You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 3
PAGSULAT NG ABSTRAK
Pagsasanay 1
1. Subukin ang Natutuhan
1. Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat abstrak?
- Mahalagang basahin muli ang buong papel sapagkat sa pamamagitan nito ay maliinawan ang
manunulat sa mga nilalaman ng teksto o artikulo. Mabibigyan ng pagkakataon ang manunulat upang
maiwasto ang kaninang organisasyon ng mga nilalaman ng isang teksto upang ito ang mainam niyang
magawan ng isang abstrak.
2. Pano ilalahad sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa papel?
- Mayroong dalawang pangunahing paraan ng paglalahad ng impormasyon o uri ng abstrak; ang
impormatibo at deskriptibo. Sa isang impormatibo na abstrak ay binibigyang pansin ang mga
mahahalagang mga ideya at proseso, at binubuod nito ang kailigiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta
at ang konklusyon ng isang teksto. Samantala, ang isang deskriptibong abstrack ay pinagtutuonan ng
pansin ang pangunahing ideya ng papel kasama ng kaligiran, layunin, at tuon nito.
3. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak?
- Upang maiwasto at maayos ng manunulat ang organisasyon ng mga laman ng kaniyang isinulat
na abstrak.
4. Bakit kailangang gumamit ng mga simpleng salita at pangugusap sa abstrak?
- Upang maintindihan ito ng kahit na sinong mambabasa at para maiwasan ang pagiging
masyadong teknikal ng abstrak sa punto na halos wala nang maintindihan o wala nang maintindihan na
pangugusap.
Pagsasanay 3
1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?
- Ang pag-aaral ang patungkol sa rebisyon ng tatlong species ng reptile na nabibilang sa genus na brachymeles.
2. Anong uri ito ng abstrak?
- Ito ay isang Impormatibong abstrak.
3. Ano-anong mga bahagi ang makikita mo rito?
- Ang nabsang abstrak ay mayroong ,kaligiran, pokus, at kinalabasan at konkulsyon.
4. Ano-ano ang mga kalakaan at kahinaann ng abstrak na ito?
- Batay sa aking pagsusuri ng abstrak, aking masasabi na mahusay nitong nagawa ang pagbibigay ng mga
kaalaman o impormasyon tungkol sa mga species ng reptile na pinag-aaralan. Maayos at mahusay ang
organisasyon ng inilahad ideya at impormasyon, at dahil duon ay madaling maunawaan ang nilalaman ng abstrak.
Ang aking masasabing kahinaan ng abstrak ay ang kakulangan nito ng mga komprehensibong mga impormasyon
tungkol sa kaligiran at sa hayop na pinag-aaralan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 4
SINOPSIS O BUOD
Pagsasanay
A.
1. Ano-ano ang layunin ng pagbubuod o synopsis?
- Layunin nitong ilahad ang mga nilalaman ng isang teksto sa pinaikling anyo nito.
2. Bakit kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa iyong pagbubuod?
- Sapagkat sa pamamagitan nito, ating pinapakilala sa mambabasa ang may akda ng isang tekstong nabuod,
nabibigyan ng kredito ang may akda at malalaman ng mambabasa kung saan at kanino galling ang teksto.
3. Batay sa paksa, masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa mga pamamaraan sa paggawa ng
synopsis o buod?
- Oo, sapagkat mahalang maunawaan ng mambabasa ang nilalaman ng isang teksto sa nagawang buod. Hindi ito
magagawa kung hindi nasunod ng maayos ang mga pamamaraan sa paggawa ng isang synopsis o buod.
4. Bakit kailangangbasahin o panoorin ang buong seleksiyon, adka o pelikula bago ka sumulat ng buod?
- Sapagkat sa pamamagitan nito, ating mababatid ang mga mahahalagang mga impormasyon sa isang akda o
teksto o ang mga mahahalagang mga pangyayari o tagpusan sa isang akda o pelikula. At sa pamamagitan nito,
ating malalaman kung ano ang dapat na maging laman ng gagawin na buod o synopsis.

