You are on page 1of 3

Performance Task No.

4, Quarter 1
Pangalan: ___________________________________________
Taon at Pangkat: ____________________________________

LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD

Filipino Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa


totoo, talaga, tunay, iba pa)

Araling Panlipunan Naisasabuhay ang pag- unawa sa mga pangunahing konsepto ng


ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-
araw na pamumuhay

Edukasyon sa Pagpapakatao Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil
batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-
ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) o
ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang
sustainable society)

Situwasyon:
Hindi lahat ng sambahayan maging ng mga kabataan at mga mag-aaral ay mulat sa tunay na
kalagayan ng ating bansa hinggil sa epekto ng pandemya sa pamumuhay dahil sa pagbasak ng ating
ekonomiya.
Kaya naman sa unang nakaraang linggo ikaw ay naatasan na gumawa ng Project Proposal, na
sinundan naman ng pagsulat ng Reaksiyon sa ikalawang linggo at Surbey naman sa ikatlong linggo.
Batay sa mga nabanggit na gawain, ikaw ngayon ay naatasan na bumuo ng Infomercial na
naglalayong imulat ang sambahayan, mga kabataan at mag-aaral sa tunay na reyalidad ng buhay sa pang-
araw-araw na pamumuhay, at hikayatin silang makiisa sa pagsasakatuparan ng programang iyong binuo.

Awtput/Produkto:
Bumuo ng Infomersiyal batay sa mga sumusunod na pamantayan;
Mga nilalaman ng infomersiyal
1. Nailalahad ang reyalidad ng pamumuhay ng sambahayan dahil sa pagbagsak ng ekonomiya na
naging epekto ng pandemya. Maaring gamitin ang mga datos sa isinagawang reaksiyon sa ikalawang
linggo at surbey sa ikatlong linggo.
2. Paglalahad ng proyekto na naisagawa sa unang lingo. Ilahad din ang mga layunin nito at ang
magiging bunga para sa pagtugon sa kabuhayan, kultural at pangkaligtasan
Pamamaraan:
● Para sa ODL Class
- Bumuo ng Infomersiyal sa pamamagitan ng Video
- Hindi bababa sa dalawang (2) at hindi lalagpas sa tatlong (3)minuto ang video.
- Maaaring isagawa ang Performance Task sa pamamagitan ng pangkatan. Hahatiin sa 5
pangkat ang klase.
- Maaaring sa pamamagitan lamang ng teleconferencing ang gagawing kolaborasyon sa
pagbuo ng gawain. Kailangan ding bisitahin ng guro ang isinasgawang teleconferencing
upang mabigyan ng gabay ang bawat pangkat.
- Bibigyan din ng sapat na oras ang bawat pangkat upang tapusin ang kanilang gawain.
- Matapos buuin ang video, kinakailangang ipasa sa guro upang masuring mabuti ang
nilalaman.
- Matapos masuri ng guro, maaari na itong ipost sa FB account ng klase o sa youtube.

● Para sa MDL Class


- Bumuo ng infomersiyal sa pamamagitan ng Brochure gamit ang oslo paper.
- Sikaping maging masining sa pagbuo ng infomersiyal gamit ang oslo. Hatiin o tiklupin
sa tatlong bahagi ang oslo upang magkasya ang mga impormasyong ilalahad.
- Ito ay individual output.

Rubric sa pagwawasto ng Infomersiyal:

Mamarkahan ang isinagawang awtput sa iskalang 1-5 kung saan 5 ang pinakamataas at 1 ang
pinakamababa. Isusulat ang iskor sa kanan (20 puntos)

Asignatura Criteria / Pamantayan Iskor


AP ● Nagpapakita ng lohikal na presentasyon ng datos o
ebidensiya sa infomersyal.
● Nagbibigay ng mungkahi/solusyon sa pagtugon sa
pang-araw-araw ng pamumuhay ng sambahayan na
labis na naapektuhan ng pandemya.
Filipino ● Nagpapamalas ng mataas na antas ng kagalingan sa
paglalahad ng ekspresyon sa pagpapahayag ng
katotohanan sa infomersiyal.
● Organisado ang malinaw ang paglalahad ng
impormasyon
● Wastong gamit ng mga bantas at mga salita ay nabigyan
ng pansin
EsP ● Angkop ang mga salitang ginamit sa pagpapaliwanag sa
infomersiyal.
● Naglalaman ng nakapanghihikayat na adbokasiya na
makatutulong sa kabuhayan ng mamamayan.
● Masining ang pagkakabuo ng
Paalala:
Ang mga nailahad na pamantayan ay maaaring gamitin sa ODL at MDL Class.
Katumbas na Interpretasyon:

Iskala (Scale) Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor


5 Magaling 14-15
4 Lubhang kasiya-siya 10-13
3 Kasiya-siya 7-9
2 Hindi gaanong kasiya-siya 4-6
1 Dapat pang linangin 1-3

You might also like