You are on page 1of 12

Ano ang Epiko?

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na ibig sabihin ay salawikain o
awit. Isa itong mahabang tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan ng isang
tao na angat sa kalikasan. Inaawit o kaya’y binibigkas nang patula na may tiyak na
layunin. Karinwang ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at nagtataglay ng
maraming kababalaghan.
EPIKO AT ILANG HALIMBAWA NITONG TANYAG SA BUONG MUNDO
Ang epiko ay isang mahaba at patulong pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari
at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tauhang lubos na malakas at may taglay na
hindi pagkaraniwang kapangyarihan at kinikilalang bayani ng lugar o bansang kanyang
pinagmulan. Ang mga salitang ginamit sa isang epiko ay karaniwang pormal makaluma,
at nagtataglay ng maraming tayutay at matatalinhagang pananalita. Masasalamin sa
kabuoan ng akda ang mga tradisyon, kultura at iba’t ibang paniniwala ng lahi, bansa o
maging relihiyon kung saan ito nagmula. Ang tagpuan ay karaniwang sa malayong
nakalipas. Mababasa sa ibaba ang ilan sa pinakamahuhusay na epiko mula sa iba’t
ibang panig ng mundo at ilang mahahalagang ukol sa mga ito:

• Iliad ni Homer
Ang epikong ito na itinuturing na kauna-unahan at pinakatayag na panitikang Griyego
ay isinulat ni Homer. Nagkaroon ito ng malaking impluwensiya hindi limang sa mga
Griyego kundi maging sa panitikan din ng buong mundo. Isinalayay sa epikong ito ang
pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy at tampok ang pangunahing tauhang si
Achilleus-ang pinakamahusay na mandirigma ng mga Achaian. Nagtanim siya ng galit
kay Agamemnon nang agawin nito ang babaeng pinakamamahal ni Achilleus na si
Briseis kapalit ng pagpapalaya sa batang babaeng anak ni Chryses na bihag nina
Agamemenon. Bagama't nagbigay ay patuloy ang pagdaramdam ni Achilleus sa
pagapaw sa kanyang kasintahan kaya minabuti niyang huwag nang lumaban
Pinakiusapan din niya ang inang si Thetis, isang diyosa na gumawa ng makakaya
upang matalo ang mga Achaian at nang maramdaman nila ang kanyang kawalan.
Gayumpama'y nagdulot pa rin ng kasawian kay Achilleus ang ginawa niyang ito nang
matalo ng mga Trojan sa pamumuno ni Hector ang mga Achaian at mapatay ang
matalik niyang kaibigang si Pacroclus Muli syang lumulan at kapatay ng maraming
Trojan kasama ang pinuno nilang si Hector sa galit ay hindi niya binigay ang bangkay ni
Hector maliban na lang nang ang pumunta sakanya at nakiusap na ibalik ang bangkay
sa kaharian ng Troy. Dito rin nagkaroon ng pamamahalang pagtigil ng digmaan upanh
mabiguan ng marangal na libing si Hector.
 Odyssey ni Homer
Ito’y isa pang epikong isinulat ni homer at naging bantog din sa mga Griyego. Ang
Epikong ito ay masasabing karugtong ang illad dahil maraming tauhan ang illad ang
nabanggit at nagpatuloy parin sa epikong Odyssey. Ito'y tumutukoy sa mahabang
panahon ng pagkawala at muling pagbabalik sa sa Ithaca pangunahing tauhang si
Odyssey pagkatapos ng pagbagsak ng kaharian ng Troy Inabot ng sampung taon at
maraming pakikipagsapalaran bago siya muling nakabalik sa Ithaca kung saan siya
nagpangap muna bilang isang pulubi upang malaman kung ano-ano na ang kalagayan
ng kanyang tahanan. Naging tampok din ang mga pangyayari sa bahay ng kanyang
asawang Penelope at sa kanilang anak na si Telemachuns at kung paano nagtulungan
ang dalawa upangmaiwas si Penelope sa mga manliligaw na nag-aakalang patay na si
Odyssey.
 Beowulf
Hindi tinukoy kung sino ng manunulat ang epikong ito na pinaniniwalahang naisulat sa
pamamagitan ng ikawalo hanggang ikalabing-isang siglo na tagpuang maaring nasa
bahagi ng Denmark at Sweden. Tinalakay ng Epiko ang buhay at pakikipag sapalaran
ni Beowulf ang bayani ng mga good at turnado sa tatlong malalaking lkalaban, una kay
Grendel ang halimaw na nagpahirap sa mga nasasakupan ni haring Hrothgar
Pangalawa sa ina ni Grendelna nag higanti dahil sa pagkaka paslang ng kanyang anak
at pangamba sa dragon na kanyang nakalaban nang maging hari na siya. Sa huling
laban na ito natalo niya ang dragon subalit si Beouwulf ay napatay ng dragon na
kanyang nakalaban nito ng maging hari na siya.Sa huling ito. Natalo niya ang dragon
subalit si Beouwulf man ay malubha ring nasugatan na naging sanhi ng kamatayan.

