You are on page 1of 3

hapyaw na kasaysayan ng Retorika

Ayon sa Wikipedia (2013) sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa Sicily
noong ika-limang siglobago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga
mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng
nakaraang rehimen.
Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa
kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento:

1. ang proem o introdusyon;

2. ang salaysay o pahayag nahistorical;

3. ang mga pangunahing argumento;

4. mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments);

5. at ang konklusyon. Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga
konkretong katibayan (concrete evidence).

Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan
at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang
retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang
ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.

Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa
kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorikabilang sining ng pakikipagtalo
(debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng
palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c.
436–338 B.C.).

Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang
mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting
pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya.

Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas
na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga
nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan
ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o
malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymemekung
saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang
unibersal; at ang halimbawa o analogypara sa pangangatwirang induktibo.

Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng
prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya
ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting
mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng
oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic
sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon
naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko
(public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga
mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles
na declamation.
Klasikal na Retorika

510 BC, Athens

1. sa pagkakatatag ng demokra-tikong institusyon, nagkaroon ng pangangailangan sa serbisyong publiko.

2. Kinilala ang pangkat ng mga guro na tinatawag na Sophist

3. Ang mga Sophistay nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao.

Protagoras -kauna-unahang Sophist, Siya ay nagsagawa ng isang pag-aaralsa wika at nagturo kung paanong ang mahihinang
argumento ay magiging malakas na pahayag

Corvus Corax ng Syracuse, nagsabing ang retorika ay persuasionat nag-akda ng handbooksa sining ng retorika

Antiphon -una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang nagsanib ng teorya at Praktika ng retorika

Isocrates -ang dakilang guro ng oratoryo noon ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral
ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal

Retorika sa Gitnang Panahon

Sa gitnang panahon, isa sa tatlong sabyek ng liberal na siningang retorikasa mga unibersidad kasama ng gramar at lohika
Retorika sa Gitnang Panahon

Sa panahon ng Renasimyento

(ika-14 hanggang ika-17 siglo) -ang pag-aaral ay muling ibinatay sa mga akda ng klasikal na manunulat tulad nina Aristotle,
Cicero at Quintillian.

Isa sa kontemporaryong disertasyon ng panahong ito ay ang The Art or Crafte of Thethorykeni Thomas Wilson

Modernong Retorika

Nabawasan ang importansya ng retorika sa teoretikal na aspeto ngunit hindi sa praktikal (ika-18 siglo)
SAKLAW NG RETORIKA

Sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan wika ang ginagamit ng tao maging pasalita man ito o pasulat. Malaking bahagi sa buhay ng isang tao ang
wika sapagkat sa wika nakasalalay ang pagkakaunawaan ng bawat indibidwal sa isang lipunan. Subalit sa panghihikayat at pangkakaunawaan ng
bawat tao ay kinakailangan din ng wastong paggamit ng salita at may kahusayan sa paggamit ng wastong balarila. Sapagkat dito makikita ang
kasiningan ng isang akda maging ito man ay pasulat o pasalita.

Sa pagsasalita man o pagsulat mas magiging masining ang isang akda kung ito ay gumagamit ng mga simbolo. Simbolo na nagtatago ng
mahalagang ideya sa isang akda. Sa pagpapahayag ng isang tao ng kaniyang ideya na ginagamitan niya ng mga simbolo ay makikita rito ay
kaniyang pilosopiya sa buhay, ang kaniyang prinsipyo at pananaw sa mga bagay-bagay.

Saklaw din ng retorika ang Pilisopiya, subalit ang isang tao na naghahayag ng kanyang Pilosopiya sa kaniyang kapwa ay kinakailangang
reasonable o makatwiran upang maipakita na ang kanyang mga argumento ay may padron ng sensibilidad upang matanggap ito ng kanyang
kapwa o tagapakinig.

Nagsasalita o nagsusulat ang isang tao upang maihayag niya ang kaniyang ideya sa isang nangyayari o mangyayari sa kanyang lipunang
ginagalawan, kaya’t sinasaklaw din ng retorika ang lipunan. Ang isang tagapagsalita ay isang mamamayang may nais na pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan ng kanyang lipunan. Kung baga, ang isang tagapagsalita na naglalayong makapanghikayat ng kanyang kapwa batay sa
kaniyang pilosopiya ay kinokonsedera ang lipunang kanyang ginagalawan.

You might also like