You are on page 1of 2

Grade 7 – Ampere – 7:00-8:00 MWThF

Grade 7 – Anderson 8:00-9:00 MTThF


Grade 7 – Abelard 9:00-10:00 MWThF
Grade 7 – Aquino - 2:00-3:00 TWThF
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7
Ika-21 ng Nobyembre 2018
Tema: Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan
A. Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
B. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar

I. LAYUNIN A. Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang pandamdamin


ng akda (F7PB-IIIa-c-13)
B. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat
(F7PT-IIIa-c-13)

II. NILALAMAN Paksa: Ang Sariling Wika


II. KAGAMITANG PANTURO Libro, Biswal Eyds, Chalk
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magtatanong ang guro kung ano ang natalakay sa nakaraang pagkikita.
2. Pagganyak
Magtatanong sa klase: Anong wika ang madalas mong gamitin? Bisaya? Hiligaynon? Tagalog? Ano ang
maituturing ninyo na sarili ninyong wika? Bakit?
B. Panlinang na Gawain (4AS)
1. Mga Gawain (Aktibiti)
a. Paglalahad ng Aralin
Ang ating tatalakayin para sa araw na ito ay tungkol sa ating Sariling Wika. Gaano nga ba natin kakilala o
kaalam ang ating sariling wika? Saan nga ba ito nagsimula? (Talakayin ang tatlong teorya ng wika,
teoryang bow-wow, yum-yum at pooh-pooh)
b. Paghawan ng Sagabal
Ngayong may ideya na tayo tungkol sa mga posibleng pinagmulan ng wika, ipapaliwanag naman natin
ang kahulugan ng mga salitang nasa pisara sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat sa mga ito upang
makabuo tayo ng pangkalahatang kaisipan o kahulugan ng mga salitang pinag-sama-sama.(Magkakaroon
ng paggugrupo-grupo) (sumangguni sa libro pp. 276)
c. Sabayang Pagbasa
Ipabasa ang tulang “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino” sa bawat pangkat.
2. Pagsusuri (Analisis)
Susuriin ng bawat pangkat ang bawat taludtod ng tula at kanilang ilalahad sa harapan ng klase ang
pangunahing ideya at damdaming isinasaad dito. Kanila ring ilalahad ang pangkalahatang damdaming
bisang nakapaloob sa akda. Ibatay ang pagbibigay ng puntos sa ilalahad na rubriks.
C. Abstraksyon
1. Sa panahon na laganap o mas kinahuhumalingan na ng ilan sa mga Pilipino ang ibang wika, ano ang
iyong magagawa upang mapreserba at mas mapayaman ang ating sariling wika?
2. Sa iyong palagay, okey lang ba na tayo’y mahumaling sa ibang wika? Bakit?
D. Aplikasyon
1. Ano kaya ang sasabihin mo sa iyong kaibigan na nahuhumaling na sa wikang Hanggul (Koreano)?
2. May isa kang kaklase na lumaki sa ibang bansa, paano mo siya makukumbinsi na gamitin o pag-
aralang gamitin ang ating sariling wika?
V. Ebalwasyon
Bigyan ng puntos ang mga mag-aaral batay batay sa ginawang pangpapangkat-pangkat.
VI. Kasunduan

Inihanda ni: Iniwasto ni:


VINCENT JAKE E. NAPUTO CECILIA B. RINGOR
Grade 7 – Filipino Teacher Master Teacher - Filipino

You might also like