You are on page 1of 36

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
UNANG BAITANG
Mga Kamalayan at
Paghahanda
Quarter 1 Week 1 Module 1
Most Essential Learning Competencies:
... Identifies the difference between sound and silence accurately
... Explains that Art is all around and is created by different people
... Describes the different parts of the body and their movement

… Distinguishes healthful from less healthful foods


PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi
muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang
mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina
ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin
sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang
gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa
modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit
upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang
magiging batayan kung may kakailanganin ka pang
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin.
Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw
na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang
modyul na ito.
BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong
matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa
modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan
ng mga bagong kaalaman at konseptona kailangang
malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng
mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin
mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong
antas ng pagkatuto sa bagong aralin
Unang Pagsubok
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa inyong kwaderno.
1. Alin sa mga simbolo ang katugon ng Tunog?
A. B. C.

2. Alin ang simbolo ng katahimikan?

A. B. C.

3. Ang sining ay nililikha ng iba’t-ibang tao o artista.

A. B. C.

4. Ang mga kagamitan sa loob ng bahay ay nabuo sa


pamamagitan ng sining.
A B. C

5. Ito ay itaas na bahagi ng katawan na naipapa-lakpak mo.


A. braso B. balikat C. kamay

6. Ito ay itaas na bahagi ng katawan na gumagalaw tuwing


ikaw ay humihinga.
A. dibdib B. braso C. leeg
7. Saan nagmula ang mga pagkain?
A. sa halaman at hayop
B. sa halaman lamang
C. sa hayop lamang

8. Saan nagmula ang kanin?


A. hayop B. halaman C. karne
Music : Tunog at Katahimikan

Inaasahan:
Sa araling ito matututunan natin ang pagkakaiba ng
tunog at katahimikan sa musika.Ang tunog at katahimikan ay
makikilala sa pamamagitan ng kilos ng katawan o mga bagay
na nakikita sa ating paligid na ginagalawan.

Balik-Tanaw
 Awitin Natin: “ Ako ay May Lobo”
 Ipalakpak ang kamay habang umaawit.
 Naipalakpak mo ba ng naaayon sa beat?

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang unang elemento na ritmo ay ang tunog o
katahimikan na napapaloob sa bahagi ng awit. Ito ay makikilala
natin sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik , pagpadyak at
paglakad. Gumagamit ito ng mga simbolo. Ang nakatayong
maiklingguhit ( ) ay sumisimbolo sa tunog samantalang ang
kapat na pahinga ( ) naman ay para sa katahimikan.
Ang hulwarang ritmo ay kakikitaan ng mahabang guhit
na nakatayo. Ito ay tinatawag na Bar Line o Panghati. Ito ang
naghahati sa bilang ng kumpas sa loob ng sukat ayon sa
palakumpasan o Beat.
Tingnan ang larawan . Gayahin natin ang pagpalakpak ng
kamay at sabihin kung ano ang bahaging naiiba sa iyong

Tanong:
1. Sa inyong palagay pareho ba ang paraan ng pagpalakpak
base sa larawang iyong nakikita?
2. Ano ang bahaging naiiba sa iyong ipinalakpak?
( Malalim na pag - iisip )

Ipalakpak natin. Habang pumapalakpak sabayan natin


ang pagbilang na nakikita sa huwarang ritmo. Itugon ang
pagbilang ayon sa tibok ng iyong pulso.

1 2 3 4 1 2 3 4

Batay sa ipinalakpak nating ritmo, napansin niyo ba ang tunog


at katahimikan?
1. Anong simbolo ang tumutugon sa tunog?
2. Ano naman ang para sa katahimikan?
( Pakikipagtalastasan )
Gawain:
Pinatnubayang Gawain 1:

Panuto: Ipapalakpak ng guro ang pattern at pasusundan sa


mga bata. Bigyan ng diin ang simbolo ng linyang patayo at rest.

1 2 3 4 1 2 3 4

Pinatnubayang Gawain 2:
Panuto: Itatapik ng guro ang pattern. Uulitin ng mga
bata ang pagtapik

1 2 3 4 1 2 3 4
MalayangPagsasanay 1:
Panuto: Ipadyak ang paa kung ang simbolo ay
tumutugon sa tunog at ibukas ang palad kung katahimikan.
( Malalim na pag-iisip )

Tandaan
 Ang bawat isang guhit ( ) ay tumutugon
sa isang tunog.
 At ang simbolong rest ( ) ay tumutugon
naman sa katahimikan.