MGA SALITANG HUDYAT SA PAGSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI


 Paggamit ng pang-uring pamilang na may uring panunuran o ordinal upang
malinaw na masundan o makita ang tamang pagkakasunod-sunod.
Ginagamit ang bilang:
Una, Pangalawa, Pangatlo

Halimbawa:
TAMANG PARAAN NG PAGSUSUOT NG FACE MASK AT FACE SHIELD
Una, Bago isuot ang mask, maghugas muna ng kamay.
Ikalawa, Hawakan ito sa strap at siguraduhing natatakpan nito ang ilong at baba.
Ikatlo, I-molde ang nosepiece ng mask sa hugis ng iyong ilong.
Ikaapat, Isuot ang face shield.

 Paggawa ng mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod kapag ang


pinagsusunod-sunod ay proseso o mga hakbang sa pagsasagawa ng isang
bagay tulad ng pagbuo ng isang proyekto, pagluluto, pagkukumpuni ng
sasakyan, pagbuo ng mga bagong bilang produktong dumating nang nakakahon
at hindi pa naka-assemble, at iba pa. Makikita sa ibaba ang ang halimbawa ng
mga salitag ito:
Salitang hakbang- pang-uring pamilang o ng salitang step o pang-uring pamilang.

Ginagamit ang mga hakbang na:


STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang

Halimbawa:
Paraan ng Pagluluto:
Unang hakbang: Igisa ang bawang hanggang sa medyo brown na ito saka ilagay ang
karne ng baboy, lagyan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa, sangkutsain ito ng 3
minuto.
Ikalawang hakbang: Ilagay ang toyo at suka, hintaying kumulo saka haluin, dahil kung
hahaluin ito na hindi pa kumukulo ang suka nakakaapekto ito sa texture ng
karne.Pakuluin ng 5 minuto.
Ikatlong hakbang- lagay ang tubig, ituloy ang pagpapakulo, hanggang sa malapit ng
lumambot at haluin paminsan minsan. Kapag malambot na ay patayin ang apoy,
hanguin ang carne at patitisin ang sabaw. Ilagay sa isang tabi ang kalderong may
sabaw.
Ikalimang hakbang- Mag-init ng mantika, prituhin ang adobo hanggang sa maging
medyo brown. Kapag tapos na ang prosesong ito ay ibalik sa kaldero na pinagkuhaan
nito, sa katamtamang init ng apoy ay isalang ito hanggang sa tuluyan ng lumambot ang
karne at lumapot ang sabaw ng adobo.
 Kapag naman mga pangyayari sa kuwento, napanood, nasaksihan o
nararanasan ang pinagsusunod-sunod, madalas, hindi na gumagamit ng mga
salitag nagpapakita ng pagkakasunod-sunod subalit ang mga pangyayaring
ilalahad ay dapat nakaayonsa tamang paraan kung paano ito nangyari.
 Salitang ginagamit sa kuwento tulad ng una, nagsimula, pinakamahalaga, nang
malaunan kasunod, pagkatapos, panghuli, sa wakas at iba pa.

PANGHALIP AT MGA URI NITO


PANGHALIP- ito ay ang salitang pamalit sa pangngalan.

Panghalip na Panao
Ito ay panghalili o pamalit sa ngalan ng tao.

Unang Panauhan (para sa nagsasalita): ako, ko, akin


Ikalawang Panauhan (para sa kinakausap): ikaw, iyo, mo, inyo, kaniya
Ikatlong Panauhan (para sa pinag-uusapan): sila, nila, kanila

Kailanan
Isahan:
Ako, Akin, Ko, Iyo, Ikaw, mo
Dalawahan:
Kata, kita, tayo, inyo, ninyo
Maramihan:
Tayo, kami, amin, naming, atin natin

Halimbawa:
1. Ako ay may dalang regalo para sa iyo.
2. Ihahatid na kita sainyo.
3. Sabi ni tatay, tayo na raw muna ang mag-ani ng mga palay.
4. Isama ninyo ang alagang aso.

Kaukulan ng Panghalip Panao- tumutukoy sa gamit ng panghalip sa pangungusap

Palagyo- mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o paksa ng pangungusap


Halimbawa: Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas

Palayon- kapag ang panggalan ay ginagamit bilang:


a. Layon ng Pandiwa- kapag ang pangngalan ay tagatanggap ng kilos.
Halimbawa: Ang abogado ay nabiyayaan sa taglay niyang kabaitan.

