitista sapagkat banyaga ang wika at kamalayan
G. Siya ang sinusuportahan sa Europa, hindi bayani
H. Estatwang nakaharap sa kanluran
I. Estatwang nakahiwalay sa masa (Luneta; cf. Tore de Manila; cf. sakto ang pangalan ng dating
estatwa na Motto Stella o Guiding Star dahil para siyang bituwing napakataas at hindi maabot,
nakahiwalay sa tao), di tulad ng mga estatwa ni Bonifacio na maraming kasama at malapit sa
komunidad (ang una’y malapit sa Monumento Station, Caloocan at ikalawa’y sa Manila City Hall)

Maaaring ipaliwanag sa mga kontemporaryong mag-aaral ang pinagkaiba ng "Heroe" at "Bayani"


(alinsunod sa Pantayong Pananaw ni dok Zeus) sa pamamagitan ng Dota2 o LOL bilang
ilustrasyon (dahil ito ang lengguwaheng alam ng mga kabataan, lalo ng mga lalake). Sa Dota o
LOL, ang Heroe ay yung mga nagsosolo. Yung tipong clash na, farmville parin sila. Tapos pag
walang kasama, tsaka sila lulusob mag-isa sa lima, partida sa tore pa. Ang mahalaga lang sa kanila
ay makarami ng kill. Sa konteksto kapwa ng Pantayo at MOBA, ang lumulusob mag-isa ay hindi
bayani; ang lumulusob mag-isa ay bobo at kailangang trashtalkin. Sa kabaliktaran, ang Bayani ay
yung hindi humihiwalay sa mga kakampi. Pag clash ay laging present. Maayos ang
pakikipagteamwork dahil ang pinapahalagahan ay hindi ang sariling score kundi ang manalo ang
buong grupo. Bayanihan ika nga sating kultura. Sa balangkas ng Pantayo, ang halimbawa ng
Heroe ay si Rizal habang ang Bayani naman ay si Bonifacio.

VIII. Kritika
A. Panay “wordplay”
B. Nagiging dogmatiko na
C. Nakalutang ang mga konsepto at walang malalim na etnograpikal na salalayan (Quibuyen)
D. Mahilig sa dikotomiya (e.g. nacion vs. bayan)
E. Nativistic (na tila ang kultura ay stagnant at hindi dynamic)
F. “Hateful nationalists”
G. Subhektiko
H. Maging ang wikang Filipino ay watak-watak (e.g. wika ng mga intelektuwal vs. wika ng masa)
I. Maging ang wikang Filipino ng akademya ay iba sa wikang Filipino ng masa
J. Makipot at nakakalito ang kahulugan ng bayan (paano ang mga nakapag-aral sa ibang bansa na iba
ang wika ngunit mahal ang bayan?) - Ramon Guillermo

You might also like