Professional Documents
Culture Documents
PANGATNIG
PANGATNIG
Mga miyembro:
FERNANDO, Gabriel
JOSE, Ian Paolo
MICLAT, Enrique
ALISACA, Gabriel
DELA CRUZ, John Audrey
Kahulugan ng Pangatnig
Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay,
parirala o pangungusap.
Nagpapakita din ito ng pagbubukod, pagsasalungat o paglilinaw.
Paggamit ng Pamukod
Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag
nilalagyan ng mga katagang ni, o, at maging.
Halimbawa:
1.) Ni sumagot ni sumuway ay hindi nagawa ni Ian sa kanyang magulang.
2.) Ibibigay mo ba kay Paulo ito o itatapon mo nalang?
3.) Ayos lang sa akin maging si Jose ang manalo sa patimpalak na ito.
Paggamit ng Pandagdag
Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang
at, saka, at pati.
Halimbawa:
1.) Ibibigay ko lang ito at magpapasalamat sa’yo.
2.) Niregaluhan si John ng sapatos saka ng relo.
3.) Isinauli ni Audrey ang mga nakaw na pera pati ang mga alahas.
Paggamit ng Pananhi
Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran at kung
sumasagot sa tanong na bakit. Ang mga kataga nito ay sapagkat, palibhasa,
pagkat, kasi.
Halimbawa:
1.) Hindi na tumuloy si Enrique sapagkat sya ay natatakot.
2.) Hindi maka sagot si Gabriel palibhasa may kasalanan din ito.
3.) Mataas ang aking grado kasi nag-aral ako ng mabuti.
Paggamit ng Panubali
Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang
ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at sakali.
Halimbawa:
1.) Kapag hindi kayo dumalo sa aking kaarawan, hindi ko kayo mga tunay na
kaibigan.
2.) Sana mawala na ang sakit na ito.
3.) Hindi ka makakakain sa panahon ng tag-ulan kung hindi ka
maghahanda.
Paggamit ng Panlinaw
Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag.
Ang mga katagang ginagamit ay: anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita
at kung gayon.
Halimbawa:
1.) Malakas ang ulan kaya hindi natuloy ang handaan aa bahay.
2.) Nagtapat sya ng kanyang nararamdaman kaya labis itong natuwa.
3.) Nagalit ang kanyang ama ng ito ay humingi ng permiso, sa madaling salita,
hindi sya pinayagan.
Sanggunian:
• https://philnews.ph/2020/01/08/pangatnig-ano-ang-mga-uri-at-mga-halimbawa-
nito/
• https://www.slideshare.net/mobile/rhichpraxides/pangatnig-26422813
FERNANDO, Gabriel H.
BSA I-D
MICLAT, Enrique
BSA I-D
Ang natutunan ko sa Lahat na naituro ni ma'am azil ay kung paano mag bigkas
ng tamang letra una yung manga tamang isusalat sa manga pangungusap dahil kahit
magka tunog ang manga to ay mag kaiba parin ang letra at nalaman kurin na ang
manga ibat ibang salita na binibigkas natin ay may manga meaning o salita marahil di
natin kaagad mahihintindihan pero kapag pinag arala mo ito kaagad mong
mahihintindihan