You are on page 1of 3

PETSA: Oktubre 09, 2018

IKATLONG ARAW: (LINANGIN-PANITIKAN)


I. Layunin

1. Naillalahad ang mga pangyayaring naganap mula sa binasang dula at naiiugnay sa


tunay na buhay.

2. Naipahahayag ang sariling saloobin o opinyon tungkol sa napanood na trailer.

3. Nakikilahok sa isasagawang pangkatang gawain tungkol sa paksa sa pamamagitan


ng ibat-ibang estratehiya.

II. Nilalaman

Aralin 2.5
A. Panitikan : Dahil sa Anak
ni: Julian Cruz Balmaceda

B. Gramatika / Retorika : Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal


(Pagpapatungkol o Reference)

C. Uri ng Teksto : Naglalarawan

Sanggunian : Panitikang Asyano


Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 156-161
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 157-162
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources : www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. ANAK TSEK
A- yusin ang hanay ng inyong mga upuan.
N- akikitang kalat ay pulutin at itapon sa basurahan.
A- lisin ang nakakasagabal na bagay na walang kaugnayan sa ating aralin.
K- umustahin ang katabi at batiin ng Magandang Buhay!

3. Pagtatala ng liban sa pamamagitan ng isang awitin.


“Hanapin, hanapin ang liban
Tingnan, tingnan kaliwa`t kanan”

A. Balik-aral sa nakaraang aralin

1. Tungkol saan ang dulang “Munting Pagsinta”?


B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Sa pamamagitan ng pagpapanood ng isang trailer na pinamagatang “Katorse” na


kung saan ay may kaugnayan ito sa talakayan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. Tungkol saan ang inyong napanood?


2. Magbigay ng reaksyon tungkol sa maagang pag-aasawa ng mga kabataan
ngayon?

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Sa pamamagitan ng pagpapabasa ng dulang “Dahil sa Anak”.

E. Paglinang sa kabihasnan
Pangkat 1

Mungkahing Estratehiya: Role Play

Bakit itinatanggi ni Don Arkimedes si Manolo na kanyang anak? Sang-ayon ka ba sa


inugaling ito ni Don Arkimedes? Pangatwiranan.

Pangkat 2

Mungkahing Estratehiya: Interview

Bakit hindi matanggap ni Don Arkimedes si Rita na maging manugang? Makatao ba


ang kanyang desisyon? Bakit?

Pangkat 3

Mungkahing Estrataehiya: Talk Show (Tapatan ni Tonying)

Sa iyong palagay, hanggang saan ang hangganan ng pagiging ama ng isang ama sa
kanyang anak? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Pangkat 4

Mungkahing Estratehiya: Mock Interview

Kung hindi sasang-ayunan ng iyong magulang ang babae / lalaki na iibigin o iniibig
moc, Ano ang iyong gagawin?

Pangkat 5

Mungkahing Estratehiya: Debate

Sang-ayon o di-sang-yaon, sa pangingialam sa buhay pag-ibig ng magulang?


F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Kung ikaw si Manuel, gagawain mo rin ba ang ginawa niya? Pangatwiranan.

G. Paglalahat ng Aralin

Ano ang aral na inyong natutunan mula sa dula?

H. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahin ang pahayag. Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag at M
naman kung mali.
_____1. Ang dulang “Dahil sa anak” ay mula sa akda ni Julian Cruz Balmaceda.
_____2. Nangingibabaw sa dulang ito ang mabuting relasyon ng mag-ama.
_____3. Si Don Arkimedes ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.
_____4. Pilit na pinagkakasundo ni Don Cristobal ang mag-ama kaya’t tumawag siya sa pulis
upang ipaalam ito.
_____5. Pinanindingan ni Manuel ang kanyang mag-ina, at pinaglaban niya ito mula sa
kanyang ama.

Susi sa Pagwawasto:
1. T
2. M
3. T
4. M
5. T

I. Takdang-aralin

1. Magsaliksik tungkol sa kahulgan ng Cohesive device reference o Kohesiyong


Gramatikal.

You might also like