You are on page 1of 3

Pamagat ng Nobela:

 Titser
May akda:
 Liwayway A. Arceo
Buod:
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo
sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng
dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad
na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa
poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak
na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin
ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa
probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at
magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na
plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si
Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak
ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata.
Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may
asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging
magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida
sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-
alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo
ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang
bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang
kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na
matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang
ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

Mga Tauhan:
 Aling Rosa ay ang ina ni Amelita. Ang antagonista sa kuwento.
 Amelita ay isang dalagang Guro sa pampublikong paaralan, bunso sa lima na
anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro. Nagpamalas ng kakaibang katapangan
sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano nanais ng ina para
sa kanya. Ang protagonista sa kuwento.
 Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas
nakakaintindi kaysa sa kanyang ina.
 Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at
respitadong pamilya. Umiibig sya kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita
dahil siya ay arogante at maka-mundo.
 Mauro isang titser sa pampublikong paaralan, hindi man siya mayaman pero
minamahal parin siya ni Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang
inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito para pasukin ang mundo ng
pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas
priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa
kwento.
 Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring
para ring isang tunay na anak.
 Rosalida (Lida) – Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at
Amelita.Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida
atRosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita.
 Aling tinay - Katulong nina Osmundo
 Cesar - Anak ni Alinng Tinay
 Bastian - Drayber nina Lety
 Lety - Siya ang batang pinalaki sa layaw ng magulang at paboritong apo ni Aling Rosa.

Teoryang Kinabibilangan

 Teoryang Realismo - Dahil sa nobelang ito ay makikita ang tungkol sa katotohanang


pangyayari sa ating lipunan.
 Teoryang Romantisismo - Makikita din dito ang teoryang romantisismo dahil sa pag-
iibigan ng pangunahing tauhan.
 Teoryang Humanismo - Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Tulad sa
nobelang "titser" kalayaan niyang magpahayag ng kanyang saloobin at higit ay ang
kanyang pagpapasya bilang isang indibidwal.

You might also like