Palayon- kapag ang panggalan ay ginagamit bilang:


b. Layon ng Pang-ukol- Kapag ang pangngalan ay pinaglaanan ng kilos at kasunod
ay pang-ukol.
Halimbawa:
Ginalingan niyang sumayaw para sa ama.

Paari- mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari sa isang bagay.


Halimbawa: Hindi ipinagbili ni Edith ang kanyang lupa

Panghalip na Pananong- ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, hayop, bagay,


lugar, gawain, katangian, pangyayari at iba pa. Ginagamitan ito ng tandang pananong
(?) sa hulihan ng pangungusap.
Mga Panghalip pananong:
Sino, Kanino- tao
Ano- hayop, bagay, katangian, pangyayari
Kailan- panahon
Saan- lugar o pook
Bakit- dahilan ng pangyayari
Paano- paraan ng paggawa
Ilan- bilang o dami ng nais malaman
Gaano- sukat o bigat
Alin- Pagpipilian
Magkano-Halaga
Panghalip na Panaklaw
Ito ay ginagamit para tukuyin ang bilang ng pangngalan (ngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay o pangyayari.)
Pang-isahan: Bawat, anuman, gaanuman, alinman, sinuman, saanman, kaninuman,
ilanman
Pangmaramihan- lahat, pawing, kapuwa, marami, ilan

Halimbawa:
Bawat isa ay mahalaga, iyan ang lagi mong tatandaan
Kapuwa nagpakita ng pakikiramay ang mamamayan.

Panghalip na Pamatlig
Ito ay mga panghalip na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan (ngalan ng tao o bagay)
na itinuturo.

Anyong ang:
(tinatawag na paturol) ito, iyan, iyon
Ipinapalit ito sa mga pangngalan o mga pariralang pangngalan na nagsisimula sa ang,
si, at sina.)
Halimbawa:
Ang uniporme ay ilalagay mo sa hanger.
Iyan ang ilalagay mo sa cabinet.

Anyong ng:
(tinatawag na paari): nito, niyan, noon
Ipinapalit ito sa mga pangngalan o mga pariralang Pangngalan na nagsisimula sa NG.
Halimbawa:
Bibili ako ng kamote.
Bumili ako niyan.

Anyong sa:
(tinatawag na paukol): dito, diyan, doon
Ipinapalit ito sa mga pangngalan na hindi tao o mga parirala na nagsisimula sa “SA”
Ginagamit itong mga pantukoy sa isang pook, dako, o panig na malapit o kaya’y malayo
sa nagsasalita at sa kausap.)
Halimbawa:
Maglalaro kami sa basketball court.
Dito kami magpapalipas oras.

PAGSASAGAWA NG ISANG SIMPOSYUM


 Pagsasagawa ng Paunang Pulong upang Matalakay ang Detalye ng
Simposyum
Mahalaga ang pagpupulong na ito upang mapag-usapan ang mga detalye ng
simposyum. Kailangan dumalo sa paunang pagpupulong na ito ang mga taong
magiging bahagi ng mga pangunahing komite gayundin ang kinatawan ng paaralan na
maaaring guro o administrator para makapagbabahagi sila ng pananaw (pagsang-ayon
o pagtutol) sa mga pag-uusapan.
Bahagi ng mga bagay na dapat pag-usapan sa paunangpulong na ito ang sumusunod:
 Ang petsa (araw at oras)kung kalian isasagawa ang simposyum
 Ang lugar (bulwagan o silid) na pagdarausan nito
 Ang mga komite at mga taong magiging bahagi ng bawat komite
 Ang pagmumulan ng pondong gagastusin para sa simposyum
 Ang mga pagkakagastusan tulad ng pagkain,imbitasyon,bayad sa bulwagan
(kung may bayad ito),dekorasyon,at iba pa
 Ang mga paksang tatalakayin
 Ang mga tagapagsalita

 Pagreserba ng Lugar at mga Kagamitan


Kapag nadesisyunan na ang araw at oras kung kailan isasagawa ang
simposyum ay mahalagang magpareserba na ang komiteng may kinalaman dito.
Mabubuting magreserba nang maaga upang hindi puwede ang unang lugar o
kagamitang pinag-usapan ay may pagkakataon pang maghanap ng alternatibo para sa
mga ito.
Dapat i-reserba agad ang sumusunod:
 Ang lugar(bulwagan o silid kung saan gaganapin ang simposyum)tiyakang
sasapat ang laki nito sa bilang ng mga kalahok na inaaahang dadalo
 Ang mga mesa at silya (sapat para sa bilang ng inaasahang dadalo)
 Ang sound system (mikropobo,speaker at iba pa)
 Ang LCD projector
 Ang gamit para sa dokumentasyon (camera, video camera,audio recorder)

 Pagbuo ng Programa para sa Simposyum


Ang komiteng nakatalaga para sa programa ay dapat nang
bumabalangkas ng programa. Kapag nabuo na ang pagkakasunod-sunod ng
mga bahagi ng programa ay ipaalam na nila sa mga taong may parte o bahagi
tulad ng mga guro ng palatuntunan o emcee, tagapanguna sa panalangin,bilang
intermisyon, at lalong-lalo na ang mga tagapagsalita. Ngayon pa lang ay
kailangang malaman ng bawat isa kung gaano kahaba ang oras o sandaling
inilalaan para sa kani-kanilang ibabahagi.

