Caballero, Krizah Marie C. Bsa 1a Konfil

You might also like

You are on page 1of 7

KRIZAH MARIE C.

CABALLERO BSA 1A KONFIL

Engage/ Pakikipag-ugnay
1. Ibigay ang kahulugan ng Wika.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito
ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ito ay isang arbitraryo sapagkat ito’y hindi pinagtatalunan ngunit pinagkakasunduang
gamitin. Ang wika ay simbolikong gawaing pantao, sentral na elemento sa lahat ng ating gawain.
Hindi magiging normal ang pagkilos ng tao kung wala ang wika. Ito ang prinsipal na midyum na
nagbibigkis sa mga tao hindi lamang sa komunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura ng
iba’t ibang lipunan. Ang wika ang siyang tagapagbuklod na siyang nagpapakilala ng bawat pangkat
o grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap o karaniwan. Dahil sa wika tayo
ay nakakakilala ng mga tao sa loob at labas ng ating bansa, maging sa balita ito ang nagsisilbing
tagapagbigay ng mga impormasyong nagpapalawak sa ating kaalaman sa tulong ng mga
makabagaong teknolohiyang ginagamit natin sa pakikipag-komunikasyon.
2 .Ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino, at Filipino?
Ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino ay ang Tagalog ay isa sa mga daylekto o
wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong wikang natural na mula sa wikang
Tagala na may katutubong tagapagsalita. Isa ring particular na wika na sinasalita ng isa sa mga
etnolingwistikong grupo sa bansa. Habang ang Pilipino ay tawag sa mga mamamayan ng bansang
Pilipinas, isang monobase language sa taong 1959 ayon sa kautusang pangkagawaran bilang 7 at
ito ang piniling salita bilang reepresentasyon ng mga wika sa Pilipinas na naging ugat satin upang
kilalanin natin ang pagsisikap ni kalihim Jose Romero na ating kalihim ng Kagawaaran ng
Edukasyon mula sa isang kautusang Pangkagawaran Bilang Pito (7). Samantala, ang Filipino ay
hindi Tagalog, galing sa Ingles na Filipino bilang katawagan sa internasyunal na pagkakakilanan.
Sumasagisag sa akomodosyong pampolitika at palatandaan ng isang umuunlad na bansa tungo
sa modernisasyon. Lingua Franca ng Pilipinas ang wikang Filipino na nagsisilbing pangalawang
wika ng higit na nakararami sa buong bansa.
3. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Teorya ng wika?
Ang nalalaman ko tungkol sa teorya ng wika ay:
Sosyolingwistikong teorya ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-individual.
Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrument o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihin nito
ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Batay nga kay Dell Hymes at Burke ang
wika ay siyang humuhubog sa lipunan at lipunan ang siyang bumubuo sa wika. Ayon naman kay
Saussure (1959), ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, and signifier
(Language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa individual
na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole) na gamit ang wika sa pagsasalita. Kaugnay
sa teoryang ito ay nang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang
individual at groupo na may magkaibang lugar na tinitirhan, interes Gawain at pinag-aralan.
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

Teorya ng akomodasyon tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic


convergence at linguistic divergence. Ang mga ito ay mga teorya mula sa SLA (second language
acquisition). Sa linguistic convergence sinasabi na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o
bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-
palagayang-loob, pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.
(Convergence) pare-pareho kung minsan, sa linguistic divergence pilit itong iniiba ang pananalita
sa kausap para ipakita ang pagiging iba o di pakikiisa o ang pagigiit na sariling kakayahan at
identidad (divergence).
Sa larangan naman ng sikolohiya ang mga sumusunod na teorya ay may malaking
impluensya proseso ng pagkatuto ng wika.
Teoryang Behaviorist - Batay kay Burrhus Frederic Skinner (1986) ang bata ay ipinanganak
na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.
Teoryang Innative - Sa toeryang ito ni Noam Chomsky (1965-1975) ang kakayahan sa
pagkatuto ng wika ay kasama na mula sa pagsilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata
sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang-hugis ang kanyang kakayahang sosyo-kultural.
Teoryang Kongnitib - Sa Teorya ito, ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos
maunawaan ang isang bagay o kaganapan.
Teoryang Makatao - Binigyan tuon sa toeryang ito ang kahalagahan ng mga salik na may
kinalaman sa damdamin at emosyonal na reaksyon.
4. Ano-ano ang barayti ng Wika?
Ang barayti ng wika ay Idyotek, Dayalek, Sosyolek/Sosyalek, Etnolek, Ekolek, Pidgin,
Creole, at Register.
Explore/ Paggalugad
Isadiwa: Magsaliksik ng 5 na papanahong isyu hinggil sa iba’t ibang pangyayari nagaganap sa
kasalukuyan at ipaliwanag sa pamamagitan ng tig 3 pangungusap.
1. Tungkol sa COVID-19
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit
mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Malakas na
sinusuportahan ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ang pagpapalawak ng
pagkakaroon ng pagsubok para sa COVID-19. Ang kasalukuyang kakulangan ng malawak na
kapasidad ng pagsubok sa buong bansa at lokal ay negatibong nakakaapekto sa aming
kakayahang masubaybayan ang epidemya, na magtuon sa mga pamamaraan upang mabawasan
ang pagkalat, at ipaalam sa mga indibidwal na tao ang kanilang katayuan sa impeksyon.
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

