Professional Documents
Culture Documents
Filipino10 Q3 Mod5 v4
Filipino10 Q3 Mod5 v4
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul
5
Nelson Mandela: Bayani ng
Africa (TALUMPATI)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jaquelyn A. Villasor
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug, Precioso M. Dahe
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: James Earl Campol
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD EPS-FILIPINO
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-manager
Jeny B. Timnal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Department of Education – Division of Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul
5
Nelson Mandela: Bayani ng
Africa (TALUMPATI)
KAHON NG KATUGUNAN
ii
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Paunang Salita
iii
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
TALAAN NG NILALAMAN
TAKIP NG PAHINA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA
Aralin 1-Sanaysay
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 11
Aralin 2 - Talumpati
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 17
Pagyamanin 17
Isaisip 19
Isagawa 21
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 24
Aralin 3 – Talambuhay ni Nelson Mandela
Balikan 27
Tuklasin 27
Suriin 29
Pagyamanin 29
Isaisip 31
Isagawa 31
Tayahin 32
Karagdagang Gawain 34
Aralin 4- Gramatika: Tuwiran at di Tuwirang pahayag
Alamin 35
Subukin 35
v
Balikan 37
Tuklasin 37
Suriin 38
Pagyamanin 39
Isaisip 39
Isagawa 40
Tayahin 41
Karagdagang Gawain 43
Aralin 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain
Alamin 44
Balikan 44
Tayahin 45
Susi sa Pagwawasto 46
Sanggunian
vi
ii
Arali
n Sanaysay
1
Nang pamahalaan ng National Party ang Timog Africa noong 1948, ang gobyernong
binubuo ng mga puti ay naglunsad ng mga pilisiyang maghihiwalay sa mga puti at
hindi puti. Tinatawag nila itong Apartheid. Sa ilalim ng apartheid, ang mga hindi puti
ay kinakailangang tumira at gumamit ng mga pampublikong lugar na hiwalay sa mga
puti. Pinagbawalan din ang pag-iisang dibdib ng mga puti at hindi puti. Ipinatupad din
ang pass law system, kung saan hindi maaring magpunta sa mga lugar na
nakatalaga para sa mga puti ang mga itim na African kung wala silang dalang pass
na ibinibigay ng pamahalaan. Sa kabila ng mga protesta laban sa ganitong sistema
ay nanaig pa rin ang apartheid ng halos limang dekada.Ang mga namuno sa mga
protesta at pag-aaklas laban sa apartheid ay napatay o di kaya naman ay ikinulong,
isa sa kanila ay ang kilalang freedom fighter na si Nelson Mandela.
Noong 1990 ay inilabas si Mandela sa kulungan. Nakipagtulungan siya s
pamahalaan ni President F.W Klerk upang makapagtatag ng bagong konstitusyon sa
Timog Africa. Ito na ang hudyat ng pagkawala ng apartheid. Ang dalawang pinuno
ay pinarangalan ng Nobel Peace Prize noong 1993 para sa kanilang kahanga-
hangang hakbang sa pagbabago at kapayapaan.
Noong 1994, nahalal si Nelson Mandela bilang pangulo ng Timog Africa,
isang tanda na tapos na ang mahabang panahon ng racial discrimination.
1
Tuklasin
2
ay naririto na. Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na
nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay dumating na. Ang panahon upang bumuo
ay nasa atin na.Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika.
Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan,
pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling
hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo
ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay
nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok
tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan
ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga
puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang
may kapayapaang pansarili at pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago sa ating
bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang
pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong
kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani
ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang
kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang kanilang mga pangarap ay naging
makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at
pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay
iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang
diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng
kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid
naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.Kailangan nating kumilos
nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang
pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng
bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa
ng kapayapaan para sa lahat.Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at
asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang
kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng
pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
Suriin
Sanaysay
Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa ang sanaysay. Maibibilang sa uring ito ng panitikan ang mga sulating
pampahayagang gaya ng artikulo, natatanging pitak o lathalain, at tudling. Kasama
3
rin sa uring ito ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, at
diskurso; gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang
pampananaliksik.
Ang sanaysay ay may sumusunod na katangian:
1. Makabuluhan ang paksa-maaaring panrelihiyon, panlipunan, pang-kaugalian,
pangkabuhayan, pang-edukasyon, at iba pang paksa.
2. May kaisahan- nauukol lamang sa isang paksa ang dapat talakayin at sunod-
sunod ang paghahanay ng kaisipan.
