You are on page 1of 24

3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paglalarawan ng mga tao, bagay, hayop
at lugar sa pamayanan

Department of Education • Republic of the Philippines


Filipino – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paglalarawan ng mga tao, hayop,bagay at lugar sa
pamayanan (F3WG-IIIcd-4)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorynel C. de Sagun
Editor: Christian J. Bables
Tagasuri:Christian J. Bables
Tagaguhit: Raquel V. Merano/ Jeewel L. Cabriga
Tagalapat: Edna E. Eclavea
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Ruth L. Fuentes, Job S. Zape Jr., Eugenio S. Adrao,
Fe M. Ong-ongowan, Aniano M. Ogayon, Maylani L. Galicia, Imelda C. Raymundo,
Generosa F. Zubieta, Edna E. Eclavea, and Ermelo A. Escobinas

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd CALABARZON LRMDS

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal, Philippines 1940


Telephone: (02) 681-7249
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paglalarawan ng mga tao, bagay, hayop
at lugar sa pamayanan
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,kolehyo at
unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Department of Education • Republic of the Philippines


Paunang Salita
Para sa Tagapagpadaloy:
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa ikatlong
baitang. Ito ay upang matugunan ang lubusang pagkatuto sa asignaturang
Filipino. Makatutulong ang modyul na ito sa paglalarawan ng mga tao, hayop,
bagay at lugar sa pamayanan. Bilang tagapagpadaloy, tiyaking maging malinaw
sa mag-aaral kung paano gagamitin at sasagutan ang mga gawain sa bawat
bahagi.
Bago gamitin ang modyul pagnilayan at unawain ang mga gawain.
Tiyakin kung ang teksto at gawain ay naaangkop sa nakikitang pangangailangan
ng mag-aaral. Magbigay ng malinaw na panuto kung paano gagamitin ng mga
mag-aaral ang modyul na ito. Tandaan ang mga gawain sa modyul ay
nangangailangan ng paggabay ng guro. Ipaalala sa mag-aaral na hindi sila
magsusulat sa modyul dahil magkakaroon sila ng hiwalay na sagutang papel.
Habang ginagawa ang modyul tiyakin na nasusunod ng mga mag-aaral
ang panuto sa bawat gawain. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa
pagsagot.
Pagkatapos gamitin ang modyul alamin kung natutunan ng mga mag-
aaral ang mga kasanayang hinahangad at kung nagbigay kasiyahan sa mga mag-
aaral ang paggamit ng modyul.
May Akda
Para sa mag-aaral:
Kumusta mga bata?
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo para sa mas
epektibong pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ang mga kaalaman at
kasanayang iyong matutunan sa modyul na ito ay magagamit mo sa epektibong
pakikipagtalasan at pakikilahok sa lipunang kinabibilangan. Bago mo simulan
ang paggamit ng modyul na ito makabubuting alamin at basahin ang
sumusunod;
Ang bawat aralin ay may mga gawain tulad ng;
Alamin. Dito mo mababasa ang paunang salita na naglalaman ng
kabuuang pagtatalakay sa nilalaman ng modyul ganun din ang layunin ng aralin.

2
Subukin. Sa bahaging ito susukatin ang kaalaman mo bilang isang mag-
aaral. Kaya bago ka magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo
muna ang panimulang pagtataya na inihanda ko para sa iyo. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Tuklasin. Dito mo mababasa ang kuwento na may kasamang
pagpapahalaga na dapat linangin sa katauhan mo bilang tao. Ang kuwentong ito
ang magiging daan sa pagtatalakay ng mga kasanayang lilinangin sa aralin.
Sasagutan mo din dito ang aking inihandang pagtataya hinggil sa kuwentong
iyong binasa. Isulat ang letra ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Suriin. Sa bahaging ito mababasa mo ang paliwanag at pagtatalakay sa
kasanayang lilinangin sa araling ito. Basahin at tandaan mo itong mabuti.
Pagyamanin. Ito ay binubuo ng mga pagsasanay sa iyong mga
kakayahan at kaalamang tinalakay sa aralin na tutugon sa iyong kawilihan at
pangangailangan. Ang mga pagsasanay na ito ay may ibat-ibang pokus tulad ng
pokus sa pag-unawa, analisis, ebalwasyon at pagbubuo. Basahin at unawain mo
ang mga panuto sa bawat pagsasanay na ito upang maging matagumpay ka sa
mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga kasagutan mo sa bawat
pagsasanay ay isulat mo sa iyong sagutang papel.
Isaisip. Mababasa mo rito ang mahahalagang ideya na dapat mong
tandaan tungkol sa aralin.
Isagawa. Sa bahaging ito ay malilinang ang kakayanan mo bilang mag-
aaral sa paggamit ng iyong natutuhang impormasyon sa pang-araw araw na
pamumuhay.
Tayahin. Dito mo makikita ang panapos na pagtataya. Dito din
malalaman ang antas ng iyong pagkatuto sa araling tinalakay. Isulat mo ang
letra ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Karagdagang Gawain. Ang gawaing ito ay lilinang sa iyong kakayahan
sa pagsulat na angkop sa competensi na nabanggit sa aralin.
Bawat bahagi ng modyul na ito ay may nakatakdang icon o karakter
bilang representasyon. Maaari mo itong gamiting gabay sa paggawa.
Iwasto ang sagot ng mga piling gawain sa dulong bahagi ng modyul.
Maligayang pag-aaral sa iyo!
May Akda

