You are on page 1of 32

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikatlong Markahan

Modyul
GRADE 9 PICTURES USED

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAT

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa Pagtatakda ng mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa
taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya; at Pagkabuo ng
mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa aralin sa Pagtatakda ng mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng
haiskul na naaayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang
ekonomiya; at Pagkabuo ng mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.
3
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

4
Aralin
Katarungang Panlipunan
1

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan. EsP9KP-IIIc-9.1

Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at


mamamayan. EsP9KP-IIIc-9.2

Alamin

I. Paksa
Katarungang Panlipunan
II. Layunin
Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan. EsP9KP-IIIc-9.1
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at
mamamayan. EsP9KP-IIIc-9.2

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Basahin at unawain mabuti ang sanaysay.
“Walang iwanan.” Sa ano- anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang pahayag na ito? Anong
pagpapahalaga ang masasalamin sa katangiang ito?.Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na
pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga kritikal na sitwasyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay
panlipunang nilalang o umiiral na kasama ang ibang tao. Matutugunan lamang ang pangangailngang ito
kung may nabubuong ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin - isang uganayang dapat na
pinamamayanihan ng katarungan.
Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula
sa pagkiling sa sariling interes.Dito din matututunan natin ang pagbibigay na tamang aksyon upang
matugunan ang pangangailangan ng ating kapuwa ng naaayon sa batas ng hindi nawawala ang dignidad
ng isang tao.

IV. Pamamaraan

Ito ay isang isang pagbibigay at hindi pagtanggap


Katarungan
-Dr. Manuel B. Dy Jr.
Ito ay ang
pagbibigay
Ito ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob.
sa kapuwa
-Santo Tomas de Aquino
ng
nararapat sa
kanya Ito ay ang pagkakaroon ng paggalang sa batas at
pagiging patas sa lahat ng tao -Andre Comte-Sponville

5
“Ang katarungang panlipunan sa tunay na
kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao.
Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa
Dalawang uri ng Katarungan
kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan, ang mga
nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang
pagkatao. Dahil mahalaga ang tao, makatarungan
Ang tao bilang na ibigay ang nararapat sa kaniya at hindi
Ang Tao bilang tao nasa ugnayan nakadepende sa kaniyang sitwasyon, kundi sa
Hal. Pagkain ng kaniyang hindi malalabag na karapatang kaugnay
tama,pagpapahinga. Hal.pagtulong sa sa kanyang dignidad
kapwa (Bayanihan) bilang tao.”

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang bawat aytem sa talahanayan sa ibaba. Lagyan ng tsek kahon kung ito ay
nabibilang sa iyo.
Mga Palatandaan ng Pagiging Makatarungang Tao Ako Ito Hindi ako
Ito
1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking
paligid.
2. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin ay maaari akong
magparaya alang-alang sa mas nangangailangan nito.

3. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa


paaralan, sa trabaho, sa aming baranggay, o sa bansa.

4. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming


pamilya.
5. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment sa buhay.

B. Gawain 2:
Panuto: Gumuhit o gumupit ng larawan na kung saan nagpapakita ng katarungan panlipunan.

C. Gawain 3:
Panuto: Tukuyin ang mga Paglabag sa Katarungang Panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan.
Magtala ng limang (5) paglabag sa tagapamahala at gayundin sa mamamayan Isulat kung ano ang
epekto nito sa lipunan. Isulat ito sa bukod na papel
Halimbawa:
Tagapamahala
Mga Paglabag sa Katarungang Epekto sa lipunan
Panlipunan
Hal. Inuuna ang kanilang pansariling Hal. Pagkawala ng tiwala ng mga nasasakupan at pagkakaroon
interes sa pagbibigay tulong sa mga ng galit sa kalooban ng mga mamamayan
nasasakupan.
Mamamayan

Mga Paglabag sa Katarungang Epekto sa lipunan


Panlipunan
Hal. Hindi pagsunod sa ordinansa ng Hal. Kawalan ng kaayusan at sa lungsod at maaaring pagtaas ng
barangay/lungsod (Curfew) bunga ng bilang ng kaso na may nakahahawang sakit at maaring magbunga
Pandemyang nararanasan ng ating bansa ng pangmatagalang paglutas ng kaso sa ating bansa.
ngayon

6
D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng hashtag(#) na kung saan nagpapakita ng kaayusan ng mamamayan at
tagapamahala upang maiwasan ang paglanbag sa Katarungang Panlipunan ng bawat isa +

Halimbawa:
#KAAYUSANtungosaKATARUNGAN

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat sa patlang ang T kung ito ay tama at M
kung ito ay mali.

1. Sa baranggay unang mararanasan ang kamalayan tungkol sa katarungan.


2. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr. ang katarungang panlipunan ay pagbibigay at hindi
pagtanggap.
3. Ang katarungan ay gumagamit lagi ng kilos- loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal.
4. Isa kang makatarungan tao kung ikaw ay gumagalang sa batas para sa karapatan ng iyong
kapwa.
5. Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa iisang panig lamang.

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.

