You are on page 1of 5

ARALIN II: ISYUNG PANGWIKA

UNA
Ang napapagkaisahang pasya sa 1934 Kumbensiyong Konstitutional na pumili ng isang
katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa .
Ayon kay Felipe R. Jose, Agosto 13, 1934, tagalog na ang liyamadong katutubong wika
ngunit sinalungat ito ng mga delegadong nagnanais na wika nila ang maiproklama.
Pangunahing naging kalaban ng mga tagalista ang mga delegadong nagpasok ng Sebwano
at Ilokano.

IKALAWA
Ang paglapastangang ginawa ni Gng. Arroyo sa Wikang Filipino. Executive Oder Blg. 210
Establishing the Policy to Strengthen the Use of English as a Second Language in the System
of Education” ito ay kinwestiyon ng Korte Suprema noong Abril 27, 2007

Isinasaad ng EO 210
…ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat ng antas ng Sistema ng
edukasyon, simula sa unang baitang.
… ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa asignaturang English, Math at
science hanggang sa ikatlong baitang.
… ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng
institusyong pampubliko sa antas sekundarya.
….at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang ng oras na ilalaan sa mga
asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng
kabuoang oras na inilaan sa lahat ng larangan ng pagkatuto ( learning areas)
… ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng pagtuturo sa asignaturang Filipino at
Araling Panlipunan.
IKATLO
Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino,
Panitikan at Philippine Government and Constitution bilang mga asignatura sa kolehiyo.
(Basahin ang CHED Memo No. 20, s. 2013)

ARALIN 3: KONSEPTONG PANGWIKA

ANG PAPEL NG WIKANG PAMBANSA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA NG WIKA SA


BANSA
Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga
linggwista ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba ng wika (Sausure 1916) at hindi
kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika (Bloomfield, 1918. Maaaring
ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono at uri at anyo nito.

Uri ng varayti ng wika ayon kay Clafford (1965)


1. Permanente- Para sa mga tagapagsalita/ tagabasa
Hal. Diyalekto at Idyolek .
2. Pansamantala- Nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon.
a. Register-Kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa
oras ng pagpapahayag
b. Estilo- Kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.
c. Mode- Kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o
pasulat.
 Sa pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa
pamamagitan ng;
a. Mga taong bumubuo nito
b. Pakikipagkomunikasyon
c. Interaksyon ng mga tao
d. Sa mga katangian ng pananalita ng mga tao
e. Sa sosyal na katangian ng mga tao.

ANTAS O LEBEL
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng taobatay sa kanyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan,lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.Ang
wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mgasumusunod:

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ngmga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran / ginagamit salansangan.
2. Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa
lipunan. Ang mga ganitong salita ay naturalna phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang
mapabilis ang daloyng komunikasyon.
3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
4. Pambansa- salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na
natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang
itoginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rinang wikang ginagamit sa
paarala at sa pamahalaan.
5. Pampanitikan-ito ang antas na may pinakamayamanguri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga
salitang may ibapang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibangtono, tema, at punto ay
ginagamit sa pampanitikan.

MGA TEORYA AT PANANAW NG VARAYTI NG WIKA

1. Teoryang Sosyolinggwistiko, sa palagay ang wika ay panlipunan at ang speech ay


pang-indibidwal. Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita ,
nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat, gayundin makikita ang
paghahalo-halo ng varayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang paraan. Ang wika ay
isang kasangkapan ng sosyalisasyon na ang relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala
ito. (Sapir 1949)

a. Code Switching o palit koda kung ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba’t ibang
varayti ayon sa sitwasyon o okasyon.
Haliimbawa : Usapan ng mga kabataan na nag-aaral sa kolehiyo
“ it’s so hard naman to make pila pila here”
“ hoy, nagets mo ba sabi ko sa text ko?”
“ Oh, how sungit naman our teacher in Filipino”
b. Paghihiram (lexical borrowing) sa paraang ito , ang isang salita o higit pa ay hinihiram
dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita.
Hal. Hamburger, pizza, CD, Internet, World Wide Web

2. Teoryang Akomodasyon, kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral/ pagkatuto ng


panagalawang wika sa linguistic convergence at linggwistic divergence. Nakapokus ito sa
taong kasangkot sa sitwasyong pangwika. (Howard Giles (1982)

a. LINGGWISTIC CONVERGENCE (tagpo) kung ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao,


nagkaroon ng tendensya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-
halaga ang pakikiisa, pakikipaglagayang loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa
pagiging kabilang sa grupo.
b. LINGGWISTIC DIVERGENCE (pagkakalayo) kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa
kausap para ipakita o iphayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling
identidad.

HOMOGENEOUS AT HETEROGENEOUS NA WIKA

Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit


nito. (Paz, et.al.2003).

Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan


ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng
magkakaibang kontent o element heteros – nangangahulugang  magkaiba  samantalang
ang genos – nangangahulugang uri o  lahi.

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-ba ng mga indibidwal at grupo,


maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

1. Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng
wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito
ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o
maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang neyographical.

Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)


                    pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

2. Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan  o istilo sa pagsasalita.


Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang
pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa). Ito rin ang Individwal na estilo ng
paggamit ng isang tao sa kanyang wika.

Halimbawa: Tagalog – Bakit?


                    Batangas – Bakit ga?
                    Bataan – Bakit ah?
                    Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang magkakatugma
                    Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan
                    Ang idyolek ni Kris Aquino -  Aha!, ha, ha… okey! Darla!

3. Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o


nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan.
Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga
pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may
kinalaman din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita.

Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang  crush ko!      
                    Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib! (estudyante)
                    Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na 
                    naman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda)

Iba’t Ibang Sosyolek

a. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla.  Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begalou
                               para sa malaki, Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli.

b.  Coňo - tinatawag ding coň otic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles
na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong
ginagamitan ng pandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino.  Minsan kinakabitan pa
ito ng ingklitik na pa, na, lang at iba pa.

Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make
                               pila  pa…It’s so  haba na naman for sure.

c.  Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa


Hapon na pokemon.  Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang
malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar
sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z.

Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo?
                    aQcKuHh iT2h - Ako ito
                                iMiszqcHyuH - I miss you

4.  Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang
propesyon, artikula na trabaho, o  gawain ng tao.

Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant


                    guro – lesson plan, class record, Form 138

5. Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo.  Ang salitang
ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan
                     Bulanon – full moon
                     Kalipay – tuwa o ligaya
                     Palangga – mahal o minamahal
                     Shuwa – dalawa
                     Sadshak – kaligayahan
                     Peshen – Preshen
6. Register – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.  Nagagamit ng nagsasaita ang pormal na
tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala. Pagkakaroon ng pagbabago
ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa
sino ang nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at
sa panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
Halimbawa:
Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat
ng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.Paggamit ng di pormal na wika sa
pagsulat ng komiks, talaarawan at liham pangkaibigan o di pormal na paraan ng
pagsasalita kung ang kausap ay    kaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o kasing-edad
7. Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.
Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga
gumagamit nito.

Halimbawa: Mamita
                    Lolagets
                    Papsy
            
8. Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native
Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng
dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil
hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil
dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika.

Halimbawa: Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga nakabuo sila ng wikang   
                    pinaghalong Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga.
                                                                                      
9. Creole - ay isang  wika na unang  naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized) na ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin.  Nagamit ito sa mahabang
panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan.

Halimbawa:  ang wikang Chavacano

You might also like