Alam mo ba?
Ang regular na daloy ng tunog ay maaari ding tawaging
Pulso o Beat?
Pag-alam sa Natutunan
Panuto: Kunin ang kwaderno , Iguhit ang Kung
sumisimbolo sa tunog at Kung Katahimikan.
( Pagtutulungan )

1.___ 2.___ 3. ___ 4. ___ 5.____


SINING – ANG SINING AY NASA ATING
KAPALIGIRAN

INAASAHAN

Sa araling ito, ikaw ay makakikita ng iba’t - ibang halimbawa


ng likhang sining at lubos mong mauunawaan ang mga
sumusunod:
 Ang sining ay makikita sa ating kapaligiran
 May iba’t – ibang likhang sining at ito ay nililikha ng iba’t –
ibang artista.

BALIK-TANAW

Bilugan ang mga bagay na nagbibigay ganda o kulay sa


ating kapaligiran.
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
(Malalim na Pag-iisip)

Tayo’y maglakbay gamit ang ating isip at sandaling ipikit


natin ang ating mga mata.
Isipin mong ikaw ay nasa loob ng isang maliwanag na
bahay,walang palamuti, walang kahit ano sa iyong kapaligiran
at tanging ikaw lamang ang naroroon.
Ngayon, buksan mo na ang iyong mga mata. Ano ang ang
nakita mo?
Nais mo bang bumalik sa iyong pinuntahan?
Ngayon naman ay ilibot mo ang iyong mga mata sa
paligid ng inyon g bahay.
Nakakita ka rin ba ng ganito?
Pagmasdan mabuti ang mga guhit na makikita sa dahon.

Suriing mong mabuti ang mga hugis na makikita sa


pinintang larawan ng mag-ina.
Kilatising mabuti ang makulay na disenyo ng bang
Ang mga hugis, linya, kulay at disenyo sa ating kapaligiran
gaya ng nakita ninyong ay halimbawa ng SINING.
Ang malikhaing paggawa ng isang bagay na naaayon sa
interes, hilig o nais ay itinuturing na likhang sining.
Tinatawag na Artista o Artist ang mga taong gumagawa
ng isang likhang sining.

Nais mo bang maging isang artista?


Lahat ng tao ay mayroong kakayahang ipahayag ang
kanilang damdamin sa malikhaing paraan. Dahil dito tayo ay
maaaring maging artista.

Tingnan ang mga larawan ng iba’t ibang artista at kanilang


likhang sining.

Nakakita ka na ba ng gaya
nya?

Siya ay isang artista sa


pagguhit.
Kaaya-aya ang kanyang
gawa di ba?

Siya ay isang artista sa


pagpinta o pintor.

Tingnan mo! Tila tunay na


tao ang kanilang ginagawa.

Sila ay lumilikha ng imahe


sa pamamagitan ng paglililok
o eskultura. Sila ay tinatawag
na eskultor.

Image credit: Jonathan L. Cellona


Nais mo rin bang makagawa ng gaya ng mga likhang
sining na iyong nakita?

Anong likhang sining ang nagustuhan mo?


Paano mo ito gagawin?

Sa pagbuo ng isang likhang sining ang artista ay


gumagamit ng mga sumusunod:

LINYA HUGIS KULAY TEKSTURA

Ating linangin ang inyong kakayahan sa pagguhit..


Iguhit mo ang isa sa mga palamuti na makikita mo sa loob
ng inyong bahay.
GAWAIN 1

(Pagtutulungan)
GAWAIN 1: PAGGUHIT
Paksa: Palamuti sa Aming Bahay
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda mo ang mga kagamitan sa pagguhit gaya ng
papel, lapis pentel pen, pangkulay at iba pa.
2. Iguhit mo ang paborito mong palamuti na nasa inyong
bahay.
3. Lapatan mo ng kulay upang ito ay maging kaakit-akit.
4. Tapusin ang Gawain sa loob ng 15 minuto.
5. Ipagmalaki ang iyong likhang sining sa iyong pamilya.

Gawain 1.2 Kulayan ng pula ang bulaklak kung


naisagawa mo ang nasa bawat bilang, dilaw
kung hindi.

1. Nakaguhit ako ng aking paboritong palamuti


sa bahay.
2. Nalapatan ko ito ng iba’t ibang kulay upang
mapaganda ito.
3. Nakatapos ako sa itinakdang oras.

4. Naipagmalaki ko ang aking likhang sining ng


may pagpapakumbaba.
TANDAAN MO

Ang Sining o Art ay nasa ating kapaligiran.