VIII. Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,


Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Mary Jorjane G. Guan
Equitable Village National High Schhol

7
Aralin
Katarungang Panlipunan
2
Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang
nararapat sa kanya. (EsP9KP-llld-9.3)

Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na


pagkakataon. (EsP9KP-llld-9.4)

Alamin

I. Paksa
Katarungang Panlipunan
II. Layunin
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa
kanya. EsP9KP-llld-9.3
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.
EsP9KP-llld-9.4

III.Pamamaraan
Basahin at unawain
Ano nga ba KATARUNGANG PANLIPUNAN?
Ito ay ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya, nakatuon ang katarungan ay ang labas ng
sarili. Ito ay pagpapahalaga sa kanyang dignidad bilang tao. Ayon kay (Dr. Manuel B.Dy Jr.) ang
pagkatao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang.
Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Ang paggiging makatarungan ay pagpapakita ng
pagmamahal bilang tao na namumuhay kasama ang iba. Ang paninira ng tao ay isa ring
paglapastangn sa iyong sariling pagkatao. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-
loob sa pgbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ayon kay (Sto. Tomas de Aquino) ang kilos-loob
ay magpapatatag sa iyong paggiging makatarungang tao.

MAKATARUNGANG TAO
• Makatarungan ang isang tao kung ginagamit nito ang kanyang lakas sa paggalang sa batas at
sa karapatan ng kapwa.
• Isinasaalang–alang din nito ang paggiging patas sa lahat ng tao.
• Ayon kay (Andre Comte-Sponville, 2003) Kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili,
ang ibang tao at ang mundo sa hindi paggiging patas ng mga ito.

PANGUNAHING PRINSIPYO NG KATARUNGAN


Ang makatarungan ugnayan ay umiiral kung walang nang-aagrabyado sa isa’t isa.
● Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mamuhay na hindi hinahadlangan ng iba. Kung nilabag ag
karapatang ito, mawawalan ng katarungan. Maaari itong magbunga ng gulo sa buhay ng mga
nasasangkot.

8
NAGSISIMULA SA PAMILYA ANG KATARUNGAN
● Ang pamilya ang unang nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungko sa katarungan.
● Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay.
● Nauunawaan mo na kapag iginagalang moa ng mga karapatan ng iba isinasaalang-alang moa ng
kabutihang panlahat.
KATARUNGANG PANLIPUNAN
• Ito ang namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa
lipunan
• Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod sa batas.

KATANGIAN NG KATARUNGANG PANLIPUNAN


● Paggalang sa karapatan ng bawat tao
● Pagpapaliban sa sariling interest
● Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon
● Pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT DIGNIDAD NG TAO


● Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao.
● Ang bawat ay may dignidad dahil sa kanyang pagkatao.
● May dignidad ang tao dahil mahalaga siya.
● Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kanya

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Suriin ang larawan at isulat sa loob ng kahon kung ito ay katarungan o paglabag. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. hal. katarungan 2. 3. 4. 5.

B.Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel.
1. Katarungan
2. Paglabag
3. Batas
4. Lipunan
5. Pamahalaan

C. Gawain 3:
Panuto:
A. Magbigay ng mga sitwasyon na nakikita mong aktuwal na paglabag sa katarungang
panlipunan…Isulat sa hiwalay na papel.
B. Batay sa naisulat mong paglabag, ano ang iyong gagawin bilang isang makatarungang tao?

D. Gawain 4:
Panuto Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na maging Pangulo ng Pilipinas, anong mga
pagbabago ang iyong gagawin upang maipatupad ng maayos ang katarungang panlipunan? Ipaliwanag.
9
V. Pagtataya
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang ang tama kung ang sinasaad ay tama at mali naman kung
hindi. Isulat sa hiwalay na papel.
__ _ 1. Pagsunod sa mga inuutos ng mga magulang.
______2. Paggalang sa karapatan ng bawat isa.
______3. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakatupad sa mga kakailanganin sa
klase.
______4. Paninira o paglapastangan sa kapwa.
______5. Walang sala hangga’t di napapatunayang nagkasala.

VI. Pagninilay
Kumuha ng isang malinis na papel at isulat dito ang lahat ng mga mahahalagang konsepto na
natutunan mula sa aralin.

VII. Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul ng Mag-aaral Punsalan et. al. (2015).


Pagpapakatao:
• Batayang Aklat sa Pagpapakatao sa Sekondarya 9. Rex Book Store, Inc.:Quezon City.