2. Tungkol sa Online Class


“Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo upang matuloy pa
rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang pumasok sa mga paaralan. Bilang
bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online education
ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan.
Sinasabing ang online education ang magiging daan upang matuto ang mga kabataan sa paggamit
ng makabagong teknolohiya at magkakaroon sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga bagong
paraan ng pag-aaral.
3. Tungkol sa SONA ng ating Presidente na si Gng. Rodrigo Duterte
Ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ay hindi
malilimutan ang SONA na ito sapagkat inihayag sa panahon na nagdaranas ang bansa sa bangis
ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na lubhang nakaapekto sa mamamayan. Maraming
nawalan ng trabaho at nakakaranas ng gutom sa kasalukuyan. Sa loob nang mahigit apat na
buwan mula nang manalasa ang COVID-19, binago nito ang mga dapat ay sasabihin o iuulat ng
Presidente sa bayan.
4. Tungkol sa Lindol sa Masbate
Nilindol ang Masbate na may lakas na 6.6 magnitude at maraming nasirang bahay at
nagkabitak-bitak ang mga kalsada. Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay nakita sa bayan ng
Catangian, kahit may pandemya, dapat ding ipaalala sa mamamayan na maging handa sa
pagtama ng lindol. Sa kasalukuyang sitwasyon na hindi makapagdaos ng earthquake drill dahil sa
pandemia, magbigay ng babala ang Phivolcs.
5. Tungkol sa 2 Pinoy patay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon
Ang Pagsabog sa Beirut ay binulabog ng mga pagsabog ang daugan sa kapitlyong Beirut
sa Lebanon. Dalawang Pilipino naiulat na namatay matapos ang dalawang malalakas na
pagsabog. Ang sanhi ng mga pagsabog ay hindi agad natukoy, una nang naiulat ng midya ng
estado ang mga pagsabog na naganap sa isang bodega ng paputok, habang ang iba ay iniulat na
ito ay sa isang pasilidad ng imbakan ng langis o isang pasilidad ng imbakan ng kemikal.
Aralin I – Gawaing Bahay
Isadiwa
1. Ipaliwanag ang pahayag na nasa loob ng ballon.

Bakit makapangyarihan ang wika


ngunit walang angking superior?
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