3
4
Alamin

Nasa Ikatlong baitang ka na ba?


Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral na nasa Ikatlong baitang na
tulad mo. Magagamit mo ang mga kaalamang iyong matutunan sa modyul na
ito sa mabisa at higit pang kaalamang kailangan sa epektibong pagkatuto sa
asignaturang Filipino.
Halina’t tuklasin ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa binasa!
Makatutulong ang modyul na ito upang malinang ang kakayahan sa pag-
unawa sa binasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa binasang teksto. Sa paghahanda ng modyul na ito ay isinaalang-
alang ang paglinang sa mga batayang kasanayan(learning competecy),
pagbibigay-diin sa lubusang pagkatuto sa pamamagitan ng paglalahad ng aralin
sa ibat-ibang paraan at anyo tulad ng kwento, tula at awit, paglalakip ng mga
pagsasanay para sa paglinang na aralin, mga tiyak na pagsusulit para sa bawat
nilinang na kasanayan at panghuli nilakipan ito ng kawili-wiling ilustrasyon
para sa pag-unawa sa nilalamang paksa.
Matapos mong masagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nakikilala ang mga salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay at lugar sa
pamayanan.
2. Nakapaglalarawan ng mga tao, hayop, bagay at lugar sa pamayanan.
3. Naipakikita ang aktibong pakikilahok sa paggamit ng mga salitang
naglalarawan sa pakikipagtalastasan.

5
Subukin

Ating subukan ang iyong kasanayan sa araling ito. Basahin at unawain


ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pang-uri?


A. nagsasaad ng kilos
B. nagbibigay diwa
C. naglalarawan ng tao, bagay, hayop at lugar
D. naglalarawan ng kilos

2. Ang mga sumusunod ay mga salitang naglalarawan maliban sa isa. Ano ito?
A. magalang
B. malakas
C. mataba
D. namasyal

3. Ang mga sumusunod ay salitang naglalarawan sa katangian maliban


sa______________.
A. maliit
B. sariwa
C. matamis
D. matapang

4. Masipag ang mga taganayon. Alin sa mga salita sa pangungusap ang


halimbawa ng salitang naglalarawan?
A. matapos
B. gawain
C. masipag
D. taganayon
5. Ang mga bata ay _____________ sa pag-aaral dahil nais nilang makatapos.
Anong angkop na salitang naglalarawan ang dapat gamitin para mabuo ang
pangungusap?

6
A. matiyaga
B. magaling
C. maganda
D. mataas

Tapos ka na ba? Kung oo ang sagot mo, ihambing mo na ang iyong sagot
sa tamang sagot na nasa Susi sa pagwawasto.
Ilan ang iskor mo? Magpatuloy ka na sa gawain sa Aralin.

Aralin Paglalarawan ng mga tao,


1 hayop, bagay at lugar sa
pamayanan

Ang araling ito ay tatalakay sa iyong kakayahan sa gramatika o kayarian sa


wika. Lilinangin dito ang iyong kasanayan sa paglalarawan ng mga tao,
hayop, bagay at lugar sa pamayanan.

Balikan

Natatandaan mo pa ba kung ano ang pangngalan?


Tama, ang mga pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook at pangyayari.
Ating subukan ang iyong kaalaman sa nakaraang araling ito.

Panuto: Bilugan ang pangngalan sa mga sumusunod na pangungusap. Gawin ito


sa iyong sagutang papel.