 Pagpapaalam sa Media ng mga Detalye ng Simposyum at Publisidad


Ang komiteng nakatalaga para sa bahaging ito ay dapat nang bumuo ng
liham-paanyaya o imbitasyon, mga patalastas o poster na ipapaskit para maita
ng mga interesadong kalahok, at iba pang publisidad o paraan ng pagpapaalam
sa publiko ng mga detalye ng isasagawang simposyum. Maari nilang gamitin ang
binuong programa para isama sa imbitasyon.

 Paghahanda ng bulwagan o sild para sa Simposyum


Magiging abala ang komite para sap ag-aayos ng silid o bulwagan isa o
dalawang araw bago ang simposyum. Kailangang matiyak na malinis ang lugar,
nakalagay ang mga dekorasyon (tulad ng mga titik sa entabladong nagsasabi
kung tungkol saan ang simposyum), mga halaman, gayundin ang mga
pinareresrrbangkagamitan tulad ng mga mesa at silya, LCD, sound system, at
iba pa.

 Pagsasagawa ng Simposyum
Sa mismong araw ng simposyum, ang lahat ng komiteng nakatalaga ay
dapat maging alerto upag matiyak na maayos ang magiging takbo o daloy ng
programa. Makabubuti kung may isang taong magsisilbing lider at makipag-
ugnayan sa pinuno ng bawat komite upang matiyak na maayos ang lahat. Ang
taong ito ang magmimistulang tagakumpas at ang iba’t ibang komite ang koro.
Sa kumpas ng buton ng lider ay makabubuo bg magandang musika ang koro
(iba’t ibang komite) kahit magkaiba ang mga tungkulin o gawaing nakaatang sa
bawat pangkat.

Subalit paano ba naisasagawa ang critique? May ilang mahahalagang hakbang


sa pagsasagawa nito:

1. Pagbasa nang ilang beses sa akda. Hindi makasasapat ang isang boses lang na
pagbasa sa kada kapag ang intension ay magsagawa ng critique. Katunayan,
kakailanganin nang dalawa o higit pang ulit na pagbasa nan may magkakaiibang
layunin tulad ng sumusunod:

 Ang unang pagbasa ay sa pananaw ng isang mambabasa. Pagkatapos bumasa


ay mababatid ang naging uang pananaw o impresy sa binasa, kung nagustuhan
ba niya ito, at kung magugustuhan din kaya itong basahin ng iba.

 Ang ikalawang pagbasa ay sa pananaw ng isang manunulat. Dito na siya


magkaroon ng mas malalim o malawak na impresyon sa akda. Maaari na siyang
maglagay ng mga tanda sa mga bahaging kanyang nagustuhan. Makatutulong
kung isusulat niya sa detalyadong paraan ang mga dahilan kung bakit
nagustuhan ang mga bahaging ito. Kapag ang agad pinagtuonan ng pansin ay
ang hindi magaganda o hindi nagustuhan sa akda, karaniwang mahirap nang
mapalawig.

2. Pag-alam sa background at kalagayan ng manunulat sa panahong kanyang


isinulat ang akda. Ano kaya ang kalagayan ng may-akda noon,a bf kanyang mga
layunin, interes, at iba pa na maaaring nakaapekto sa kabuoan ng kanyang
akda? Mahalagang malaman ang mga impormasyong ito ukol sa may-akda
upang higit na maunawaan ang kanyang pinanggalingan. Makatutulong ito
upang makapagbigay ng papuri sa mga bahaging dapat bang purihan at ng mga
punto o mungkahing maaaring makapagbuti pa sa akda.

3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at elemento ng akda. Mahalagang


pagtuon ng pansin ang sumusunod uoang maging patunay kung nailahad ban
ang mahusay ng manunulat ang mensaheng nais ipabatid ng kanyang akda.