Ito ay ang pagpapahayag
ng saloobin, ideya, interes o
hilig ng isang artista.
Ang Sining o Art ay nililikha ng iba’t ibang tao
at tinatawag silang artista.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Piliin ang DEAL button kung sumasang-ayon ka sa


pangungusap, NO DEAL button kung hindi.
1. Ang sining ay makikita sa ating kapaligiran.

DEAL NO DEAL

2. Ipinakikita sa sining ang saloobin, ideya at hilig ng


lumikha nito.

DEAL NO DEAL

3. Makikita sa likhang sining ang damdamin ng tumitingin


dito.

DEAL NO DEAL
P.E 1
Iba’t ibang bahagi ng katawan at ang kanilang mga
paggalaw sa pamamagitan ng kasiya-siyang pisikal na mga
aktibidad.
INAASAHAN

Mailarawan ang iba't ibang bahagi ng katawan at ang


kanilang mga paggalaw sa pamamagitan ng kasiya-siyang
pisikal na mga aktibidad

BALIK-TANAW

Panuto: Subukan punan ang nawawalang letra upang mabuo


ang bawat salita.

1. ___lo

2.
___ibdib

3.
ka___ay

br___so
4.

5. bal___kat
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang kamalayan sa ating katawan ay isang


pag-unawa sa mga bahagi na bumubuo sa katawan ng
isang tao, kung saan matatagpuan ang mga ito, ano ang
maaring ikilos ng mga ito,ano ang maaring gawin ng
bawat bahagi ng katawan. Nabubuo ang kamalayan ng
ating katawan habang lumalaki at tumanda tayo.
Ngayon alam natin kung ano ang kamalayan ng
katawan, tingnan natin nang mabuti kung bakit
mahalaga ito sa Edukasyon Pangkatawan.

GAWAIN
Gawain 1: Itaas na bahagi ng katawan(Pagtutulungan)
Inaasahan: Mailarawan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Panuto: Suriin ang iba’t-ibang mbahagi ng katawan.

Mailalarawan mo ba ang iyong bahagi ng katawan?

Awitin at lapatang ng askyon


(Jollibee Body Song and Dance)

Tumindig ka sa iyong mga paa


Lumuhod gamit ang tuhod
Ikaway ang mga kamay
Tapikin ang tiyan
Iangat, ibaba ang balikat
Paikutin ang iyong ulo
Bawat bahagi ng iyong katawan
Dapat malinis yan
Anong mga bahagi ng katawan ang mga binanggit
sa awit? Isa isahin natin!

paa tuhod kamay

tiyan balikat ulo

Alamin ang itaas na bahagi ng katawan

Ang ulo ay maaaring igalaw pataas


at pababa. Maari rin itong igalaw
papuntang kanan at papuntang kaliwa.

Ang leeg ay tumutulong sa paggalaw


ng ulo.
Ang balikat ay tumutulong upang
makagalaw ang mga braso.

Ang dibdib ay gumagalaw habang


humihinga ka. Gumagalaw ito
pataasat pababa.

Ito ang kanan at kaliwang braso.


maari silang gumalaw saan man
direksyon.

Ang siko ay tumutulong para


makagalaw atang mga braso.
Ang mga kamay ay maaring isara at
ibukas. Nakakatulong ito upang
makagapang at pumalakpak.

Ang galang-galangan ay nakakatulong


makagalaw ang mga kamay sa
anumang direksyon.

TANDAAN

Ang itaas na bahagi ng katawan ay binubuo ng ulo, leeg,


balikat, braso, siko, galang-galangan, dibdib, kamay. Ang bawat
bahagi ng ating katawan ay may kanya-kanyang kakayahan
upang maisagawa ang mga kilos. Maaari silang gumalaw sa
tulong din ng iba pang bahagi ng katawan.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
(Pagkamalikhain,Pagtutulungan, Pagbuo ng Katauhan)
I. Panuto: Punan ang nawawalang pangalan ng
bahagi ng katawan. Piliin ang sagot sa kahon.
II. Maglaro Tayo! “Ang Sabi ni Simon”

Panuto: Susundin mo ang utos ni Simon. Dapat mahawakan mo


ang bahagi ng katawan na babanggitin niya. Maaaring sumama
ang nakatatanda sa larong ito.

1. Ang sabi ni Simon hawakan ang iyong balikat.

2. Ang sabi ni Simon hawakan ang iyong leeg.

3. Ang sabi ni Simon hawakan ang iyong galang-galangan.

4. Ang sabi ni Simon hawakan ang iyong dibdib.

5. Ang sabi ni Simon hawakan ang iyong ulo.


HEALTH
PINAGMULAN NG MGA PAGKAIN

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay inaasahang:
 Matutukoy ang mga pinagmulan ng pagkain
 Masasabi ang mga pinagmulan ng mga pagkain

Balik-Tanaw
Panimulang Awit

Bahay Kubo
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon, ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at
mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon ang labanos,
mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Anu-ano ang mga pagkaing binanggit sa awitin?


Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang mga pagkain ay nagmula sa mga hayop at mga


halaman. Ang mga prutas, dahon at may tangkay, ugat at buto
ay kabilang sa mga pagkaing nagmula sa halaman. Halimbawa
ng mga prutas ay saging at mangga. Para sa mga dahon at
tangkay naman ay ang dahon ng kamote at kangkong.
Halimbawa naman na nagmula sa ugat ay ang gabi at sa buto
naman ay mani.

Ang mga halimbawa naman na nagmula sa hayop ay ang


mga pagkaing nagmula sa isda, manok, baboy at baka. Ang
mga pagkaing dagat ay maaaring nagmula sa halaman at
hayop. Ang hipon at posit ay nagmula sa hayop samantalang
ang seeweeds at agar (gulaman) ay nagmula sa halaman.

Suriin natin.

gatas kalabaw
Ang gatas ay nagmula sa baka o kalabaw.
Ang baka o kalabaw ay mga uri ng hayop.
Ang gatas ay isang inumin na nagmula sa hayop.
saging puno ng saging

Ang saging ay nagmula sa isang puno ng prutas.


Ang puno ng saging ay isang uri ng halaman.
Ang saging ay nagmula sa halaman.

itlog manok

Ang itlog ay nagmula sa manok.


Ang manok ay isang uri ng hayop.
Ang itlog ay na nagmula sa hayop.

papaya puno ng papaya


Ang papaya ay nagmula sa isang puno na namumunga.
Ang puno na namumunga ay isang uri ng halaman.
Ang papaya ay nagmula sa halaman.

Iba pang mga halimbawa :

Ang kamatis ay nagmula sa halaman.

Ang popcorn ay isang pagkain na nagmula sa halaman.

Ang hotdog ay isang pagkain na nagmula sa hayop.


Gawain
Halaman o Hayop? (Pakikipagtalastasan)
Panuto: Tukuyin kung saan nagmula ang mga pagkain sa
larawan. Isulat ang letrang A, kung ito ay nagmula sa
halaman o letrang B naman kung ito ay nagmula sa hayop.

1. ______ 2. ______

3. ______ 4. ______

5. _____

Tandaan

Ang mga pagkain ay nagmula sa hayop at


halaman. Nagbibigay sa atin ng pagkain ang mga
hayop at halaman.
Pag-alam sa mga Natutuhan

TAMA o MALI (Malalim na pag-iisip)


Panuto: Isulat ang letrang Tama kung ang binanggit na
pinagmulan ng pagkain ay wasto, o salitang Mali kung hindi
wasto.

______________1. Ang aking paboritong gatas ay galing


sa hayop.
______________2. Nagmula sa hayop ang pritong manok
na niluto ng aking Nanay.
______________3. Namitas kami ng hinog na mangga.
Ang hinog na mangga ay mula sa hayop.
______________4. Ang pandesal ay isang uri ng tinapay
na nagmula sa halaman.
______________5. Ang chicharon ay galing sa hayop.
Pangwakas na Pagsusulit P
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa inyong kwaderno.
1. Alin sa mga simbolo ang katugon ng Tunog?
A. B. C.

2. Alin ang simbolo ng katahimikan?

A. B. C.

3. Ang sining ay nililikha ng iba’t-ibang tao o artista.

B. B. C.

4. Ang mga kagamitan sa loob ng bahay ay nabuo sa


pamamagitan ng sining
A B. C

5. Ito ay itaas na bahagi ng katawan na naipapa-lakpak mo.


A. braso B. balikat C. kamay

6. Ito ay itaas na bahagi ng katawan na gumagalaw tuwing


ikaw ay humihinga.

A. dibdib B. braso C. leeg


7. Saan nagmula ang mga pagkain?
D. sa halaman at hayop
E. sa halaman lamang
F. sa hayop lamang

8. Saan nagmula ang kanin?


A. hayop B. halaman C. karne
Sanggunian

A. BOOKS
Cantalejo, Delos Reyes, Lacia, Hernandez, Zabala. 2016. The 21st Century
Digo, Maria Elena D. et.al Music, Art, Physical Education and Health 1,
DepEd-BLR
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10 Curriculum Guide. Pasig
City: Department of Education

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Teachers Guide. Pasig City:
Department of Education

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Learners Mateials. Pasig City:
Department of Education

Hernandez, Ma. Karina Melody et.al. The 21st Century MAPEH in Action 1,
Rex Book Store.2016
K to 12 Grade 1 Music and Art Learner’s Material

MAPEH in ACTION, 2017.Quezon City: Rex Printing Company Inc.