Inihanda ni:
Jenelyn T. Mansilungan
Equitable Village National High School

10
Aralin
Katarungang Panlipunan
3

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon
EsP9KP-IIId-9.4

Alamin

I. Paksa
Katarungang Panlipunan
II. Layunin
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.
EsP9KP-llld-9.4

III.Pamamaraan
Basahin at unawain
Ano nga ba KATARUNGANG PANLIPUNAN?
Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili. Iniipon at binubuo ng tao ang iba’t
ibang salik at puwersang nagtutunggalian at humahatak sa kaniya na tumungo sa iba-ibang direksiyon.
Nariyan ang inay na inuutusan akong maglinis ng bahay habang sinisikap kong intindihin ang takdang-
aralin para bukas dahil nag-aalanganin akong bumagsak sa klase.
Kung nais kong makakilos nang may direksyon sa aking buhay ay kinakailangang timbangin,
ayawan, at/o panindigan ang maraming mga bagay na ihinahain sa aking harapan. Ang wastong
pagpiling ito ang masasabi nating pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili.
Maliban pa sa paglalagay ko sa ayos ng aking buhay sa pamamagitan ng pagbabalanse ng mga
naghahatakang pwersa, ang pagiging makatarungan sa sarili ay nakaangkla sa halaga ko bilang isang
tao at sa pag-iingat ko sa halagang ito. Ang dahilan kung bakit ko kailangang ayusin ang aking sarili ay
dahil mahalaga (may-halaga) ako.
Subalit hindi lamang sarili ang tao. Bahagi rin ng kasarinlan ay ang pagiging nasa sa loob ako ng
ugnayan. Salamat sa mga ugnayang ito dahil napupunan ng mga ugnayang kinapapalooban ng tao ang
anumang pagkukulang at pangangailangan niyang hindi kayang likhain ng sarili. Makikiugnay at
makikipagtulungan ang tao sa kaniyang kapwa upang mapabilis ang paggawa. Nabubuo ang mga
komunidad upang maharap nang mas maginhawa ang mga hamon ng kasalukuyan, naghahati-hati sa
yaman ng bayan, at nagsasama-samang nagpapatakbo ng lipunan.
Ang katarungang panlipunan ay ang pag- iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa,
makabuo, at makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga batas upang maingatan
ang mga indibidwal na karapatan ng tao, ang pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi
ng yaman ng bansa, ang pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao. Ngunit, higit pa dito, ang
pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad. Kung wala at
hindi mahigpit ang mga ugnayang ito, mauunawaan ang katarungang panlipunan bilang transaksiyon
lamang ng pamahalaan at ng mga sakop nito. Mauuwi ang katarungang panlipunan sa usaping
legalistiko lamang—bilang pagsunod sa batas o pagpapataw ng parusa sa mga tao. Bagaman kasali
rin talaga ang mga ito sa paksa, ang katarungang panlipunan ay, una’t higit, ukol sa mga tao at sa mga
ugnayan nila sa isa’t isa. Kaya nagsisikap magkaroon ng katarungan ay dahil sa pagnanais na mabuo
ang sarili at ang komunidad.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
11
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Gumuhit o sumulat ng sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap gamit ang gabay na
tanong, “Ano-ano ang ginagawa mo upang maitaguyod ang katarungan sa ating bansa?” idetalye ang
iyong ginawang kilos.

B.Gawain 2:
Panuto: Kapanayamin ang alinmang mga tao sa iyong sambahayan na nagtataglay ng alinman sa mga
sumusunod na “background”
• Kasapi ng NGO
• Mag-aaral ng kolehiyo na kalahok sa mga organisasyong may kinalaman sa katarungang
panlipunan (e.g. AIESEC, etc.)
• Kawani ng pamahalaan kasapi ng simbahan, etc.
Kumuha ng mungkahi mula sa mga taong nabanggit kung ano ang maaaring magawa ng isang
kabataang tulad mo para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan tungo sa pagkamit ng
kabutihang panlahat. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang kanilang mungkahi.

C. Gawain 3:
Panuto:
1. Pumili ng isa sa mga sumusunod na kaso
a. Mag-aaral na anak ng bilanggo
b. Kabataan na may kapansanan
c. Iskolar na mahirap na mag-aaral sa pribadong paaralan
d. Kabataang biktima ng sekswal na pang- aabuso
e.Kabataang masugid na nangangampanya laban sa paglabag sa karapatang pantao/ katiwalian.

2. Sa napiling kaso, sagutan ang mga sumusunod na tanong:


a. Ano ang buhay na kakaharapin niya batay sa lipunang ginagalawan mo?
b. Ano ang mga posibleng paglabag sa katarungang panlipunan na maaari niyang kaharapin sa
iyong lipunan?
c. Paano mo siya matutulungan upang hindi malabag ang katarungang panlipunan sa kaniyang
sitwasyon?
d. Kung ikaw ay nasa kanyang sitwasyon, paano mo haharapin ang buhay sa lipunan upang
matiyak mong magiging makabuluhan ka pa rin sa lipunan?

D. Gawain 4:
Panuto
1. Maglista ng sampung (10) magagawa upang maitaguyod ang katarungang panlipunan.
2. Gamitin ang pagkamalikhain at i-“layout” na parang pahina ng magasin o diyaryo o scrapbook sa
hiwalay na papel.

V. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
b. Pagpapautang ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.

12
2. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.” d.“Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”

3. Ang katarungang panlipunan ay:


a. ideyal lamang at hindi mangyayari . c.pinatutupad ng pamahalaan.
b. ukol sa parehong komunidad at sarili. d. wala sa nabanggit.

4. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:


a. sarili. b. pamahalaan. c. lipunan. d. Diyos.

5. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:


a. batas, kapwa, sarili. c. baril, kapangyarihan, rehas.
b. Diyos, pamahalaan, komunidad. d. batas, konsensya, parusa.
.
VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.