 Mga Tauhan- paano hinabi ng manunulat ang baeat tauhan? Makatotohanan ba


ang kani-kanilang katangian? Kung may tauhang sa iyong pananaw ay mababaw
at nagiging dahilan ng pagbagal sa takbo ng akda, paano kaya magagawa ng
manunulat na higit siyang maging epektibo upang makasabay sa angkop na
daloy ng pagsasalaysay

 Banghay- naging maaayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


akda?
 Epektibo at nakaganyak ba ang mambabasa ang panimula?
 Makatwiran at makatotohanan ba ang suliraning hinarap ng tauhan? May mga
bahagi bang hindi naresolba? Mayroon pa vang bahaging nangangailangan ng
pagpapaliwanag?
 Naging kapani-pakinabang ba ang kasukdulan?
 Naging epektibo ba ang kakalasan ng akda?
 Nag-iwan ba ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda

 Tagpuan- ang kop ba ang tagpuan (lugar at pananhon) ssa temang tinalakay ng
akda? Nakatulong bai to upang higit na mapagtibay ang mensahe ng akda?

 Estilo ng Pagsulat- ang mga salita bang ginamit sa pagsasalaysay at sa


diyalogo ay angkop sa mga tauhan at sa panahon kung kalian nangyari ang
akda? May mga napansin ka bang pagkakamaling maaari pang iwasto sa
baybay, bantas, gamit ng salita, hindi magkakaugnay na pangungusap, at iba
pa?

PAGSULAT NG CRITIQUE NG AKDANG PAMPANITIKAN


 
Ang pabuo ng critique ng isang akdang pampanitikan ay ang paghimay sa
iba’t ibang element at bahagi ng isang akda upang makita kung ang bawat isa’y
nakatutulong maipaabot ang nais sabihin o ang mensahe ng akda para sa mga
mambabasa. Sa pagsasagawa ng critique, maipapabatid ang iyong pananaw
ukol sa akda kasabay ng pagbibigay ng angkop na patunay sa mga pananaw na
ito. Bago tayo magpatuloy at mabuting malaman mo munang magkaiba ang
critism at critique. Ayon kay Judy Reeves sa kanyang aklat na Writing Alone,
Writing Together. A Guide for Writers and Writing Groups, naririto ang
pagkakaiba ng criticism sa critique.

 Ang criticism ay naghahanap ng mali/ang critique ay naghahanap ng estruktura


 Ang criticism ay naghahanap ng kulang/ ang critique ay naghahanap kung ano
ang puwede
 Ang criticism ay nagbibigay-agad ng hatol sa hindi niya mauunawaan/kung ang
critique ay nagtatanong para maliwanagan
• Ang criticism ay nakalahad sa malupit at mapanayang tinig/ang critique ay
nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig.
• Ang criticism ay Malabo at malawak/ang critique ay kongreso at tiyak
• Ang criticism ay seryoso at hindi marunong magpatawa/ang critique ay
nagpapatawa rin
• Ang criticism ay naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda/ ang
critique ay tumitingin lamang sa kung ano ang nakapahina

ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA

Ang Ang Paghibinyag sa Savica ay isang epikong Slovenian na binubuo ng


tatlong bahagi:
 Una ay Ang Soneto na iniaalay ni Preseren na matalik niyang kaibigang si
Matija Cop, na namatay dahil sa pagkalunod sa edad na 38.
 Pangalawa ay "Ang Prologo" na nasusulat nang patula at binubuo ng
dalawamput anim na saknong na may tig tatlong taludturan (tercets) at iyong
mababasa sa kabiláng pahina.
 Pangatlo, "Ang Pagbibinyag” na nasusulat sa tigwalong taludturang tula at
binubuo ng 56 na saknong o talata.
Ang kabuoan ng epiko ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagbigay-daan
upang ang mga Paganong Korinto noong ikasampung siglo ay maging
binyagang Kristiyano. Sumentro ito sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhan:
Si Crtomir, ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na labis na
nagmamahal sa kanyang kasintahan at si Bogomila, isang dalagang maganda,
inosente, at mahinhin subalit may matatag na paninindigan. Nagkahiwalay ang
dalawa dahil sa pagsabak ni Crtomir sa isang digmaan sa pagitan ng mga
Paganong pinamunuan niya at ng mga Kristyanong pinamanuan ni Valjun sa
Lambak ng Tabing Iloh noong taong 772.
Naging madugo ang digmaan at dahil nakaranas ang nakalabang hukbo na
mawalan ng pagkain kaya’t natalo ang pangkat nina Crtomir.
Sa pagtatapos ng digmaan ay tanging si Crtomir lamang ang nakaligtas nang
buhay lingid sa kanya ang kaalaman, ang kanya palang kasintahang si Bogomila
na dating alaga ng kanilang diyosang si Cila ay hindi na isang pagano.
Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa nang Kristiyano. Habang näsa
digmaan ang kasintahan ay nananalangin nang buong taimtim at naangako ang
dalaga sa Parnginoon na kung makababalik nang buhay si Crtomir ay iaalay niya
ang kanyang sarili at ang buong buhay sa pagsisilbi sa Panginoon. Nang muling
magkita ay nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para mabago ang
desisyon nito at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan subalit buo na ang
desisyon ni Bogomila. Sa halip kinumbinsi niya si Crtomir na yakapin ang
pananampalatayang Kristiyano at magpabinyag din si Bogomila ay napapayag
din niya si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binata sa Talon ng Savica Hindi
nagtagal, si Črtomir ay naging isang paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating
kasintahan ay nag-alay ng kanyang bühay at pagsisilbi para sa Panginoon.