Music, Art, Physical Education and Health Tagalog Kagamitan ng Mag-aaral

Sinugbuhan, Baby Jinky N. et.al. Radiance 1 Worktext in Music, Arts, Physical


Education, and Health, Rex Book Store 2013

B. INTERNET

Links for other sources and images used in this module:


https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-material-in-music-
and-art-q1q4

https://www.google.com.ph/search?q=paete+sculptur&tbm=isch&ved=2ahUKEwjul9je9rLpA
hUL-5QKHU14DWoQ2-
cCegQIABAA&oq=paete+sculptur&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAgQHjoFCAAQgwE6
BAgAEEM6BggAEAUQHjoECAAQGFCcx4MFWPHngwVg9PmDBWgAcAB4AIAB3gOIAYUfkgEJ
MC40LjQuNC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=KwC9Xq7WF4v20wTN8
LXQBg&client=safari#imgrc=R84Z64804t0yzM
https://www.google.com.ph/search?q=Filipino+draw+portrait+of+the+face+of+her+studen
ts&client=safari&channel=iphone_bm&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=W-
DlJrl_qyytlM%253A%252CEMR8UqcV6UUjxM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRHqGIurR7kLkpUdW5_ZJ7ZryLcsQ&sa=X&ved=2ahUKEwiIrbOjobPpAhXE7WEKHc5RC4IQ9
QEwAnoECAYQCQ#imgrc=W-DlJrl_qyytlM:

https://www.google.com.ph/search?q=boy+painting+clipart&client=safari&channel=iphone
_bm&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Lw5iGmmubMJJeM%253A%252Cgn3FWipyAvNupM
%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTkNPZZxjtE8yFzeX5y20gI4YEVGA&sa=X&ved=2ahUKEwih5sOGvLPpAhVPFogKHZURAtAQ9
QEwBHoECAoQLw#imgrc=Ytb5BlP0IJHptM

Jollibee Body Song and Dance.Youtube.Videofile.


https://www.youtube.com/watch?v=5Vh-mL4_iEk

https://byjus.com/biology/food-sources-animal-plant-products/
https://www.google.com/search?q=clipart+ng+mga+pagkain&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjK0bGUgMDpAhUY_xoKHd1XBOkQ2-
cCegQIABAA&oq=clipart+ng+mga+pagkain&gs_lcp=CgNpbWcQ
A1CqwBJYreQSYJruEmgAcAB4AYABggmIAdIgkgEFNi0xLjOYAQCgA
QGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=4NrDXsrhH5j-
a92vkcgO&bih=657&biw=1366
BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL
Management Team:
Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
MUSIC 1
Mga Manunulat: Jenny G. Francisco MT I, Rowena V. SempioMT II,
Reynalda Dea Ingeniero MT II, Femeller L. Podador MT II
Editor: Luis M. Anchilo. PSDS & Supervisor – In Charge (MAPEH)
Tagasuri: Enrique T. Vallejo,Head Teavher VI,President Sergio Osmena
Sr. High School
Tagaguhit : Jenny G. Francisco
Tagalapat: Rowena V. Sempio
ART 1
Mga Manunulat: Jina Belle V. Prieto-MTII, Catherine DC. Alberto,
Ronasa D. Quiling, Christopher R. Millama
Editor: Adulfo S Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor
Tagaguhit : Minsie M. Diwa
Tagalapat: Catherine DC. Alberto
PHYSICAL EDUCATION 1iters: Maria Lourdes B. Magnaye, Marilou
Mga Manunulat: Maria Lourdes Magnaye, Marilou V. Lapid
Editor: Eileen Marie C. De Leon, HT III
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor
Tagaguhit : Maria Lourdes B. Magnaye, Marilou V. Lapid
HEALTH
Mga Manunulat: Nelda O. Sabater, Mary Jane C. Bo,
Jovelyn C. Gallego, Sammera B. Santos
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Christopher L. Lirio
Tagaguhit : Nelda O. Sabater , Mary Jane C. Bo,
Jovelyn C. Gallego, Sammera B. Santos
Jovelyn C. Gallego, Sammera B. Santos
Editor: Chrisistopher L. Lirio
Tagasuri: Chrisistopher L. Lirio
Tagaguhit: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego, Sammera B.
Santos
Tagalapat: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego, Sammera B.

You might also like