You are on page 1of 13

Page |1

Modyul 1: Heograp iya ng Asya


Name: Xhem Zeus O. Marapia
__________________________
Year and Section: _________________
Grade 7 A
Page |2
Mga Bahagi ng Modyul

3. PANGUNAHING
TANONG
Pokus ito ng pag-aaralan ng
kabuuan ng yunit; ang
1. SULYAP SA MODYUL pinakamahalagang tanong na
Mga Pamagat ito ng modyul dapat pag-isipan tungkol sa
na makakatulong sa pag- partikular na panahon at
unawa ng saklaw ng yunit temang pinag-aaralan.
2. MGA LAYUNIN
PARA SA MAG-
AARAL 4. MAHALAGANG
TANONG
Mga Pamagat ito ng Ito ang pokus ng pag-
modyul na aaralan sa modyul; ang buod
makakatulong sa o mahalagang tanong na
pag-unawa ng dapat pag-isipan tungkol sa
saklaw ng yunit partikular na modyul

5. SULYAP SA MGA
PAKSA
Magbibigay ito ng mga ideya B. PANIMULANG GAWAIN
sa mahalagang paksa na
nakapaloob sa modyul. Narito ang mga gawaing maghahanda sa iyo sa
mga bagong kaalaman at kasanayang
matututuhan mo sa modyul.

6. SUBUKIN NATIN
Bago ang pormal na
pagtalakay sa mga paksa,
7. ALAMIN mahalagang maiugnay ang
NATIN iyong mga dating nalalaman
Magagamit ito sa (prior knowledge) sa mga
pagsukat ng iyong bagong kaalaman na iyong
kaalaman, pag- matututuhan sa modyul.
unawa, at Gagawin ito sa mapanghamon
kakayahan bago, ngunit kawili-wiling
habang, at pamamaraan. Sisikapin
pagkatapos mong nitong mailagay sa
pag-aralan ang mga makahulugang konteksto
aralin sa modyul. ang mga bagong konsepto
Magagamit mo rin mula sa modyul at gawing
ito upang maisaad mas masigla ang pag-aaral ng
ang pagbabagong kasaysayan ng Asya.
naidulot ng mga
natutunan sa iyong
pananaw.
D. MGA PAGSASANAY TUNGO SA PAGKATUTO
C. PRESENTASYON NG Layunin ng mga gawaing ito na masubok at maipakita
NILALAMAN mo ang iyong mga natutuhan. Ang mga pagsasanay na
Taglay ng bahaging ito ang mga ito ay lalong magpapatibay ng iyong pag-unawa sa mga
paksang iyong pag-aaralan sa bawat kaalaman at kasanayang inaasahang natutuhan mo
modyul. Masusing isinaayos ang mula sa modyul. Ituturing itong formative assignment
presentasyon ng mga aralin upang na ang layunin ay tiyaking natatamo mo ang mga dapat
mas epektibo mong maunawaan matutuhan mula sa modyul. Inaasahang magbibigay
ang mga bagong kaalaman at ang resulta ng mga gawaing ito ng constructive feedback
kakayahan. tungkol sa progreso ng iyong pagkatuto.
Page |3
PAMBUNGAD NG YUNIT AT MODYUL

PANIMULA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t ibang
rehiyon na nagtataglay ng mga likas na yaman na bunsod ng pagkakaroon ng iba’t ibang
katangiang pisikal nito.
Kamangha-mangha ang mga lugar na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo,
lalo’t higit sa kontinente ng Asya. Halimbawa na lang ang El Nido at Coron ng Palawan na
nasa Pilipinas, na kamakailan lamang ay itinanghal bilang isa sa pinakamagandang pasyalan
sa buong mundo, Phuket ng Thailand, at marami pang iba. Nalaman mo na ba kung gaano
kalawak ang sakop na kalupaan, mga taglay nitong likas na yaman at kapal ng taong
naninirahan dito? Handa ka na bang malaman ang lahat ng ito? Halina at ating alamin kung
paanong ang ugnayan ng tao at ng kanyang kapaligiran ay siyang nagbigay daan sa paghubog at pag-
unlad ng Kabihasnang Asyano.
Sa yunit na ito ay iyong matutuklasan ang konsepto ng paghahating heograpiko ng
Asya. Handa ka na bang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka
na, tara na, tayo ng maglakbay sa ating kontinente at ating suriin ang mga katangi-tanging
bagay tungkol sa heograpiya at kultura ng mga taong naninirahan dito.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Kabanata 1: Ang Konsepto ng Asya


