You are on page 1of 40

ANG ATING PANITIKANG

FILIPINO
Pangkat A
PANIMULA
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging
pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na
d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa
pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang
salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa
Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay
letra o titik.
ANO ANG PANITIKANG FILIPINO?
Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,
paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga
Pilipino.
MGA URI NG PANITIKAN
1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan
Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang
kaalamannkol sa gayo't ganitong uri ng gawain at karunungan.
Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining
na panitikan.

Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin

a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at

b. magturo o maghikayat,
Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang
ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman
(ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:

a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi


pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling
hinubog guniguni ng kumatha.

b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin;


iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat
ng tao sa lahat ng panahon.
Malikhaing Panitikan

c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong


paraa’y gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito
upang lumikha at maghandog sa mambabasa.

d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang


kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.
ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG
PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.

2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-


uugali.

3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.

4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong


mapayabong.

5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.


MGA PARAAN AT HANGARIN NG
PANITIKAN
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay

ayon sa hinihingi ng hangarin:

1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.

2. Paglalarawan — kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba
pa.

3. Pagsasalaysay — kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.


MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA
PANITIKAN
1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at Edukasyon
DALAWANG ANYO NG PANITIKAN
Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.
PANITIKANG PATULA
Ang panitikang patula ay masining na pagsasama-sama ng mga
piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at tugma o malayang
taludturan.
PANITIKANG TULUYAN
Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at
direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng
mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.
MGA URI NG TULA
1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
2. Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan
4. Tulang Pandulaan
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob
na karanasan, guniguni, o damdamin ng may-akda.

1. Dalit - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.

2. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga


aral sa buhay.
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
3. Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay, Ito ay isang
uri ng panaghoy o panangis,

4. Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng


isang tao o grupo ng mga tao.

5. Awit— ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa,


kaligayahan, at iba pa.
Tulang Pasalaysay
Ito ay tulang may kUwcnto at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang
paksa nito.

1. Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng


isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong
kababalaghang hindi kapani-paniwala.
2. Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran
ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe,
at prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig samantalang
ang korido ay may wawaluhing pantig.
3. Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw
Tulang Patnigan
1. Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang
patay.
2. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na
gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang
pang-aliw sa mga naulila nito.
3. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-
aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam
na gabi.
4. Balagtasan —isapang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan
ng katwiran sa pamamaraang patula,
Tulang Pandulaan
Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at
komedya.
MGA URI NG TULUYAN
1. Maikling Kuwento
2. Sanaysay
3. Talambuhay
4. Dula
Maikling Kuwento
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari
sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
Sanaysay
Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat hinggil sa anumang paksa.
Mga Uri ng Sanaysay
1. Pormal o maanyo
2. Impormal o personal
Pormal o Maanyo
- seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa
katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at
ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.
Impormal o Personal
- nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang
pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na pakikipag-usap lamang ng
awtor sa mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.
Talambuhay
Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o
buhay ng isang tao na isinulat ng iba.

Mga Uri ng Talambuhay

1. Maikli — pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema


bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari.

2. Mahaba — lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito ay


nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang
pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.
Dula
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ngbuhay o ugali
ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapån o dayalogo, at sa mga
ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang
tanghalan.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA
NAGPAPAKILALA NG KASAYSAYAN AT
KALINANGAN NG BANSANG PINANGGALINGAN
1. Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia
2. Koran mula sa Arabia
3. Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos
4. Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas
5. Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia
6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera
7. Iliad at Odyssey mula sa Gresia
8. El Cid Campedor mula sa Espanya
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO
Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)
Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)
Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)
Panahon ng Hapones (1942-1945)
Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)
Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)
Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila
(Bago mag ika-16 na siglo)
Pagaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may
impluwensiyang kaisipang Malayo-lndoncsyo, Ang panitikan ng
panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, kantahing-
bayan, epiko, at mga karunungang-bayan.
Ibanahon ng rnga Kastila (1565-1898)
Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng rnga
Kastila, Ang layunin ng panitikan sa panahong ito ay ang palaganapin
ang Kristiyanisrno. Karamihan ga roga akda ay isinulat ng mga prayle,
Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang
kanluranin.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)
Naging makabayan at mapanghirnagsik ang panitikan sa
panahong ito.
Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)
Ang panitikang Fil spino ga panahong ito ay rnay impluwensya
ng kaisipang demokratiko.
Panahon ng Hapones (1942-1945)
Nakilala sa panahong ito ong molayang tula. Tinularan ng ilang
makatang Pilipino ang tulang llapon na hoccu o haiku,
Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong pampanilikan ang nangyari
sa panahong ito.
Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong ito
pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang
nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles.
Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa ng panitikan, na
kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa
pamahalaan o awtoridad.
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)
Sikil ang mga panulat sa panahong Vito. Limitado ang mga
paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi malayang
magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.
Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula
1986)
Sumigla ang pamamahayag, Malaya ang mga mamamahayag at
mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa
bayan. Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon na humantong
sa pagsigla ng panitikan sa iba't ibang larangan.
URI
1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN


Paglalahad

Panitikan Paglalarawan
Pagsasalaysay
Pangangatwiran

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN


Klima
Gawaing Pang-araw-araw
Kinatitirahan
Lipunan at Pulitika
Relihiyon at Edukasyon

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING


PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong
mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


Panitikang Patula
Panitikang Tuluyan

You might also like