You are on page 1of 8

ST.

JOHN PAUL II COLLEGE OF DAVAO


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

SIMPLIFIED COURSE PACK (SCP) NG PAGKATOTO

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)

Ang Simplified Course Pack (SCP) na ito ay isang burador lamang at


hindi mamaaring gamitin, ilathala at ipamahagi ng walang anumang
kaukulang pahintulot ng Academic Council ng SJPIICD. Ang nilalaman
ng SCP na ito ay inilaan lamang para sa mga mag-aaral na opisyal at
lihitimong nakatala sa asignaturang ito. Ang pag rebisa at ang
pagmodify ng SCP ay inaasahan.
ST. JOHN PAUL II COLLEGE OF DAVAO
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

By 2023, a recognized professional institution providing quality,


Vision
economically accessible, and transformative education grounded on
the teachings of St. John Paul II.

Serve the nation by providing competent JPCean graduates through


quality teaching and learning, transparent governance, holistic
Mission
student services, and meaningful community-oriented researches,
guided by the ideals of St. John Paul II.

Respect
Hard Work
Perseverance
Core Values
Self-Sacrifice
Compassion
Family Attachment
Inquisitive
Ingenious
Graduate Attributes
Innovative
Inspiring
Course Code/Title SJPAT3/ PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIKO)
Ang asignaturang ito ay naglalayung maging bihasa sa pagkilala sa
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko) ang mga mag-
Course Description
aaral at makasulat ng iba’t ibang uri ng akademikong akda, mula sa
simple hanggang sa kompleks na pagsulat.
Course Requirement Pagsulat ng iba’t ibang akademikong akda
Time Frame 80 Hours(40 Hours for 1st Quarter and 40 Hours for 2nd Quarter)
Grading System DepEd Grading System(Core Subjects)
Contact Details
Instructor Mayflor P. Suasola (09126517001)
SHS Principal RoxanRubic-Remorosa, PhD (09463328135)
ST. JOHN PAUL II COLLEGE OF DAVAO
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Course Map
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)- Simplified Course Pack (SCP)

SCP-Topics: 1st Quarter SCP- Topics: 2nd Quarter


Kahulugan, kalikasan, at
katangian ng pagsulat ng
- Katitikan ng pulong
Week 10-11
Week 1-2 sulating akademik.

- Akademik - Pagsulat ng Posisyong


Week 12
Learning Competencies papel
1.Nasusuri Pagsulat
angng8.akademikong
Nagagamitsulatin ang
Week 3-4
- Abstrak - Pagsulat ng repleksyong
kahulugan at kalikasan angkop na format at Week 13-14
Sintesis papel
ng pagsulat ng - iba’t teknik ng pagsulat ng
ibang anyo
Week 5-6
ng sulatin.
- Bionote akademikong sulatin Week 15 - Pagsulat ng Agenda
- Panukalang
2. Nakikilala ang iba’t 9. Naisasagawa proyekto ng
ibang akademikong mataman
- Talumpati ang mga
sulatin
Week 7-8 ayon - sa: hakbang
Katitikan sa pagsulat
ng pulong Week 16-17 - Pagsulat Pictorial essay
layunin, gamit, ng mga piniling
katangian at anyo. akademikong sulatin
Week 9 1st Quarter Examination Week 18 - Pagbabalik-aral/review
3.Nakapagsasagawa 10. Napagtitibay ang
ng panimulang natamong kasanayan
pananaliksik sa pagsulat ng Week19 2nd Quarter Examination
kaugnayan ng talumpati sa
kahulugann kalikasan, pamamagitan ng
at katangian ng iba’t pinakinggang
ibang anyo ng halimbawa
akademikong sulatin
4. At nauunawaan ang 11. Natutukoy ang
kalikasan,layunin at mahalagang
paraan ng pagsulat ng impormasyong
iba’t ibang anyo ng pinakinggan upang
sulating ginagamit sa makabuo ng katitkan
pag-aaral sa iba’t ibang ng pulong at sintesis
larangan.
12. Nakakasulat ng
5. Nabibigyang organisado malikhain,
kahulugan ang at kapani-paniwalang
akademikong pagsulat sulatin

6. Natitiyak ang angkop 13. Naisasaalang-alang


na proseso ng pagsulat ang etika sa binubuong
ng piling sulating akademikong sulatin
akademiko
7. Nakakasusulat ng 3- 14. Nakabubuo ng
5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na portfolio ng mga produktong sulatin
nakabatay sa pananaliksik

Maalab na Pagbati! Ang asignaturang ito (Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademiko) ay
nagnanais na mahasa hindi lamang ang pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin,layun din ng
asignaturang ito na higit na maintindihan ang iba’t ibang pananaw at uri ng sulatin. Sa unag quarter at
mapag aaralan ang Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating at ibat ibamg uri ng
akademikong sulatin. Sa pangalawang quarter naman ay tatalakayin ang Pagsulat ng akademikong
sulatin. Naway masiyahan at matoto kayo sa asignaturang ito.

SCP-TOPICS: 1st Quarter


Week 1-2 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)
Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik.
Paksang-aralin - Akademik
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
Learning Competency sulatin. At nauunawaan ang kalikasan,layunin at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Oras 10:00am- 8:00pmMTW/10:00am-3:30pmThFS

LEARNING NTENT!I
Terminolohiya
Ang bahaging ito ay magbibibgay ng mga kahulugan ng bawat paksa upang mas higit na
maunawaan ang mga termino sa simplified course pack sa Pagsulat sa Fiipino sa Piling Larangan
(Akademiko), sa pamamagitan ng mga bokabularyong inilihad mas higit na mauunawaan a matototonan
ang asignaturang ito.