3. Tamang pananalita-tama ang salitang ginagamit ayon sa paksang inilalahad.
4. Makatawag-pansin ang pamamaraan- inilalahad sa paraang masining ang
simula, gitna at wakas.
Ang sumusunod ay uri ng sanaysay ayon sa pangkalahatang pang-uuri:
Ang pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng makatotohanang
impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat na tinalakay kaya’t
masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na nakatutulong sa
lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay
karaaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang malalim at
palakbayin ang guniguni. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at
moral ng mga mambabasa.
Ang pamilyar o di-pormal o tinatawag ding palagayang sanaysay ay
mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay
sa mga karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa. Binibigyang-diin
nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng
may-akda ay maaaring naranasan din ng mga mambabasa. Ang pananalita
ay paraang usapan lamang ng magkakaibigan kaya magaan, madaling
maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng may-akda. Malimit itong
nasusulat sa unang panauhan. Ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithing
mangganyak, magpatawa, o kaya ay manudyo o magsilbing salamin sa lahat
ng mga saloobin at kondisyong pansikkolohikal ng mg mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”Noong
1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay”. Ito ay tinawag nyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang paagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Elemento ng Sanaysay
1. Tema- ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng
akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
4
*2. Anyo at Estruktura- ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod ng ideya o
pangyayari ay nakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
*3. Kaisipan- ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
*4. Wika at Estilo- ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkagamit nito ay
nakaaapekto rin sap ag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Pagyamanin
Isaisip
5
_____2. Mabibilang ang nobela sa uri ng sanaysay.
_____3. Layunin ng pamilyar o di-pormal na sanaysay ang makapag-aliw at
makapagbigay-aral.
_____4. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang tuluyan.
_____5. Mayroon itong sukat at tugma.
_____6.Subhektibo sa damdamin at paniniwala ng may akda ang Pormal na
sanaysay.
Isagawa
Pamagat:_____________________________
Pagkakaiba ng
Pagkakaiba ng
kalagayang pantao kalagayang
pantao
Pagkakapareho
Tayahin
6
3. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
A. Espiritwal at pisikal na kaisahan B. Paghihiwalay ng mga tao sa mundo
C. Pagkalugmok ng sarili D. Pagtanggi sa rasismo
7
Binabati kita at nasagutan mo nang maayos ang mga sumusunod na gawain
Arali
Talambuhay ni Nelson
n
Mandela
2
Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa Talumpati ni Nelson Mandela. Ang araling
iyong babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral.
Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito.
Hangad namin na mahahasa at madadaragdagan ang inyong kaalaman sa
impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.
Balikan
Tuklasin
8
kalayaan ng kanilang bansa.Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw sa
kalayaan,karapatan at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng
kanilang kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
9
Nangako tayong palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan,
pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon. Nagtagumpay tayo sa ating huling
hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo
ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan. Tayo ay
nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok
tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan
ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga
puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang
may kapayapaang pansarili at pambansa. Bilang simbolo ng pagbabago sa ating
bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang
pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong
kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani
ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang
kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Ang kanilang mga pangarap ay naging
makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at
pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay
iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang
diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng
kasarian. Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid
naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.Kailangan nating kumilos
nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang
pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng
bagong mundo. Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa
ng kapayapaan para sa lahat.Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at
asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang
kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng
pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!Salamat.
