You are on page 1of 7

KONEKSYON NG KURIKULUM

PANIMULA Life Performance Outcome (LPO)

Sa ating buhay, anoman ang ating mga LPO4: Malinis ang kalooban, Mahusay, at Magaling sa iba’t ibang
ginawa ay tiyak na may epekto o resulta na larangan
makaaapekto sa atin at sa mga taong Ako ay malinis ang kalooban, mahusay, at magaling sa iba’t
nakapaligid sa atin. ibang larangan at may kakayahang ipagpatuloy ang misyon ko sa
buhay.
Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang Program Outcomes (PO)
paguugnay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari. PO1: Naipapaliwanag nang wasto at epektibo sa pamamagitan ng
pasalita at pasulat sa wikang Filipino kung paano ang pagpapalalim
Nakapaloob dito ang bagong aralin na ng kanilang pambansang pagkakilanlan, pagpapatibay ng
matututuhan sa loob ng dalwang linggo. Ito ay pamanang lahi, at pagpapalakas ng ugnayang sosyal sa kapwa
ang mga gawain tungkol sap pag-uugnay and Pilipino ay nakakaapekto sa kanilang personal na ideya, prinsipyo
sanhi at bunga ng mga pabyayari. at adhikain sa buhay.

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o Essential Performance Outcome (EPO)


dahilan ng pangyayari. Malimit, ginagamit ang
mga salitang dahil, kasi, sapagkat at pagkat EPO6: Isabuhay ang isang kalaaman atkasanayan na malaya
sa simula ng paglalahad ng sanhi. nilang magagamit saiba’ t ibang sitwasyon.

Ang bunga ay ang kinalabasan ng pangyayari. Content Standard


Kung minsan pinangungunahan ng salitang
kaya ang bunga. Ang bawat Polinong ay Isabuhay ang isang kalaaman atkasanayan
na malaya nilang magagamit sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng
Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Performance Standard
INTENDED LEARNING OUTCOME
Ang bawat Polinong ay Isabuhay ang isang kalaaman atkasanayan
na malaya nilang magagamit sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Applied Performance Commitments (APC)

APC1: Mailaan ang oras, buong pusong atensyon sa direktang


pagalalay sa mga nabubuhay na may maliit na pagasa ng
pagpapaunlad ng buhay. (LPO5)

Most Essential Learning Comprtencies


Pagkatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay
inaasahang:
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F6PB-IIIb-
✓ Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga
6.2
pangyayari;
✓ Mapagkakaiba ang sanhi at bunga sa
pangyayari; at
✓ Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari.

Caritas Christi Urget Nos

1| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
ARALIN 1

Pagtambalin ang sanhi ng mga pangyayari sa Hanay A sa posibleng


bunga nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanap B

_____1. mataas na lagnat A. maruming paligid

_____2. hindi nagsisipilyo B. bumangga sa poste

_____3. marami ang itinanim C. napaso ang dila

_____4. walang kuryente D. uminom ng gamot

_____5. pagtapon ng basura kahit saan E. luntiang paligid

_____6. hindi marunong lumangoy F. sirang baga

_____7. labis na paninigarilyo G. mainit at madilim

_____8. inaawit ang Lupang Hinirang H. sira ang ngipin

_____9. nawalan ng preno ang taxi I. tumayo nang tuwid

_____10. mainit na sopas J. may aanihin

K. gumamit ng salbabida

Basahin ang kuwento at pagkatapos ay sagutin ang mga


katanungan na nasa kabilang pahina.

ANG SALAMIN
Si Gilbert ay anak ni Aling Din. Batid ng inang mapusok ang kanyang anak. Para nang sirang
plaka si Aling Dina sa kapapangaral at nangangalay na ang kamay ng kanyang asawa sa kapapalo
ay hindi pa rin nagtatanda si Gilbert. Patuloy ang kanyang pagiging basagulero. Isang tanghali,
humahangos na dumating si Gilbert. Nakatutop sa kanang mata ang kanyang kamay. Bagaman
ang ganito’y hindi ipinagtataka ng ina, sinita pa rin nito ang anak. “Bakit? Anong nangyari sa iyo?
Bakit nangingitim ang iyong mata?” ang tanong niya kay Gilbert. “Si Renato! Humanda siya sa
akin!” nangingitngit na sigaw ni Gilbert.

Hindi sanay na nasasaktan si Gilbert. Sa tuwinang siya’y nakikipag-away, ang kanyang


katunggali ang lagi nang nakatitikim ng sakit. Dahil matangkad siya at may mahahabang braso
ang sino mang kanyang makabangga ay tiyak na uuwing may pasa o galos sa katawan. “A, ngayon
mayroon ka nang katapat!” nag-uuyam na wika ng kanyang ina. “Bakit naman kayo ganyan? Hindi
naman tama na iyon pang si Renato ang mukhang kinakampihan ninyo,” reklamo ni Gilbert. “Hindi
sa ganoon, Anak. Subalit lumalala na ang pagiging makahari mo. Ilan nang batang ka-edad mo
ang iyong pinagbuhatan ng kamay? Pasalamat ka’t labas ng paaralan nangyari ang inyong pag-
aaway-away. Kung hindi malamang wala ka na sa paaralan mo ngayon.” ang pagpapaliwanag ng
kangyang ina.

2| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
“Pero, Inay ngayon ako ang nasaktan. Kailangan makaganti ako!” hiyaw ni Gilbert. “Huminahon ka
Gilbert,” wika ng ina habang pinauupo ang anak. “Makinig ka sa aking sasabihin. Ngayon suklam na
suklam ka kay Renato. Subalit hindi ganyan ang damdamin ko para sa kanya. Naging bingi ka sa
aking pangaral.

Nabalewala ang palo ng iyong ama dahil lagi kang nakalalamang sa mga away na iyong
kinasangkutan. Para sa akin, si Renato ay dapat ko pang pasalamatan dahil ipinadama niya sa iyo
ang naramdaman ng mga sinaktan mo. Ngayon sagutin mo ako. Masakit ba?”

Tungong-tungo ang ulo ni Gilbert. “Opo.” Tugon niyang bahagya nang narinig. “Nagustuhan mo ba
ang ginawa niya sa iyo? Muling tanong ng ina. “Hindi po.” Sa pagkakataong iyon, tumindig si Aling
Dina at pinasunod ang anak sa kanyang silid.

Pinatayo ito sa harapan ng isang salamin. “Ngayon sumuntok ka,” utos ng ina. Sumunod si Gilbert.
Ano ang nangyari?” tanong ng ina. “Sinuntok din po ako,” sagot. Ganyan ang buhay, Anak. Ibabalik
sa iyo ang ano mang ibigay mo. Kung ano ang ginawa mo, siya ring gagawin sa iyo. Kaya ngayong
natikman mo na kung paano masaktan, sana iwaksi mo na sa iyong isipan ang pakikipag-away.
Walang katapusang gantihan ang mangyayari sa inyo ni Renato kapag hindi ka tumigil!”

Hindi agad nakasagot si Gilbert. Nakatungo pa rin siya pero wala na ang galit sa mukha. Maya-maya.
“Inay, tunay nga pong naging mapagmalabis ako sa aking kapwa. Naging bingi-bingihan ako sa
inyong mga paliwanag at pangaral. Ngayon po’y malinaw ang aking isipan. Pipiliin ko pong maitama
ang aking masamang ugali. Lagi ko pong tatandaan na kung ano ang ginawa ko, siya ring gagawin
sa akin. At hindi ko kalilimutan ang salamin.

Sanggunian: https://vdocuments.site/pamagat-5667354ce4656.html

Mga Tanong:

1. Sino si Gilbert? Bakit nagkakaproblema sa kanya ang mga magulang niya?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Bakit umuwing galit na galit si Gilbert isang araw?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Bakit nagreklamo si Gilbert sa naging pahayag ni Aling Dina sa nangyari sa kanya?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Paano ginamit ni Aling Dina ang salamin para ituro ang tama sa anak?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Ano ang napapansin mo sa bawat pangyayari? May pag-uugnay ba sa sanhi at bunga?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
SANHI AT BUNGA

Ang bawat pangyayari ay may sanhi o dahilan. Ang kinalabasan o resulta nito ay ang bunga.
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng pangyayari. Malimit, ginagamit ang mga
salitang dahil, kasi, sapagkat at pagkat sa simula ng paglalahad ng sanhi.
Ang bunga ay ang kinalabasan ng pangyayari. Kung minsan pinangungunahan ng salitang kaya
ang bunga.
Sa malayang likha ng pagtatahi ng kuwento, hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa bunga
sa paglalahad ng kuwento, maaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay.

Ang sanhi at bunga ay kadalasang pinagdudugtong ng mga pang-ugnay tulad ng:


Dahil, kung, kaya, kasi, nang, dahil sa, kung, kapag

Nagkaproblema sa kanya Si Angelito ay mahilig mag-


ang mga magulang niya ipon ng pera
(bunga) (sanhi)
dahil patuloy ang kanyang kaya nakabili siya ng
pagiging basagulero. laruang kotse.
(sanhi) (bunga)

Galit na galit si Gilbert


Nagkaroon ng malakas na
(bunga)
bagyo (sanhi)
dahil sinuntok siya ni Renato
kung kaya bumaha sa
sa mata. (sanhi)
paligid. (bunga)

Basahin naman ito:


Dahil sa banggaan sa kanto, maraming tao at may pulis.

Dahil sa banggaan sa kanto,


Ang bahaging ito ng pangungusap ay nagsasaad ng dahilan ng pagdami ng tao at pagkakaroon
ng pulis. Ito ang sinasabing sanhi ng isang pangyayari.

maraming tao at may pulis.


Ang bahaging ito naman ay nagsasaad ng resulta o epekto ng pangyayaring pinag-uusapan. Ito
ang sinasabing bunga ng pangyayari.