VII. Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,


Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Alquin A. Celestial
Las Piñas National High School Almanza

13
Aralin Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala Sa
4 Naimpok

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito (EsP9KP-IIIa-11.1)
Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
(EsP9KP-IIIa-11.2)

Alamin
I. Paksa
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala Sa Naimpok

II. Layunin
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito EsP9KP-IIIa-11.1
Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
EsP9KP-IIIa-11.2

III.Pamamaraan
Basahin at unawain
Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay;
Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
“Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin,
Kasipagay isagawa at itanim sa damdamin; Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtin
Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin.
Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal;
Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal
Ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.
Paalala’t pagunita sa diwa mo, kabataan… Sa tuwina’y isaisip, sana’y laging tandaan:
“Kasipaga’y ugaliin at gawin mong pamantayan
Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran.”
www.pinoyedition.com/mga-tula/kasipagan-/
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Tingnan Mabuti ang larawan. Ilagay ang titik sa loob ng kahon upang mabuo ang mga salita.
Isulat sa hiwalay na sagutang papel.

14
B.Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.Tingnan ang kahon sa ibaba. Lagyan ng tsek (✔) ang kolum kung
ito ay iyong naipamalas at ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot.

Sitwasyon Naipamalas Hindi Naipamalas


1. Tinitiyak na magiging maayos ang kalalabasan ng gawain.
2. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas at panahon sa gawain ng buong
husay.
3. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos ang gawain.
4. Naglalakad imbis na sumakay kung malapit ang pupuntahan.
5. Hindi na kailangan na utusan pagdating sa gawain kahit na maraming
beses na nagkamali.
6. Patuloy na sinusubukan na gawin ang mga gawain kahit na maraming
beses na nagkakamali.
7. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling pagkain
sa kantina o sa labas ng paaralan.
8. May oras lamang sa paggamit ng TV, Computer, electric fan at iba pa.
9. Pinipilit na tapusin ang gawain kahit na nahihirapan.
10. Nagbibigay ng malasakit sa gawain.

C. Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa hiwalay na sagutang papel.
1.Ano ang masasabi mo sa iyong gawain? Naging masaya ka ba sa kinalabasan ng iyong
sagot mula sa Gawain 2? Bakit?
2. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili? Alin sa mga katangian ang iyong tinataglay?
3. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi at marunong magtipid?
Ipaliwanag.
4. Paano makatutulong ang mga pagpapahalagang ito sa tao sa kanyang paggawa?
Ipaliwanag.

D. Gawain 4:
Panuto Pag-aralan ang mga comic strips sa ibaba. Isulat ang iyong posibleng sagot sa speech balloon.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Natapos mo na ang gawaing bahay na Araw ng iyong sweldo, nakalaan na ang


nakatalaga sa iyo. Nakita mo ang iyong kapatid na iyong pera sa mga gastusin mo sa bahay sa araw-
hindi pa niya natatapos ang pinapagawa sa kanya araw. Ngunit bago ka umalis sa opisina ay niyaya ka
ng inyong ina sapagkat napakarami niyang takdang ng iyong mga katrabaho na kumamin sa labas at
aralin. Sa araw na iyon. Humuhingi ng tulong sa iyo magsaya. Ano ang iyong gagawin?
ang nakababata mong kapatid na gawin muna kung
maaari ang gawaing bahay na nakatalaga sa kanya.
Ikaw naman ay malapit naring matapos sa proyekto
sa EsP. Ano kya ang magiging tugon mo dito?

Ate maaari ba na Sumama ka


ikaw muna ang naman sa amin.
gumawa ng Magsaya naman
pinapagawa ni tayo.
nanay?

15
V. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
__ _ 1. Mula sa saknong ng isang tula “Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Araw-
araw ay paggawang tila din walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”.
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
2. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa
at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, mahabang pasensya, katapatan at disiplina.
3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya
na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni
Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang
gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay.
Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa
ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
5. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip
na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel

VII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Alquin A. Celestial
Las Piñas National High School Almanza

16
Aralin
Kagalingan sa Paggawa
5

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong
Pagpamamahala sa oras upang maingat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob.
Naiuugnay ang sariling karanasan
(EsP9KP-IIIb-11.3) sa napakinggang
kuwento
Alamin

I. Paksa
Kagalingan sa Paggawa
II. Layunin
Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong
pamamahala sa oras upang maingat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan
ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob. (EsP9KP-IIIb-11.3)
III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa mga indikasyon ng kagalingan sa paggawa kung saan dito
nasasalamin ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng paggawa. Ito ay daan upang makamit ng isang
indibidwal ang kanyangkaganapan bilang tao at inaasahang maunawaan na hindi sapat ang paggawa
lamang. Mahalagang laging isaalang-alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa
upang maging gawi ng bawat kabataan ang kagalingan sa paggawa.
IV.Pamamaraan
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na
kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. Ang
pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit hindi lang
ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.
Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito
naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang kagustuhang
maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod na katangian:
1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, 2) pagtataglay ng mga positibong kasanayan, at 3)
nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay
niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad.
a. Kasipagan – tumutukoy sa pagsisikap na tapusin ang isang gawain nang buong puso at may
malinaw na layunin sa paggawa.
b. Tiyaga – tumutukoy sa pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
c. Masigasig – pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa.
d. Malikhain – ito ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng pangongopya ng gawa ng iba.
e. Disiplina sa Sarili – tumutukoy sa hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa
tao.
17
2. Pagtataglay ng mga positibong kakayahan. Bukod sa mga kasanayan sa basic literacy (tulad ng
pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan sa pagkatuto
na may tatlong yugto:
a. Pagkatuto bago ang paggawa – tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo
ng isang gawain o produkto.
b. Pagkatuto habang ginagawa – tumutukoy ito sa yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang
maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng
kahaharaping problema at solusyon sa mga ito.
c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain-tumutukoy ito sa yugto ng pagtataya sa naging
resulta o kinalabasan ng gawain.
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos. Sa lahat ng aspeto o aspekto na ating gagawin sa buhay,
ito man ay mapa-serbisyo o mapa-produkto, lagi nating isaalang-alang na ang lahat nang ito ay dahil
sa Kanya. Hindi natin magagawa ang isang bagay o gawain kung wala tayong pananalig at paniniwala
sa Kanya. Hindi sapat ang kagalingan, katalinuhan at malawak na imahinasyon lamang bagkus
kinakailangan ng matinding pagdarasal para gabayan na matapos ang isang gawain.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Iayos ang mga ginulong letra upang matukoy ang termino o konsepto na bubuo sa
nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. AAIYGT
2. AAINIKMLH
3. AAAINGKSP
4. IIAAIIIDNASSRLSLP
5. AAIISSMGG

