You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Graduate Studies
Morong, Rizal

FIL 213 – STRUCTURE OF FILIPINO LANGUAGE


First Semester 2021-2022

PAMANAHONG PAPEL
PAKSA: Mga Kayarian at Uri

HARLENE T. ARABIA
MAT I – FIL I
Propesor: DR. RODERIC URGELLES
I. PANIMULA

Ayon sa Batas Republika Blg. 10533 Sek. 7. Pagtuturo at Pagsasanay sa


mga Guro. – Upang matiyak na natutugunan ng programa sa pinabuting batayang
edukasyon ang mga kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong
pampaaralan, magsasagawa ang DepED at CHED ng mga programa para sa
pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na
katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at mga samahang di-
pampamahalaan.

Pinatutunayan lamang nito na isang mahalagang gampanin ng guro ang


paunlarin ang kanyang sariling kagalingan. Bahagi nito ang pag-aaral ng mga paksa
sa FIL 213 – Istruktura ng Wikang Filipino.

II. LAYUNIN

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay ipaliwanag ang paksa at isa-


isahin ang mga uri at kayarian nito.

III. TALAKAY

Bakit PAKSA hindi SIMUNO?

Higit na tinataglay ng salitang paksa ang tunay na kahulugan ng bahagi ng


pangungusap na kinakatawan nito. Maging sa labas man ng balarila, ang tinatawag
na paksa ay yaong pinag-uusapan. Dito umunog ang lahat ng sinasabi ng
nagsasalita. Ang paksa ay siyang tema ng anumang usapan, maging maliitan man o
malakihang pag-uusap.

Sa pananaw-pansemantika, masasabi nating sa maraming-maraming


pagkakataon, ang tinatawag na “subject” sa mga pangungusap na Ingles ay may
kahulugang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Sa pangungusap na I cut
the wood, ang simunong I ay siyang gumaganap ng kilos sa pandiwang cut. Ang
angkop na salin ng pangungusap na ito sa Pilipino ay Sinibak ko ang kahoy. Sa
pangungusap na ito, ang paksa ay ang kahoy; ang ko, na siyang tagaganap ng kilos
ng pandiwa, ay bahagi lamang ng panaguri. Maaaring maitutol na ang pangungusap
sa Ingles sa itaas ay maaaring tumbasan ng Nagsibak ako ng kahoy, at dito ang
simunong ako ay tagaganap ng kilos ng pandiwa. Ngunit ang pangungusap na ito,
Nagsibak ako ng kahoy, ay hindi angkop na salin ng pangungusap sa Ingles na
tinatalakay. Sa pangungusap na ito, hindi tiyak ang kahulugan ng pariralang ng
kahoy; samantalang ang pariralang ang kahoy sa saling Sinibak ko ang kahoy ay
nagbibigay ng tiyak na kahulugan. Sa ibang salita, tiniyak kung aling kahoy ang ibig
sabihin.
PAKSA
Ito ay ang bahagi ng pangungusap na pinagtutuunan ng pansin o pinag-uusapan.

Halimbawa:
Sila ay tumutulong sa gawain.
Pinagpapala ng Diyos ang mga mababait.

MGA URI NG PAKSA

Paksang Pangngalan
Halimbawa:
Matiyagang mangingibig si Don Pedro.
Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

Paksang Panghalip
Halimbawa:
Tayo ay huwag sumuko sa mga pagsubok sa buhay.
Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

Paksang Pang-uri
Halimbawa:
Ang sakim na tao ay hindi masaya at kuntento sa buhay.
Hinahangaan ang matatalino.

Paksang Pandiwa
Halimbawa:
Huwag mong gagambalain ang nananalangin.
Ang mga dumarating ay mga kamag-anak ko.

Paksang Pang-abay
Halimbawa:
Kahanga-hanga ang totoong nagmahal.
Kinalulugdan ang magaling makipagkapwa.

Paksang Pawatas
Halimbawa:
Pangarap niya ang magsayaw.
Kinaiinipan niya ang mag-aral.
MGA KAYARIAN NG PAKSA

Paksang iisahing salita


Halimbawa:
Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Maaari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pawatas ang paksa.

Paksang pariralang pang-ukol


 Pinangungunahan ng mga pang-ukol na na, sa, ng, para kay, alinsunod kay/hinggil
sa.
Halimbawa: Ang para sa amin ay sa inyo na.

Paksang pariralang pawatas


 Binubuo ng pawatas ng pandiwa.
Halimbawa: Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.

Paksang sugnay: di makapag isa


Halimbawa: Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi
mapasusubalian.

IV. KONKLUSYON

Ang talakay tungkol sa paksa, mga uri at kayarian, ay maaaring madali


lamang sa elementarya at sekondarya.

V. REKOMENDASYON

Kahit pa nga madali ang paksa ng talakay, kailangan pa rin itong talakayin ng
guro bilang bahagi ng pagbabalik-aral o rebuy. Ang mga mag-aaral ay minsang
nakakalimutan ang kanilang mga naging aralin kahit pa madali lamang ito.

VI. SANGGUNIAN

Batas Republika Blg. 10533 mula sa


https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/batas-republika-blg-10533/

Mga Uri ng Paksa mula sa


https://drcilearn.com/wp-content/uploads/2020/09/Filipino-Pangungusap.pdf

Mga Kayarian ng Paksa mula sa https://pdfcoffee.com/kayarian-ng-mga-


pangungusap-pdf-free.html

You might also like