Suriin ito:
Sanhi Bunga
1. dahil sa banggaan sa kanto 1. maraming tao at may pulis
2. dahil maraming tao at may pulis 2. napahinto sina Remia at Gina

4| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang S kung ito
ay sanhi at B kung bunga.

1. _________ Magsuot palagi ng face mask.

_________ Maiwasan nating mahawa ng COVID-19.

2. _________ Palagi siyang nagkakasakit.

_________ Mahilig kumain ng mga sitserya si Donald.

3. _________ Hindi nakapagplantsa si Lea ng kaniyang damit.

________ Nagmamadali siyang umalis.

4. _________ Nakalimutan ni Aling Diday ang kaniyang pitaka.

_________ Hindi siya nakabili ng gatas.

5. _________ Uminom siya nang maraming tubig.

_________ Uhaw na uhaw si Lino.

Ibigay ang maaaring bunga o sanhi ng pangyayari sa bawat bilang.


Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nagtanim ng sari-saring gulay sa kanilang bakuran ang mag-anak ni Aling Maina.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Palaging nagbabasa si Alyssa habang tumatakbo ang sasakyan at sa madilim na lugar.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Malalakas ang buto at matitibay ang ngipin ng tin-edyer.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Nakakuha ng matataas na marka si Aex sa pagsusulit.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. May sugat si Nico.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
Iugnay ang maaring bunga o sanhi ng pangyayari sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Maghapong nakabilad ang mga bata sa initan.


a. Lumabo ang kanilang paningin.
b. Nasunog ang kanilang mga balat.
c. Lumangoy sila upang malamigan.
d. Natuyo ang kanilang mga pawisang damit.
_____ 2. May narinig na ingay ang Tatay sa kalaliman ng kanilang pagtulog.
a. Tatawag sila ng pulis.
b. Magmamadaling aalis ang pangkat sa lugar na iyon.
c. Gigisingin ni Tatay ang mga natutulog at sila’y magtatago.
d. Aalamin ni Tatay ang pinagmumulan ng ingay.
_____ 3. Pabalik-balik ang mga mag-aaral upang alamin kung kailan magsisimula ang klase.
a. Magagalit ang mga mag-aaral.
b. Magagalit ang punong-guro.
c. Pupunta ang mag-aaral sa paaralan.
d. Makiusap sa tagapayo upang siyang mag-usisa ng mga
pangyayari.
_____ 4. Bumagsak si Renalyn sa pagsusulit dahil ___________________.
a. hindi siya nag-aaral c. hindi siya pumasok sa paaralan
b. nagpuyat sa pag-aaral d. magagalit ang guro
_____ 5. Walang klase ang pambublikong paaralan sa buong Pilipinas dahil sa__________________.
a. pandemyang hinaharap ng bansa at sa buong mundo
b. kulang ang pundong pangpinansyal sa edukasyon para sa kabataan
c. nasira lahat ang mga pasilidad
d. binabahayan ang mga paaralan sa mga biktima ng covid 19

Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat kalagayan.

1. Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Sanhi: ____________________________________________________________________

Bunga: ___________________________________________________________________

2. Malaking problema ang kakulangan sa pagkain kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan
sa mga taong nawalan ng trabaho.
Sanhi: ____________________________________________________________________

Bunga: ___________________________________________________________________

3. Nanahi si Aling Vicky ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital.

Sanhi: ____________________________________________________________________

Bunga: ___________________________________________________________________

6| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only
4. Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at
bumabahing tayo.
Sanhi: ____________________________________________________________________

Bunga: ___________________________________________________________________

5.Pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners kaya dapat huwag lumabas at manatili

na lamang sa bahay.

Sanhi: ___________________________________________________________________

Bunga: __________________________________________________________________

Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap sa isa


sa mgapaksa sa ibaba. Tiyakin na sa mga pangungusap may
ugnayang sanhi at bunga.
1. Pag-abot ng Pangarap
2. Pagkasira ng kalikasan
3. Pag-iingat laban sa nakamamatay na COVID-19

Lagyan ng puso ang hanay na nagpapakita ng iyong kasanyan pagsasagawa ng


mga gawain sa aralin.

Kasanayan Mahusay Kailangan pang magsanay

Natutukoy ang sanhi at bunga ng


mga pangyayari;

Mapagkakaiba ang sanhi at bunga


sa pangyayari; at

Napag-uugnay ang sanhi at bunga


ng mga pangyayari.

Domingo, Ma. Janice E.,” Modyul 11: Filipino6_Q2_Mod11_Pag-uugnay-ng-Sanhi-


Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga at-Bunga-_v2-final.pdf (depedtambayan.net)
Pangyayari” Ikalawang Markahan –
Filipino – Ikaanim na Baitang, Unang fil6_q2_mod6_adaro_pag-ugnay-sa-sanhi-at-
Edisyon, 2020 Inilimbag sa Pilipinas ng bunga-ng-mga-pangyayari_v2_12rh.pdf
Department of Education – Region VI (dipologcitydivision.net)

7| F i l i p i n o 6 – M o d y u l 8
For SPSA use only

You might also like