You are on page 1of 11

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG PANIMULANG PAGBASA

(MTB-MLE – Pangalawang Baitang)

Ikatlong Araw

I. Mga Layunin
1. Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga pang-uri
2. Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang magkasalungat

II. Paksang Aralin


A. Paksa
a. Talasalitaan: Pagbibigay ng mga Kasalungat na Salita sa
Pamamagitan ng Pagtatambal Nito
b. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng Kasalungat ng mga Salitang
Naglalarawan
B. Sanggunian: K + 12 Curriculum, MTB-MLE Lesson Guide Grade II,
p.8, TG, pp. 135-141
C. Mga Kagamitan: mga larawan ng mga salitang magkasalungat,
computer, projector, word cards, pocket charts, worksheet at kahon
D. Pagpapahalaga: Pagiging isang mabuting kapatid

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at hindi
liban, pagsasaayos ng loob
ng silid-aralan
c. Pagbati
1. Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang may
kapatid?

Maari niyo bang sabihin


ang pangalan ng inyong
mga kapatid? Sasagot ang mga bata

Anong mga ugali ninyo


ang magkakatulad? Ano
naman ang magkaiba? Sasagot ang mga bata
Mayroon din akong
kilalang magkaptid. Sila’y sina Alvin at
Nat.
Ating alamin ang kanilang
kung ano naman ang kanilang
pagkakaiba.
(Babasahin ang kwento
ni Alvin at Nat)

Si Alvin at Nat
Si Alvin at Nat ay
magkapatid na unggoy.
“Kamusta? Ako si Alvin.
Maliit ang aking mga mata.”
“Ako naman si Nat.
Malaki naman ang aking mga mata.”
“Mayroon din akong,
mahabang buntot,” paliwanag ni Alvin.
“Ay, maikli naman ang
aking buntot,” sagot ni Nat.
Isang araw, naglaro sila
sa gubat.
Mabilis maglambitin sa
mga sanga ng puno si Alvin.
Mabagal naman si Nat.
Pagkatapos nilang
maglaro ay naghanap sila ng
makakain. Habang sila’y naglalakad,
nakakita sila ng dalawang buko.
“Nat, tingnan mo. Malaki
ang buko na nakuha ko,” sabi ni Alvin.
“Ay, maliit ang nakuha
kong buko Alvin,” sagot naman ni Nat.
Mas naunang buksan ni
Nat ang buko kaysa kanyang kapatid.
“Nat, maari mo bang
buksan ang aking buko? Mahina kasi
ang aking mga kamay.
“Akin na Alvin. Malakas
ang aking mga kamay kaya
mabubuksan ko yan.”
Pagkatapos nilang
kumain, madumi na ang kanilang mga
damit. Umuwi sila ng kanilang bahay at
nagpalit ng malinis na damit.
“Ayan, nilabhan ko na
ang aking damit,” sabi ni Alvin.
“Masipag ka talaga Alvin.
Maaari mo din bang labhan ang aking
damit?”
“Hay naku Nat! Ang
tamad mo talaga. Labhan mo iyan
para matuwa sa iyo ang nanay.”

At doon nagtatapos ang


kwento ng magkapatid na sina Alvin at
Nat.
B. Paglalahad
Ating basahin ang mga
sumususunod na pangungusap tungkol
kay Alvin at Nat. (Babasahin ng mga bata
ang mga sumusunod:)
1. Maliit ang

mata ni Alvin, malaki naman ang


mata ni Nat.

2. Mahaba ang buntot ni Alvin, maikli


naman ang buntot ni Nat.
3. Mabilis si Alvin ngunit mabagal
naman si Nat.

4. Mahina si Alvin, malakas naman si


Nat.

5. Malinis si Alvin ngunit madumi


naman si Nat.

Maliit po ang kanyang mga


mata.

Malaki po ang kanyang mga


mata.

1. Pagtuturo/
Pagmomodelo
Sa unang pangungusap,
anoang katangian ni Alvin?

Ano naman ang


katangian ni Nat?

(Magtanong ng
kaparehong katanungan hanggang sa
ikalimang pangungusap.)

Mga bata, narito ang mga


binanggit ninyong katangian nina Alvin
at Nat:
Alvin Nat
1. maliit ang 1. malaking
mata mata
2. mahabang 2. maikling
buntot buntit
3. mabilis 3. mabagal Magkaiba po ang kanilang mga
4. malinis 4. madumi katangian o magkasalungat.
5. masipag 5. tamad

Ano ang napapansin ninyo sa


bawat pares ng salita,
magkasingkahulugan ba ang kanilang
mga katangian o kaya’y
magkasalungat?