Suriin
10
National Congress (1991-1997) na siyang ruling party pa rin ngayon sa nasabing
bansa at secretary general ng Non-Aligned Movement noong 1998-1999. Kinikilala
rin itong ama ng demokrasya ng Timog Aprika.Ipinanganak noong July 19, 1918 sa
Mvezo, Umatu na dating bahagi ng Cape Province. Dati itong tinaguriang Rolihlahla
o “troublemaker” pero ngayon ay kilala na sa kaniyang clan name na “Madiba.”Si
Mandela ay miyembro ng Thembu royal family na namumuno noon sa rehiyon ng
Transkei. Tatlong beses itong ikinasal at may anim na anak habang 17 ang mga
apo. Sinasabing istrikto si Mandela pagdating sa mga anak pero malambing daw ito
sa kaniyang mga apo. Bagama’t walang pinag-aralan ang mga magulang, si
Mandela ay nagsikap mag-aral at nagtapos sa Fort Hare University at University of
Witwatersrand kung saan siya nag-aral ng abogasya.Ngunit sa kaniyang paglipat sa
Johannesburg, naging bahagi ito ng anti-colonial politicsat naging founder ng Youth
League ng ANC. Nang simulang ipatupad ang apartheid system, nakilala naman si
Mandela dahil sa “Defiance Campaign” ng ANC noong 1952. Ilang beses itong
inaresto sa akusasyon ng sedition at nilitis sa Treason Trial noong 1956-1961 pero
napawalang sala. Si Mandela ay co-founder ng grupo ng militante na Umkhonto we
Sizwe (MK) na nanguna sa bombing campaign laban sa gobyerno.Taong 1962
inaresto muli si Mandela at sa pagkakataong ito ay nahatulan ng habang buhay na
pagkakabilanggo sa pananabotahe at pakikipagsabwatan upang pabagsakin ang
gobyerno. Nakulong ng 27 taon si Mandela, una ay sa Robben Island bago nalipat
sa Pollsmoor Prison at Victor Verster Prison. Dahil sa international campaign para sa
kaniyang paglaya, nakalabas ng kulungan si Mandela noong
1990.Nakipagnegosasyon ito sa pamahalaan para sa pag-abolish ng partheid
system at matapos mahalal bilang ANC president, pinangunahan ang tagumpay ng
partido sa halalan. Kaniyang binuo ang bagong konstitusyon at nanguna sa Truth
and Reconciliation Commission upang imbestigahan ang mga human rights
abuses habang nagpakilala ng mga bagong polisiya para sa land
reform at healthcare services.Umakto itong mediator noon sa pagitan ng Libya at
Gran Britanya sa trial ng Pan Am Flight 103 bombing o mas kilalang Lockerbie
bombing. Pinamahalaan din ni Mandela ang military intervention sa
Lesotho.Tumanggi na si Mandela na tumakbo sa kaniyang ikalawang termino sa
halip ay naging statesman na lang at itinuon ang atensyon sa charity lalo na sa
kampanya laban sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng kaniyang Nelson Mandela
Foundation.Hanggang ngayon nagsisilbi itong “uniting force” ng Timog Aprika at
patuloy na nirerespeto bilang “Father of the Nation.”Dahil sa kaniyang anti-
colonial at anti-apartheid na panindigan ay naging kilala si Mandela sa buong mundo
at nakatanggap ng 250 mga pagkilala kabilang na ang Nobel Peace Prize noong
1993, US Presidential Medal of Freedom at Soviet Order of Lenin.Sa South Africa at
United Kingdom, ilang estatwa at monumento ni Mandela ang itinayo habang
ginawaran din ng “freedom of the city” sa Johannesburg at Leeds sa UK.Ilang
mangangawit din ang gumawa ng kanta para kay Mandela, isa na rito ang “Free
Nelson Mandela” ng The Special AKA na ginawan din ng version ni Elvis
Costello.Alay din ni Stevie Wonder kay Mandela ang kaniyang 1985 Oscar song na
“I Just Called To Say I Love You.”Ang bawat kaarawan nito ay ipinagdiriwang ng
buong South Africa habang ang July 18 ay idineklara ng United Nations na Nelson
Mandela International Day kasabay ng kaniyang kaarawan, bilang pagkilala sa
11
kaniyang legacy.Napag-alaman na sa 27 taon niyang pagkakakulong ay kinapitan ng
tuberculosis ang Nobel Peace laureate. Taong 2010 pa huling nakita sa publiko si
Mandela, nang mag-host ng World Cup ang Timog Aprika. Pumanaw ang dating
pangulo ng Timog Aprika sa edad na 95-anyos. Ito ay inanunsyo ng Pangulo ng
Timog Aprikang si Jacob Zuma.Ayon kay Zuma, namatay si Mandela na
napapalibutan ng kaniyang pamilya, sa tahanan nito sa Johannesburg dahil sa
kaniyang lung infection.
Pagyamanin
2. Kung may isang katangian ang nais mong mabago sa kanya, ano kaya ito? Bakit nais mo
itong mabago sa kanya?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang naging impluwensiya ni Mandela sa buhay ng mga tao sa Aprika?Paano nila
ito pinapahalagahan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Isaisip
12
Isagawa
Ilarawan si Nelson Mandela bilang isang ama sa kanyang pamilya at bilang ama sa
Timog Aprika.Gamitin ang graphic organizer sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong ukol rito.
13
6. Kailan huling nakita sa publiko si Mandela, nang mag-host ng World Cup ang
Timog Aprika.
A. 2010 B. 2011
C. 2012 D. 2013
Arali
n Talumpati
3
14
Ngayong maliwanag na sa inyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa
Talambuhay ni Nelson Mnadela, maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na
aralin.
