You are on page 1of 7

Banghay- Aralin

Sa
Araling Panlipunan 5

I. LAYUNIN
A. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at mga sinaunang lipunan hanggang
sa mga malalaking pagbabagong pang-
ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan
sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit
ang batayang konsepto katulad ng
kahalagahang pangkasaysayan (historical
significance), pagpapatuloy at pagbabago,
ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang
ng isang batang mamamayang mapanuri,
mapagmuni, responsable, produktibo,
makakalikasan, makatao at makabansa at may
pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday
ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.
B. Mga Layunin Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral
ay inaasahang maisasagawa ang mga
sumusunod:
A. Nakilala ang mga uri ng panlipunan noong
unang panahon.
B. makakapagbigay ng saloobin kung paano
ang ugnayan ng mga tao noon sa iba’t- ibang
antas ng Lipunan.
C. Nakalalahok ng masigla sa aktibidad.
II. NILALAMAN
A. Araling/Paksa ORGANISASYONG PANLIPUNAN: URING
PANLIPUNAN
B. Sanggunian Araling Panlipunan:Kagamitan ng Mag-aaral.
DepEd- Bureau of Elementary Eduaction,
Curriculum Development Division. Kagawaran
ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.
https://www.slideshare.net/fairy_franz/ako-
ikaw-tayo
MISOSA 5 Lesson 1, 4 2. * Pamana 5. 1999.
pp.8-37 3. * HEKASI para sa mga Batang
Pilipino 4. 2000. pp. 214-216 4. * Pilipinas: Ang
Ating Bansa 5. 2000. pp. 2- 12, 17-31 5. *
Pilipinas: Ang Ating Bansa 5. 2000. pp. 4-

C. Iba pang Kagamitang Panturo Visual aid, mga larawan, permanent marker,
speaker, crayons, bondpaper at manila paper
II
III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtatala ng Lumiban
 Pagkanta ng “KAMUSTA KA”
Kumusta ka! Halina't magsaya!
Pumalakpak, pumalakpak
Ituro ang paa
Padyak sa kanan, Padyak sa kaliwa
Umikot ka, umikot ka't humanap ng iba

B. Balik- aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Balik-Aral:


bagong aralin Iguhit sa isang BOND PAPER ang teorya ng
Pilipinas kung saan nabuo ang panlipunan.
A. (Activity) 1. Bawat isa sa mag aaral kay sasagut sa
pamamagitan ng pagtaas ng ballpen kung sino
Paghahabi sa layunin ng aralin
sa kanila ang mauuna.
Gawain: Hulaan Mo
Ayusin ang pagkakasunud-sunod nga mga titik
upang mabuo ang konsepto na ipinapakita ng
mga larawan. Ang unang makabubuo ng
tamang salita ang siyang panalo.

L A K A M R A H I

W A T I M A

P A L I N I
B. ( Analysis ) Pamprosesong mga tanong:
Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin 1. Ano ang kaibahan ng Maharlika Timawa at
Alipin?
2. Mayroon bang pagkakaiba ang Maharlika,
Timawa, at Alipin?

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Panuto:


bagong kasanayan 1.tatalakayin ng guro ang iba’t-ibang antas ng
tao sa lipunan.
Maharlika
- Ang mga Maharlika ang makapangyarihan
sa lipunan. Siya ang inaasahan ng mga
taong mamuno sa mga labanan, kalakalan,
gawaing panlipunan, panrelihiyon, at iba
pang ugnayan. Maaring maging isang datu
ang kasapi ng barangay sa pamamagitan
ng katapangan, katalinuhan, kayamanan at
pagmamana.
- Mga maharlika ang kasama ng datu sa
pagtatangol at nagpapanatili ng
kapayapaan sa barangay. Bagani naman
ang mga mahuhusay na mandirigma. Hindi
sila nagbayad ng buwis sa datu.
Timawa
- Ang mga timawa ay ang malalayang tao sa
lipunan noon. Kabilang dito ang kanilang
mga kamag-anak, mga inanak, o inapo.
Tungkulin ng timawa na sundin ang mga
utos ng datu kagaya ng pagtatanim sa
sakahan, pag-aani, pangingisda, pagsama
sa mga lakad o paglalakbay ng datu. Maari
silang magmay-ari ng mga lupain. Hindi
siya nagbibigay ng tributo sa datu. Sa
Bisaya, ang timawa ay maaring lumipat ng
datu na paglilingkuran. Siya ay nagsilbing
kasama ng datu sa digmaan, paglalakbay,
sugo sa pakikipagkasundo sa kasal ng
mga anak ng datu, at tagatikim ng alak ng
datu.
- Ang mga timawa ay nagbabayad ng buwis.
Ang mga nagsisilbi sa datu ay hindi
nagtatrabaho sa bukid at hindi nagbibigay
ng tributo.
Alipin
- Ang pinakamabababang antas sa lipunan
noon ay ang alipin (Tagalog) at oripun
(Bisaya). Sa mga Tagalog ang
- alipin ay nauuri sa dalawa; aliping
namamahay at aliping saguiguilid. Ang
aliping namamahay ay tumulong sa mga
paghahanda ng mga datu at pagdaraos ng
pagtitipon. Mayroon siyang sariling bahay
at maaring magkaroon ng ari-arian.
Nagbigay rin siya ng tributo. Ang aliping
saguiguilid naman ay nakatira sa bahay ng
datu. Araw at gabi siyang nagsilbi sa datu.
Walang ari-arian ngunit maaring bumukod
kapag nakapag-asawa at manilbihan
kagaya ng aliping namamahay.
Mga kakababaihan noon
- Bukod sa pagiging ina at unang guro ng
kanilang mga anak, nagsilbi ring mga
pinuno ng mga espirituwal na gawain ang
mga kababaihan. Katalonan (Tagalog) at
babaylan (Bisaya) ang tawag sa kanila.
- Ang mga karapatan ng mga kababaihan
noon ay ang
- sumusunod. Nag-iingat sa kultura at
panlipunang karunungan
- o kaalaman sa kanilang pamayanan.
Nagpapangalan sa mga anak. Namimili
- ng mapangasawa, nakipaghiwalay, at
muling mag-asawa. Maaari siyang
- makapagmay-ari at magmana ng ari-arian
at makipagkalakalan. Kung
- walang anak na lalaki ang isang datu,
maaring ang anak na babae ang
- pagkalooban ng pagiging datu.
D. (Application) Pagtatapat ng aralin sa pang- araw- Pangkatang-Gawain
araw na buhay Panuto:
•Hatiin ang klase sa tatlong grupo at bawat
grupo may pinuno na kung saan siya ay
mga facilitate nang gawain.

Pangkat 1 – Puzzle ME! (ang grupo ay


kinakailangang bumunot ng panglan kung
anong antas sa lipunan na iyon at buuhin ang
larawan at pagkatapos magbigay nang 2-3
pangungusap kung ano ang kahalagahan nang
larawan na iyon sa ating lipunan).

Timawa

Maharlika

Alipin

Group 2 – DRAWING Me! (Gumuhit ng tig-


iisang katangian ng Maharlika, Alipin, Timawa
at kulayan ito ayon sa panuto.
Panuto:
Lila Maharlika
Kahel Timawa
Itim Alipin

Group 3- ACT! (Ang grupo ay inaatasan na


gumawa ng maikling kwento na
nagpapahiwatig sa antas ng Lipunan.) Hindi
lalagpas ng 10mins.
E. (Abstraction) Paglinang sa kabihasaan (tungo sa Sa iyong palagay
Formative Assessment) bakit itinuring
ang Alipin ang
pinakamababang
antas ng
Lipunan?
Batid na ba ang mga katangian ng bawat antas
ng Sinaunang Pilipino. Isulat ito sa kwaderno.
Ano ang mga
suliranin ng mga
Sinaunang
Pilipino?

F. (Assessmen) Pagtataya ng Aralin Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod


na tanong. Isulatang letra ng tamang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Alin ang pinakamataas na antas sa lipunan
noon?
a. maharlika at timawa c. maharlika
b. alipin d. timawa
2. Sino-sino ang namuno sa mga esperitwal na
gawain noong unang
panahon?
a. maginoo c. Maharlika
b. babaylan d. pari
3. Alin ang HINDI karapatan ng kababaihan
noon?
a. makipagkalakalan c. maging datu
b. pagpangalan sa anak d. hindi maaring
mag-asawa
4. Sila malalayang tao sa lipunan noon.
a. Alipin c. Datu
b. Maharlika d. wala sa nabanggit
5. Aling antas sa lipunan noon ang nais mong
mapabilang ka?
a. Ang maging datu, dahil ito ay
makapangyarihan
b. Pagiging bagani para makilala bilang
matapang.
c. Kahit anong antas basta magampanan ko
nang maayos ang aking
tungkulin.
d. Ang pagiging babaylan upang ang latah ng
kapangyarihan ay
nasa akin.
G. ( Assignment) Takdang- Aralin Gawin ito sa bahay!
Kopyahin sa iyong kuwaderno ang
talahanayan. Punan ng
mahahalagang impormasyon ang bawat hanay.

Antas ng Sinaunang Pilipino


Antas sa Lipunan Mga Tungkulin at
Gawain
Maharlika
Timawa
Alipin

Inihanda ni: ANJENNETH D.BACUS


BEED-GENERALIST-2NDYEAR

Ipapasa kay: ALKHASER V. SAPPAYANI, MAEd-CAR


Instructor (SSC1)

You might also like