You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

4 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Paggamit ng Pandiwa Ayon sa Panahunan

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikaapat na Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Paggamit ng Aspekto ng Pandiwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cruz Anthony M. Saldon


Editor: Lea Jane T. Lañoso
Tagasuri: Jade A. Bengua/Riela Angela C. Josol
Tagalapat: Vicente S. Araneta Jr.
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Bernie P. Laranjo - Public Schools District Supervisor
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.g
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pag-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin
Magandang araw sa iyo! Isang panibagong aralin ang matutunghayan
sa araw na ito. Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento, tula o mga
usapan?

Sa aralin natin ngayon, masusubok ang iyong kaalaman at kung


paano ninyo uunawain ang mga tekstong inyong nababasa. Kaya sa modyul
na ito makakatagpo kayo ng iba’t ibang mga kuwento, tula o usapan at may
pagkakataon kayong gamitin ang mga uri ng pandiwa ayon sa panahunan
nito.

Inaasahan na pagkatapos ng modyul na ito ay taglay mo na ang


sumusunod na kasanayan.

• Nagagamit ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan sa


pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari. (F4WG-IId-g-5)

Subukin
Panuto: Isulat ang pandiwa at ang aspekto nito sa bawat pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.
2. Lumutang sa baha ang mga plastic at iba pang basura.
3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan.
4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.
5. Tinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi
makaabala sa lansangan.

1
6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.
7. Isinasakay sa balsa ang mga taong nalubog sa baha ang kanilang mga
tahanan.
8.Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na pagdadalhan sa mga
taong nasalanta ng bagyo.
9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga biktima ng kalamidad.
10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang
makatulong sa mga biktima.

Aralin Paggamit ng Pandiwa Ayon sa


8 Panahunan

Balikan

Araw-araw ay nagagamit mo ang mga salitang nagsasaad ng


kilos. Sige nga, tingnan natin kung kaya mo itong sagutan.

Panuto: Piliin ang wastong pandiwa na dapat gamitin sa bawat


pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Sina Inay at Itay ay (nagtatanim, nagtanim, magtatanim) ng mga
gulay sa bakuran bukas ng umaga.

2. (Lumakad, Lumalakad, Naglalakad) na tayo habang maaga pa


upang hindi tayo maabutan ng dilim.

3. Ang mga bata ay masayang (sasayaw, sumasayaw, sasayawin) sa


himig ng tugtugin.

4. (Naglaba, Naglalaba, Maglalaba) si Alicia kahapon sa ilog ng


kanyang mga damit.

5. Pumunta sila sa palengke kanina para (bumili, bumibili, bibili) ng

2
gulay at isda.

Tuklasin
Panuto: Bigyang-pansin ang mga pandiwang ginagamit ng dalawang bata sa
kanilang pag-uusap ayon sa panahunan.

Kahapon? Aspektong Naganap Na


Ahmm.. Hello Alex!
Nanood lang Kumusta?
ako ng Ano bang
telebisyon. ginawa mo sa
Ikaw? bahay niyo
kahapon?

Ganun ba? Ahh...Nagbasa


Mabuti kapa. ako ng aklat natin.
Eh, may sagot
kana ba sa
takdang aralin
natin?
Oo,
nasagutan
Mabuti naman kung
Paalam din ko na.
ganun. Okay sige,
paalam na sa’yo sa’yo, Alex!
Dino!

Aspektong Nagaganap

Hello Dino! Oo, Alex!


Nasa bahay ka Nakikinig ako ng
lang ba? aking mga
paboritong musika.
Eh, ikaw?

Namamasyal kani Wow, mabuti pa kayo.


ngayon dito sa plaza.
Kasama sina Itay at
Inay. Ayos lang Alex! Maraming
salamat sa paanyaya.
Halika rito Dino! Tinatawag na din ako ni
Bumibili si Itay ng Inay. Paalam na muna sa
makakain. ngayon.
Okay sige, paalam din
sa’yo Dino!

3
Aspektong Gaganapin Pa

Hi, Dino! Okay


lang ako dito.
Maliligo sana ako
sa dagat, kaso Hello, Alex!
hindi ako Kumusta? Anong
pinayagan nina plano mong gawin
Itay at Inay. ngayon?

Ganun ba?
Okay lang
yan Alex,
Oo nga eh! delikado kasi
Okay lang, pag ikaw
maglalaro lang.
na lang ako
ng bahay-
bahayan.

Mabuti pa
Okay, Dino..
nga, Alex!
Sige paalam!
Sige at
magwawali
s muna ako
ng bakuran.
Paalam..

1. Ano-anong pandiwa ang ginamit ng dalawang bata sa bawat aspekto?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ano ang napansin mo sa bawat pandiwang ginamit ng dalawang bata?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Anong pagbabago ang nangyayari sa mga panlapi at salitang ugat ng


salita?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4
Suriin
PANDIWA AT ANG MGA ASPEKTO NITO

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng:


• kilos, aksiyon, o gawa
Halimbawa: kumain, mag-aral, bigyan, maglinis, sumayaw

• proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, likas o


di likas
Halimbawa: masunog, bumagyo, kumidlat, umulan

• karanasan o damdamin
Halimbawa: matuwa, sumaya, magmahal, nilamig

Aspekto Ng Pandiwa
- katangian ng pandiwang nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, o
mangyayari o isasagawa pa lamang ang kilos.

1. Naganap Na o Perpektibo – nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.


Halimbawa: naglaba, umawit, sumayaw, kumain, uminom
Umawit sa entablado ang ina ni Myka.

