You are on page 1of 1

PANALANGIN NI PAPA FRANCISCO SA MAHAL

NA BIRHEN LABAN SA COVID-19


O Maria, tanglaw mo’y di nagmamaliw sa aming
paglalakbay bilang tanda ng aming kaligtasan at pag-asa. 
Ipinagkakatiwala namin ang aming mga sarili sa iyo,
Kagalingan ng Maysakit, na sa Krus ay naging malapit sa
pagpapakasakit ni Kristo, na siyang nagpatibay sa iyong
pananampalataya. 
Ikaw, Kaligtasan ng mga Romano, ay nakababatid ng
aming mga pangangailangan, at nanalig kaming
tutugunan mo itong aming mga kinakailangan upang,
tulad ng sa Cana ng Galilea, manumbalik ang kasiyahan
at pagdiriwang matapos ang sandali ng pagsubok na ito. 
Tulungan mo kami, Ina ng Banal na Pag-ibig, nang
maiayon namin ang aming sarili sa kalooban ng Ama at
maisakatuparan ang utos ni Jesus, na Siyang kusang
nagpakasakit, at umako sa aming hapis, upang akayin
kami, sa pamamagitan ng Krus, tungo sa Muling
Pagkabuhay. Amen. 
Dumudulog kami sa iyong pagkalinga, O Mahal na
Ina ng Diyos. Huwag mong siphayuin ang aming
pagluhog — kaming nasa gitna ng pagsubok — at ipag-
adya mo kami sa lahat ng kapahamakan, O maluwalhati at
pinagpalang Birhen. 

You might also like