Kabanata 2: Pisikal na Katangian ng Asya
Kabanata 3: Ang mga Yamang Likas at Kabuhayan ng mga Asyano
Kabanata 4: Ang Yamang Tao ng Asya

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng
kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko
(AP7HAS-Ia-1.1)

Sulyap sa mga Paksa:

KABANATA 1: Ang Konsepto ng Asya

 Pinagmulan ng Terminong Asya


 Dalawang Pananaw sa Pag-aaral ng Asya
 Paghahating Rehiyon ng Asya
 Mga Bansang Bumubuo sa mga Rehiyon sa Asya

Pangunahing Tanong: Paano nakaaapekto ang kalagayang heograpikal at ang yamang tao ng Asya sa
pagkakaroon ng pagkakakilanlang Asyano?

Mahalagang Tanong: Paano mailalarawan ang Asya batay sa heograpikal na katangian nito?

*Hinango mula sa Asya, Sinauna at Makabagong Panahon by Jayson C. Batang (2015), Araling Asyano Tungo sa
Pagkakakilanlan by Romela M. Cruz, et. al. (2013), Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig by Celia D. Soriano, et.
al.(2017), Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020
Page |4

PANIMULANG GAWAIN
Subukin Natin:
Tukuyin ang pangalan ng mga kontinente ayon sa lokasyon nito sa mapa ng daigdig. Bil ang lamang ang
isulat sa bilog.

5 4 7

1
1 – AFRICA
6
2 – ANTARCTICA

3 – AUSTRALIA 3
4 – EUROPE

5 – NORTH
AMERICA

6 – SOUTH 2
AMERICA

7 - ASIA

PAMPROSESONG TANONG:

1. Batay sa mapa, saang direksyon matatagpuan ang Asya?


____________________________________________________________
Batay sa mapa,ang asya ay nasa hilagang silangan
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paano mailalarawan ang lawak ng Asya kung ihahambing sa iba pang kontinente?
____________________________________________________________
Mas malaki ang Asya kumpara sa ibang continente.Sa madaling sabi ito ang
____________________________________________________________
pinakamalaking continente sa buong mundo.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Bilang Asyano, bakit mahalagang pag-aralan ang katangiang pisikal ng Asya?


____________________________________________________________
Bilang asyano,mahalagang pag-aralan ang katangian pisikal ng asya dahil sa pamamagitan
____________________________________________________________
nito ay nagagamit natin ang kalikasan sa ati
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Page |5

ALAMIN NATIN

Kumpletuhin ang Initial Revised Final (IRF) chart. Sagutin ang “Panimulang Ideya” tungkol sa paksa.
Matapos basahin ang mga Aralin/Paksa, sagutin ang “Mga Nabago sa Aking Ideya.” Bilang pangwakas na
gawain sa modyul, sagutin ang “Nabuong Pangkalahatang Ideya.”

Kabanata 1: Ang Konsepto ng Asya

Marami silang nasakop na lupa.

Panimulang Ideya
(Initial)

Marami na sila nasakop na bansa na


nahati sa ibat ibang rehiyon.
Paano mailalarawan ang
Asya batay sa Mga Nabago sa Aking
heograpikal na katangian Ideya
nito? (Revised)

Napaligiran sila ng tubig kaya pangingisda


at pagsasaka ang kanilang kinabubuhay.
Nabuong Pangkalahatang
Ideya
(Final)

*Hinango mula sa Asya, Sinauna at Makabagong Panahon by Jayson C. Batang (2015), Araling Asyano Tungo sa
Pagkakakilanlan by Romela M. Cruz, et. al. (2013), Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig by Celia D. Soriano, et.
al.(2017), Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020
PRESENTASYON NG NILALAMAN Page |6