2. Nagaganap o Imperpektibo – nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay


patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa: naglalaba, umaawit, sumasayaw, kumakain, umiinom
Umaawit sa entablado ang ina ni Myka ngayon.

3. Gaganapin Pa o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan


at gagawin pa lamang.
Halimbawa: maglalaba, aawit, sasayaw, kakain, iinom
Aawit sa entablado ang ina ni Myka mamaya.

Naganap Na Nagaganap Gaganapin Pa


Salitang-Ugat
/Perpektibo /Imperpektibo /Kontemplatibo

likha nilikha nililikha lilikhain


tayo tumayo tumatayo tatayo
sabi sinabi sinasabi sasabihin
alaga nag-alaga nag-aalaga mag-aalaga
kuha kumuha kumukuha kukuhanin/kukunin

5
Pagyamanin

Gawain A. Panuto: Gamitin ang uri ng pandiwa ayon sa panahunan nito sa


pamamagitan ng pagpupuno sa patlang. Piliin lamang sa mga pandiwang
nasa loob ng panaklong ang tamang sagot.

1. (Aalis, Umalis, Umaalis) __________ patungong ibang bansa ang pamilya


Santos ngayong darating na Pasko.
2. Kasalukuyang (kakain, kumain, kumakain) __________ ang mag-anak ng
kanilang pananghalian.
3. (Sasayaw, Sumayaw, Sumasayaw) __________ sa plasa ang kagrupo ni Ate
Eunice kanina.
4. Pupunta sa palaisdaan sina Mich at Alex mamaya dahil (kukuha, kumuha,
kumukuha) __________ sila ng isda.
5. (Nagwawalis, Nagwalis, Magwawalis) __________ si Alexa habang
naglalampaso naman si Michael.

Gawain B. Panuto: Banghayin ang mga pandiwa ayon sa aspekto nito.


Gawing gabay ang ibang aspekto ng pandiwa na ibinigay na.

Salitang- Naganap Na Nagaganap Gaganapin Pa


Ugat /Perpektibo /Imperpektibo /Kontemplatibo

luto nagluto nagluluto magluluto


kanta kumanta 1. kakanta
sigaw 2. sumisigaw sisigaw
alis umalis umaalis 3.
hataw 4. humahataw hahataw
sulat sumulat 5. susulat

Isaisip

1. Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon, o gawa;


proseso o pangyayaring karaniwang sadya, di sadya, likas o di likas;
at karanasan o damdamin.
2. Ang paggamit ng pandiwa ay dapat naaayon sa panahunan nito.
3. Ito ay ang naganap na, nagaganap, at gaganapin pa.
4. Ang naganap na o perpektibo ay nagsasaad na tapos nang gawin
6
ang kilos.
5. Ang nagaganap o imperpektibo ay nagsasaad na ang inumpisahang
kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
6. At ang gaganapin pa o kontemplatibo naman ay ang kilos ay hindi
pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

Isagawa
Panuto: Sumulat ng pandiwa sa tatlong panahunan gamit ang
tsart .

Naganap Na Nagaganap Gaganapin Pa

Hal: Nagwalis Nagwawalis Magwawalis


1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Gamitin sa pagsasalaysay ng mga nasaksihang pangyayari ang mga


sumusunod na pandiwa ayon sa panahunan nito. Piliin lamang ang inyong
sagot sa loob ng panaklong at isulat ito sa sagutang papel.

1. (Pumunta, Pumupunta, Pupunta) ____________ kami ni Lolo sa bukid


bukas.
2. Sa Martes _________________(dumating, dumarating, dadating) ang pinsan
ko mula sa probinsiya.
3. (Namitas, Mamimitas, Namitas)_______________ kami ng talong sa Linggo.
4. (Nag-ayos, Mag-aayos, Nag-aayos) _______________ sila ng kanilang
kuwarto sa Lunes.
5. Ako ay _____________(nagwalis, nagwawalis, magwawalis) kahapon.

7
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa pagsasalaysay ng mga nasaksihang
pangyayari ang mga sumusunod na nakasalungguhit na pandiwa ayon sa
panahunan nito. Isulat ang titik A, B, o C sa sagutang papel kung saan:
A = Aspektong Naganap B = Aspektong Ginaganap
C = Aspektong Gaganapin Pa

___ 1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.


___ 2. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.
___ 3. Benenta ko ang alagang manok ng aking Itay.
___ 4. Sino ang sumagot ng telepono?
___ 5. Kakain pa ba kayo ng keke?

8
9
Bimoji app
Aklat
Sanggunian
Subukin:
1. nagdulot – naganap na 6. Isinasakay - ginaganap
2. lumutang – naganap na 7. Isinasakay – ginaganap/ nalubog –
naganap na
3. nalubog – naganap na 8. Maghahanap – gaganapin pa
4. naiwan – naganap na 9. Maghahandog – gaganapin pa
5. tinutulak – ginaganap 10. Mangangalap – gaganapin pa
Balikan:
1. magtatanim 2. Lumakad 3. Sumasayaw
4. Naglaba 5. Bumili
Pagyamanin:
Gawain A Gawain B
1. Aalis 1. kumakanta
2. kumakain 2. sumigaw
3. Sumayaw 3. aalis
4. kukuha 4. humataw
5. Nagwawalis 5. sumusulat
Tayahin: Karagdagang Gawain
1. Pupunta 1. B
2. dadating 2. C
3. Mamimitas 3. A
4. Mag-aayos 4. A
5. nagwalis 5. C
Susi sa Pagwawasto
10

You might also like