You are on page 1of 5

PANGATNIG

Mga miyembro:
FERNANDO, Gabriel
JOSE, Ian Paolo
MICLAT, Enrique
ALISACA, Gabriel
DELA CRUZ, John Audrey

Kahulugan ng Pangatnig
 Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay,
parirala o pangungusap.
 Nagpapakita din ito ng pagbubukod, pagsasalungat o paglilinaw.

Mga Uri ng Pangatnig


 Pamukod
 Pandagdag
 Pananhi
 Panubali
 Panlinaw

Paggamit ng Pamukod
 Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag
nilalagyan ng mga katagang ni, o, at maging.

Halimbawa:
1.) Ni sumagot ni sumuway ay hindi nagawa ni Ian sa kanyang magulang.
2.) Ibibigay mo ba kay Paulo ito o itatapon mo nalang?
3.) Ayos lang sa akin maging si Jose ang manalo sa patimpalak na ito.

Paggamit ng Pandagdag
 Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang
at, saka, at pati.

Halimbawa:
1.) Ibibigay ko lang ito at magpapasalamat sa’yo.
2.) Niregaluhan si John ng sapatos saka ng relo.
3.) Isinauli ni Audrey ang mga nakaw na pera pati ang mga alahas.

Paggamit ng Pananhi
 Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran at kung
sumasagot sa tanong na bakit. Ang mga kataga nito ay sapagkat, palibhasa,
pagkat, kasi.

Halimbawa:
1.) Hindi na tumuloy si Enrique sapagkat sya ay natatakot.
2.) Hindi maka sagot si Gabriel palibhasa may kasalanan din ito.
3.) Mataas ang aking grado kasi nag-aral ako ng mabuti.

Paggamit ng Panubali
 Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang
ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at sakali.

Halimbawa:
1.) Kapag hindi kayo dumalo sa aking kaarawan, hindi ko kayo mga tunay na
kaibigan.
2.) Sana mawala na ang sakit na ito.
3.) Hindi ka makakakain sa panahon ng tag-ulan kung hindi ka
maghahanda.

Paggamit ng Panlinaw
 Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag.
Ang mga katagang ginagamit ay: anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita
at kung gayon.

Halimbawa:
1.) Malakas ang ulan kaya hindi natuloy ang handaan aa bahay.
2.) Nagtapat sya ng kanyang nararamdaman kaya labis itong natuwa.
3.) Nagalit ang kanyang ama ng ito ay humingi ng permiso, sa madaling salita,
hindi sya pinayagan.
Sanggunian:
• https://philnews.ph/2020/01/08/pangatnig-ano-ang-mga-uri-at-mga-halimbawa-
nito/
• https://www.slideshare.net/mobile/rhichpraxides/pangatnig-26422813
FERNANDO, Gabriel H.
BSA I-D

Bilang isang estudyanteng pilipino, mahalaga para sa akin ang pagkakaroon ng


kaalaman sa asignaturang filipino sa kadahilanang, mas mainam kung may kahulugan
ang iyong pagka-pilipino at mas kilala mo ang iyong pagkakakilanlan. Matatandaang
nagbigay ng panukala ang Department of Education na idagdag ang Korean Language
bilang isa sa mga asignature ng mga mag-aaral ng highschool sa Pilipinas. Bagamat
hindi binalak na palitan ang asignaturang filipino at nais lamang idagdag ang mga
banyagang wika sa programang Special Program in Foreign Language o SPFL,
maituturing ko itong hadlang sa pagkakaroon ng mas malalim pang kaalaman at
kakilanlan sa ating sariling lengguahe ng mga estudyanteng pilipino. Sa aking
karanasan sa asignaturang filipino, mas nadagdagan ang aking kaalaman sa pag gamit
ko ng Filipino at mayroon akong natutunang mga bagong pamamaraan sa pagsulat at
pag bigkas, tulad ng mga gitling na nagsisilbi bilang mga indikasyon kung papaano
banggitin ang mga salita, ang ulo ni oscar na ipinapakita kung papaano lumalabas ang
mga salita sa atin at kung ano-ano ang mga silbi nito. Mga diin sa mga bawat salita na
nagiiba-iba ang kahulugan sa kung saang parte ito didiinan, tamang pag gamit ng mga
bantas, mga tao sa likod ng panitikan at marami pang mga impprtanteng leksyon. Hindi
na ganoon ka tutok ang mga Pilipino sa pag gamit ng lengguaheng Filipino, kaya
naman sa aking pananaw, mas magandang matutunan pa natin ito ng maigi at mas
bigyang pansin ito na sariling atin bago ang pasukin ang interes sa pagkatuto ng mga
ibang lengguahe bilang isang mamamayan ng Pilipinas.

MICLAT, Enrique
BSA I-D

Ang natutunan ko sa Lahat na naituro ni ma'am azil ay kung paano mag bigkas
ng tamang letra una yung manga tamang isusalat sa manga pangungusap dahil kahit
magka tunog ang manga to ay mag kaiba parin ang letra at nalaman kurin na ang
manga ibat ibang salita na binibigkas natin ay may manga meaning o salita marahil di
natin kaagad mahihintindihan pero kapag pinag arala mo ito kaagad mong
mahihintindihan

Ang manga bawat salita na binibigkas natin ay may manga kaylangang


Hintindihin at dapat itong gamitin sa manga mahahalagang Salita na ating bibigkasin.

At ikalawang natutunan ko kung paanong tamang pag gamit ng manga Tunog na


kunware ay paulit ulit at kung may gitling ba ito o may salung guhit ba ito o may kuwit.
dilang basta basta ginagamit ang manga ito dahil Tulad ng Salitang NANG O NG ay
nakakalito pero dahil sa naituro ng aming guro nalaman ko ang bawat bigkas nito at
kung saan lang ito pweding gamitin.

At ang pinaka nagustuhan ko sa lesson ay ang Pag–aaral sa bawat salita na


magka tunog tulad ng manga iba’t ibang bansa na katunog ang satin tulad ng iniwan ng
manga espanya na salita saatin a tumatak na. at isa pa dito ang manga magkaiba tulad
ng Fiesta at Pista magkaiba peri magka tanog.

You might also like