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment
Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan.Gumamit
ng hiwalay na papel.
Mga Palatandaan Ako ito Hindi ako ito

1. Nagdarasal muna bago gawinang anumang bagay


2. Ginagawa ang mga bagay nadapat gawin
3. Inuunawa ang panuto bago simulan ang gawain
4. Palatanong sa mga bagay nabago sa aking paningin
5. Nirerebisa ang gawain batay sa punang angkop sa kraytirya
ng output

C. Gawain 3:
Panuto: Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit upang makabuo ng isang
larawan ng kahit anong bagay. May halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Hal.

18
1.

2.

3.

4.

5.

D. Gawain 4:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. Anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglaymo na at kailangan mo pang malinang?
+

_________________________________________________________________________________________________________________
2. Itinuturing mo bang paraan ng papuri at pasasa- lamat sa Diyos ang gawain? Bakit?
_________________________________________________________________________________________________________________
3. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng kakaibang larawan? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________________________________

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamitng hiwalay na papel.
____1. Ang pagsasagawa ng isang ay nangangailangan ng sapat na kasanayan
at angking kahusayan.
A. pagpapahalaga B. gawain C. kakayahan D. pagkilos
___2. Ang pagsisikap na tapusin ang isang gawain na may malinaw na layunin ngpaggawa ay ang__.
A. kasipagan B. malikhain C. tiyaga D. masigasig
___ 3. Ito ay tumutukoy sa yugto ng paggawa ngplano na gabay sa pagbuo ng gawain ay
tinatawag na _________.
A. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain. C. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
B. Pagkatuto habang ginagawa D. Pagkatuto bago ang paggawa.
____ 4. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang
magkaroon ng .
A. paglikha ng produkto B. disiplina sa sarili C. kagalingan sa paggawa D. laborem exercens
____5. Ang pagkakaroon ng kasiyahan at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain ay
A. masigasig B. malikhain C. tiyaga D. Kasipagan

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit
ng hiwalay na papel.
VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyulpara sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 201

Inihanda ni:
Alquin A. Celestial
Las Piñas National High School Almanza

19
Aralin Kagalingan sa Paggawa
6

Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang


Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at
wastong pamamahala sa oras.(EsP9KP-IIIb-11.4)
kuwento

Alamin
I. Paksa
Kagalingan sa Paggawa
II. Layunin
Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at
wastong pamamahala sa oras.(EsP9KP-IIIb-11.4)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa kung papaano lilinangin ng isang indibidwal ang kanyang
kakayahan o kagalingan sa paggawa na taglay upang makabuo ng isang natatanging gawain o
imbensyon na pwedeng ipagmalaki sa bansa at sa buong mundo. Sa pamamagitan ng wastong
pamamahala ng oras dito makikita kung papaano huhubugin o gagamitin ng tama ang oras sa isang
kapaki-pakinabang na bagay upang maging produktibo at makabuluhan.

IV. Pamamaraan
Ang sumusunod na mga katangian ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-
iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni
Leonardo da Vinci, ang itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998).

1. Pagiging palatanong (curiosita). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga
bagay-bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga sagot.

2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi (persistence) at ang pagiging


bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (dimostrazione). Ang pagkatuto mula sa mga hindi
malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang anumang
pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang
hamon na gumawa muli.

3. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang paraan upang mabigyang-buhay ang
karanasan (sansazione). Tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-
pakinabang sa tao.

4. Pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan (sfumato). Ito ang pagiging bukas sa
pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o
ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o kahulugan.

5. Ang paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imaginasyon (arts/scienza). Ito ang
pagbibigay-halaga nang may balance paghahanap sa kagandahan (beauty) at katotohanan (truth)

20
gamitang sining (art) at siyensya (science). Mahalaga ang paggamit ng imahinasyon sa mga gawaing
ginagamitan ng mapanuring pag-iisip.
6. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace, poise (corporalita). Ito ang tamang
pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng
karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan.

7. Ang pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (connessione). Ito ang pagkilala at


pagbibigay-halaga na may kaugnayan sa lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t-isa. Ayon sa Law of
Ecology, “Everything is connected to everything else”. Ang mga halaman ang nagbibigay ng oxygen
sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang mga tao. Sa kabilang banda, tao at hayop naman ang
naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.
Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may
kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri
at pasasalamat sa Kanya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula
sa Diyos.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)
V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Punan ng salita ang bawat pangungusap ng naaayon dito. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.
Gumamit ng hiwalay na papel.
__________1. Ang itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon ay si ___________.