Ang ibig sabihin po ng mag-

Tama! Ang bawat pares ng kasalungat ay magkaiba, mag-


salita ay magkasalungat ang kalaban o magkabaliktad ang
kahulugan.
kahulugan.

Kung pagbabatayan natin ang


mga halimbawa, ano ang ibig sabihin
ng mag-kasalungat?

Sasagot ang mga bata.


May sasabihin akong
salitang naglalarawan. Nais kong
ibigay ninyo ang kasalungat ng
mga ito.

Halimbawa: Ano ang kasalungat ng


mabuti?

Sasagutan ng mga bata ang mga


pagsasanay sa computer.
3. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Ngayon ay sasagutan natin
ang mga pagsasanay sa kompyuter.
Piliin ang titik ng tamang
kasalungat ng nasa kaliwa.

b. Tatawag ang guro ng ilang


mga bata sa harapan na may
magkaibang katangian at gagaba-
Magbibigay ng mga pangungusap
yan niya ang mga bata na magamit sa
ang mga bata gamit ang
pangungusap ang mga salitang
magkasalungat na mga salita.
magkasalungat.

Hal: mahabang buhok


maikling buhok

c. Pangkatang Gawain
Ngayon naman ay magkontest
tayo. Hahatiin ko kayo sa limang
pangkat. May ipakikita akong mga
larawan. Pakinggan ang aking pangu-
ngusap. Bawat pangkat ay
magpapaunahan sa pag-ulit ng
pangungusap na ang gamit ay
kasalungat na salita. Bago ko tawagin
para sumagot ang pangkat ninyo ay
itutunog ninyo muna ang huni ng
hayop na itatalaga ko sa inyong
pangkat. Hindi ko papayagan na
sumagot ang pangkat na ‘di ko
naririnig na humuhuni ng kanilang
tunog. Tandaan mga bata, ito ay
paunahan kaya kailangan ay mabilis
kayo sa paglikha ng inyong tunog.

(Magtatalaga ang guro ng huni


ng hayop sa bawat pangkat.)

Malungkot si Marco sa natang-


Halimbawa: Masaya si Marco sa gap na regalo.
natanggap na regalo.

Ano kaya ang pangungusap na Opo.


pwede nating gamitin upang maipakita
ang magkasalungat na mga salita?

Magaling!

Ngayon, handa na ba kayo?

Luma ang medyas ni Ana.

1. Bago
ang medyas
ni Ana.

Mahirap si Henry.

2.

Mayaman si Henry.
3. Payat si Rowel.
Mataba si Rowel.

Madilim and silid.


4. Maliwanag ang silid.

Maitim si Moiselle.

5. Maputi si Moiselle.

(Bibigyang pagkilala ng guro ang


nanalong pangkat.)

4. Malayang Pagsasanay

a. (Magbibigay ang guro ng tig-


isang kopya ng pagsasanay o
“worksheet” sa mga bata na may
nakasulat na mga salitang
magkasalungat.)
Pangalan: _________________________________________________

WORKSHEET 1
Panuto: Pagdugtungin ng linya ang magkasalungat.

1. Maikling ruler Mabahong basura

Mahabang ruler

2.Mababang bahay

Mataas na bahay
3. Manipis na libro

4. Mabango
Matigas na hollowblocks

5. Malambot na unan
Makapal na libro
IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Matamis ang pulang mansanas, ___________ naman ang ampalaya.

a. mapait b. maalat c. maasim

2. Ang kalabaw ay malaki ngunit ang daga naman ay ________.

a. matangkad b. maliit c. payat

3. Mataba si Rowel, ___________ naman si Seth.

a. matangkad b. maliit c. payat

4. Ang buhok ni Raiza ay mahaba, samantalang ang buhok ni Aira ay _____.

a. maikli b. pandak c. matangkad

5. Kung ang sabaw ay mainit, ang yelo naman ay _____________.

a. matigas b. malamig c. makapal

V. Takdang-Aralin

Panuto: Pag-aralang mabuti ang pares ng mga larawan at kulayan ang


magkasalungat.

1. 2.

Masipag na Tamad na Masamang Salbaheng


bata bata bata bata
3. 4.

Sakiting bata Malusog na Malungkot


Masaya
bata

5.

Malungkot Nalulumbay

Inihanda ni:

NIEL M. BAJAO
Gurong Nagsasanay

You might also like