You are on page 1of 1

Reaktor: Miguel Ruiz C.

Tan
Awtor: Alyssa Angela R. Nisce

1. “Sa kasalukuyan, nais niya maging isang matagumpay na abogado at sinisikap


niyang mag-aral para matamo ang kanyang pangarap.”

2. Napili ko itong linya na ito dahil ako rin ay nangangarap na maging isang
abogado. Ang kinukuha kong kurso ay isang “pre-law” na kurso, ito ay BS Legal
Management at parehas ang aming year level at kurso. Nagulat rin ako dahil
parehas ang aming year level at kurso. Parehas din ang aming pinapangarap na
trabaho sa hinaharap. Mahirap makahanap ng mga taong gustong maging
abogado. Kaya namangha ako dahil maraming aaralin at mahaba ang proseso
upang maging abogado. Kaya namangha ako dahil nalaman ko na maliban sa
akin, meron din palang nangangarap na maging abogado.

3. Natuwa ako sa ibinigay na pahayag ng reaktor sapagkat pareho pala kami ng


pinapangarap na trabaho. Totoo ang sinabi niyang mahirap maghanap ng taong
gustong maging abogado sapagkat maraming kinakailangang aralin at
imemoryado sa pag-aaral ng batas. Nakakatuwang isipin na may taong
kaparehas ang aking mga gusto dahil minsan lang mangyari ito. Maaaring sa
hinaharap magkasabay kaming kukuha ng BAR at sabay na maging lisensyadong
abogado at ako ay nagagalak na may kapwa Lasalyano akong kasabay na
nagtatagumpay. Nais kong makita na maging isa siyang matagumpay na abogado
sapagkat nasisiyahan ako sa ideya na may kasama na pareho ang pinapangarap.

4. Ang pagiging isang abogado ay hindi biro. Mahaba at matagal ang proseso ng
pagaaral upang maging isang abogado. Nagagalak ako dahil nakakakita ako ng
tao na parehas ang oinapangarap at parehas na masipag at gagawin ang lahat
upang makamit ang pangarap na maging abogado. Natutuwa ako at nakilala ko
ang awtor ng sumulat ng salaysay na ito.

You might also like