1. Si Eva ay maagang gumising.


2. Darating ang pinsan niya sa bagong taon.
3. Pinaliguan niya ang kanyang alagang kabayo.
4. Maganda ang aklat na kanyang natanggap noong isang araw.
5. Matamis ang dala niyang lansones.

7
Mga Tala para sa Guro
Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito ng
maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa pagsagot. Pagnilayan
at unawain ang mga gawain ayon sa kakayahan ng mag-aaral upang
maging matagumpay ang pag-aaral.

Tuklasin

Ating Basahin
Kumusta ka? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan.
Narito ang isang kuwento ng paglalarawan sa isang tao, bagay, hayop at
pangyayari.
Basahin mo ito at sagutan ang mga katanungan sa kasunod na pahina.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Pagbutihin mo nang matuto ka ng lubos.

8
Ang Masipag na Panadero
Kuwento ni: Lorynel C. de Sagun
Guhit ni: Raquel V. Merano/Jeewel L. Cabriga

Si Mang Kardo ay isang malusog at masipag na panadero. Siya ay


nagmamay-ari ng isang maliit na panaderya. Madilim pa lamang ang paligid ay
nagbubukas na siya ng panaderya at nagsisimula nang maghurno. Kasama niya
sa pagpasok sa panaderya ang alagang puting aso. Gumagawa siya ng
malinamnam na ensaymada, maliliit at bilog na mga biskwit at makukulay na
keyk. Ang kanyang mga tinapay ay gawa sa mga sariwang sangkap at isa sa
paboritong bilhin ng mga tao ay ang kanyang gawang masarap na malunggay
pandesal. Isinasabay nila ito sa mainit na kape. Maraming tao ang nais bumili
ng tinapay na gawa niya dahil bukod sa masarap na ay mura pa ang mga tinapay
niya. Kung may matira sa kaniyang gawang tinapay ay ipinamimigay niya ito
ng libre sa mga bata at saka gumagawa ng mga bagong tinapay. Ito ang dahilan
kung bakit naging sikat ang kanyang panaderya. Masipag si Mang Kardo sa
paggawa ng tinapay.

Ating Sagutin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa kwentong binasa.
1. Ano ang katangian ni Mang Kardo?
A. mabait
B. masipag
C. matalino
D. Mapagbigay

2. Ano ang laki at hugis ng mga biskwit na ginagawa ni Mang Kardo?


A. maliit
B. bilog
C. maliliit at bilog
D. malalaki at bilog

9
3. Ilan ang tao na nais bumili ng tinapay ni Mang Kardo?
A. isa
B. dalawa
C. marami
D. wala

4. Ano ang kulay ng alagang aso ni Mang Kardo?


A. pula
B. puti
C. itim
D. batik-batik

5. Ano ang salitang ginamit na naglalarawan sa lugar?


A. maliit
B. marami
C. bilog
D. Masarap

Suriin

Mga Salitang Naglalarawan


Kumusta mga bata?

Marami ka ng nabasang mga pangungusap na naglalahad ng


paglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook o lugar.
Ang mga sumusunod ay mga salitang naglalarawan na ginamit sa
kuwento. Matutukoy mo kaya kung alin ang mga salitang naglalarawan na para
sa tao, bagay, hayop o pook?

masipag maliit madilim puti

malinamnam makukulay maliliit

bilog sariwa mainit masarap

marami bago sikat mura

10
Ganito ba ang iyong kasagutan?

Tingnan ang talaan sa ibaba. May mga salitang naglalarawan na angkop


lamang gamitin sa tao, pook, bagay, hayop at lugar.

Teybol 1. Mga Salitang Naglalarawan na ginamit sa Kuwentong


“Ang Masipag na Panadero”

Tao Hayop Bagay Lugar


anyo malusog - sariwa, bago madilim
hugis - - bilog -
kulay - puti makukulay -
lasa - - malinamnam, -
masarap
laki - - maliit maliit
bilang isa isa - isa
dami marami - kakaunti -
Iba pang masipag mainit
katangian mura

Ating suriin at iwasto ang iyong mga kasagutan sa pahina 10.

1. Si Mang Kardo ay isang masipag na panadero.


Pagsusuri: Ano ang katangian ni Mang Kardo?

Sagot: masipag.
Ang salitang masipag ay salitang naglalarawan sa
katangian ni Mang Kardo.

2. Gumagawa si Mang Kardo na maliliit at bilog na mga biskwit.

11
Pagsusuri: Ano ang laki at hugis ng mga biskwit na ginagawa
ni Mang Kardo?

Sagot: maliliit at bilog.