Mga Ang Heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang


Nilalaman ng interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Ito ay nagmula sa dalawang salitang Griyego
Yunit – ang geo (daigdig) at graphein (pagsusulat).
Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal,
Kabanata 1: bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat
Ang Konsepto pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook.
ng Asya
Mga Tema sa Pag-aaral ng Heograpiya
Kabanata 2:
Pisikal na Mga Tema Paliwanag Halimbawa
Katangian ng Tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong
Asya naninirahan sa isang pook. Hinuhubog ng mga anyong
lupa, anyong tubig, klima, at likas na yaman ang isang
bansa.
Kabanata 3:
Lugar Dalawang Pamamaraan sa Pagtukoy: Pilipinas
Ang mga 1. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa
Yamang Likas at tubig, at likas na yaman
at Kabuhayan 2. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika,
relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga
ng mga sistemang politikal
Asyano Ito ay ang paraan ng pagtukoy sa isang lugar. Natutukoy Pilipinas
ang lokasyon ng bawat bansa sa dalawang pamamaraan:
Kabanata 4: 1. lokasyong absolute o tiyak na kinalalagyan – Lokasyong
Ang Yamang batay sa digri latitude (distansyang angular na absolute:
Tao ng Asya natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude 23⁰ - 21.25⁰
(mga distansyang angular na natutukoy sa silangan hilagang latitud at
at kanluran ng Prime Meridian). Ang pagkukrus ng ng 11⁰ – 127⁰ sa
dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong silangang
kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig longhitud
Relatibong
2. Relatibong Kinalalagyan – pagtukoy sa mga lugar Kinalalagyan:
na nakapaligid dito Nasa gawing
Lokasyon
 lokasyong bisinal – batay sa mga kalapit o silangan ng bansa
kapitbahay na bansa at mga pangunahing anyong ang Pacific Ocean;
lupa na nagsisilbing hangganan ng bawat lugar at sa dakong
 lokasyong insular – batay sa nakapaligid na kanluran ay ang
anyong tubig na nagsisilbing hangganan ng isang West Philippine
lugar. Sea at South China
Sea. Sa dakong
hilaga ng bansa ay
ang Bashi Chanel
at sa timog na
bahagi ay ang Sulu
Sea at Celebes Sea
Ito ay binubuo ng mga lugar na may magkakatulad na Great Plains ng
katangian. Ilan sa salik sa pagbuo ng rehiyon ay ang United States
klima, mga anyong lupa at anyong tubig, at ilang Central at South
Rehiyon
katangiang pangkultura tulad ng wika at relihiyon. America
Fertile Crescent
Gitnang Silangan
Sa karanasan sa kasaysayan, ang tao ay nagbabago at
Interaksiyon binabago ng kapaligiran kaya’t kinakailangan ng tao ang
ng Tao at kalikasan upang mabuhay. Maaaring iayon niya ang
Kapaligiran kanyang pamumuhay batay sa kanyang kalikasan o kaya
ay baguhin ito batay sa kanyang pangangailangan.
Tumutukoy ito sa pagkilos ng tao, produkto, o kaisipan
mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Ang tao ay
nagpalipat-lipat ng lugar sa paghahanap ng ikabubuhay
simula pa noong sinaunang panahon. Sa tulong ng
kalakalan, naikalat ang bagong kaisipan at lumago ang
Paggalaw ng
mga kultura ng tao.
Tao
May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar :
1. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
2. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
3. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?
Page |7

Kabanata
1
Ang Konsepto ng Asya

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa


pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng
Balangkas ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude
Kabanata (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga
 Pinagmulan distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito.
ng Terminong Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na
Asya hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Ang
 Dalawang nasasakop ng Asya ay mula sa 10˚ Timog hanggang 90˚ Hilagang latitude at mula sa
Pananaw sa 11˚ hanggang 175˚ Silangang longhitude.
Pag-aaral ng
Asya Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang kontinente sa daigdig. Sa
 Paghahating kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado, halos
Rehiyon ng katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at
Asya Australia, at halos sangkapat (1/4) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong
 Mga Bansang (1/3) bahagi ng lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
Bumubuo sa
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog
mga Rehiyon
Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
sa Asya
sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na
aspeto.

