Professional Documents
Culture Documents
AP7 - Week 2 - Q2 - Modified Model DLP
AP7 - Week 2 - Q2 - Modified Model DLP
D. Layunin (Objectives):
1. Nakikilala ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Shang);
2. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Shang);
3. Napahahalagahan ang kontribusyon sa sangkatauhan ng mga sinaunang kabihasnan at
4. Naipagmamalaki ang kagalingan ng mga sinaunang Asyano sa paghubog ng kabihasnan.
Page 1 of 11
B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang papel, internet (optional)
UNANG ARAW
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang balik-aral at panimulang
pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin. Huwag kang mangamba sa
pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.
Panimulang Pagtataya: Sagutin ang mga sumusunod nang pasalita. Mahalagang madaanan mo ang bahaging ito
upang masukat ang iyong paunang kaalaman para sa araling ito.
1. Ano ang tawag sa templong itinatag ng mga Sumerian para sa kanilang mga diyos?
A. Etemenanki B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat
2. Bakit kinilala ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
C. Hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar ng mga lungsod-estado
D. Pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal
3. Kung ikukumpara ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng sibilisasyong Sumer, Indus at Shang, mas
madaming impormasyon ang naitala sa Sumer at Shang. Bakit napakakaunti lamang ng kaalaman tungkol sa
kabihasnang Indus?
A. Unti-unting nawaglit sa alaala ang sibilisasyong Indus
B. Lahat ng katibayan na makakapagpatunay sa kanilang sibilisasyon ay nasira
C. Walang sinumang eksperto ang makabasa o makapagpaliwanag sa pictogram
D. Walang masyadong naitala tungkol sa kanilang kasaysayan ang mga taga-Indus
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Kabihasnang Shang?
A. Isang kabihasnan sa silangang Asya na may pag-uuri ng lipunan
B. Kauna-unahang dinastiya sa Tsina na nag-iwan ng mga tala o sulatin
C. Gumamit ng konseptong mandate of heaven bilang batayan ng pamumuno
D. Nag-iwan ng mga kagamitang bronse na kakikitaan ng galing sa pagkakagawa
5. Ano ang mayroon sa sibilisasyong Sumer, Indus at Shang na wala sa ibang mga kabihasnan sa Asya gaya ng
sa Mongolia?
A. Lambak-ilog B. Sistema ng pagsulat C. Organisadong pamahalaan
Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga tamang sagot sa panimulang pagsusulit ay
iyong matututunan sa pag-aaral at pagsasagawa ng iba pang mga gawain sa araling ito.
Ang mga gawain sa letrang B at C ay naglalayong ipakilala sa iyo ang ilan sa pinakamahalagang konsepto
na matutunan mo sa pag-aaral ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Dito mauunawaan mo ang
kaugnayan ng mga nakaraang aralin gaya ng pisikal na kapaligiran sa paghubog ng sinaunang kabihasnan
sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. Handa ka na? Kung gayon, simulan mo na.
M - O
Page 2 of 11
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang nakikita sa larawan.
2. Saan mga bansa kaya matatagpuan ang mga ilog na ito?
3. Ano ang halaga ng mga ilog sa pagbuo ng kabihasnan?
Hanay A Hanay B
1. Anno Domini A. Palipat-lipat ng tirahan
2. Arkeologo B. Permanenteng panirahan sa isang lugar
3. Artifact C. Palitan ng kalakal na hindi gumagamit ng pera
4. Artisano D. Mga bagay na gawa ng mga sinaunang tao o panahon
5. Barter E. Brick o luwad na pinatigas sa araw upang gawing bahay
6. Before Common F. Maunlad na lungsod na may kapangyarihan gaya ng sa bansa
Era
G. Bihasang manggagawa gaya ng panday, karpintero at mananahi
7. Ladrilyo
H. Year of the Lord, ibig sabihin panahon mula nang isilang si
8. Lungsod-estado Hesukristo
9. Nomadiko I. Pag-aaral sa sinaunang kasaysayan ng tao gamit ang mga
naiwang labi at artifacts
10. Sedentaryo
J. Bago kasalukuyang panahon o panahon bago isilang si
Hesukristo o BC (before Christ)
Sa mga lambak-ilog nagsimula ang mga kauna-unahang kabihasnan ng Asya. Mga lupain ito na angkop
sa pagsasaka at permanenteng panirahan. Sa Mesopotamia na nasa pagitan ng Tigris at Euprates
namuhay ang mga Sumerians, sa Huang Ho na nasa China umunlad ang pamayanang Shang at sa Indus
nagsimulang bumuo ng permanenteng panirahan ang mga Indus. Sa mga ilog na ito hinarap ng mga
sinaunang tao ang hamon ng kalikasan upang mabuhay at malinang ang mga kasanayan sa iba’t ibang
larangan na nagpaunlad sa kanilang pamumuhay.
