You are on page 1of 2

UNIT 8: PANANALIKSIK

Pangalan: Louie Jay D. Lleno Petsa: Abril 2, 2021


Seksyon: BSED-Filipino

Magbigay ng mga karaniwang pormat na ginagamit sa pagsulat ng isang pape


pananaliksik

Bilang mananaliksik, dapat ay malinaw hindi lamang ang paraan ng pagbuo nito,
pangangalap ng datos, at paglalahad ng mga natuklasan. Mahalagang maunawaan ng
mananaliksik ang pisikal na anyo ng papel o pormat nito. Sa pagsusulat ng
pamanahong Papel, bigyan ng mahalagang konsiderasyon ang sumusunod na
detalyeng may kaugnayan sa pormat:

1. Ang papel na dapat gamitin ay substance 20 na may laking 8.5” × 13” o letter
size. Tinatawag itong short bond paper ng ibang manunulat.

2. Ang espasyo ng naratibo ay dalawa maliban sa sanggunian na gumagamit ng


iisang espasyo. Bawat entri ng sanggunian ay may espasyo rin sa pagitan ng
mga ito.

3. Arial o Times New Roman ang dapat na gamitin sa naratibo. Inililbag nang mariin
ang mga pamagat at sub-pamagat. Ang mga pamagat ay nakasentro sa papel
habang ang sub-pamagat ay nasa kaliwang gilid ng papel.

4. Ang pamagat ng pananaliksik sa pabalag at pamagat na pahina ang nakalimbag


nang mariin sa malaking titik. Ang mga chapter titles ay mariin ding nakalimbag
sa malalaking titik. Nakasentro ang lahat ng mga chapter titles habang ang sub-
titles naman ay nakasulat sa kaliwang bahagi ng papel. Kapwa title at sub-title ay
nakalimbag nang mariin.

5. Ang mga bilang ng kabanata ay hindi nakasulat sa salita kundi sa Hindu


Arabikong bilang.

6. Ang palugit sa lahat ng bahagi ng papel isang pulgada maliban sa kaliwang


bahagi na may isang pulgada at kalahati dapat para sa paglilibro ng manuskrito.

7. Ang pahina ay dapat na ilagay sa itaas at kanang bahagi ng papel. Lahat ng


chapter pages ay naka-silent paging. Ang mga prelinaring pahina ay gumagamit
ng maliliit na letrang /i/ at /v/ sa paglalagay ng pahina. Ang pahina sa mga
preliminary pages at nasa sentrong ibaba ng papel. Naka-silent paging din ang
fly leaf 1, pamagitang pahina at fly leaf 2.

8. Naka-inverted pyramid structure dapat ang pamagat ng pananaliksik. Single


space din ang pagkakasulat nito pati anv lahat ng detalye sa pabalat at
pamagitang pahina. Ang pangalan ng mga may-akda ay dapat all caps din.

9. Lahat ng detalye sa pamagitang pahina, pabalat, mga pamuhatan ng dahon nv


rekomendasyon, at dahon ng pagpapatibay ay naka-center structure.

10. Gamitin ang inisyal bilang pagkakakilanlan sa ibabang bahagi ng Pagkilala.


Maaring gumamit ng palayaw sa bahaging Paghahandog.
11. Huwag kalimutang ilagay ang titulo ng lupon ng mga tagasulit karugtong ng
kanilang pangaan. Tanging daglatamang ang ilahay. PhD para sa Doctor or
Philosophy, EdD para sa Doctor of Education, at iba pa

You might also like