Layunin:
Ang mga mag-
ARALIN 1: PINAGMULAN NG TERMINONG ASYA
aaral ay:
Iba – iba ang mga pagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng terminong Asia. Ito ay
1. Naipaliliwan konsepto ng mga Griyego. Pinaniniwalaang ito ay hango sa pangalan ng diyosa ng
ag ang
konsepto ng Griyego na si Asie. Binanggit din ito ng Giyegong mananalaysay at “Ama ng Heograpiya
Heograpiya; at Kasaysayan” na si Herodotus sa kanyang Histories.
2. Naitatala ang Binanggit din ni Homer - ang pinakauna at pinakadakilang manunulat na
mga saklaw Griyego – sa kaniyang epikong tula na Iliad and Odyssey ang terminong Asia Minor
ng pag-aaral (Turkey ngayon) bilang isang maliit na lupain sa silangan na nakakasasagabal sa
ng pasilangang paglalayag ng mga mandaragat na Aegean (Griyego). May mga lupain ding
Heograpiya; tinawag ang mga Romano na Asia Major (bahagi ng Iraq ngayon) na nangangahulugan
3. Naipapaliwan namang “isang malaking lupain sa silangan.”
ag ang
Ayon pa rin sa mga Griyego, ang terminong Asia ay hango sa salitang Phoenician
konsepto ng
Asya tungo sa na asu na nangangahulugang silangan at ito rin ay nangangahulugang “sumisibol” sa
paghahating- wikang Akadian.
heograpiko: Batay sa literaturang nabanggit, nangangahulugan ang terminong Asia na
Silangang silangan. Kung ang pagbabatayan naman ay ang araw, nangangahulugan itong “lupain
Asya, Timog- kung saan ang araw ay sumisikat.”
Silangang
Asya, Timog
Asya,
Kanlurang
Asya, Hilagang
Asya at
Hilaga/
Gitnang Asya.
4. Naiisa-isa
ang mga
bansang
kabilang sa
bawat
rehiyon sa
Asya

*Hinango mula sa Asya, Sinauna at Makabagong Panahon by Jayson C. Batang (2015), Araling Asyano Tungo sa
Pagkakakilanlan by Romela M. Cruz, et. al. (2013), Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig by Celia D. Soriano, et.
al.(2017), Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020
Page |8

ARALIN 2:
DALAWANG PANANAW SA PAG-AARAL NG ASYA

May dalawang pananaw sa pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan ng Asya – ang Eurosentriko at


ang Asyasentriko.

Eurosentriko (Eurocentric) pananaw – tumutukoy sa konsepto ng mga Europeo o mga Kanluranin


- Batay sa pananaw na ito, mas maulad at mas mataas ang antas ng kultura ng mga Europeo
kumpara sa mga Asyano. Pinaniniwalaan nilang “superior” ang kanilang kultura at mababa o
“inferior” naman ang mga Asyano.
- Naniniwala na ang mga Asyano ay tagatanggap lamang ng mayamang sibilisasyon ng Kaunlaran at
ano mang pag-unlad sa kulturang Asyano ay bunga lamang ng impluwensiya ng mga Kanluranin.

Asyasentrikong (Asiacentric) pananaw


- Ayon sa pananaw na ito, may mga mayaman at maunlad nang kultura ang mga Asyano bago pa man
dumating ang mga Kanluranin sa Asya. Nangangahulugan itong namumuhay na ang mga
sinaunang Asyano sa mga sibilisadong lipunan bago pa man makarating sa Asya ang impluwensiya
ng Kanluranin. Pinatutunayan ito ng mga pinakaunang kabihasnang sumibol sa lambak ng Indussa
India, Huang Ho sa China, Tigris at Euphrates sa Mesopotami, at iba pang mga sinaunang lungsod-
estado.

