You are on page 1of 4

PLEDGE OF LOVE SCHOOL

244 Kabatuhan Street Deparo, Caloocan City

Modyul
sa
MTB
Panghalip Pananong at
Panghalip na Panaklaw
Mga Layunin
 Natutukoy ang panghalip sa pangungusap.
 Nakikilala ang mga panghalip na pananong at panghalip panaklaw.
 Nakakapagbigay ng mga Halimbawa ng panghalip pananong at panghalip panaklaw

Ano ang panghalip ?

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan


na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.

Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".

2 uri ng Panghalip

 Panghalip na pananong
 Panghalip na panaklaw

1. Panghalip na pananong
- Ito ay mga panghalip na gingamit sa pagtatanong gaya ng :
 Sino at Kanino - ito ay gingamit para sa tao .
Halimbawa : Si Juan ay lumakad ng mabilis. Sino ang lumakad ng mabilis ?

 Ano - ginagamit Para sa bagay, hayop, katangian , pangyayari o ideya.


Halimbawa: Ano ang pangalan mo ?
 Saan - Ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar

Halimbawa: Saan ka nakatira ?

 Bakit - para sa dahilan.

Halimbawa : Bakit ka umiiyak ?

 Ilan - Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang

Halimbawa : Ilan ang alaga mong aso sa bahay ?

 Kailan - Ginagamit sa pangtanong tungkol sa petsa at panahon.

Halimbawa : Kailan ang kaarawan mo ?

 Magkano - Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera.

Halimbawa : Magkano ang binayad ni Erlinda para sa mangga ?

 Paano - ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

Halimbawa : Paano lulutuin ang adobo ?

 Alin - Ito ay ginagamit sa pagpili.

Halimbawa : Alin sa manok at baboy ang nais mong ihain sa nga bisita ?

2. Panghalip na panaklaw
- Ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, kalahatan, at dami ng bilang.

Mga Halimbawa :
 Madla
 Lahat
 Isa
 Ilan
 Ilanman
 Kailanman
 Saanman

 Ang lahat ng bata ay may karapatang makapag- aral.


 Gaanoman kahirap ang leksyon ay nagiging madali kapag naipapaliwanag nang mabuti.
 Ang ilan sa mga estudyante ay umuwi na ng maaga.

Gawain 1 :

Punan ng tamang panghalip pananong ang mga sumusunod upang mabuo ang tanong.

1. ______________ ka malungkot ?

2. ______________ ang kaarawan mo ?

3. ______________ nagalit ang ating guro ?

4. ______________ ang binili mong saging ?

5. ______________ ka uuwi sa ating bahay?

6. ______________ ang isang bote ng softdrinks?

7. ______________ ka gumawa ng keyk?

8. ______________ ka bumili ng bag?

9. ______________ ang bibilhin mo sa palengke ?

10. _____________ ang bago mong lapis ?

Gawain 2 :

Bilugan ang mga panghalip panaklaw sa bawat pangungusap.

1. Ang ilan sa mga estudyante ay umuwi na ng maaga.

2. Nangako ang kanilang kapitan na tutulungan sila anuman ang nangyari.

3. Magandang gabi sa inyong tanan.

4. Ang sinumang lumabag sa batas ay mapaparusahan.

5. Isa sa mga bata ay nahuling natutulog sa upuan.

You might also like