Leonardo da Vinci Dr. Manuel Dy Jr.

__________2. Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga _________ sa
kaniyang paligid.
buhay bagay-bagay

__________3. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga ay kung ito ay naaayon sa kalooban


ng _________. Diyos Presidente

__________4. Ang pagiging bukas sa _________kawalang katiyakan ng isang bagay, o may higit sa
isang interpretasyon o kahulugan.

bagay pagdududa

__________5. Ang tamang paggamit ng mga ______ sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.

pandama pakikipagkapwa

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) kung iyong
tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Gumamit ng hiwalay na papel.

Mga Palatandaan Ako ito Hindi


Ako ito
1. Tinatapos lagi nang may kalidad ang anumang gawain

2. Laging may bagong ideya at konsepto sa isang partikular na gawain o


bagay

21
3. Nagpaplano ng paraan kung paano gagawin ang isang gawain
bago simulat nito.
4. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain kahit mahirap ito
5. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga natapos na gawain at
takdang aralin na nagawa nang maayos .

C. Gawain 3:
Panuto: Punan ang mga hindi natapos na pangungusap upang makumpleto ang isinasaad ng kabuuan
ng ideya. Maaaring gamiting gabay ang nabasa sa pamamaraan o kaya’y sariling kaalaman. Gumamit
ng hiwalay na papel.

1. Ang pagiging palatanong ay ______________________________________________________.


2. Ang pagiging bukas sa pagdududa ay _______________________________________________.
3. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace ay __________________________________.
4. Ayon sa Law of Ecology _________________________________________________________.
5. Ang paggawa ng mabuti at may __________________________________________________ .
D. Gawain 4:
Panuto: Mag-isip at gumawa ng sariling kasabihan na may kaugnayan sa kagalingan sa paggawa na
siyang magsisilbing paalala sa sarili at sa mga kaklase. Isulat sa loob ng kahon ang nasabing kasabihan.
May halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang


paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito”.

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
____1. Ang pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan at mga pangyayari sa isa’t-isa ay ang___?
A. Ang pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay
B. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace, poise.
C. Ang paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imaginasyon
D. Pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan
_____2. Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay ay tinatawag
na ________.
A. sansazione B. curiosita C. persistence D. sfumato
_____3. Ang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang karamdaman
ay tinatawag na ________.
A. connessione B. arte/scienza C. sansazione D. corporalita
_____4. Ang pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasan ang pagkakamali ay tinatawag na ________.
A. Pagiging palatanong sa mga bagay bagay.
B. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang paraan upang mabigyang-
buhay ang karanasan
C. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi at ang pagiging bukas na
matuto sa mga pagkakamali
D. Ang paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imaginasyon

22
_____5. Ang pagbibigay-halaga nang may balance sa paghahanap sa kagandahan at katotohanan
gamit ang sining at siyensya ay tinatawag na ________.
A. arte/scienza B. curiosita C. dimostrazione D. sansazione

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
Inihanda ni:
Raymundo T. Lebris
Golden Acres National High School

23
Aralin Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
7

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid


at pinamamahalaan ang naimpok.
(EsP9KP-IIIe-12.1)

Alamin

I. Paksa
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok

II. Layunin
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok. (EsP9KP-IIIe-12.1)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa sapat na pagkaunawa sa mga katangian na dapat taglayin ng
isang manggagawa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong
sarili kundi upang mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan. Ang kasipagan ay dapat isaisip,
isapuso, at isagawa ng bawat isang nilikha na kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin
kailangan natin ang kasipagan at kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain.

IV. Pamamaraan
Ano nga ba ang kahulugan ng kasipagan? Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin
o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang
mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina, at
kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain,
sa kaniyang kapuwa, at sa kanyang lipunan.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.


1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang
ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang
ginagawa.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na
kung ito ay nakaatang sa kaniya. Ito ay ginagawa niya nang maayos at kung minsan ay higit pa na
maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa.

24
Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon ang iyong kasipagan
sa iyong gawain. Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na makararamdam ka ng
hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na problema ngunit sa mga ganitong
pagkakataon ay hindi dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay karuwagan.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga
hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga
gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.

Ang pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang


tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kaniyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan
ng loob bagkus kinakailaangan na magpatuloy at maging matatag.

Pag-isipan mo ito: Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang
umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ibig sabihin lamang nito ay gaano man ang
iyong pagdaraanan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat darating ang
araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang
mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. Ang
pagtitipid ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng
iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.

Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid:
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskuwela.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan.
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa sa mall
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa.
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso.
7. Huwag nang bumili ng imported.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Punan ng salita ang bawat pangungusap ng naaayon dito. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.
Gumamit ng hiwalay na papel.

kasipagan pagpupunyagi
masipag pagtitipid
mithiin pera

_______1. Ang isang taong nagtataglay ng ________ ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang


trabaho.
25
_______2. Ang taong ________ ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang
sa kaniya.
_______3. Ang ________ ay mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang
isang tao.
_______4. Ang pagtitipid ay hindi paggasta ng________ nang walang saysay.
_______5. Ang pagpupunyagi ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang
________.