ARALIN 3: PAGHAHATING REHIYON NG ASYA

Tradisyonal na hinati-hati ng mga Europeo ang Asya batay sa kanilang point of reference (lokasyon,
layo, at lapit sa Asya). Tinatawag nilang Near East o Malapit na Silangan ang ilang lupain sa Kanluran at
Hilagang Asya dahil sa lapit ng mga ito sa Europa. Tinatawag ding Middle East o Gitnang Silangan ang
Kanlurang Asya sapagkat ginigitnaan nito ang tatlong kontinente – ang Asya, Europa, at Aprika. Far East
o Malayong Silangan naman ang tawag sa mga lupaing nasa Silangan at Timog-silangang Asya dahil sa layo
ng mga ito sa Europa.
Sa makabago at maka-Asyanong pananaw, dahil sa lawak na 30% ng kabuuang sukat ng daigdig,
hinati-hati ng mga heograpo ang Asya sa
limang rehiyon: Silangang Asya, Timog-
silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya,
at Hilagang Asya. Ibinatay ito sa pisikal,
kultural, historikal, at racial na katangian ng
mga lugar at ng mga mamamayan nito.
Lokasyon o kinaroroonan ang unang
salik ng paghahati. Pinagsama-sama sa iisang
rehiyon ang mga bansang magkakalapit sa
silangan, kanluran, hilaga, at katimugang
bahagi ng kontinente.
Salik din ang klima o ang
magkakatulad na lagay ng panahon ng mga
bansa sa loob ng mahabang panahon. Ang
topograpiya (naglalarawan sa mga pag-aaral
sa ibabaw ng lupa) ay naging salik din sa
paghahati. Nasa iisang rehiyon ang mga
bansang may halos magkakatulad at magkakarugtong na anyong lupa at anyong tubig.
Pinagsama-sama rin ang mga bansang may pagkakatulad o pagkakapareho sa kultura o sistema ng
pamumuhay sa lipunan tulad ng wika, politika at pamahalaan, relihiyon at paniniwala, tradisyon at
kaugalian, ekonomiya at edukasyon.
Nasa iisang rehiyon din ang mga bansang may magkakatulad, magkakabahagi, at magkakaugnay na
kasaysayan. Pinagsama-sama rin sa iisang rehiyon ang mga mamamayang may magkakatulad at
magkakaparehong pinagmulang lahi o etnisidad.

*Hinango mula sa Asya, Sinauna at Makabagong Panahon by Jayson C. Batang (2015), Araling Asyano Tungo sa
Pagkakakilanlan by Romela M. Cruz, et. al. (2013), Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig by Celia D. Soriano, et.
al.(2017), Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020
* retrieve from https://www.google.com/Asia Interactive Map for Kids from Mr. Nussbaum
Page |9

ARALIN 4: MGA BANSANG BUMUBUO SA MGA REHIYON SA ASYA

Batay sa mga salik na binanggit ukol sa paghahating rehiyon ng Asya, narito ang mga
bansang bumubuo sa limang rehiyong heograpikal ng Asya.
Ang Timog Asya ay bunubuo ng mga bansang India, Pakistan, Sri Lanka, Maldives,
Bhutan, Bangladesh, at Nepal.
Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, Afghanistan, United Arab
Emirates, Qatar, Oman, Jordan, Yemen, Syria, Iran, Iraq, Cyprus, Israel, Lebanon, Bahrain,
Kuwait, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at bahaging Asya ng Turkey.
Ang mga bansang bumubuo sa Silangang Asya ay ang China, Mongolia, Japan, South
Korea, North Korea, at Taiwan.
Binubuo naman ng mga bansang Philippines, Malaysia, Indonesia, East Timor, Brunei
Darussalam, Singapore, Thailand, Cambodia, Laos, Vietnam, at Myanmar ang rehiyong Timog-
silangang Asya.
Nasa Hilagang Asya naman ang mga bansang Uzbekistan, Kyrgyztan, Tajikistan,
Turkmenistan, Kazakhstan, at ang rehiyong Siberia na bahaging Asya ng Russia.

Mapa ng Asya
retrieved from: https://www.google.com/mapofasia

*Hinango mula sa Asya, Sinauna at Makabagong Panahon by Jayson C. Batang (2015), Araling Asyano Tungo
sa Pagkakakilanlan by Romela M. Cruz, et. al. (2013), Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig by Celia D. Soriano,
et. al.(2017), Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020
P a g e | 10

MGA PAGSASANAY TUNGO SA PAGKATUTO

Gawain 1:
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon tungkol
sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas. Lugar


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng
West Philippine Sea. Lokasyon
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang
bansa. Interaksiyon ng tao at kapaligiran
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho. Paggalaw
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. Rehiyon
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang
patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa
kalungsuran. paggalaw
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magagandang pasyalan. paggalaw
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. lugar
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. lokasyon
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico. lugar

Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang-pansin Suriin ang


kalagayang heograpikal ng napiling bansa sa tulong ng mga kongkretong halimbawang naaayon sa
limang tema ng heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

Lokasyon

Rehiyon
Lugar
Bansa

Paggalaw Interaksyon
ng Tao at
ng Tao Kapaligiran

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa?
2. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?