Balikan
Tuklasin
Uri ng Talumpati
1. Talumpating Pampalibang
2. Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na
kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang
mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
15
3. Talumpating Pangkabatiran-Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga
pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa
iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
Bahagi ng Talumpati
16
Suriin
Pagyamanin
Isipin mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at kailangan mong sumulat
ng iyong talumpating tatalakay sa isang uri ng diskriminasyong makikita sa
kasalukuyang sistema. Ang iyong isinulat na talumpati ay tatayain gamit ang rubric
sa ibaba.
4 3 2 1
17
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang Halatang hindi
pinaghandaang pinaghandaan ang impormasyon na pinag-isipan at
mabuti ang isinulat isinulat na hindi pinag-isipan hindi
na talumpati talumpati. sa talumpati. pinaghandaan ang
Kulang ang talumpati.
paghahanda sa
talumpati.
Isaisip
18
___________________4. Ito ang katumbas ng improntu sa Ingles.
Isagawa
1. Kahalagahan ng Edukasyon
2. Ang isang mabuting mag-aaral
3. Ang pangingibabaw ng katotohanan
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik
lamang sa iyong kwaderno.
19
4. Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.
A. dagli B. maluwag
C. pinaghandaan D. simula
5. May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang
kanyang pagsasalita.
A. dagli B. maluwag
C. pinaghandaan D. simula
8. Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa
mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit
ang ganitong uri ng talumpati
10. Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-
siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang
larangan.
11. Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli
lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na
20
12. Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kwento.
A. manghikayat B. Magpatawa
A. imprumpto B. dagli
C. inaaral D. kabisado
C. tula D. talumpati
21
Arali
n Tuwiran at Di tuwirang pahayag
4
Mahal kong estudyante, maligayang bati! Nandito na tayo sa ikaapat na Aralin. Tiyak
na mas marami kang dating alam na ibig mong mapayaman pa.
Bilang tagagabay, hangad ko na mahasa at madagdagan pa ang inyong kaalaman
sa impormasyong ibinahagi sa araling na ito.
Balikan
Tuklasin
Ako ay Ikaw
Ni: Hanas Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di
sanay sa wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang
Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting
iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal
22
na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at
tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa
totoo lang, Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay
ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.
Patunay nito sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating
bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang
ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako
upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan
ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang
tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan
bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang
wika? Mga kabataan, ang totoo ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi
masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa
ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.Sa makabagong panahon, gamitin mo ako
kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at
tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad
Suriin
23
talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy ang
mga ito ang katotohanan o opinyon.
Pagyamanin
Gawain 1: Buoin ang analohiya sa bawat bilang. Piliin ang tamang salita sa loob ng
kahon.
Nakapanlalambot Hinanap Nalaman pinuri itinaas Prutas
Kagubatan Karagatan Silid- katawan tinapay Gulay
aklatan
Isaisip
Gawain 2: Tukuyin ang mga pahayag ay tuwiran o di-tuwiran. Pagkatapos, isulat ang
kanyang kabaliktaran
3. Ayon kay Confucius na ang ating buhay ay talagang simple, pero tayo ang siyang
nagpakomplikado rito.
24
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isagawa
1.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
7.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Tayahin
Panuto: Piliin ang tiik ng tamang sagot, isulat sa kwaderno.
25
C. sanaysay D. tula
4. Ito ang tawag sa pahayag na may ibang taong nagsabi ng sinabi ng nagsasalita.
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula
6. “Kapag ang tao ay determinado, sila’y may kakayahan na malampasan ang lahat.”
A. Di-tuwiran na pahayag B. Tuwiran na pahayag
C. sanaysay D. tula
26
15. berde: kapaligiran:: asul____________
A. karagatan B. kagubatan C. lawa D. batis
Arali
Lingguhang Pangwakas na
n
Gawain
5
Balikan
Sa unang araw ng modyul ay tinalakay natin ang sanaysay kung saan ang
sanaysay. Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral
at aliw ng mga mambabasa ang sanaysay.
Sa ikalawang araw ay tinalakay din ang talambuhay ng unang itim na naging
president sa Aprika na naging tanyag sa kanilang lugar dahil sa angking kabaitan ika
nga niya “Kahit sino ka man o anuman ang iyong ginagawa, huwag magsawa sa
paggawa ng tama, hanggang ang bayan nati’y maging payapa.”
Sa ikatlong araw tinalakay din sa modyul na ito ang mga dapat isaalang-alang sa
paggawa ng isang talumpati.
Tayahin
27
Susi sa Pagwawasto
28
29
Sanggunian
Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2015
http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
30
Liham na Nagbibigay Pahintulot
Hulyo 2, 2020
31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
32