Pagsulat - ay ang pagsasalin ng mga nabuong salit, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan na kapwa mental at pisikal
na aktibidad.

Oral na dimensyon – kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong
isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
Biswal na dimensyon – nag-uugnay sa mga salita o lenggwaheng ginagamit ng isang awtor
sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo.
Sosyo - salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
Kognitibo - tumutukoy sa ano mang pag-iisip ng tao.
Impormatibo na pagsulat – kilala rin sa tawag na Expository writing naghahangad na
makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag .
Mapanghikayat na pagsulat – kilala rin sa tawag persuasive writing naglalayong
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
Malikhaing pagsulat – ginagawa ng mga manunulat ng mga pampanitikang tulad ng
maikling katha, nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.

Esenyal na kontent
Ayon kay Xing at Jin – ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan at pagbubuo ng kaisipan.
Badayos – kakayahang pagsulat ng mabisa ay isang bagay na totoong mailap.
Keller – ang pagsulat ay isang biyaya. Isang kaligayahan at pangangailangan.
Peck at Buckingham – ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa.

PROSESO NG PAGSULAT
Pre-writing – sa hakbang na ito nagaganap ang pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng
paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan
sa pagsulat.
Actual writing – dito isinasagawa ang akwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat
ng burador o draft.
Rewriting - nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa sa draft batay sa wastong gramar,
bokabulari, at pagkakasunod - sunod ng mga ideya o lohika.

MGA URI NG PAGSULAT


1. Akademiko – maaring maging kritikal na sanaysay, lab report,eksperimento,term paper, tesis o
pamanahonang - papel at disertasyon. Itinuturing din itong intelekwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag - aaral sa
paaralan.

2. Teknikal – isang espesyalisadong uri ng pagsulat sa tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal


na pangangailangan ng mga mambabasa, at maging ng manunulat mismo.

3. Journalistic - pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng


mamamahayag o journalist.

4. Reperensyal – naglalayon na magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang


paksa.

5. Propesyunal – nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon. Itinituro na rin ito sa mga
paaralan bilang paghahanda sa mga mag-aaral sa isang tiyak na propesyon na
kanilang pipiliin.

6. Malikhain – masining ang uri ng pagsulat na ito. Pokus nito ay ang imahinasyon ng manunulat,
maaaring piksyonal at di – piksyonal.
- Layunin nitong paganahin ang imahinasyon bukod sa pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.

Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Katotohanan – ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat


ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
Ebidensya – ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang
ebudensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

Balanse – ang paglalahad ng mga haka-haka, opinion at argument ay kailangang gumamit ng


wikang walang pagkiling.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

Kompleks - ang pagsulat ng wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika, mas mayaman at
leksikon ang bokabularyo.
Pormal – hindi angkop ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.
Tumpak – ang mga datos tulad ng facts at figure ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang
kulang.
Obhetibo – pokus ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip
na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
Eksplisit – ang paggamit ng ng iba’t ibang salitang signaling words sa teksto.
Wasto – paggamit ng tamang bokabularyo.
Responsible – paglalahad ng mga ebidensya, patunay o anumang nagpapatibay sa kanyang
argument.
Malinaw na layunin – matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.
Malinaw na pananaw – hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga
haguan o sources.
May pokus – bawat pangungusap at bawat talata ay dapat sumosuporta sa tess na pahayag.
Lohikal na organisasyon – may sinusunod na istandard na organisasyon na hulwaran.
Matibay na suporta – katawan ng talata ang kailangang may sapat at kaugnayan na supporta para
sa paksang pangungusap at tesis na pahayag.
Malinaw at kumpletong Eksplanasyon - kailangan matulungan ang mambabasa tungo sa ganap
na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
Epektibong pananaliksik – kailangan gumamit ng napapanahon, propesyunal at akademikong
haguan ng mga impormasyon.
Iskolarling estilo sa pagsulat – sinisikap nito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging
medaling basahin ang akademikong papel.

Tungkulin ng Akademikong Pagsulat

1. Ang akademikong pagsulat ay lumlinang ng kahusayan sa wika.


2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mgapagpapahalagang pantao.
4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
Maaari mong click the URL sa sanggunian na nasa ibaba upang mas higit na ikakaunawa sa asignaturang ito.

Sanggunian

Arrogante, A. ( 2000) Malikhaing Pagsulat, Quezon City: Great Books Traiding.


Badayos, B. (2002) Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Makati City: Grandwater Publication
and Research Corporation.
Bernales, A., Abesamis, R.,Angeles I., Cabrera, Jr. I.,Espina, Leticia D., Elizabeth A., Ornos, S,
Rovira, G. & Sustento,S. (2006) Masining na Pagpapahayag s Filipino Mga Prinsipyo at
Proseso, Valenzuela City Mutya Publishing House.
Bernales, R.,Garcia, L., Villanueva, J. (2002) Komunikasyon sa makabagong panahon.
Valenzuela City, Mutya Publishing House, Inc.
Doble,J (Ed) 2006. The Philippine collegian anthology of critical and creative writing. Quezon
City. UP Press.

Haguang elektroniko.

How to write synthesis essay, Sa https://msu.edu/-jdowell/135/Synthesis,html- May 1, 2016

LET’S INITIATE!
Aktibiti 1.1

PANUTO :Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa karanasang di ninyo malilimutan.Gawing


gabay sa paggawa ng sanaysay ang rubriks na nakalahad sa ibaba.

Rubriks:
Paggamit ng salita ……. …..20 na puntos
Kaangkupan sa Paksa …….20 na puntos
Kalinisan sa pagsulat ……..10 na puntos
Kabuuan 50 na puntos

You might also like