You are on page 1of 1

MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

May dalawang ayos ng pangungusap: karaniwan o tuwid at di – karaniwan o baliktad na ayos.

A. Karaniwan o tuwid na ayos

 Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito kaysa sa simuno sa pagbubuo ng isang
pangungusap. Ito ang kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang gawain.

Halimbawa:

1. Itinapon ni Melody ang mga luma niyang damit.


2. Nakagat ng aso si Majo.
3. Binili na ni Marc ang natitirang kakanin.
4. Ginutom si Eruel sa kahihintay.
5. Papunta sina Shelly at Mae sa palengke.

B. Di-karaniwan o baliktad na ayos

 Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno kaysa sa panaguri. Ang panandang
“ay” ang kadalasang nagdurugtong sa dalawang bahagi sa isang pangungusap.

Halimbawa:

1. Si Alex ay nahuli sa klase.


2. Ang mga mag-aaral ay papunta sa silid-aklatan.
3. Sina Ranz at Floyd ay magkaibigan.
4. Ang mag-anak ay nagsisimba tuwing linggo.
5. Sina Romeo at Cristina ay kinalmot ng pusa.

You might also like