Ang wika ang pinakamakapangyarihang sandata sa lahat ng pagkakataon sapagkat ang


simula ng pagkakabuo ng sanlibutan ayon sa bibiliya. Makapangyarahin ang wika sapagkat ito ay
nagpapakilos sa tao batay sa relasyon niya sa kanyang kapwa at estado ng buhay. Bawat kataga
o salita ay may nakabalot na kahulugan na siyang nagiging mensahe upang maunawaan ng
kanyang kausap ayon sa kalagayan nito sa buhay sa lipunan. Makapangyarahin ang wika sapagkat
ito ang gamit natin sa pakikipagusap, pakikipagpalitan ng mga ideya, at maging pagpapahayag ng
damdamin at saloobin. Ngunit ang wika ay walang angking superyor sapagkat may pagkakaiba
ang wika sa iisang bansa patunay lamang na mayroon din tayong iba’t ibang kultura na
nakasanayan o nakalakihan. Ngunit hindi ibig sabhin na ito’y magiging hadlang o magiging iba ang
tingin natin sa iba. Sa makatuwid ang lahat ng wikang ginagamit ay may pagkakapantay pantay
dahil sa gamit at kulturang pinagmulan ng bawat salita.
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng sarili nating wika sa pag-uulad ng ating bansa?
Ang wikang pambasa ay ating kayamanan. Ito ay nagbibigay ng daan para sa pagkakaisa
ng bawat mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't ibang aspeto sa isang bansa.
Pero ang tanong, paano naman ang sariling wika? bakit nga ba ito mahalaga?
Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay
sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron tayo. Ito rin ay kinakailangan
din ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng
bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi
nagkakaisa at nagkakaintindihan. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na
nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisislbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na
naninirahan sa isang bansa. Kaya't sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba't
ibang impluwensya sa bansa na siyang nagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.
Ang wika ang nagsisilbing kamay at bibig sa lipunan na nagdudugtong sa bawat isa para makamit
ang inaasam na katahimikan at kapayaan. Gamitin sana natin ito sa mabisa at mabuting paraan
para makatulong sa bawat isa na makapagbigay ng mabuting suliranin upang maipaangat ang
kaugnayan sa bawat isa. Hindi man natin abot ang isa’t-isa sa ngayon pero sa pamamagitan nag
mabuting komunikasyon makakatulong tayo upang magkaroon ng panibagong pag-asa para
lumaban sa anumang hamon nag buhay. Wika mo kaligtasan ko. Wika natin, kaligtasan nating
lahat.
3. Bilang mag-aaral, paano mo mabibigyang-buhay ang isang Pilipino sa paggamit ng wikang
Filipino?
Bilang mag-aaral, Napakahalagang bahagi ng aking pag-aaral ang wika dahil ito ang
kumokontrol sa bawat aspeto ng pag-aaral na siyang hindi mabubuo kung walang paggamit ng
wika. Kung walang edukasyon ay hindi mabubuo ang pagkatao ng bawat isa sa atin. Wika ang
nagsisilbing koneksyon ko sa ibang nilalang sa mundo. Ito ang nag-uugnay sa akin upang
magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao at magkaroon ng interaksyon sa mga ito. Kung walang
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

wika ay hindi ako makapagbabahagi ng aking mga nararamdamang emosyon sapagkat wika ang
nagbibigay ng buhay sa mga bagay na aking nararamdaman. Hangga't ako ay gumagamit ng wika
ay patuloy rin ang daloy ng aking buhay sapagkat wika ang siyang makapagpapatigil sa ikot ng
ating mundo. Marami talagang mga bagay ang maaapektuhan kung wala ang wika at marahil
wala ang isang tulad ko kung wala ito. Hindi buo ang aking pagkatao kung wala ang wika at ako'y
hindi makapaglalakbay at makahanap pa ng iba't ibang mahahalagang impormasyong
magbibigay daan tungo sa pagkakaroon ko ng isang magandang kinabukasan para sa aking sarili,
pamilya, komunidad at ang ating bansa.
4. Patotohanan kung gaano kahalaga ang wika.
Sa Sarili
Sa sarili, napakamahalagang bahagi ng aking buhay ang paggamit at pag-unawa sa wikang
nagbibigay ugnayan sa bawat isang mamamayan, ang wikang Filipino. Ito ang pinakaunang
wikang aking natutunan simula ng ako'y isinilang at siya ring wikang aking kinalakihan. Simula sa
pagiging paslit ay wika na ang siyang nagbibigay daan upang unti-unti kong maunawaan ang
mundong aking kinagisnan. Nagsimula sa mga di-berbal na pakikipag- ugnayan hanggang sa akin
ng maunawaan ang paggamit nito. Ang wika ang nagsilbing susi sa mga katanungang gumigimbal
sa aking isipan upang malaman ang mga kasagutan rito. Ito ang nagbibigay linaw sa mga bagay
at siya ring nagpapaunlad sa mgaimpormasyong aking nakakalap. Halimbawa na lamang ay ang
edukasyon, kung wala ang wika ay hindi tayo maaaring matuto sapagkat walang instrumentong
makapagbibigay ng daan upang maibahagi ang mga kaalaman.
Sa Kapwa
Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon sa ating kapwa. Ginagamit
ang wika upang ipahayag ang ating damdamin at saloobin sa ating kapwa. Walang sinuman sa
mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kung kaya’t kailangan natin an gating kapwa
upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad an gating kaalaman at kakayahan.
Sa Lipunan
Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting ugnayan
ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga taong
nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang magkaunawaan,
magkaintindihan at magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang sariling kultura
5. Ipaliwanag: Busugin mo ng magagandang pangaral na may kaakibat na aktwal na
pagsasagawa asahan mot ito ay magiging mabuting mamamayan ng kanyang lipunan.
Ang pangugusap na ito nagpapahayag ng kung paano dapat natin hubugin ang ating mga
kabataan. Ang kabataan ay kinakailangan bigyan at turuin ng mga magagandang aral sa kung saan
ito ay kanilang magagamit at maisadamdamin. Ang mga aral na kanilang natutunan ay dapat
maisagawa o kanilang isarili nang ito ay magsilbing gabay upang sila ay maging mabuting
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

