You are on page 1of 3

Annex 2 to Order DepEd Order No. 42, s.

2016
Paaralan Mataas na Paaralan ng Tapuyan Antas 10
Daily Lesson Guro Ronna Mae B. Hernandez Asignatura FILIPINO
Log Petsa/ Oras April 2021 Markahan Ikatlo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
binasang akdang pampanitikan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia. (F10PN-
ng bawat kasanayan) IIIa-76)
Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng akda, kilos at
gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan. (F10PB-IIIa-80)
D. Tiyak na Layunin Nakapaglalahad ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.
Nakapagsusuri ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin, pagdedesisyon,
kilos at gawi ng tauhan.
Nakapagbibigay ng aral sa buhay na natutuhan batay sa mitolohiyang nabasa.
II. NILALAMAN “Liongo” Mitolohiya mula sa bansang Kenya
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng FILIPINO 10 Modyul 1
Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Presentasyong powerpoint, laptop, mga larawan
III. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/o A. Kaya Ko To, Kuha Mo!
pagsisimula ng bagong aralin. Panuto: Isalin sa Filipino ang mga sumusunod na parirala at pangungusap.
1. His paper was soaked in water. Basa ang kanyang sulatang papel.
2. Your servant is already here. Narito na ang iyong tagapaglingkod.
3. Her heart is as white as snow. Busilak sa kaputian ang kanyang puso.
4. I am afraid to lose you. Natatakot akong mawala ka.
5. I wish I will be the one. Sana ako na lang.
6. I can’t believe that you are my lifetime partner. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang
makakasama ko habang buhay.
7. I love you – Mahal kita

SIPNAYAN (Paggamit ng Addition at Subtraction)


Gagamitin ng mga mag-aaral ang pangunahing panuntunan sa Matematika o Sipnayan na
pagdaragdag at pagbawas. Kung ano man ang resulta ng inyong pagkakalkula ay hahanapin niyo
ang katumbas na letra nito sa inihanda kong paskil.
1099-875=
890+964= B-226 I-1 854
2588+98= E-450 J-1 000
3698-452= F-5 009 L-224
78 963 - 875=
4799-2113= G-78 088 N-3 246
O-2 686
=LIONGO

B. Paghahabi ng Layunin a. Pagtatanong sa mga mag-aaral ng kanilang nakaraang kaalaman patungkol sa


katuturan ng mitolohiya.
b. Pagpapagamit sa mga mag-aaral ng isang Venn Diagram upang ipakita ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiya ng Africa at Persia.

Africa Persia

Pagkakatulad

c. Paghahawan ng Balakid o Talasalitaan


Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Bantog siya sa pakikidigma at pagiging makata. (sikat)
2. Nakipagbuno si Hercules sa mga kawal ng hari. (nakipaglaban)
3. Naging dakila ang hari sa pagkubkob sa mga kaharian. (pagsakop)
4. Si Thor lang ang nakababatid ng lihim ni Loki. (nakakaalam)
Annex 2 to Order DepEd Order No. 42, s. 2016
5. Nakahulagpos si Samson sa pagkakagapos sa poste. (nakawala)

d. Pagpapanood ng video clip ng Liongo.

e. PASS THE BOX


Kapag nagsimula na ang musika na patutugtugin ng guro, ipapasa ng mga mag-aaral
ang kahon sa kanilang katabi, at kapag huminto ang musika ang may hawak ng kahon
ang siyang bubunot ng tanong mula sa kahon at kaniya itong sasagutin.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa akda?
3. Ilarawan ang naging kilos at gawi ni Liongo.
4. Ano ang naging desisyon ni Liongo? Makatwiran ba ito? Bakit?
5. Anong mensahe ang nais ipabatid ng may akda sa mambabasa?
6. Kung kayo ay nasa katayuan ni Liongo, magsisis ka ba na minsan ay binigay mo
ang iyong tiwala sa isang tao ngunit sa huli ay hindi ito pinahalagahan?
7. Anong aral ang napulot mo sa kwento? Paano mo ito ilalapat o iaaplay sa iyong
buhay?

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong JUMBLED WORD


aralin Sa pamamagitan ng mga salitang nasa loob ng kahon buuin ito at tukuyin ang pinagmulan nito
na may kaugnayan sa mitolohiyang binasa.

mtinrlaraie _____________________________________
___
zio _____________________________________
___
iaiatlnrpre _____________________________________
___
zaaf _____________________________________
___
gaal _____________________________________
___
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad STORY BOARD
ng bagong kasanayan #1 Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng tauhan, kilos at gawi
at desisyon ng tauhan.

Liongo

Mbwasho

Sultan Ahmad

PANGKATANG GAWAIN
Pangkat 1- Ipakilala ang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng Pageant. (Hal. Magpapakilala
ang tauhan at sasabihin ang kaniyang katangian at ang kanyang motto sa buhay.)

Pangkat 2 – Bumuo ng sariling wakas ng kwento at isadula ito sa klase.

E. Paglinang sa Kasanayan SUBUKAN NATIN!


(Tungo sa Formative Assessment) Panuto: Lagyan ng puso ( ) sa inilaang patlang kung ang sumusunod na pangungusap ay tama
at bilog ( )naman kung hindi.Kung mali ang iyong sagot isulat ang salitang tatama sa diwa ng
pangungusap.
1. Si Liongo ay malakas at walang kahinaan. _____
2. Ang mga manununulat na mula sa Africa at Persia ang nagpakilala sa paniniwalang
Sufism. ______
3. Pinamumunuan ni Liongo ang Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ang isla ng Pate.
______
4. Ang Matrilinear ay pamamahala ng mga kalalakihan. ______
5. Si Liongo ang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. _____
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Anong mga aral ang iyong natutuhan sa kuwento o mitolohiyang ating pinag-aralan? Paano mo
buhay ito gagamitin sa iypong pang-araw-araw na buhay?
G. Paglalahat ng Aralin Bakit mahalagang pag-aralan ang isang akdang pampanitikan tulad ng mito?

H. Pagtataya ng Aralin PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat na pahayag sa Hanay A tungo sa pagbuo ng
mahalagang aral sa buhay.
Hanay A Hanay B
1. Manatiling matatag sa mga A. at huwag ang pansariling
problemang dumarating sa kagustuhan lamang.
buhay ________
2. Dapat kilalanin muna ang B. upang sa bandang huli ay taong nakakasalamuha
bago hindi pagsisihan iyon.
ibigay ang buong tiwala _______
3. Pagmamahalan at hindi C. para maiwasan ang kapalaluan ang dapat
Annex 2 to Order DepEd Order No. 42, s. 2016
maghari pagtatraydor at kaguluhan.
sa isang pamilya __________
4. Iwasan natin ang padalos-dalos na D. upang sa huli’y hindi tayo
na pagdedesisyon ___________ malugmok at maging kawawa.
5. Lagi sana nating isipin ang E. dahil malalampasan mo rin
kapakanan ng nakakarami basta’t manalig sa Diyos at
_______ magtiwala sa sarili.

I. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Pumili ng isang talata mula sa anumang mitolohiyang naisulat sa Africa o Persia at isalin ito sa
remediation Filipino.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehyang pagtuturo nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ang aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Inihanda ni:

Ronna Mae B. Hernandez


Guro
Binigyang- pansin ni:

G. Rowel S. Laririt
Punongguro I

You might also like