Ang salitang maliliit ay naglalarawan ng laki ng biskwit
samantalang ang salitang bilog ay naglalarawan sa hugis
ng biskwit.

3. Maraming tao ang nais bumili ng tinapay na gawa ni Mang Kardo.


Pagsusuri: Ilan ang tao na nais bumili ng tinapay ni Mang
Kardo?

Sagot: marami.
Ang salitang marami ay naglalarawan sa dami ng tao na nais bumili ng
tinapay.

4. Kasama ni Mang Kardo sa pagpasok sa panaderya ang kanyang alagang


puting aso.
Pagsusuri: Ano ang kulay ng alagang aso ni Mang Kardo?

Sagot: puti. Ang salitang puti ay naglalarawan sa kulay ng


hayop alaga ni Mang Kardo.

5. Siya ay nagmamay-ari ng isang maliit na panaderya.


Pagsusuri: Ano ang laki ng panaderya?

Sagot: maliit. Ang salitang maliit ay naglalarawan sa laki ng


lugar ng panaderya.

Naunawaan mo ba ang aralin?


Kung ganoon magpatuloy ka sa gawain sa Pagyamanin.

12
Pagyamanin

Pagsasanay 1 Alamin Mo
Panuto: Kahunan ang angkop na salitang naglalarawan para sa larawan.

1. 2.
malaki mainit
maliit malamig
marumi matamis
mataas maliit

3 4.
. malamig masipag
mainit maitim
marami mataas
mabigat mabait

mahangin
malamig
mainit 13

madilim
5.

Pagsasanay 2 Subukan Mo

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Kahunan ang salitang naglalarawan sa


bawat pangungusap.
1. Masipag ang tatay ni Rina.

2. Siya ay nagtatrabaho sa malaking opisina.

3. Si Erika ay may tatlong kapatid.

4. Isang kayumangging aso ang alaga ni Boyet.

5. Naglalakad siya sa makipot na daan upang makarating sa paaralan.

Pagsasanay 3 Isagawa Mo
Panuto: Tingnan ang larawan, magbigay ng angkop na salitang naglalarawan sa
bawat imahe.

2. 3.

(hugis) (katangian) (katangian)

_________________ _________________ _________________


4. 5.

(kulay) (lasa)

14
_________________ ___________________

Pagsasanay 4 Pagtibayin Mo
Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan ang mga patlang upang
mabuo ang pangungusap. Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon upang
mabuo ang pangungusap.

masarap rosas makukulay


parihaba malinaw maliliit

Isang Sabado, nagpunta sina Ana at ang kanyang mga kaibigan sa ilog.

Suot ni Ana ang kanyang paboritong damit na panlagoy. Ito ay kulay (1)

_________________. Pagdating sa ilog kaagad niyang inilatag ang hugis (2)

________________ng kumot at ipinatong ang mga dala nilang pagkain. Maya

maya lumusong na sa tubig ang magkakaibigan. Nakita ni Ana na may mga (3)

________________________ at (4) __________________ na isdang

lumalangoy sa sulok na bahagi ng ilog. Makalipas ang ilang oras ng

paglalangoy ay nagutom sila. Tumakbo sila sa kanilang kumot at inilabas ang

(5) _________________ na pagkain. Natapos ang araw na iyon ng masaya para

kay Ana at sa kanyang mga kaibigan.

Tapos ka na ba? Kung oo ang sagot mo, ihambing mo na ang iyong

sagot sa tamang sagot na nasa Gabay sa pagwawasto.

Ilan ang iskor mo? Magpatuloy ka na sa gawain sa Isaisip.

15
Isaisip

Mga Salitang Naglalarawan


Kumusta? Marami ka na bang natutunan?
Tandaan mo, Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan.
Ang mga salitang naglalarawan ay ginagamit sa paglalarawan ng laki,
hugis, anyo, kulay, taas, bilang, dami at iba pang katangian ng tao, hayop,
bagay, pook o lugar sa pamayanan.
Ilan sa mga halimbawa ng salitang naglalarawan ang nasa talaan sa ibaba.
Basahin, unawain at pakatandaan mo ang mga ito sapagkat magagamit mo ang
kaalamang ito para sa mas matagumpay na pakikipagtalasan sa Filipino.
Mga Halimbawa ng Salitang Naglalarawan;
Anyo Hugis Kulay
matangkad baluktot rosas
malusog parisukat Lila
mataba tatsulok kayumanggi

Laki Bilang Dami Lasa


malapad sampu marami matamis
maluwang una kakaunti matabang
makipot pangalawa kalahati maasim

Naunawaan mo ba ang aralin?