mamamayan. Ang pagiging mabuting mamamayan ng lipunan ay nakakatulong upang mapaunlad


at mapanatili ang katahimikan na nagbubunga ng kasaganahan ng buhay ng mga taong saklaw
nito.
Elaborate/ Pagpapalawak
Mga katanungan
Ipaliwanag sa 3 na pangungusap ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Wika ayon kay Archibald Hill?
Ayon kay Archibald Hill, ang wika nay simbolikong gawaing pantao, sentral na elemento
sa lahat ng ating gawain at ito ang prinsipal na midyum na nagbibigkis sa mga tao hindi lamang
sa komunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura ng iba’t ibang lipunan. Ang wika ay
luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit na nagpapahayag sa isang natatangi at
naiibang paraang ibang iba sa pangkaraniwang gamit ng wika sa araw-araw. Dahil sa wika tayo
ay nakakakilala ng mga tao sa loob at labas ng ating bansa, maging sa balita ito ang nagsisilbing
tagapagbigay ng mga impormasyong nagpapalawak sa ating kaalaman sa tulong ng mga
makabagaong teknolohiyang ginagamit natin sa pakikipag-komunikasyon.
2. Magbigay ng 5 halimbawa ng Konsepto ng Wika.
- Mula sa Kamalayan ng Damdamin ng Tao
Bawat pagkilos ng tao ay kaalinsabay nito ang kayang pagmamasid sa kayang paligid. Sa
bawat kanyang pagtugon ay kaakibat nito ang kanyang nararamdaman mula sakanyang
pagmamasid sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ang pagbibigay reaksyon
sa pagtugon sa isang pangyayaring naganap ay isang indikasyon sa pagkagising ng kanyang
kamalayan ay pagpapahayag ng saloobin.
- Nagpapalaya
Ang wika ang nagsisilbing daluyan natin sa ating sarili, kapwaat sa ating kapaligiran. Ito
ang nagiging sandata ng bawat isa upang maipahayag ang kanyang ideya at saloobin mula sa
kanyang namasid sa kayang kinalalagyan. May kasabihan ngana kung ano ang namutawi sa iyong
labi ay depinsyon ng iyong sarili. Wika ang tagapagpalaya sa mga taong nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan.
- May Kapangyarihan
Paano nga ba naipapamamalas ang kapangyarihan ng wika? Simple lang sapagkat kasabay
nito ang pagpapakilos sa tao batay sa relasyon niya sa kanyang kapwa at estado ng buhay. Bawat
kataga o salita ay may nakabalot na kahulugan na siyang nagiging mensahe upang maunawaan
ng kanyang kausap ayon sa kalagayan nito sa buhay sa lipunan.
KRIZAH MARIE C. CABALLERO BSA 1A KONFIL

- Sagradong Simbolo
Ang Wika ay nagmumula mismo sa ating sarili. Ito’y nanalaytay sa buong katawan natin
na siyang templo ngating pagkatao. Tayo ay hinugis ng Panginoon na kanyang kawangis
samakatuwid ang ating sarili ang templo ng Diyos na may likha sa atin na dapat nating ingatan at
pahalagahan.
- Simbolo ng Natatanong
Bilang indibidwal nangangailangan mapalawak ang sarili niyang kaalaman sa
pamamagitan ng pananaliksik sa mga bagay na makakatulong sa kanyang sarili. Sa tulong ng
pagtatanong naging daan ito upang ang kayang mga katanungan. At maging sandigan ng kanyang
kaalaman tungo sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahan.
3. Sa iyong palagay bakit mahalaga ang Wika?
Ang Wikang Filipino ang ginagamit natin upang maipahayag natin ang ating saloobin at
kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating
kapwa. Ito'y mahalaga sa ating lipunan o bansa, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang
bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino.
Pagsasanay
1. D 6. A
2. C 7. B
3. A 8. D
4. B 9. D
5. B 10. A
Modyul 3
Gawaing Bahay
1. C 8. B 15. O
2. L 9. N
3. M 10. F
4. G 11. E
5. I 12. K
6. D 13. H
7. A 14. J

You might also like