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung
ito ay iyong naipamalas at ekis (x) kung hindi. Gumamit ng hiwalay na papel.

Sitwasyon Naipamalas Hindi


Naipamalas
1. Tinitiyak na magiging maayos ang
kalalabasan ng gawain.

2. Malasakit sa gawain
3. Panipilit na tapusin ang gawain kahit na
nahihirapan.
4. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos
ang gawain.
5. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at
panahon sa gawain nang buong husay

C. Gawain 3:
Panuto: Maghanap ng isang manggagawa sa loob ng bahay na nagpapakita ng kasipagan,
pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok. Kapanayamin siya at ipakuwento ang
kaniyang mga naging karanasan sa kaniyang trabaho at paano siya naging matagumpay. Maaaring siya
ay iyong magulang, ate, kuya, at iba pa. May halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Nanay

Ang nanay ko po. Sa kabila ng nararanasan nating


pandemya, walang takot na sinusuong ang
panganib at tinitipid niya ang kaniyang suweldo
maibigay lang niya ang aming pangangailangan. At
sa kabila ng kanyang pagtitipid, siya ay nakaipon
ng sapat para sa hinaharap.

D. Gawain 4:
Panuto: Mag-isip at pumili ng kilalang personalidad na iniidolo nang karamihan dahil sa angking taglay
na kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok na kanilang tinatamasa sa
kasalukuyan. Magbigay lamang ng lima, isulat ang mga katangiang taglay kung bakit sa kasalukuyan
26
sila ay nananatiling matagumpay at matatag kahit sa panahon ng pandemya. May halimbawa para sa
iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Manny Pacquiao – sa kabila ng kahirapan ng buhay, hindi siya sumuko sa mga pagsubok
bagkus ginawa niya itong motibasyon para magsipag at magpunyagi sa napiling isport. At
sa kasalukuyan, napagtagumpayan niya ang lahat ng problema at isa na siya sa maituturing
na pinakamayaman sa Pilipinas.

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
_____1. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad ay
tinatawag na _______.
A. pagpupunyagi C. kasipagan
B. pagiimpok D. pagtitipid

_____2. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay ay
tinatawag na _______.
A. pagpupunyagi C. pagiimpok
B. pagtitipid D. kasipagan

_____3. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi
maging simple upang makapagbigay sa iba ay tinatawag na ________.
A. kasipagan C. pagiimpok
B. pagtitipid D. pagpupunyagi

_____4. Ang pagpupunyagi ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at ________.


A. pagmamahal C. pagkukusa
B. pagmamalasakit D. determinasyon

_____5. Ang kasipagan ay tumutulong sa _______upang mapaunlad niya ang kaniyang


pagkatao.
A. tao C. bansa
B. lugar D. simbahan

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Raymundo T. Lebris
Golden Acres National High School

27
Aralin Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
8

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at


may motibasyon sa paggawa. (EsP9KP-IIIe-12.2)

Pag
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang
kuwentoAlamin

I. Paksa
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok

II. Layunin
Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may
motibasyon sa paggawa. (EsP9KP-IIIe-12.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa mga gawaing dapat pag-ukulan ng panahon at oras para hindi
masayang ang lakas at isipan. Kinakailangan ng tamang motibasyon at matinding preparasyon sa sarili
para magawa ng tama ang isang gawain ng walang pag-aalinlangan. Nasasayang ang kasipagan at
pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya napapamahalaan nang wasto ang kaniyang mga
pinaghirapan.

IV. Pamamaraan
Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag save o makapag ipon ng salapi, na siyang
magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit kailangan na mag-impok ng pera? Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang
pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
Kung kaya’t dapat pahalagahan ang ating mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito
mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang
kitain ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawawala. Ayon sa isang
financial expert na si Francisco Colayco, may tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ng tao.

1.Proteksiyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad
na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho, o pagkabaldado. Kung sa hindi
inaaasahang pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong magagamit
na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula ito.

28
2.Hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay
na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon
ng maayos na pamumuhay. Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi ng ating kaganapan sa
buhay.
3.Pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag- impok para sa proteksiyon sa buhay at sa mga hangarin
sa buhay, mahalagang nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa
ang magtrabaho. Darating di sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at mahina
at hindi kakayanin pa na mag-inat ng buto.

Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon
at hindi opsiyonal. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating sarili ang pag-
iimpok. Kaya, simulan mo na hanggat maaga. Sapagkat ito ang makapagbibigay ng masaganang bukas.
Tingnan natin ang isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag silang nag-iipon ng pagkain kung kaya’t
sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi magugutom dahil matagal na nila itong
pinaghandaan. Tayo rin bilang tao ay dapat mag-ipon habang tayo ay malakas upang makamtan natin
ang magandang bukas.

Mangyayari lamang ito kung ang kasipagan at pagpupunyagi ay paiiralin at ang pagtitipid ay
pananatiliin. Kaya simulan mo na. Ngayon na!