Ngayon magpatuloy ka na sa gawain sa Isagawa.

Isagawa

16
Panuto: Gawin ang mga sumusunod pagkatapos ay isulat ang sagot sa patlang.

1. Ilarawan ang isa mong kaibigan. Ilarawan sa isang salita ang anyo ng
kanyang katawan.
Sagot: ________________________

2. Ilarawan ang inyong bahay. Ilarawan ang inyong bahay ayon sa laki.
Sagot: _________________________

3. Tingnan ang isa sa iyong mga laruan. Ilarawan ang hugis nito.
Sagot: _________________________

4. Pumili ng isang hayop at ilarawan ito. Ilarawan ang kanyang kulay.


Sagot: _________________________

5. Masdan ang iyong pamilya. Bilangin kung ilan ang bumubuo sa inyong
pamilya.
Sagot: _________________________

Tayahin

Ngayon na natapos mo na ang mga pagsasanay ating subukan ang iyong


kaalaman sa araling ito.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Si Jose ay mahilig mag-ayos ng sarili. Anong angkop na salitang


naglalarawan ang dapat gamitin para sa kanya.

A. maganda
B. malinis 17

C. madumi
2. Anong angkop na salitang naglalarawan ang dapat mong gamitin para
mailarawan ang lasa ng kalamansi?

A. matamis
B. maasim
C. mapait
D. maalat

3. Tingnan ang larawan. Ano kayang angkop na salitang naglalarawan ang


dapat gamitin para dito?

A. malapit
B. malayo
C. malawak
D. makipot
4.Alin ang salitang panlarawan na angkop para sa larawan sa ibaba?

A. mahaba
B. madami
C. masarap
D. maganda

5.Kung ilalarawan mo ang bilang ng mga paa ng pusa, Alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gamitin?

A. dalawa
B. anim
C. apat 18
D. lima
Tapos ka na ba? Ilan ang iskor mo?
Binabati kita sa iyong mahusay na pag-aaral.

Karagdagang Gawain

Pagsulat

Panuto: Sumulat ng angkop na salitang naglalarawan para sa pangungusap.


Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Hal. Ang kahon ng mga laruan ay (hugis) parihaba.

1. Ang manggang hilaw ay (kulay)__________________.


2. (bilang) __________ang paa ng manok.
3. Si Rico ay mahilig kumain kaya siya ay (anyo)_________________.

19
20
Pagyamanin Balikan Subukin
Pagsasanay 1 C
Eva A
malaki
pinsan, bagong taon C
matamis
kabayo C
mainit
aklat A
masipag
Lansones
Mainit
Tuklasin
Pagsasanay 2
B
1.masipag
C
2.malaking
C
3.tatlong
B
4.kayumanggi
A
5.makipot
Susi sa Pagwawasto
5. Ipinaghanda ko ang Tatay ng (katangian)_____________na kape.
4. (lasa)_______________ang lasa ng sorbetes.
21
infotrac.galegroup.com/itweb/phnl 
https://lrmds.deped.gov.ph 
Heights, Quezon City: Rex Book Store, Inc.pp. 281-282
Banlaygas, Emillia L. (Ed.).2008, Komunikasyon: Workteks sa Filipino 3 Sta.Mesa 
Avenue, Quezon City: SD Publications Inc., pp.182-185
Aragon, A. & Jocson, M. 2003, Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3. Araneta, 
Mga Sanggunian
Tayahin Isagawa Pagyamanin
1.B Maaaring gawing batayan sa Pagsasanay 3
2. B pagtsek ng kasagutan ang mga 1.bilog
3. B tala na nabanggit sa pahina 14. 2.matalas/mapurol
4. D Maaaring tanggapin ang iba 3.maka-Diyos
5.C pang kasagutan ng mga mag- 4.kayumanggi
Karagdagang aaral kung ito ay naayon o akma 5.maasim
Gawain sa aralin. Pagsasanay 4
1.berde 1.rosas
2.dalawa 2.parihaba
3.malusog 3.maliliit
4.matamis 4.makukulay
5.mainit 5.masarap
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education –
City Schools Division of the City of Tayabas
Brgy. Potol, Tayabas City
Schools Division of Tayabas

Telephone No.: (042) 710-0329 or 797-0773

Email Address: tayabas.city@deped.gov.ph

You might also like