ANG MUNTING BARILES


Guy De Maupassant
Si Jules Chicot ang tagapamahala ng Spreville Hotel. Siya'y isa ding
matangkad, nása edad apatnapu, may mapulang mukha, at lalaki at may bilog
na tiyan. Ang mga nakakikilala sa kanya'y nagsasabing Siya'y isang matalino at
tusong negosyante. Isang araw ay huminto ang kanyang kalesa sa tapat ng
bahay ni Nanay Magloire at pagkatapos niyang maitali ang kabayo sa isang
poste ay agad siyang pumasok sa tarangkahan ng bahay. Si Chicot ang may ari
ng mga lupaing katabi ng lupa ng matandang babae ang lupa nito ay matagal na
niyang pinagnanasaang maangkin kayat hindi lang miminsang nag-alok siyang
mabili ito subalit lagi siyang tinatangihan ng matanda. “Dito ako ipinanganak, dito
rin akó mamanatay” ang lagi niyang sagot kay Chicot. Nang hapong iyon ay
nadatnan siya ni Chicot na nagbabalat ng patatas sa labas ng kanyang bahay. Si
Nanay Magloire ay isang matandang nasa edad pitumput dalawa napaka payat,
kulubot na kulubot na ang balat at kuba na subalit nagtataglay pa ng lakas ng
isang kabataan. Masayang tinapik ni Chicot ang likod ng matanda na tila ba
matagal na silang magkaibigan at saka sila sabay na naupo sa isang bangko,
"kumusta na ang bati ni Chicot sa kanya.Natutuwa akong makita kayong masaya
at malusog dugtong pa niya". "Mabuti naman akó at walang problema, salamat
sa ‘yong Pagtatanong kamusta ka rin Ginoong Chicot" ang sagot naman ng
matanda. Ay maayos po ako, maliban sa paminsan-minsang pugsumpong ng ng
rayuma. Mabuti naman kung gayon. Tumahimik na ang matandang babae at
ipinagpatuloy ang ginagawa habang naka masid Ginoong Chicot
pinagmamasdan niya ang mga kulobot at puro ugat na kamay ng matanda. Ang
mga daliri nitong halos kasintigas na ng sipit ng alimango ay napakabilis sa
pagbalat ng mga patatas na kinukha mula sa timba at inilulubog agad sa
mangkok na may tubig.Pagkatapos mabalatan, may tatlong matatapang na ibong
nag-unahan sa pagtuka sa mga pinagbalatan na sa kanyang kandungan at saka
nanakbo nang mabilis palayo. Pagkatapos tila nahihiya, biglang naumid si
Chicot. Iniisip kung paano sasabhin ang gusto sanang sabihin sa matanda.
"Makinig kayo nanay magloire"
" Tungkol saan ang iyong sasabihin?"
"Sigurado na ba kayong ayaw niyo ngang ipagabili ang inyong lupain”
"Subalit kung ano man ang nasabi ko dati yon na iyon, kaya huwag mo nang
uulitin ang iyong alok kung gayon lamang ay may bago akong alok na iyan ay
pareho nating magugustuhan "
"At ano naman iyon"
"Ganito po ibenta ninyo po inyong lupa sa akin at sa inyo. Hindi ninyo ba ito
nauunawan? kung gayon pakinggan niniyong mabuti ang aking sasabihin"
Biglang itinigil ng matandang babae ang pagbabalat ng patatas at saka
interesadong tumingin at matamang nakinig nagpatuloy si Chicot.
"Ganito po iyon. Buwan-buwan ay bibigyan ko kayo ng isandaan at limampung
francs. Nauunawaan ninyo iyon, hindi ba? Buwan-buwan ay darating akó upang
ibigay ang inyong tatlumpung crowns, at tinitiyak kong walang mababago sa
inyong bahay. Mananatili ang bahay na ito sa inyo, hindi ninyo akó intindihin, at
wala kayong sasagutin sa akin. Ang gagawin ninyo lang ay tanggapin ang aking
salapi. Puwede na ba sa inyo ang alok na iyon?"
Napatitig nang nakangiti at puno ng pag-asa ang lalaki sa kausap. Tumitig din sa
kanya ang matanda. Titig naman ng isang taong hindi nagtitiwala, nag-isip na
baka patibong lang ang lahat ng ito.
"Sa aking palagay ay tila tama naman ang lahat ng sinabi mo subalit hindi ko
ibibigay sa iyo ang aking lupa."
"Ay huwag n'yo pong isipin iyan," magtatagal kayo rito hanggang gusto ng
Panginoon na kayo'y manatiling buháy. Ito ay inyo pa ring magiging tahanan Yon
