You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay- Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 11, 2018


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit
ang wika ng kabataan.
Araw: Miyerkules

I. LAYUNIN
A. Natatalakay ang kahulugan ng komiks at elemento nito.
B. (F7PU-IIc-d-8) Naisusulat ang isang alamat sa anyong komiks.
C. Napapahalagahan ang paggamit ng mga lathalaing gaya ng komiks.

II. NILALAMAN
Paksa: Komiks
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 103-106)
Kagamitan: telebisyon, laptop, slide deck, biswal at mga larawan.
Kahalagahang Pangkatauhan: Pahalagahan at hikayatin ang mga tao na gumawa at
basahin ang lathalaing gaya ng komiks gayundin ang paggamit ng mga elemento nito.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


Panimulang-Gawain
1. Panalangin
(pagpapanood ng video clip) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo…
2. Pagbati sa klase
Magandang umaga mga bata.
Magandang Umaga din po.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Mangyaring ayusin ang hanay ng inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa paligid.
4. Pagtatala ng liban
“Tumingin , tumingin sa kanan at kaliwa
Hanapin, isipin kung sino ang wala”
Mangyaring tumayo ang katabi ay wala.
5. Pagbabalik-aral
 Ano ang tinalakay natin noong
nakaraang araw? Tinalakay po natin ang tungkol sa mga
pahayag sa paghahambing. Ang tatlong
uri nito ay komparatibo, moderasyon at
pasukdol.
 Bakit mahalagang gamitin natin
ng wasto ang mga pahayag sa
paghahambing? Mahalagang gamitin natin ito ng wasto
upang malaman ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng isang bagay.
A. Aktibiti
Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng
isang Gawain na kung saan at hahatiin ko
ang klase sa apat na pangkat. Ang
kailangan ninyong gawin ay ayusin at
buuin ang tunay na anyo ng larawan at
maikapit ito sa manila paper at ikapit sa
pisara. Bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minute upang matapos ang
gawain.
Maliwanag ba ang inyong gagawin? Opo, maliwanag po ang aming gagawin.
Mga larawang mabubuo:
B. ANALISIS
1. Batay sa inyong ginawa, ano ang
nabuo ninyong larawan? Ang amin pong nabuong larawan ay si
Dr. Jose Rizal at komiks na ilan sa
kanyang mga ginawa.
2. Bumuo ng pahayag na naglalarawan
dito. Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang
bayani.
3. Sa inyong palagay, ano kaya ang
kaugnayan ng mga larawang iyan sa
paksang ating tatalakayin? Ang mga larawan pong ito ay may
kaugnayan sa ating aralin dahil maaaring
Malaki ang nagging ambag o
kontribusyon nito sa ating bansa.

C. ABSTRAKSYON
Ngayon ay alamin natin ang
kasaysayan ng komiks.
Sinasabing ang bayaning si Dr. Jose
Rizal ang kauna-unahang Pilipino na
gumawa ng komiks. Noong 1884 ay
nailathala ang komiks strip niya na
“Pagong at Matsing”.Noong 1907
nailathala naman ang “Lipang Kalabaw”.
Ang dalawang komiks na ito ay maaaring
nagpasimula ng mga komiks sa Pilipinas.

Mangyaring basahin ang eksaktong


kahulugan ng komiks.
KOMIKS
- Isang grapikong midyum na kung
saan ang mga salita at larawan
ang ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kwento.
Alamin naman natin ang mga element ng
komiks.
ELEMENTO NG KOMIKS
1.Pagkakaroon ng tension
-isang kalagayang lilikha ng pag-
aalala at kaguluhan.
2. Pagkakaroon ng balanse
-mabuti laban sa masama. Ang
paglaban ng bida sa kontrabida

Sa inyong palagay, bakit kailangan ang


pagkakaroon ng tension at balanse sa Kailangan po ito upang magkaroon ng
komiks? maayos na daloy ang mga pangyayari sa
isang komiks.

Mahusay dahil kung wala ito ay hindi


magiging maganda ang isang komiks. 3.Protagonista
-pagkakaroon ng problema o
suliranin na lulutasin ng pangunahing
tauhan.
Kung walang protagonista, masasabi
mo bang magiging matagumpay ang Para po sa akin hindi po magiging
isang komiks? matagumpay ang isang komiks pag
walang protagonista sapagkat hindi
magiging maganda ang istorya ng
komiks.
4.Plano
-may plano ang pangunahing
tauhan, ganoon din ang kotrabidang
tauhan.

