You are on page 1of 6

Academia De Pulilan Inc.

In affiliation with The City School


Cut-cot, Pulilan, Bulacan
SY 2020 – 2021

Aralin 6

Layunin

 Natutukoy ang ibat ibang paraan ng paggamit ng wika sa napakinggang pahayg sa balita mula sa radio
at telebisyon
 Naisasalaysay ang mg apangyayaring naganap sa wika ng Pilipinas
 Nasusuri ang kultura na pagkakaiba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
 Naipagmamalaki ang wikang pambansa sa tulong ng ibat ibang gawain

Nilalaman;
 Mga Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas
 Ang Alibata
 Ang Abakadang Tagalog
 Bagong Alpabetong Pilipino
 1987 Alpabetong Pilipino
 2001 Revision ng Alpabetong Filipino

 ALIBATA

Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang isang uri ng alpabeto. Ito ang
tinatawag nating Alibata, ito ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Ito ay hango sa
Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java.  
Isang uri ng palaybaybayang hatid sa atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may
impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa
Asya.

KARAGDAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA ALIBATA

Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ang bawat titik ng Alibata ay
binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b ng bi.
Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu ang b. Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng
titik kapag nawawala ang bigkas na a sa bawat titik.
Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng
pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat
sa kaliwa, pakanan.
Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: A, I at
U. Nang dumating ang mga Kastila ay saka lamang pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga
hiram na salitang Kastila namay ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram din sa Kastila.
ABAKADANG TAGALOG

Ang alpabeto ng Abakada ay isang "alpabetikong Latin na pinagtibay" na pinagtibay para sa pambansang wikang
Filipino na nakabatay sa Tagalog noong 1940. Ang alpabeto, na naglalaman ng 20 titik, ay ipinakilala sa aklat na
gramatika na binuo ni Lope K. Santos para sa bagong wika na nakabatay sa wika sa Tagalog

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2298378#readmore


 BAGONG ALPABETONG PILIPINO

 Noong 1971 ay masusing pinag-ukulan ng pansin ng Surian ng Wikang Pambansa ( SWP ) na ngayon
ay Komisyon sa Wikang Filipino ( KWF ) ang problema tungkol sa ortograpiya ng wikang pilipino ( Filipino
).
 Makalipas ang humigi-kumulang na limang taong pag-aaral at pagsangguni sa ibat ibang sector sa
larangan ng wika, nireserba ng Surian ang “ Abakadang Tagalog” ni Lope K. santos.
 Sa bias ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura,
pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang
Pilipino. Tinatawag itong Bagong Alpabetong Pilipino.
 Sa bagong alpabeto, dinagdagan ng labing-isang letra an gating dalawampung letra kaya’t nagging
tatlumpu’t isa ito . kabilang sa mga idinagdag na letra at digrapo ay ang: C, F, J N Q, V, Y, Z, CH, LL ,RR,
subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit.
Halimbawa ng Lumang Alpabeto:

Bagong Alpabeto
DO 81, S. 1987 – ANG ALPABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO
August 6, 1987
DO 81, s. 1987
Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

Sa: Mga Direktor ng Kawanihan


Mga Direktro ng Rehiyon
Mga Superiniente ng mga Paaralan an
Mga Pangulo Pampamahalaang Kolehiyo at Unibersidad
Mga Pinuno ng Pribadong Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad

 Kaugnay ng itinadhana ng Konstitustion ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman


ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaan wika, at pag-ayon pa rin sa Patakaran sa Edukasyong
Bilinggwal ng 1987 at pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang
pambansa, ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating Sutian ng Wikang Pambansa), sa tulong ng
mga linggwista/dalubwika, manunulat, propesor/guro at mga samahang pangwika, ay nagsagawa ng
reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino.
 Kalakip nito ang sipi ng bagong “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na
magkakabisang kagyat.
 Hinihiling ang pagpapaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan
sa larangan.

 DO 45, s. 2001
 Ang 2001 Rebisyon ng Alpabeto at Patnubay sa lspeling ng Wikang Filipino
Sa: Mga Direktor ng Kawanihan
Mga Direktor ng Rehiyon
Mga Superintendent, Superbisor, at Pinuno ng mga Paaralan
Iba pang Kinauukulan
 Kaugnay ng itinatadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpayabong at
pagpayaman ng Filipino bilang wikang pambansa at pampamahalaang wika, at bilang tugon sa
mabilis na pagbago, pag-unlad, at paglaganap ng wikang pambansa, ang Komisyon sa Wikang
Filipino, sa tulong ng mga dalubwika, manunulat, editor, tagapaglimbag, propesor / guro, at mga
kinatawan ng samahang pangwika, ay nagsagawa ng pag- revisa sa mga alituntunin sa ispeling
at primer hinggil sa wikang Filipino.
 2.  Kalakip nito ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na
binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
 Simula ngayon ay gagamiting gabay ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino” sa pagtuturo, pagsulat ng teksbuk at korespondensyang opisyal, at iba pang
gawain ng Departamento.
 Hinihiling ang pagpaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga
kinauukulan.
Pagsasanay 1.

Panuto: Bigyan ng katumbas na baybay sa alibata ang mga sumusunod na salita.

1. Paaralan ______________________________________________
2. Simbahan _____________________________________________
3. Parke _________________________________________________
4. Hospital _______________________________________________
5. Opisina ________________________________________________
6. Tsokolate ______________________________________________
7. Aklat __________________________________________________
8. Telebisyon _____________________________________________
9. Upuan _________________________________________________
10. Kwaderno ______________________________________________
11. Daan __________________________________________________
12. Gusali _________________________________________________
13. Mamamayan ____________________________________________
14. Mag-aaral ______________________________________________
15. Bulaklak _______________________________________________

Pagsasanay 2.
Panuto: Baybayin sa wikang Filipino ang mga salitang hiram.

1. Calle ______________________________
2. Chocolate __________________________
3. Vintana ____________________________
4. Coche _____________________________
5. Vapor _____________________________
6. Quadro ____________________________
7. Juez ______________________________
8. Caballo ____________________________
9. Cocinera ___________________________
10. Barricada ___________________________
11. Zapatos ____________________________
12. Quarto _____________________________
13. Cuento _____________________________
14. Familia _____________________________
15. Maquina ____________________________

Assessment

 Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2298378#readmore


 Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/9363#readmore

You might also like