Malaki ba ang pagkakatulad ng iyong sagot sa tekstong binasa sa kahon? Oo? Mahusay kung
ganoon! Ngayon ay handa ka nang pag-aralan ang sinaunang kabihasnan sa Asya. Sa iyong pagbabasa,
tandaan ang mga layunin ng aralin. Inaasahan na matapos mong magawa ang lahat ng mga gawain ay
mailalarawan at maihahambing mo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Gayundin, inaasahan na
mauunaawaan mo na ang pagpapahalaga sa kanilang mga kontribusyon ay bahagi ng pagbuo sa iyong
pagkakakilanlan bilang Asyano.
Upang matulungan ka sa pag-unawa sa panahon na pinag-aaralan, suriin ang susunod na
larawan at unawain ang teksto sa ibaba nito.
Page 3 of 11
PAGPAPANAHON
Ang mga kabihasnang matutunghayan ay namuhay noong Before Common Era o Before Christ. Kung ang
kabihasnan halimbawa ay nagsimula 4500 BCE / BC, ibig sabihin 6,520 taon na ang nakalilipas mula ngayon 2020
AD / CE. Kapag sinabing 5th millennium, nangangahulugan itong taon sa loob ng 5000 hanggang 4001 at kapag
ika-5 siglo (century) ay nangangahulugang taon sa pagitan ng 500 hanggang 401. Kaya naman tayo ngayon (2020)
ay nasa ika-21 siglo. Maaaring matagal nang panahon ang lumipas subalit ang kanilang mga nagawa at
kontribusyon ay mahalaga sa pagkakakilanlang Asyano kaya nararapat lang na balikan at pag-aralan sila.
IKALAWANG ARAW
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/ Alamin
Mo/Paunlarin)
Gawain 3: TALAKAYAN (LM pahina 112-114, Asya: Pag-usabong ng Kabihasnan, internet) Basahin at unawaing
mabuti ang mga susunod na teksto.
PAMAYANANG NEOLITIKO – mga pamayanang agrikultural at sedentaryo na ang pangunahing kabuhayan ay
pagsasaka. Ang ilan sa mga ito ay naglaho dahil sa pagkatuyo ng lupa dahilan upang lumipat sila ng tirahan. Ang
paglipat na ito ang dahilan sa pagdami ng populasyon na kalaunan ay naging mga lungsod-estado ng kabihasnan
o sibilisasyon. Maraming mga pamayanang neolitiko ang itinatag bago ang mga kabihasnang Sumer, Indus at
Shang. Ang ilan ay matutunghayan sa ibaba.
SUMER
Jericho (7000 BCE)
Pinakamatandang pamayanang Neolitiko na nasa Israel
Pagtatanim ng trigo at barley, pangangaso at pakikipagkalakalan ng sulfur at asin
mula sa Dead Sea ang ikinabubuhay
Page 4 of 11
Bahay ay gawa sa mga ladrilyo (brick) gaya sa Sumer
SHANG
Yangshao (3000 – 1500 BCE)
Nakaayos pabilog ang mga bilugang bahay na bahagyang nakabaon ang luwad na
pader at may bubungang pawid
Naghahabi ng telang seda at hemp at gawa sa buto o bato ang kutsilyo, bingwit,
palakol at ibang kagamitan.
Longshan (2500 – 2000 BCE)
Nagtatanim ng millet at palay at gumawa ng maninipis na kopitang may kawakan, paa at bibig at tapayang
itim kaya tinawag na Black Pottery Culture.
May mga nahukay na ebidensya na nagsasagawa sila ng pag-aalay gamit ang mga buto ng hayop at mga
alipin
Hari ng Lagash
Naiwang labi ng Ur
o Naglilibing sila ng patay sa labas ng lungsod. Pinababaunan din nila ito ng mga pagkain. Kung
maharlika ang namatay, kasamang inililibing ang mga alipin.
Arkitektura: Gumawa ng mga dike, kanal at imbakan ng tubig upang paghandaan ang hindi regular na
pag-apaw ng tubig at ulan.
o Sa simula, ang hangganan ng bawat lungsod-estado ay mga kanal subalit paglaon ay naging mga
pader na pandepensa sa mananakop
o Gawa sa labrilyo (mud-brick) ang mga gusali kaya madaling masira. Ang patuloy na pagtatayo ng
gusali kalaunan ang siyang nagpataas sa level ng lupa ng syudad.
o Malapit sa Ziggurat ang imbakan ng butil, palasyo na may malalawak na bakuran at ibang bahay
ng mga opisyal. Habang papalayo ka sa templo ay bumababa ang iyong katayuan sa lipunan.