Sa iyong palagay, mahalaga ang


Para po sa akin, mahalaga ang
magkaroon ng pagpaplano sa isang
magkaroon ng pagpaplano. Kahit saan
komiks?
naman pong bagay kailangan lagi ang
plano upang maging matatag,
matagumpay, maayos at magandang ang
isang gawain na nais mong isakatuparan.

5.Sub-story
-mga kadahilanan kung bakit ang
isang tauhan ay may aspirasyon o
gustong mangyari.

6.Balakid/Hadlang
-ito ay maaaring pisikal, emosyonal
o pwersang kababalaghan o mistiko.

7.Komplikasyon
-sanhi at bunga ng desisyon ng
pangunahing tauhan.
Paano kung isa sa mga elementong
bumubuo sa komiks ay hindi taglay nito,
ano ang maaaring mangyari? Maaaring maging magulo ang isang
komiks.
8.Krisis
-may isang malaking pagbabago sa
buhay ng tauhan, ang pagharap sa
pinakamalaking takot sa buhay.

9.Kasukdulan
- kawili -wiling bahagi ng kwento.

10.Resolusyon
-pagtatamo ng nais
mapagtagumpayan ng bida na
kinakailangang masaya ang wakas.
Sa iyong pananaw, kailangan ba laging
maging masaya ang wakas nito? Sa akin po ng pananaw ay maaring hindi
palaging masaya ang maging wakas ng
kuwento, ito po ay depende sa uri ng
akdang babasahin.
Bilang isang kabataan , paano mo
mapapahalagahan ang mga lathalain
gaya ng komiks? Mapapahalagahan ko po ito sa
pamamagitan ng pagtangkilik at patuloy
na pagbabasa ng ganitong lathalain.

D. APLIKASYON
Upang Subukin kung lubos niyong
naunawaan ang ating tinalakay ay
magkakaroon tayo ng isang laro na
tatawaging “Word Jumble Game”. Para
sa mekaniks ng ating laro:
 Pipili ng unang manlalaro ang
bawat pangkat.
 Isang beses lamang maaaring
sumagot ang isang miyembro ng
bawat pangkat.
 Kapag natapos na ang 30 segundo
kailangang nakataas na ang board
o papel.
 Ang pangkat na may
pinakamataas na iskor ay siyang
panalo.
Naunawaan ba ang gagawin?
Opo naunawaan po namin.

1. K M K O I S
Hint: isang grapikong midyum na kung
saan ang mga salita at larawan ay
naghahatid ng kwento.
Sagot: KOMIKS
2. R P O T O G N I S A AT
Hint: pagkakaroon ng problema o
suliranin na lulutasin ng bida.
Sagot: PROTAGONISTA
3. U S B – Y S O R Y T
Hint: mga kadahilanan kung bakit ang
isang tauhan ay may gusting
mangyari.
Sagot: SUB-STORY
4. S U A K K D L U A N
Hint: kawili-wiling bahagi ng kwento.
Sagot: KASUKDULAN
5. B A L K I A D
Hint: maaaring pisikal, emosyonal o
pwersang kababalaghan o mistiko.
Sagot: BALAKID

PAGLALAHAT
Muli, ano ang komiks?
Ang komiks ay isang grapikong midyum
na ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kwento.

PAGTATAYA
PANUTO: Suriin ang mga pahayag at
tukuyin kung anong elemento ang
tinutukoy nito.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon
Komplikasyon Resolusyon
Kasukdulan Sub-story
Plano Pagkakaroon ng Tensyon

1. Isang kalagayang lilikha ng pag-


aalala at kaguluhan
2. Kawili-wiling bahagi ng kwento.
3. Sanhi at bunga ng desisyon ng
pangunahing tauhan
4. May plano ang pangunahing
tauhan gayundin ang kontrabida.
5. Pagtatamo ng nais
mapagtagumpayan ng bida na
kinakailangang masaya ang
wakas.

Susi sa Pagwawasto:

1.Pagkakaroon ng Tensyon
2.Kasukdulan
3.Komplikasyon
4.Plano
5.Resolusyon

Bahagdan ng Pagkatuto:_____
Takdang-Aralin
1. Bakit mahalagang sundin an gang
mga element ng komiks sa pagbuo
nito?
2. Magsaliksik ng mga pagdiriwang
sa Bisaya.

Inihanda ni :

ROSE ANN A. PADUA


Gurong- nagsasanay

Binigyang pansin ni:

MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay

You might also like