nga lang, lalagda kayo isang kasulatan sa harap ng isang abogado na
nagsasabing mapapasaakin ang inyong lupain kapag kayo'y wala na. Wala
naman kayong anak, tanging mga pamangkin ni hindi n'yo naman halos nakikita
ang magmamana nito. Puwede na po ba sa inyo ang alok ko? Sa inyo ang lupain
habang kayo'y nabubuhay at bibigyan ko kayo ng tatlumpung crowns buwan-
buwan. Pabor na pabor ito sa inyo, kung akó ang inyong tatanungin."
Ikinagulat ng matandang babae ang narinig at ito'y nagdulot sa kanyang
pagkabalisa. Natutukso na siyang sumang-ayon subalit sa wakas ay Tumugon.
"Hindi ko sinasabing hindi ako sumasang-ayon sa iyong kondisyon subulit
bigyan mo ako ng panahong mapag-isipan itong mabuti. Bumaba ka pagkalipas
ng isang linggo at saka natin muling pag usapan. Doo'y ibibigay ko sa iyo ang
aking kasagutan."
At si Chicot nga ay umalis na sinasadya ng isang haring nakasakop isang buong
kaharian. Kinagabiha'y hindi makatulog si Nanay Magloire. Sa mga sumunod na
araw ay hindi rin siya mapakali. May suspetsa siyang may patibong na kasama
ang alok na iyon at natatakot siyang mahulog dito. Subalit tuwing maisip niya ang
tatlumpung crown na kumakalansing sa kanyabuwan buwan na tila ba hulog ng
langit at dumating nang wala man lang siyang ginagawa ay umiral sa kanya ang
kasakiman.
Nagtungo siya sa isang abogado upang ikonsulta ang alok ni Ginoong Chicot.
Pinayuhan siya nitong tanggapin ang alok ng lalaki subulit dapat siyang humiling
ng limampung crown sa halip na tatlumpu daang. Ang pinakamababang tantya
niya sa presyo ng lupain ng matanda ay animnapung libong francs.
"Kung mabubuhay ka pa ng labinlimang taon, lalabas na apat naput limang
libong francs lang ang magiging presyo ng iyong bukid," ang payo pa ng
abogado. Halos manginig sa tuwa ang matandang babae sa pag-isip makukuha
niyang limampung crown buwan-buwan subalit hindi pa rin mawala sa kanya ang
pagsususpetsa at pagkatakot na may pandarayang gagawin si Chicot. Dahil
dito'y nagtagal pa siya sa opisinang iyon at nagtanong nang nagtanong
hanggang sa nang masiyahan ay nagbigay ng panuto sa abogadong bumuo na
ng kasulatan at saka umuwing nalilito na tila nakainom ng apat na bote ng
bagong katas ng mansanas Nang muling bumalik si Chicot ay hindi niya agad
sinabi ang kanyang desisyon. Subalit ang totoo'y nanginginig siya at
kinakabahan dahil baka hindi pumayag ang lalaki sa limampung francs. Sa
wakas, sa kapipilt ni Chicot ay nasabi rin niya kung magkano ang gusto niyang
buwanang bayad para sa bukid Kumunot ang noo ni Chicot. Kitang-kita sa kanya
ang pagkagulantang pagkadismaya, at pagtangi. Para makumbinsi ang lalaki ay
binanggit niya ang maaaring itagal na lang ng kanyang buhay.
"Maaaring hindi na tumagal ang bahay ko ng lima hanggang anim na taon.
Malapit na akong magpitumpu't pito at mahina na dahil sa edad ko. Noon lamang
isang gabi ay ni hindi na ako makaakyat sa aking kama. Akala ko nga'y
mamamatay na ako.”
Tuwang-tuwa siyang sinalubong ni Chicot at binigyan ng isang masaganang
hapunang laan para sa mariringal na bisita. Naghanda siya ng inihaw na manok,
pata ng tupa, hamón, at repolyo. Subalit halos hindi ito ginalaw ng matandang
babae. Hindi talaga siya malakas kumain at ang karaniwang kinakain lang niya'y
kaunting sabaw at kapirasong tinapay na may mantekilya. Nadismaya si Chicot
kaya't pinilit niya ang matandang kumain pa subalit tumanggi na ito. Hindi rin niya
tinanggap ang iniaalok na kape kaya't tinanong siya ni Chicot:
"Siguro nama'y hindi mo tatanggihan ang kaunting patak ng alak?"
"Ah, diyan ay maaaring hindi akó tumanggi.“ Kayâ agad sumigaw si Chicot sa
kanyang utusán:
"Rosalie, dalhin mo rito ang pinakamasarap nating alak 'yong espesyal 'yong
alam mo na."
Lumabas ang utusán, dalá-dalá ang isang mahabang bote ng alak na
napalalamutian ng papel na dahon ng ubas at sakâ pinunô nito ang dalawang
kopita.
"Tikman mo ang isang iyan; tiyak na masasabi mong first class iyan. Unti-unting
sinimsim ng matandang babae ang alak upang magtagal ang masarap na lasa
sa kanyang labì. Nang maubos ay kanyang sinabi: "Napakasarap! First class nga
ang alak na iyan!" Pagkarinig sa sinabi ng matanda ay agad pinunô uli ni Chicot
ang kopita nito. Gusto pa sanang tumutol ng matanda subalit hulí na. Unti- unti
uli niyang ininom ang pangalawang kopita ng alak tulad ng ginawa niya sa una.
Muling naglagay si Chicot ng pangatlo ngunit umayaw na ang matandang babae.
Nagpumilit nga lang si Chicot at upang makumbinsi siya ay sinabi: "Ang alak na
ito'y sinswabe ng gatas. Nakaubos akó nito ng mulasampu hanggang isang
dosenang kopita araw-araw nang walang masamang epekto sa akin. Bumababa
lang ito tulad ng asukal at hindi kailanman napupunta sa ulo. Tila nga sa dila pa
lang ay naglalaho na ito. Ito na siguro ang pinakabuting inumin para sa tulad
mo."
Dahil sa narinig ay kinuhang muli ng matanda ang kopitang punô ng alak mula
kay Chicot. Talaga namang nagustuhan niya ang lasa ng alak subalit sa
pagkakataong ito'y kalahati na lang ng laman ng kopita ang naubos niya. At si
Chicot, na tila naging labis na mapagbigay ay nagsabing:
"Sa tingin ko'y labis ninyong nagustuhan ang alak kayâ naman pababaunan ko
pa kayo ng isang bote nito upang ipakitang tayong dalawa ay mabuting
magkaibigan." Kayâ naman sa kanyang pag-uwi ay dalá-dalá ng matanda ang
isang bote. Makikitang siya'y labis na nasisiyahan sa epekto ng kanyang nainom.
Kinabukasa'y muling dumalaw sa bukid ng matanda si Chicot dalá-dalá ang
isang munting bariles ng alak na may nakasabit pang munting bakal sa palibot.
Ipinilit niyang tikman nila ito upang matiyak niyang ito rin ang masarap na alak na
kanilang pinagsaluhan nang sinundang gabi. Kapwa silá nakainom uli ng
tigatlong baso ng ålak. Pagkatapos nito'y nagpaalam na si Chicot subalit bago
siya umalis ay sinabi niya muna ito: "Kapag naubos n'yo na ang laman ng
munting bariles na ito'y magpasabi lang kayo sa akin. Huwag kayong mahihiya.
Kung mas mabilis n'yo itong mauubos ay mas matutuwa pa akó."
Pagkalipas ng apat na araw ay muling dumalaw si Chicot. Dinatnan niya ang
matandang nása labas ng bahay at nagpuputol ng tinapay para sa kanyang
sabaw.
Lumapit sa kanya si Chicot at nang maamoy ang alkohol sa kanyang hininga ay
napangiti ang laláki.
"Siguro'y bibigyan n'yo akó ng isang kopita ng ating espesyal na alak, hindi ba?"
ang kanyang sabi sa matanda. Bago nga siya umalis ay nakatigatlo uli silang
kopita ng alak.
Hindi nagtagal ay naging usap-usapan ng mga kapitbahay ang laging pag-inom
ng alak ni Nanay Magloire kahit nag-iisa. Madalas siyang nakikitang sumusuway
o kaya'y nakalupasay sa kanyang kusina, sa kanyang bakuran, at maging sa
kalsada kung saan iniuuwi siya ng mga kapitbahay na tulad ng isang nabuwal na
troso. Simula noo'y hindi na siya nilapitan ni Chicot. At kapag kinakausap siya ng
iba tungkol sa kalagayan ni Nanay Magloire, ito ang kanyang sinasabing tila
punô ng dalamhati:
"Nakaaawa namang natuto siyang uminom ng alak.Sa edad niyang iyan. Kasi,
kapag ang tao'y tumanda at nagkabisyo ng ganyan, wala nang remedyo riyan.
Maaaring ikamatay na niya iyan sa kalaunan."
At hindi nga nagtagal, nangyari ito kay Nanay Magloire nang sumunod na
taglamig. Bago mag- Pasko, siya ay bumagsak sa niyebe at natagpuang patay
ng mga kapitbahay kinabukasan.

You might also like