Sining: Epiko ng Gilgamesh – pinakamatandang epiko sa mundo. Ito ay tungkol sa paglalakbay ni
Gilgamesh, hari ng Uruk.
o Nagsusuot din sila ng alahas na gawa sa ginto, tumutugtog ng lira at plawta, at umuukit ng kwento
ng pakikidigma o kabuhayan sa mga kahoy at luwad
Pagbagsak: Pinahina ng pagkatuyo at salinizasyon ng lupa ang mga lungsod-estado dahil sa maling
sistema ng irigasyon at tagtuyot kaya madalas ang digmaan ng mga lungsod-estado. Sinamantala ito ng
mga Akkadian at kanila itong sinakop noong 2270 BCE sa pangunguna ni Sargon. Sinakop din sila ng
mga Amorite. Sa kanilang pagkasakop, unti-unting nawala ang wikang Sumerian.
Ambag: Lunisolar calendar, kariton de-gulong, wheel-spun pottery, arko, astronomiya, decimal system, 360
degrees, at unang nakasulat na batas ni Ur-Nammu.
Page 6 of 11
o Gumamit sila ng selyo sa pakikipagkalakalan at kalabaw bilang transportasyon.
o Mayroon ding tagapagkulay ng tela, mananayaw at panday ng bronse, lead at tin
Organisadong lungsod
Pangunahing Paliguan Kanal ng Palikuran
Laruan at Palayok
Terra-cotta Bangka
Page 7 of 11
IKATLONG ARAW
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)
KABIHASNANG SHANG
Panahon: Bronse / 1600 BC – 1046 BC
Lokasyon: lambak-ilog Huang He sa Tsina
Pagsilang: Umusbong dahil pagkatapos ng pagbaha naiiwan
ang loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural sa lambak-ilog. Itinatag ni Dakilang Tang na tumalo
sa maalamat na dinastiyang Xia o Hsia. Walang ebidensyang
arkeolohikal na nagpapatunay na totoong nagkaroon ng
nasabing dinastiya.
Kabisera: Yin / Yinxu / Anyang / Dayi Shang, atbp
Espesyalisasyon ng Gawaing Pang-ekonomiya: Pagtatanim
ang pangunahing gawain. Mayroon din mangangaso,
Oracle Bones Jade
naghahayupan, minero, panday ng kagamitang bronse,
astronomiko, mandirigma, musikero, naghahabi ng seda,
nagpapalayok, at mangangalakal gamit ang cowry sheels bilang
pera.
Uring Panlipunan: Maharlikang pinuno, mandirigma, artisan,
mangangalakal, magsasaka, at alipin
Pamahalaan: Mga maharlika na pinamunuan ng Paring-hari na
nangunguna sa ritual ng pag-aalay sa diyos at ninuno at
pagtatanggol laban sa mga mananakop na nomadiko sa hilaga.
Ang ibang mga maharlikang pinuno ay nagbabayad ng tributo sa
hari kapalit ng pagtira at pamamahala sa kanyang lupain.
Panulat: Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na
nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino at ambag sa lipunan.
Makikita ito sa mga butong orakulo na pawang mga buto ng
hayop gaya ng pagong at ox at ginamit sa pag-aalay sa mga
ninuno o diyos. Isinusulat ang katanungan sa buto bago sunugin
at ang mga biyak na makikita ay siyang sagot ng kanilang diyos
o ninuno na babasahin ng paring-hari.
Calligraphy
Ruins
Page 8 of 11
Humahanga ako sa iyong determinasyon na matuto. Ngayon naman ay subukan mong pagsama-
samahin ang lahat ng iyong natutunan. Ipakita mo ito sa pamamagitan ng paggawa ng talahanayan na
naghahambing sa tatlong kabihasnang natutunan.
Gawain 4: LIKUMIN ANG DATOS. Punan ng sagot ang talahanayan ng mga natutunan mula sa pagtalakay sa
paksa. Pagkatapos, sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Mahalagang
Kabihasnan Lugar na Pinagmulan Panulat Katangian
Ambag
1. ________(bansa)
3. 4. 5.
Sumer 2. ________(lambak-ilog)
6. ________(bansa)
8. 9. 10.
Indus 7. ________(lambak-ilog)
11. ________(bansa)
13. 14. 15.
Shang 12. ________(lambak-ilog)
IKAAPAT NA ARAW
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin) – Performance Task
Gawain 5: PANAYAM
Magsagawa ng isang panayam sa mga nakatatanda (maaaring kasama sa bahay) tungkol sa sinaunang
kasaysayan ng inyong lugar.
Lagyan ito ng larawan o mapa na maaaring ginupit o ginuhit. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong:
Saan matatagpuan ang inyong lugar?
