You are on page 1of 19

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.2
Panitikan : Anekdota
Teksto : “Mullah Nassreddin” (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika : Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay
ng Orihinal na Anekdota
Bilang ng Araw : 5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIb-77)


 Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIb-81)


 Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:
- paksa
- tauhan
- tagpuan
- motibo ng awtor
- paraan ng pagsulat
- at iba pa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIb-77)


 Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIb-75)


 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
youtube.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79)


 Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo (aside, soliloquy o
monologo).

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIb-79)


 Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip ng anekdota.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIb-72)


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota.

Ikatlong Markahan| 23
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIb-75)


 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa
youtube.

II. PAKSA

Panitikan : Mullah Nassreddin


(Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Istratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO


Pagpapabasa ng isang anekdota
“Si Pangulong Manuel L. Quezon at ang Magwawalis”

(Buod)

Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong


Quezon. Hinahanap nila si Pangulong Quezon. Hanap dito hanap doon ang
kanilang ginagawa. Ngunit wala ang Pangulong Quezon. Samantala, sa
isang malaking bato sa pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay
na nakikipag-usap sa isang matandang may hawak na walis. Naghihinaing
ang matanda sa lalaking makisig.

Ikatlong Markahan| 24
.
ng pamahalaan. Dinadaing niya na kulang ang kanyang arawang kita at hirap
makatungtong ng paaralan ang kanyang mga anak. Pinapagaan ang
pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong matandang nawawalan na ng pag-
asa.
At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan nito na
gulat na gulat nang siya’y matagpuang kausap ng magwawalis. Pagkaraan ng
ilang araw , dumating ang gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat
tumaas ang kanyang tungkulin at nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi
alam ng matanda na si Pangulong Quezon na pala ang nakausap niya.
http://docslide.net/documents/anekdota-5584495740c0f.html

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: TANONG KO’Y SAGUTIN
a. Kilalanin ang dalawang tauhan sa kwento.
b. Tukuyin kung bakit ganoon na lamang ang hinaing ng magwawalis sa
kanyang kausap?
c. Sa iyong palagay ano ang angkop na kasabihan o kaisipan ang akma
sa kwento? Ipaliwanag.

2. Pokus na Tanong

a. Paano naiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?


b. Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at
pagbasa ng mga orihinal na akda?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: SINETUKLASIN


Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin
tungkol sa anekdota.

. “AKASYA O KALABASA”
ni Consolation P. Conde
https://www.youtube.com/watch?v=7lAFuMhDY5E

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN
a. Bakit naging abala ang mga magulang ni Iloy pagkagising sa umaga?
b. Batay sa naging desisyon ni Mang Simon, anong katangian ang
kanyang ipinamalas?

ANALISIS

1. Bigyang katwiran ang sinabi ng punongguro, “kung ang nais ninyo ay


magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng

Ikatlong Markahan| 25
puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa” .
2. Paano nahimok ang ama na magbago ng isip para sa karerang
ipakukuha sa kanyang anak?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga posibleng mangyayari kung
pinanindigan ni Mang Simon ang kanyang unang desisyon para sa
kursong kukunin ng anak?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

ANEKDOTA

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa


kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao.
Isang maikling salaysay na karaniwang naglalarawan ng panlahat na
katotohanan o panuntunan o kaya’y isang makatawag-pansing katangian ng
isang tao.

Dalawang Uri ng Anekdota:


1. kata-kata - madalas na bungang isip at katatawanan ngunit madalas din
na may mahalagang tinutukoy.

2. hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga


pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang


nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi
mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw,
makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.

https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ano-ang-anekdota.html
http://documents.tips/documents/anekdota-final.html

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CAR MAZE GAME


Isakay ang mga salita sa sasakyan na bubuo ng konsepto ng araling
tinalakay at tahakin ang wastong daan.

Kata-kata makatotohanan Magbigay aliw

Ikatlong Markahan| 26
ANEKDOTA

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SHARE IT!

Magbigay ng halimbawa ng anekdotang inyong nabasa o narinig sa


inyong komunidad. Ibahagi ito sa klase at ibigay ang opinyon hinggil sa
pangyayari / kaisipan.

IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng iba pang anekdota mula sa Pilipinas. Suriin at itala sa


aklat-sipian ang mensaheng ipinabatid nito sa mambabasa.
2. Basahin ang halimbawa ng isang anekdota mula sa Persia, Mullah
Nassreddin.
a. Paano mo ilalarawan si Mullah?
b. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?

Ikatlong Markahan| 27
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIb-77)


 Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota

PAG – UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIb-81)


 Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:
- paksa
- tauhan
- tagpuan
- motibo ng awtor
- paraan ng pagsulat
- at iba pa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIb-77)


 Nabibigyang - kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79)


 Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo: aside, soliloquy o
monolog) .

II. PAKSA

Panitikan : Mullah Nassreddin


(Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

Ikatlong Markahan| 28
AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.

Noong Nagpunta Ako sa Dagat


https://www.youtube.com/watch?v=iOYMtfLUIYw

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: Fish Bone Technique
a. Ilarawan ang batang nagsasalaysay .
b. Sa iyong palagay tama ba ang kanyang naging katwiran sa
pagpapaanod ng kabiyak nyang tsinelas? Bakit?
c. Tukuyin kung anong katangian ng anekdota ang napanood?
Patunayan.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: SINE TIME!


Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.
MULLAH NASSREDIN
https://www.youtube.com/watch?v=eJfiLfsa5v0

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: Pass the Ball
a. Batay sa ginawang paglalarawan sa akdang binas, ipakilala si Mullah?
b. Aling katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: CELEBRITY PLAYMATES!


Ang grupo ay mahahati sa dalawang lupong artistahin na maglalaro
bilang mga celebrity playmates. Bibigyan ng kahulugan ang salita batay sa
ginamit na salitang nakahilig.

a. Lumisan b. Nalito c. Napahiya d. Sayangin e. Naimbitahan

1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.
3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homiliya.

Ikatlong Markahan| 29
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: AMBUSH INTERVIEW


Tukuyin ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.

Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: GRAPHIC ORGANIZER


Suriin ang anekdota ayon sa batayan sa Tsart.

Batayan Anekdota
ng Pagsusuri Mullah Nassredin
Paksa
Tagpuan
Motibo ng awtor
Paraan ng Pagkakasulat
Mensahe/ Aral
Nilalaman

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: MONOLOGO


Nakapagsasalaysay ng nabuong anekdota sa isang diyalogo
 aside,
 soliloquy o monologo

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang Halos lahat ng
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay miyembro ng
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1 pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa Lahat ng
Ang mgamiyembro ng May mgamiyembro
datos nginilahad aydisiplina. Hindi
May pagkakaisa
pangkat
datos/gawain ay ay Angkop ang at /gawainpangkat maayos
na hindiay hindihigit na ang
Kaangkupan sa nagkakaisa at may presentasyon.
inilahad ay datos /gawaing
pagtutulungan gaanong maayos nanangangaila-
Task/Layunin respeto sa
nagpapakikita ng isa’t isa.inilahad.
ang bawatnagpapakita ng
nakikilahok sangan ng
Nangangaila-
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyonkaangkupan . miyembro.kaangkupan.
gawain.Maayos kaangkupan
kanilang ipinakitang sa disiplina at
gawain.
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon
Napakahusay ng dahil
Mahusayipinakitang
ang Maliwanag ang respeto sa
nilang Hindi malinaw
lahat
ginawang ng miyembro ginawang ginawang bawat
presentasyon ng presentasyonang at ginawang
Kalinawan ng ay kumikilos
pagpapaliwanag/ sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag isa.Kailangan
bawat isa. may respesto pagpapakita
Presentasyon gawaingngnakaatang
pagkakabuo / pagkakabuo ng / pagkakabuo lahat ng
sa bawat isa.
ng mensaheng
sa
mensaheng bawat isa. mensaheng ng mensaheng miyembro ay
nais ipabatid.
nakikipagtulu-
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
ngan sa
 gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
Ikatlong Markahan| napakahusay
30 ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Tukuyin ang pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan


upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng
pagpapatawa?
2. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang pagtuturo sa mga tao?
Ipaliwanag.
3. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan.
4. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang Kabihasnang Persiano

- Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila


itong imperyong Achaemenid.
- Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great
(559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean
sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)
- Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -umabot ang sakop ng imperyo
hanggang india.
- Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng
gobernador o satrap.
- Royal Road- may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito
naglalakbay ang mga, opisyal at mensahero.
- Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila.
Ipinarangal ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan
ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan
Lipunan Kultura at Pulitika
 magiting na mandirigma at matalino na pinuno ang mga hari
 walang takda ang kanilang kapangyarihan taliwas sa mga assyrian
 makatarungan ang pagpatong ng mga buwis
 tapat ang hari sa kanyang nasasakupan at sa kanyang mga
Ikatlong Markahan| 31
mamayanan
 "dapat maging pantay sa lahat ng tao ang batas" Cyrus the Great
 pinaganda nila at nahigitan nila ang pamumuno ng mga assyrian
 naglagay ng satrapy(probinsya) upang lalo mapadali ang pamumuno
 sa pamumuno ni Darius,Cambeyses at Xerxes ay lalong umunlad
ang imperyo
Pagbagsak
 kawalan ng magaling na pinuno
 madalas na pag away dahil sa mga lupain na nasasakupan at
nawalan ng pagkakaisa sa imperyo
Ambag
 relihiyon=zoroastrianismo
 pagbibigay ng mga karapatan sa mga taong nasasakupan nito
 satrapy o ang sentralisadong pamumuno

http://regineran7.blogspot.com/2009/07/kabihasnang-persian.html

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POST IT ON THE WALL!

Paano naiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?

APLIKASYON

Ikatlong Markahan| 32
Mungkahing Estratehiya: MONOLOG

Lumikha ng isang anekdota na maaaring narinig o sariling karanasan.


Ibahagi ito sa klase.

4. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang titik ng angkop na kasagutan .


1. Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat
o tanyag na tao.
a. anekdota c. kata-kata
b. kwento d. makatotohanan
2. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa
kanilang bansa.
a. Saadi c. Liongo
b. Nassreddin d. Faza
3. Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man
magpunta.
a. mahusay na magpatawa
b. magaling umawit
c. mataas na tulad ng higante
d. di nasusugatan ng ano mang armas
4. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
a. pagpapahalaga sa kapangyarihan
b. nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais
ipabatid
c. traydor sa kalaban upang magtagumpay
d. paglilihim ng taglay na kapangyarihan
5. Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Mullah
Nassreddin”?
a. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat
sangayin.
b. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan
ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
c. Dapat matutong maging matyaga sa lahat ng oras.
d. Pagsasabi ng makatotohanan bagay.

Susi sa Pagwawasto:

1. A 2. B 3. A 4. B 5. A

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX IV.

Ikatlong Markahan| 33
Kasunduan

1. Isa-isahin ang kahalagahan ng mga elemento ng tula.


2. Sumulat ng isang tulang binubuo ng limang saknong, may tugma at
sukat at nagpapahayag ng pagmamalaki sa wikang iyong kinagisnan.
Lagyan ito ng angkop na pamagat.
3. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na mga ponemang
suprasegmental:
a. Intonasyon, Tono, Punto
b. Diin at Haba
c. Hinto o Antala
d. Di- berbal na komunikasyon
4. Paano nakatutulong ang mga salitang ito sa pagkakaroon ng tamang
bigkas?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIb-72)


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota.

II. PAKSA

Wika : Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa


Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Ikatlong Markahan| 34
Mungkahing Estratehiya: IARTE MO!
Gumawa ng sariling anyo ng pagpapahayag na may kaugnayan sa
relasyon sa kapwa.

Hal: “Simple lang naman ang hinihingi ko . Kung hindi mo ako


marespeto bilang asawa, respetuhin mo ako bilang kaibigan,
kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.’’

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Tukuyin ang kinalabasan ng gawain batay sa kanya-kanyang
karanasan?
b. Ibigay ang naging pananaw sa mga halimbawang inilahad ng mga mag-
aaral.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: SCENE MO ‘TO!


Isasadula ang buod ng akda.

Mongheng Mohametano Sa Kaniyang Pag-iisa


Mula sa mga Anekdota ni Saadi
Persia ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 258

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: UR TURN
a. Kilalanin si Saadi sa kanyang ipinamalas sa binasang akda.
b. Sumasang-ayon ka ba sa naging kasagutan ng Mongheng
Mohametano? Ipaliwanag.