Sa kabilang banda, may mga gawaing kailangang paghandaan ayon sa tamang pamantayan at
motibasyon ng paggawa upang magkaroon ng kaliwanagan at kasiguraduhan kung saan patutungo ang
isang gawain. Mas makabubuti kung may sariling layunin na sinusunod at para saan ang gagawing
bagay. Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa paggawa bilang reyalidad
ng buhay: isang bagay na hindi na matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng
panahon, matututuhan mo kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng
iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may
pananagutan (Esteban, S.J. 2009).

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung
ito ay iyong naipamalas at ekis (x) kung hindi. Gumamit ng hiwalay na papel.

Sitwasyon Naipamalas Hindi


Naipamalas
1. Ginagamit lamang ang cellphone sa importanteng
text at tawag.
2. Kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa ay
hindi tumitigil sa ginagawa.

3. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng


mamahaling pagkain sa kantina o sa labas ng paaralan.

29
4. Patuloy na sinusubukan na gawin ang gawain kahit
na maraming beses na nagkakamali.

5. Hindi na kailangan utusan pagdating sa gawain


sapagkat mayroong pagkukusa.

B. Gawain 2:
Panuto: Punan ng salita ang bawat pangungusap ng naaayon dito. May gabay na letra sa bawat blangko
upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Gumamit ng hiwalay na papel.

______1. Ang p_ _ _ ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na
sa hinaharap.

______2. Ayon kay Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang o _ _ _ _ _ _ _ _ _


at hindi opsiyonal.

______3. Ayon kay F_ _ _ _ _ _ _ _ Colayco, may tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok
ng tao.

______4. Sa pagdaan ng panahon, mahalagang kilalanin ang p _ _ _ _ _ _ bilang malaking bahagi ng


iyong pag-iral bilang tao.

______5. Ang hangarin sa buhay ang magiging m _ _ _ _ _ _ _ _ _ ng iba para magsumikap sa hinaharap.

C. Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng isang journal at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito ay
natutupad ng may pamantayan at tamang motibasyon. Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito
isasagawa. May halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Pagluluto
1. Maglaan ng sapat na oras bago isagawa ang pagluluto para hindi maapektuhan ang iba pang
gawain sa bahay.
2. Ihanda ang mga kakailanganing gamit sa pagluluto gaya ng kawali o kaserola, sandok at iba pa.
3. Ihanda ang pangunahing sangkap at mga sangkap sa pagluluto gaya ng asin, mantika at iba pa.
4. Hiwain ang mga sangkap ayon sa hugis at sukat nito
5. Simulan ang pagluluto ayon sa itinakdang oras para hindi masayang ang enerhiya sa katawan.
6. Pagkatapos magluto, hugasan ang mga ginamit na pinggan gaya ng platito, plato at iba pa.

30
D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain. May halimbawa para sa iyo. Gumamit
ng hiwalay na papel.

Pagtitiklop o paggawa ng hinigaan


Pagdarasal
Paghihilamos at pagsisipilyo
Pagkain ng agahan
Paghuhugas ng mga pinagkainan
Pagwawalis at paglalampaso
Pagpapakain ng aso at pusa
Pagluluto
Pagdidilig ng mga halaman
Paggawa ng mga gawain sa modular learning

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
_____1. Ang _______ ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na magagamit sa takdang
panahon.
A. pag-iimpok C. kasipagan
B. pagpupunyagi D. pagtitipid

_____2. Ayon sa Teorya ni _______, ang pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang
kaniyang seguridad sa hinaharap.
A. Colayco C. Lebris
B. Dy D. Maslow

_____3. Ang _______ ay pinaghahandaan upang may madudukot sa hinaharap.


A. hangarin sa buhay C. pag-iimpok
B. pagreretiro D. pagtitipid

_____4. Ang _______ ay ang paghahanda at mayroong magagamit na emergency fund at kung wala
mahihirapan ng makabangon.
A. pagreretiro C. pagpupunyagi
B. proteksiyon sa buhay D. pag-iimpok

_____5. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay_______ natin sa ating sarili ang mag- impok.
A. tungkulin C. obligasyon
B. alituntunin D. responsibilidad

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Raymundo T. Lebris
Golden Acres National High School
31
32
Pagtataya Gawain 2
1. A 1. p e r a Pagtataya Gawain 1
2. D 2. o b l i g a s y o n 1. C
3. B 3. F r a n c i s c o 2. A 1. kasipagan
4. B 4. p a g g a w a 3. B 2. masipag
5. C 5. m o t i b a s y o n 4. D 3. pagpupunyagi
5. A 4. pera
5. mithiin
Aralin 8 Aralin 7
Pagtataya Pagtataya Gawain 1
Gawain 1 1. B
1. A 1. Leonardo da Vinci 2. A 1. tiyaga
2. B 2. bagay-bagay 3. D 2. malikhain
3. D 3. Diyos 4. C 3. kasipagan
4. C 4. pagdududa 5. A 4. disiplina sa sarili
5. A 5. pandama 5. masigasig
Aralin 6 Aralin 5
Pagtataya Pagtataya Pagtataya
Pagtataya 1. A 1. Tama 1. M
1. D 2. A 2. Tama 2. T
2. A 3. B 3. Tama 3. T
3. C 4. A 4. Mali 4. T
4. A 5. A 5. Tama 5. M
5. A
Aralin 4 Aralin 3 Aralin 2 Aralin 1
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like