You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Unang Kwarter – Ikaapat na Linggo


Gamit ng Wika sa Lipunan

LAS
Learning Activity Sheet

Pangalan

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Inaasahang pagkatapos ng aralin/modyul na ito ang mag-aaral ay:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (ayon


kay M.A.K. Halliday) (F11PT-Ic-86)
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbasa
ng mga post sa social media (F11PD-Id-87)
3. Naipaliliwag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga halimbawa (F11PS-Id-
87)
4. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan (F11EP-Ie-31)

SURIIN

Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang mga
tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga graphic clip ang gamit ng wika sa
lipunan.
PANG-INSTRUMENTAL NA GAMIT
Katangian ng Pang insstrumental:

Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at pag-uutos

Paraang Pasalita Paraang Pasulat

Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos Liham pangangalakal

PANG-INTERAKSYUNAL
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan

 Pangungumusta, pag-anyayang kumain,  Imbitasyon sa isang okasyon(kaarawan,


pagtanggap ng bisita sa bahay, anibersaryo, programa sa paaralan)
pagpapalitan ng biro at iba marami pang
iba
PAMPERSONAL

Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion

Pasalita Pasulat

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

Pormal o di pormal na talakayan, debate o Editorial o Pangulong Tudling , Liham sa Patnugot,


pagtatalo Pagsulat ng Suring-basa,
Suring Pelikula o anumang DulangPantanghalan

PANGHUERISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.

Pasalita Pasulat

Pagtatanong, Pananaliksik, at pakikipanayam Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at


Disertisyon

PANREPRESENTIBO

Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag

Pasalita Pasulat

Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Mga Anunsyo, Patalastas, at Paalala


Simbolismo ng Isang Bagay o Paligid

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

PANG -IMAHINASYON
PANREGULATORI NA GAMIT
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa
wika. Nalilikha
Katangian: ng tao ang mga
Kumukontrol/ bagay-bagay
gumagabay upang
sa kilos maipahayag
at asal ng iba niya ang
kanyang damdamin.
Pasalita Pasulat
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksiyon,Paalaala Resipe, direksiyon sa isang lugar, panuto
sa pasusulit at paggawa ng isang bagay,
tuntunin sa batas na ipinapatupad

Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Teatro Pagsulat ng akdang Pampanitikan

- Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016).

Batay naman sa aklat ni Roman Jakobson (2003) ay may anim na paraan na pagbabahagi ng
mga saloobin, damdamin, at emosyon.

1. Pagpapahayag ng Damdamin (emotive) saklaw nito ang mga saloobin, damdamin, at


emosyon.
2. Panghihikayat (conative) ito ang gamit ng wika upang makahimok at maka-impluwensiya sa
iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(phatic) – ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (referential) – ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa
aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro ( metalinggual) – ito ang gamit na lumililinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang komento o batas.
6. Patalinghaga (poetic)- saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
- Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016).

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang gamit ng wika batay sa pagaaral ni M.A.K. Halliday at Roman
Jakobson ay tiyak na iba na ang persepsyon mo sa wika. Hindi lamang ito basta instrumento sa
araw-araw na pakikipag-ugnayan kundi isang daan sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan

Subukin Mo

Gawain 1. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang maaaring sabihin kaugnay
nito. Suriin ang sitwasyon bago isulat ang angkop na pahayag.
1. May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya tatanggapin? Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
2. Hindi mo mabuhat ang iyong dalang bag dahil sumasakit ang iyong balikat . Daraan ang isa mong
kapitbahay at makikisuyo ka sa kanya na magpatulong, paano mo ito sasabihin?
Gawain 2. Panuto: Ang sumusunod ay mga pahayag mula sa mga karaniwang post sa social media.
Tukuyin ang gamit ng wika sa lipunan. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo?

1. Kahon-kahong mga donasyon para sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal


Volcano ang ipinadala ng pamahalaang
Duterte

2. Automatic Mosquito Killler!


Mare! Pare! Baka ito na ‘yong tool na hanap n’yo panglaban sa mga nakakainis na
mga lamok? Iwasan ang lamok sa pamamagitan ng Light technology na ito! -
Moquito Lamps Philippines Pro

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Gawain 3. Panuto: Buuin ang liham patungo sa iyong kaibigan at sa pamamagitan ng pagpupuno ng
mensahe na nais iparating sa iyong kaibigan.

Petsa: ________

Patutunguhan: ______________

Bating Panimula: ______________

Magandang araw sa iyo mahal kong kaibigang Paul!

Malugod kong ipinapaalam sa iyo na pahihintulutan na ako ng aking magulang na


magbakasyon diyan a inyo sa darating na Disyembre.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________

Bating Pangwakas:

___________________

Lagda:
___________________

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1-2 nasa guro ang pagpapasya ng iskor

Gawain 2

1-2 depende sa sagot ng mag-aaral nasa guro ang pagpapasya ng iskor

Gawain 3

1-2 depende sa sagot ng mag-aaral nasa guro ang pagpapasya ng iskor

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
POST TEST / PAGTATAYA :

Panuto: Ibigay ang angkop na gamit ng wika batay sa pahayag sa bawat bilang.
1. _____________________________ pangangalap ng impormasyon ukol sa tesis.
2. _____________________________ tungkulin ng wika kapag ang tao ay nakipag-ugnayan sa
kanyang kapwa.
3. _____________________________ pakikipanayam sa mga taong makatutugon sa paksang
pinag-aaralan.
4. _____________________________ pagtatakda sa kaugalian o asal ng isang tao.
5. _____________________________ pagpaparinig ng sariling opinyon o pananaw ukol sa
paksang pinag-uusapan.

(Paraan ng pagbabahagi ni Roman Jakobson)


6. _____________________________ pinakikinabangan ang mga impormasyong galing sa
aklat.
7. _____________________________ masining na paghahayag ng damdamin sa minamahal sa
pamamagitan ng isang tula o awitin.
8. _____________________________ nais mong kumbinsehin ang buong village na iboto sa
pagka-alkalde ang iyong hinahangaang kandidato.
9. _____________________________ paglalahad ng madamdaming pagkawala ng mahal sa
buhay.
10. _____________________________ nagbigay ka ng komento ukol sa pagpapanatili ng batas
military sa Mindanao

Mga Sanggunian
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House,
2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio


Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Youtube.com.Manolito Pomoy, America’s Got talent=5jUF-c1Io

Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102

(086) 211-3225 DCC No.: DepEdSurSur/I/SGOD/HRD/02-03-2020/001-V2

surigaodelsur.division@deped.gov.ph

You might also like