ANALISIS

1. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?.


2. Makatwiran kaya ang kanyang naging paninindigan kahit mataas ang
posisyong ng taong kanyang kaharap?
3. Naging malinaw ba ang pagsasalaysay sa mga pangyayari?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Pagsasalaysay

Ikatlong
ang Markahan| 35
pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan
,hilig at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook - Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya
pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga
mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA


1. Sariling Karanasan - Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - Maaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro at iba
pa.
4. Likhang - isip - Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay
maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa-Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap
na nauunawaan ang mga pangyayari.
Ikatlong Markahan| 36
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento - nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari
6. Alamat - Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Tala ng buhay" - ng isang tao ,pangyayaring naganap sa
buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan - Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa
isang tao, pook o bansa.
9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
Nagbago na ako. (Nagsasalaysay)
Nagbago na ako? (Nagtatanong)

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING

Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at


pagbasa ng mga orihinal na akda?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: MAG-USAP TAYO!

Bumuo ng pangkat na may tiglilimang miyembro, sa loob ng


grupong nabuo pag-usapan ang mga naging karanasan sa buhay na
nagdulot sa iyo ng aral na hindi makakalimutan. Pagkatapos, pumili ng
isang kuwento na ibabahagi sa mga loob ng klase upang maging aral din
sa kanila.

Ikatlong Markahan| 37
3. Ebalwasyon

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong
bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
a. kwento c. talumpati
b. pagsasalaysay d. tulang pasalaysay

2. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng


isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
mismong nagsasalaysay
a. sariling karanasan c. napanood
b. narinig d. likhang isip
3. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa
buhay ng tauhan.
a. nobela c. dula
b. tula d. maikling kwento

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang tinutukoy sa bawat bilang


at itama kung mali ang ipinapahayag.
4. Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa
malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng
napakaraming pook na nangyarihan ng salaysay.
5. Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling
kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga
mambabasa.

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. A 3.. D 4. / 5. /

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX


IV.

Kasunduan

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang

Ikatlong Markahan| 38
suprasegmental at di-berbal na palatandaan sa komunikasyon.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 3.2.

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIb-79)


 Naisusulat ang isang orihinal na komikstrip ng anekdota.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.2


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya: GAYAHIN MO AKO!


Pagpapakita ng ilang piling halimbawa ng komikstrip.

Ikatlong Markahan| 39
Sanggunian: http://pinoykomiksstrip.blogspot.com/

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: GRAB THE QUESTION AND ANSWER
a. Ano-ano ang mga napansin sa nakitang mga larawan?
b. Mataposmakita ang larawan, ano ang pumasok sa iyong isipan?

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, bakit gumagawa ng mga nasabing larawan ang mga


may-akda nito?
2. Paano makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral ang kaalaman sa
pagbuo ng isang komikstrip?
3. Kung isa ka sa mga gumagawa ng ganitong uri ng larawan, anong
paksa ang nais mong pagtuunan ng pansin? Bakit?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: HALINA’T LUMIKHA

Paano makatutulong sa pagbuo ng isang komikstrip ng anekdota ang mga


natamong kaalaman sa araling tinalakay?

APLIKASYON

GOAL - Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota

ROLE - Isa kang mag-aaral na mahusay bumuo ng isang komiks

AUDIENCE - Mga mag-aaral na mahilig magbasa ng komiks

SITUATION - Ang pahayagan ng paaralan ay nangangailangan ng isang


mahusay sumulat ng kwento at buo ng komiks

PRODUCT - Komiks strip


Ikatlong Markahan| 40 ng isang anekdota tungkol sa nakatatawang
pangyayari sa buhay ng isang tao.
STANDARD- Pamantayan sa Pagmamarka:
A. Kabuluhan ng nilalaman
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakasulat
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Lumikha ng isang anekdota kaugnay sa sariling buhay.


2. Basahin at unawain ang Talumpati ni Nelson Mandela.
3. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa
kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang
lahi, at sa isang bansa?
4. Magsaliksik at patunayan kung may kaisahan ang talumpati at ang
sanaysay.

Ikatlong Markahan| 41

You might also like