You are on page 1of 2

Baitang: Baitang 7

I. Layunin  Naipaliliwanag ang konsepto ng awiting may


isyung-panlipunang nilalaman.

 Nakapaglalahad ng paghihinuha sa mensahe gamit


ang emosyon o damdamin.

 Nakalilikha ng personal na pagsusuri sa kabuuan


ng kanta gamit ang isang teorya.

 Nakabubuo ng kaugnay na liriko mula sa sariling


pananaw.
II. Paksa Hari ng Tondo
Gloc 9
Sanggunian Modyul sa Panitikang Filipino 7 Yunit IV, Pahina 119-120
Kagamitan Laptop, Projector, Speakers
III. Pamamaraan
A. Panimulang
Gawain 1. Panalangin
1. Pang-araw-araw na 2. Pagbati
Gawain 3. Pagtala ng mga liban
4. Pagpuna sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan

2. Pangganyak Magpapakita ng mga digital collage na nagpapakita ng


lugar na Tondo at kukuhain ang pulso rito ng mga mag-
aaral.

A. Paglalahad 1. Ano ang pumapasok sa inyong isipan kapag


naririnig ang salita o lugar na Tondo?

2. Nakararamdam ba kayo ng takot o pangamba


patungkol sa lugar na ito?

3. Ano ang inyong inaasahan sa sandaling kayo ay


mapadpad sa lugar na iyon?
B. Pagtalakay Ipatutugtog ang buong awitin at susuriin ang buong liriko
matapos ipabasa ang akda.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang damdamin ng daloy ng mga salita sa liriko?

2. Gaano kabangis inilarawan ang Tondo?

3. Bakit sa tingin mo ay Tondo ang ginamit na sentro


ng tagpuan sa akdang awitin?

4. Anong mga tayutay ang pumaloob sa kanta?

5. Ano-ano ang naging batayan sa pagbuo ng


nilalaman at mensahe ng akda?
C. Aplikasyon
1. Isahang Tanong:
Gawain Anong bahagi ng awitin pinakanakita at naramdaman ang
sentrong diwa nito? Isulat ang napiling bahagi at
ipaliwanag kung bakit.

2. Panuto:
Pangkatang PANGKAT 1 – Gamit ang akronim na TONDO, gamitin
Gawain ang bawat titik nito upang ibigay ang mga pangunahing
pagtingin sa lugar na ito, at bigyan ng sariling kaisipan.

PANGKAT 2 – Bumuo ng Table Chart at itala ang lahat ng


susing salita sa buong awitin na nagpapahiwatig ng tunay
nitong saysay.

PANGKAT 3 – Gumuhit ng isang salamin at sa loob nito


ay bumuo ng mga simbolo na nagpapakita kung paanong
sinasalamin ng Tondo ang suliranin sa bansa.

PANGKAT 4 – Itanghal ang buong liriko ng kanta sa


paraang sabayang pagbigkas, gamit ang tamang mga
pagbigkas, diin, at emosyon.

IV. Pagtataya Panuto:


Pumili sa teoryang Sosyolohikal o Marxismo, at gamitin ito
upang bumuo ng isang talatang pagsusuri sa kabuuan ng
awitin.

V. Takdang-Aralin Panuto:
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong dugtungan
ang liriko ng kanta, ano ang magiging tunguhin nito?
Bumuo ng sariling karugtong na liriko sa haba ng isang
saknong. Ipaliwanag ang nilalaman nito at kung bakit dito
tumungo ang kaisipan.

You might also like