You are on page 1of 10

POKUS NG

PANDIWA
Pokus ng Pandiwa

Ito ay tumutukoy sa
ugnayan o relasyon ng
pandiwa at ng paksa ng
pangungusap. Nakapokus sa
iba't ibang bahagi ng
pangungusap ang pandiwa.
1. Aktor o Tagaganap
Ang simuno o paksa ang gumaganap
ng kilos sa pangungusap. Sinasagot
nito ang tanong na “sino?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-,
makapag-, maki-, o magpa-.

Halimbawa:

Maglilinis ng silid-aklatan si Ginang Torres bukas.


Nagluto ng masarap na kaldereta si Lola Carmen.
Bumili si Carlo ng bulaklak.
Nanood ng sine si Carla.
1. Aktor o Tagaganap
Ang simuno o paksa ang gumaganap
ng kilos sa pangungusap. Sinasagot
nito ang tanong na “sino?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-,
makapag-, maki-, o magpa-.
2. Layon
Ang simuno o paksa ay bagay na
pinagtutuunan o layon ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma-, na-, o -an

Halimbawa:

Kakausapin ng gurong tagapayo ang mga magulang.


Ipinatawag ng punong-guro kay Bb. Reyes ang
maiingay na mag-aaral.
Itago mo ang pera.
3. Ganapan
Tinutukoy rito ang pook o lugar na
pinag-uusapan sa pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-, nag-, -an, -han, -in, o -hin

Halimbawa:

Silid-aklatan ang napagdausan ng komperensiya ng


mga guro.
Napagtaniman ng mga mag-aaral ang bakanteng lote
sa likod ng paaralan.
Pinagdausan ng pulong panalangin ang chapel.
4. Direksyon
Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng
direksyon ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga panlaping -an, -han, -in, o -hin
Halimbawa:

Pinuntahan ng mag-anak ang Mines View Park sa


Baguio.
Pinasyalan ng alkalde ang aming paaralaan kahapon.
5. Kagamitan
Ang simuno o paksa ang kasangkapan
o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipang (ipan- o ipam-)
Halimbawa:

Ipinambili ni Mimi ng bag ang kinita niya sa trabaho.


Ipinambalot ni Inay ang mga lumang magasin sa
aking kuwaderno.
Ipinampunas ni Karla sa mukha ang regalo kong
panyo.
6. Tagatanggap
Ang simuno o paksa ang tumatanggap
ng kilos o pandiwa sa pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, ipag-, at ipa-.

Halimbawa:

Ibinili ni Selya ng pasalubong si Lolo.


Ipinagluto ni Tina ng sinigang ang kanyang mga
kapatid.
Ikinuha ni Juan ng tubig ang mga batang nauuhaw.
7. Sanhi
Ang simuno o paksa ang
nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng
kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i- at ika-.
Halimbawa:

Ikinalungkot ni Gng. Dolosa ang pagliban ng


maraming bata dahil sa mahinang koneksyon ng
internet.
Ikinainis ni Wendy ang palaging pang-aasar sa kanya
ni Pedro.

You might also like