You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


MGA PAALALA AT GABAY SA PAGKATUTO GAMIT ANG MODULAR DISTANCE LEARNING (PRINTED)

Kami ay nagagalak sa inyong pagtanggap sa isa na naman pagkakataong matuto sa asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino(IB) sa loob ng isang semester.Ang mga paksa ng asignaturang ito ay tatalakay
sa mga konseptong pangwika,mga gamit ng wika sa ating lipunan,maging ang kasaysayan ng pambansang wika ng
Pilipinas.Sa Ikalawang kwarter,paguusapan ang tungkol sa mga sitwasyong pangwika,mga kakayahang komunikatibo ng
mga Pilipino at ang pananaliksik sa wika at lipunang Pilipino.Kahit na nasa panahon tayo ng pandemya,magpapatuloy pa
rin ang pag-aaral at pagkatuto.Bilang mga guro,gumagawa kami ng mga paraan upang ang pagkatuto ay maisagawa nang
may kabuluhan.Narito ang ilan sa mga madalas itanong tungkol sa paraan ng ating pag-aaral.

MGA MADALAS ITANONG :

1.Anong gagawin sa iyong natanggap na Modyul?


Ingatan ang modyul na natanggap.Alalahanin na may gagamit pa ng modyul na ito.Huwag sulatan,tupiin,punitin,basain o
mapatakan ng tubig ang modyul na natanggap.Gumamit ng intermediate o yellow paper sa pagsagot sa mga
gawain.Basahing mabuti ang laman ng modyul.Upang makabuluhan ang pagkatuto,susi ang pagbasa.

2.Matututo ba ako sa Modyul?


Oo,naman.Bilang mag-aaral ng Senior High School, pananagutan natin ang ating pagkatuto.Mahalagang maging masinop sa
gawaing pagbabasa at paggawa.Dahil nakasalalay sa ating tiyaga at sipag ang ating pagkatuto at pagganap sa mga
gawain,mahalaga na sumunod sa mga panuto at kung may di nauunawaan,huwag mag-aatubiling magtanong sa inyong
guro.Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing pampagkatuto.Sa pagsagot sa mga gawain,huwag kalimutang isulat
ang inyong pangalan at pangalan ng gawain at bilang ng gawain.Tingnang mabuti sa Weekly Home Learning Plan ang mga
gawain na kailangang ipasa kalakip ng modyul tuwing Biyernes.

3.Kung tapos mo nang masagutan ang modyul,Anong gagawin mo?


Sikaping masagutan at magawa ang lahat ng mga gawain bagong isauli sa designated distribution at Pick up center sa inyong
lugar.Iwasang mahuli sa pagsauli ng modyul dahil may gagamit pa nito(Set B).Sikaping masiguro na may pangalan ang mga
naipasang gawain na may lagda ng inyong magulang.Hindi ka bibigyan ng panibagong modyul kung hindi ka makapagsauli
ng modyul.

4.Paano ang pagtataya o pagbibigay ng marka sa asignaturang ito?


Dahil ito ay isang Core Subject,ang inyong marka ay tatayain sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Written Works(25%)-Ito ang mga iskor na nakuha ninyo sa lagumang pagsusulit(summative test).
Performance Task(50%)-Ito ang mga gawain na ibibigay ng guro sa inyo,tulad ng mga gawain na Pagyamanin,Isaisip,at
Isagawa sa inyong modyul,Portfolio at ang pangkalahatang pangangailangan alinsunod sa MELC ng DepED.
Quarterly Assessment (25%)-Ito ang tinatawag na Periodic Test na isinasagawa sa pagtatapos ng bawat kwarter.

5.May requirements ba ang asignaturang ito?


Oo,Meron.Sa pagtatapos ng semester,magpasa ka ng isang portfolio sa inyong guro.Ito ay kalipunan ng mga gawain na
ginawa ninyo gamit ang modyul lalong lalo na ang mga gawain sa Pagyamanin,Isaisip,at Isagawa.
6.Ano-ano ang mga bahagi o nilalaman ng iyong portfolio?
Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng portfolio na ipapasa ninyo bago matapos ang bawat kwarter.Ito’y naglalaman ng
Pabalat(Cover page),Talaan ng nilalaman,Buod ng mga Iskor na inyong nakuha sa Subukin at Tayahin,Kalipunan ng mga
gawain,at Refleksiyon.
___________________________________________________________________________________________

LINGGUHANG PLANO SA PAGKATUTO


Linggo 1 ,Unang Kwarter Oktubre 5-9,2020
Araw at Oras Kasanayang Pampagkatuto Gawaing Pampagkatuto Paraan ng Pagkatuto
7:00-7:30 Ehersisyo,Agahan,Maligo,paghahanda sa klase,Oras sa pamilya
MTWTh
7:30-9:30

9:30-10:00 Merindal

10:00-12:00 n.u. Natutukoy ang mga  Gawin ang Subukin.Sa Notebook isulat.
kahulugan at kabuluhan ng  Ang Balikan at gawain sa Tuklasin at Modular Distance
mga konseptong pangwika. Suriin,gawin sa Notebook. Learning-Printed
F11PT-Ia-85/MELC Wk1-  Ang mga gawain sa Pagyamanin
Q1 15,isulat sa intermediate o yellow Ang mga magulang ang
paper.Gawain 5,sa notebook isulat ang magdadala at magsauli
sagot. ng mga awtput at ng
 Ang mga gawain sa Isaisip(A at B modyul sa mga guro na
),Isagawa at karagdagang nadistino sa mga
gawain,gawin sa bondpaper o sa Distribution at Pick up
intermediate o yellow paper. Center.
 Sagutan ang Tayahin sa inyong
notebook.Kailangang lagdaan ng
magulang matapos ang pagwawasto.
12:00-1:00 Pananghalian

1:00-3:00 n.h Pagpapatuloy ng mga gawaing pampagkatuto

Linggo 2, Unang Kwarter Oktubre 12-16,2020


Araw at Oras Kasanayang Pampagkatuto Gawaing pampagkatuto Paraan ng Pagkatuto
7:00-7:30 Ehersisyo,Agahan,Maligo,paghahanda sa klase.Oras sa pamilya
MTWTh
7:30-9:30

9:30-10:00 Merindal

10:00-12:00 n.u. Naiuugnay ang mga  Gawin ang Subukin.Sa Notebook


konseptong pangwika sa isulat. Modular Distance
napakinggan/napanood sa  Ang Balikan at Suriin,gawin sa Learning (Printed)
sitwasyong Notebook.
pangkomunikasyon sa  Ang mga gawain sa Pagyamanin
radio,talumpati,mga panayam 13,isulat sa intermediate o yellow Ang mga magulang
at sa telebisyon(F11PD- paper. ang magdadala at
Ib86/MELC Wk 2-Q1)
 Ang mga gawain sa magsauli ng mga
Isaisip,Isagawa at karagdagang awtput at ng modyul sa
Naiuugnay ang mga
gawain,gawin sa bondpaper o sa mga guro na nadistino
konseptong pangwika sa intermediate o yellow paper. sa mga Distribution at
sariling
 Sagutan ang Tayahin sa inyong Pick up Center.
kaalaman,pananaw,at mga
notebook.Kailangang lagdaan ng
karanasan (F11PS-Ib-86)
magulang matapos ang
pagwawasto.
12:00-1:00 Pananghalian
1:00-3:00 n.h. Pagpapatuloy ng mga gawaing pampagkatuto

JOHN MARK S. CABREJAS I SANDRO J. REBADIO I JOAN G. PULMONES I IMELDA N. PARACALE

You might also like