Paano ito nagsimula o Ano ang kasaysayan nito?
Ano ang pangunahing kabuhayan sa inyong lugar?
Ano ang naging ambag / kaugalian ng inyong lugar sa pagkakakilanlang Kapampanga / Filipino?
Halimbawa:
Katibayan ng
panayam: text,
chat, video call,
interview
Ngayong natapos mo na ang lahat ng mga gawain sa araling ito ay muling magmuni-muni at pag-
isipan ang iyong mga nalaman at naunawaan sa mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Makakabuo ka ba ng
paglalahat sa iyong natutunan? Mahusay kung maipakita mo ito sa Feedback Tool Face sa Gawain 7.
Layunin ng talahanayan na malalaman kung gaano mo naunawaan ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya.
Sagutin ang mga sumusunod nang pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hindi
Mga Pahayag/Kaalaman Naunawaan
Naunawaan
1. Dahil sa pagbabago ng kapaligiran natutong magtanim
ang mga unang Asyano at nananatili sa isang lugar
upang linangin ang mga lupain.
2. Nagsimula ang kabihasnan sa mga lambak-ilog sa Asya.
3. Karaniwang polytheism o sumasamba sa maraming diyos
ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
4. Maituturing na malaking ambag ng kabihasnan ang
sistema ng pagsulat.
5. Mga Dravidians ang unang gumamit ng gulong at
Sumerians ang nakaimbento ng kanal at swimming pool
6. Pagbabago sa klima o climate change ang dahilan ng
pagbagsak ng mga kabihasnan.
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na handa ka na sa
maikling pagsusulit na iyong gagawin.
Page 10 of 11
IKALIMANG ARAW
I. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay kabilang sa Sumer, Indus o Shang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (isang puntos kada bilang)
1. Sumasamba sa mga ninuno.
2. Naitatag ang kabihasnang ito sa Yellow River.
3. Matatagpuan ang kabihasnang ito sa Pakistan.
4. May citadel o mataas na moog at mababang bayan.
5. Pinaniniwalaan na itinayo ang kanilang kabihasnan ng mga Dravidians.
6. Sumamba sa maraming Diyos na sumisimbulo sa mga pwersa ng kalikasan.
7. Sila ang unang gumamit ng decimal system at konsepto ng 360 degrees sa bilog.
8. Ilan sa kanilang pinakamahalagang lungsod ay ang Ur, Uruk, Nippur, Lagash at Kish.
9. Matatagpuan ang kabihasnang ito sa Mesopotamia na siyang pinakamatanda at pinakauna.
10. May sistema ng imburnal (sewage system) at organisado ang pagkakagawa sa lungsod dahil sa pare-
parehong sukat na bloke ng mga kabahayan.
Ang bahaging ito ay itinakda upang lubos mong maunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral sa
mga sinaunang kabihasnan at pahalagahan ang kontribusyon sa sariling pagkakakilanlan ng sinaunang
panulat ng mga Kapampangan – ang Kulitan.
Gawain 7: Basahin ang maiksing kasaysayan at pamamaraan kung paano sumulat gamit ang Kulitan. Pagkatapos,
subukan mong isulat ang iyong pangalan gamit ang mga simbolo ng Kulitan na nasa talahanayan. Maaari mo
ring i-download ang app na kulitan upang matulungan ka sa pagsulat ng iyong pangalan.
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.keithmanaloto.learnkulitan&hl=en_US
Kasaysayan
Sulat Kapampangan kung tawagin ng mga taga-Gitnang Luzon ang kanilang
sinaunang panulat bago dumating ang mga Kastila.inawag itong culit ng mga
Espanyol na lexicographers (taong gumagawa ng diksyonaryo) na sina
Benavente at Bergaño noong ika-17 at ika-18 siglo.
Hindi tiyak ang pinagmulan nito subalit may pagkakahawig ito sa ibang mga
panulat Indian sa Timog-Silangang Asya patunay sa malalim na ugnayan natin
sa India at mga karatig bansa bago ang pananakop ng mga Kastila.
Kapatid ito ng Baybayin, Tagbanwa, Balinese, Javanese, atbp.
Katangian at Paraan ng Pagsulat
Ang pagsulat at pagbasa ng Kulitan ay patayo: mula taas pababa at mula kanan
pakaliwa gaya ng nakasulat na salitang kulitan sa kaliwa
Ang Kulitan ay isang abugida o alphasyllabary. Ibig sabihin ang bawat kataga nito
ay ayon sa tambalang katinig-patinig kung saan ang patinig (siuala) ay nababago
sa pamamagitan ng paglalagay ng marka. Binubuo ito ng:
Page 11 of 11