You are on page 1of 3

Magsaliksik ukol sa Kasaysayan ng maikling Kwento sa Panahon ng Hapon.

Sagutin
ang mga sumusunod na tanong:
1. Basahin ang Kwentong Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes at suriin kung anong
damdamin at paksa ang tinatalakay sa kwento. Sa iyong palagay , bakit ang kwentong
ito ang itinuring na isa sa mga nagtatak at nagmarka sa Panitikang Pilipino sa
Panahon ng Hapon?
2.Bakit sinasabing ang Panahon ng Hapon ang itinuturing na Gintong Panahon ng
Maikling Kwentong Tagalog?

“LUPANG TINUBUAN”
ni Narciso Reyes.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na


siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang
layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Ang kwentong ito ay nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina
Danding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama ang
kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang
makipaglibing sa kanyang Tata Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-
uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang
kanyang mga di-kilalang kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo
Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa kanyang Ama. Masasabing
nabibilang ito sa teoryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng flashback sa
buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat
tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding
noong bata pa siya. ’Kaparis ka ng iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng
inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa
ama.’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa
kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-
araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’ Sa itaas ng
punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng
himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon,
sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tula-isang
maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May
tagong kapilyuhan ang ama mo.’ Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang
magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang
ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay,
ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa
itong karanasan ng isang tao. Ang mga ito ay masasalamin sa kasaysayan ay bahagi
ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang pamaraan ng mga tauhan
sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg mga
tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad
ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit
ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga
nawawalay na anak ay sumasalungat sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang
Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito na
pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng
ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang sinabi ng may-akda
na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo upang
maging simbolo sa katapangan ng mga ito.

Bisang Taglay ng Teksto 

Bisang Pandamdamin- Nakakalungkot ang nangyari at ramdam ko ang hinagpis ng


nawalan sapagkat ito’y aking naranasan .

Bisang Pangkaisipan- Nagsasama-sama lahat ng magkakadugo tuwing nawawalan o


kaya naman tuwing may pagdiriwang lamang.

Bisang Pangkaasalan- Dati ay gusto kong umalis sa aking kinagisnang bayan at


pumunta sa iba’t-ibang pook ngunit ngayon, ganun pala magiging kasabik bumalik sa
iyong tinubuang lupa kapag ika’y umalis.

NAMUMULAKLAK ANG PANITIKAN SA PANAHONG HAPON


Sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas mula 1941 hanggang 1945. Naudlot ang pag-
unlad ng panitikan dahil sa higpit ng mga pahayagan na naglalathala sa English. At,
dahil dito ay bumaling sa pagsulat sa wikang Tagalog ang mga manunulat. Sa
kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabagong kamalayan ang mga akdang
pampanitikan. Naging paksa rin ang tungkol sa pag-ibig sa bayan, kagandahan ng
buhay sa lalawigan at iba pang may kinalaman sa buhay.

Sa lahat na mga anyong pampanitiknan ang higit na maunlad ay ang maikling


kuwento. Naganap ang panunuri ng maikling kuwento sa taong 1945 sa isang lupon
na binubuo nina Francisco Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Antonio Rosales,
Clodualdo del Mundo, at Teodoro Santos. Lumabas sa kanilang panunuri ang
pinakamahusay na akda sa taon at ang mga sumusunod ay ang nagwagi:
Unang Gantimpala : Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
Ikalawang Gantimpala : Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
Ikatlong Gantimpala : Lungsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni NVM Gonzales

 Bakit sinasabing ang Panahon ng Hapon ang itinuturing na Gintong Panahon ng


Maikling Kwentong Tagalog?

Ito ay itinuring na gintong panitikan dahil sa panahon ng hapon ay sumibol


ang panitikang Pilipino sa bansa . Ipinagbawal ng mga hapon ang pagsalita at pagsulat
ng wikang banyaga paritkular na ang Ingles. Sa panahon ng hapon ay naging Malaya
ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang
kultura, mga paniniwala at kaugalian. Naging malayang muli ang mga Pilipino sa
kanilang pagkakakulong sa paggamit ng wikang banyaga lalo na ang wikang Ingles
noong panahon ng mga amerikano dahil sa panahon ng hapon ay  sinunog ng mga
hapon ang mga panitikang banyaga sa bansa. Kinilala din sa panahon ng hapon ang
mga manunulat. Sa panahon ng hapon ay nabigyang siglang muli ang wikang
Pambansa.
Nakasulat muli ang mga Pilipino ng mga tulang tagalog at natuto silang magsulat mga
Haiku na may malalim na taglay na talinghaga.

Sa panahong ito, ipinagutos ng mga hapones na gamitin ang wikang  Nihonggo at


tagalog sa buong bansa. Noong 1942, Inihayag ng komisyong tagapagpaganap ng
Pilipinas ang Ordinansa  Militar  Blg 13  na nagtakda na ang wikang nihonggo at
tagalog ang gagawing wikang Pambansa.

You might also like