1.Makakaugnay ang limang tema ng heograpiya upang tayo ay makakagalaw


P a g e | 11

GAWAIN 2:

Pagbuo ng Talata: Buuin ang kaisipang naglalarawan tungkol sa konsepto ng Asya. Ibatay ang
iyong mga sagot sa mga naging pagtatalakay sa kabanata.

Ang Konsepto ng Asya

Maraming pagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng terminong Asia. Karamihan sa mga ito


ay nagmula sa konsepto ng mga Europeo lalong-lalo na ng mga ___________
Griyego . Batay sa mga
ito, nangangahulugan ang Asia na lupain sa ___________
Silangan kung saan ang araw ay
___________.
Sumisikat
May dalawang pananaw sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng Asya – ang
____________
Eurosentriko at _____________.
Asyasentriko Tumutukoy ang ___________
Eurosentric pananaw sa konsepto
ng mga Kanluranin tungkol sa Asya. Ayon sa pananaw na ito, itinuturing ng mga Europeo ang
superior
kanilang kultura na ___________ kaysa sa kulturang Asyano at ano mang pag-unlad sa
kulturang Asyano ay bunga lamang ng impluwensiyang ______________.
kanluranin
Samantala, itinataguyod naman ng mga Asyano ang _____________
Asyasentric pananawsa pag-
aaral ng Asya. Ayon sa pananaw na ito, may mataas at mayamang antas na ng sibilisasyon ang
mga _________
Asyano bago pa man dumating ang mga Europeo sa Asya.
Tradisyunal na hinati-hati ng mga Europeo ang Asya batay sa kanilang point of reference.
Dahil sa lapit ng ilang mga lupain sa Kanluran at Hilagang Asya sa Europa, tinawag ito ng mga
Europeo na ___________.
near east Dahil sa karamihan sa mga lupain ng Kanlurang Asya ay nasa gitna
ng tatlong pangunahing kontinente ng Asya, Europa, at Aprika, tinawag itong _____________
middle east
ng mga Europeo. Dahil naman sa layo ng mga lupaing nasa Silangan at Timog-silangang Asya sa
Europa, tinawag ang mga ito na ____________.
far east
Sa makabago at maka-Asyanong pananaw, karaniwang hinahati ng mga heograpo ang
timog silangang asya
Asya sa limang rehiyon; ang Silangang Asya, ____________, Timog Asya, kanluran
____________,
asya at
Hilagang Asya batay sa pisikal, kultural
___________, historikal, at ___________
racist na katangian ng
mga lugar at ng mga mamamayan nito.

GAWAIN 3:

Cognitive Mapping: Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Eurosentriko at


Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng kultura, kasaysayan, at heograpiya ng Asya batay sa
kaisipang itinataguyod at paraan ng paghahating rehiyon sa Asya.

ASYASENTRIKO EUROSENTRIKO
Mahalaga sa kanila ang litera
Mahalagang sining ng musika tura at pilosopiyo.
at lutuin. PAGKAKATULAD
Sila ay may parehong
christianismo.
Mahilig sila sa spices.
Magkapareho sila
magdamit
P a g e | 12

GAWAIN 4:

Map Coloring: Tukuyin sa mapa ang mga lupain sakop ng Limang Rehiyon ng Asya batay sa
makabagong paghahating rehiyon ng Asya. Kulayan ng dilaw ang mga bansang bumubuo sa
Timog Asya, pula sa Kanlurang Asya, asul sa Silangang Asya, berde sa Timog-silangang Asya, at
kahel (orange) sa Hilagang Asya.

Answer at the bottom :) Thank you po

*Sanggunian:
Batang, Jayson C. (2015) Asya - Sinauna at Makabagong Panahon, JO-ES Publishing House, Inc. , Dalandanan, Valenzuela City
Cruz, Romela M. et al., (2013), Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan , Vibal Publishing House, Inc., Araneta Avenue,
Quezon City.
Soriano , Celia D. et al., (2017), Kayamanan -Kasaysayan ng Daigdig, Rex Bookstore, Inc, Sta. Mesa Heights, Quezon City
Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode, Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang
Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020

Images:
retrieved from: https://www.google.com/mapofasia
https://www.google.com/Asia Interactive Map for Kids from Mr. Nussbaum

You might also like