You are on page 1of 1

Name of Learner_________________________________________________ Date:____________________

Grade & Section: ____________________________________________ Teacher:_______________________

Grade 5
QUARTER 1 – WEEK 3
October 4-8, 2021
(Monday -Friday)

MODULAR LEARNING DELIVERY MODALITY


Home Economics (Pagbuo ng Kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan)

(LEAP Based) BASAHIN AT UNAWAIN: Learning Activities


Sa araling ito ikaw ay inaasahan na makabubuo ng kagamitang pambahay na maaaring
pagkakitaan at makalilikha ng isang malikhaing proyekto. Ito ay isang hakbang upang ikaw ay
matutong manahi ng mga kagamitang pambahay. Ang pagbuo ng apron ay isang kasiya-siyang
Gawain. Upang ikaw ay makabuo ng isang apron kailangang kumpleto at handa ang lahat ng mga
kagamitan na iyong kakailanganin pati na rin ang makina na iyong gagamitin ito ay kailangang nasa
magandang kondisyon. Ang mga telang retaso ay maari pang pakinabangan. Ito ay mainam na
paraan upang walang masayang na tela. Ito ay magagawa mo sa pamamagitan ng pagiging isang
malikhain. Mula sa mga retaso ng tela ay maaari kang makagawa ng isang kapakipakinabang na
proyekto. Maaari kang makagawa ng headband, potholder, pamunas-kamay na magagamit sa
kusina. Ilan lamang ito sa maaaring paggamitan ng mga retaso ng tela upang hindi masayang.
Tunay ngang ang pananahi ay isang kasiya-siyang gawain at nagdudulot sa inyo ng magandang
karanasan.
Paraan ng paggawa ng headband.
Sumukat ng telang may 50cm x 50cm ang laki. Hatiin ng padaya-gonal tulad ng nasa
larawan. Itupi ng dalawang ulit sa gilid. Ihilbana at tahiin sa makina. Ikabit ang pansara na hook
ang eye o kutsetes.
Paraan ng paggawa ng potholder
1. Pagpatung-patungin ang mga natirang retaso. 2. Gumawa ng dalawang padron para sa
pang-ibabaw na hawakan. 3. Linyahan ang pardon. Ilagay ang inayos na retaso sa loob ng
pangibabaw na hawakan. 4. Ihilbana ang mga gilid. 5. Tahian ng overcasting ang mga gilid. 6.
Pagtapatin nang maayos. Ihilbana at tahini sa makina.
Paraan ng Pamunas-Kamay
Sumukat ng tela na 50cm x 50cm ang laki. Itupi nang dalawang ulit ang paikot na gilid.
Ihilbana at tahini sa makina

GAWAIN 1: Panoorin ang mga video na isesend ng iyong guro sa group chat.

GAWAIN 2 : Umisip ng kagamitang pambahay na maaaring gawin mula sa retaso ng tela na


maaaring pagkakitaan. Igawa ito ng plano.(Maaring gumamit ng extrang papel kung hindi
magkakasya ang sagot sa baba at sstapler ito kasama nitong activity sheet)
Plano ng Proyekto

I. Pangalan:

II. Mga Layunin:

III. Mga kagamitan:

IV. Disenyo:

V. Mga Pamamaraan:

VI. Ebalwasyon:

You might also like