B,
STORY MAP

Pamagat: Jake

Simula: Nagsimula ang kwento sa pagkagising ni jake at nakitang walang laman ang kwarto at ang lugar kung saan
karaniwang nakaupo si max, siya ay nagpabugtong hininga sabay pinikit ang mata at sinubukang matulog muli.
|Tagpuan: Sala ng kanilang tahanan
Mga tauhan: Jake, Max and Martha
Problema/Banghay: Tao laban sa sarili
- Bagamat isang aso (Jake) ang isa sa mga pangunahing tauhan ng kento, siya naman ay binibigyan ng
katauhang paguugali. Si Jake at si Martha ay nagdadalamhati sa kawalan ng isang miyembro ng kanilang pamilya, at makikita
sa kwento na sila ay balisa at hindi alam kung paano nila ito makakayanan.
Kasukdulan: Habang nagaalala si jake, nagsimula siyang magkaroon ng mga halo-halong damdamin. At dahil hindi siya
makatulog, nilingon niya ang bakanteng silid hanggang sa makita niya ang tali na naghihintay pa rin sa susunod na kaniyang
paglabas. Nang makita niya ang tali, napagtanto niya kung gaano siya nagdadalamhati at naramdaman ang hirap na bumangon
sa bigat sa loob.

Kinalabasan/solusyon: Pumasok si Martha sa kwarto kung nasaan si jake at sinabi nito sa kanya na ganoon din ang
nararamdaman niya sa pagkawala nila. At unti-unti nilang naunawaan ang damdamin ng isa’t isa tungkol sa kanilang kawalan.
Resolusyon: Natapos ang kuwento nang si Martha ay lumakad kay Jake at lumuhod sa tabi nito, at nang magkita ang kanilang
mga mata, talagang naunawaan nila ang kanilang nararamdaman.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 4
SINOPSIS O BUOD
Pagsasanay
C.

Sinopsis
Kahulugan Ito ay isang uri ng lagom na kadalasang ginagamit sa mga
tekstong naratibo tulad ng mga kwento, ngunit ito rin ay
may akademik na mga implikasyon.
Kalikasan Ang isang sinopsis ay higit na mas maikli sa orihinal na
akda at binubuo ng mga payak na mga salita.
Katangian Ang isang sinopsis ay maikli lamang o binubuo ng
mahigit kumulang na ilang daan na salita. At ito ay
impormatibo o nasasakop nito ang mga mahahalagang
detalye ng isang akda ng hindi gumagamit ng maraming
salita upang maipaliwanag.
Layunin Ang isang sinopsis ay naglalayong ipaunawa ang isang
akda sa mambabasa sa pamamagitan ng pagbubuod o pag-
gawa ng isang pinaikling bersyon nito na ang laman
lamang ay ang mga mahahalagang impormasyon o
tagpuan sa isang kwento.
Anyo (porma)

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 5
PAGSUSULAT NG BIONOTE
Pagsasanay
A. Subukin at Natutuhan
1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?
- Mahalaga ang pagsulat ng bionote sapagkat isa itong paraan sa pagpapakilala ng may akda sa mambabasa ng
kaniyang naisulat na teksto. At sa pamamagitan ng pagpapakilala ay magkakaroon ng ideya ang mambabasa kung
ano ang mga karanasan, kwalipikasyon at kredibilidad ng may akda, at kung magiging kapaki-pakinabang nga ba
ang kaniyang akda sa mambabasa.
2. Bakit itinuturing na marketing tool ang bionote? Magbigay ng ilang halimbawa.
- Maaaring ituring na marketing tool ang isang bionote sapagkat pwede itong gamitin upang i-edorso ang sarili
para sa isang trabaho o upang mabigyan ng kredibilidad ang mga binitawang mga salita. Isang halimbawa nito ay
kapag nag aapply sa trabaho at sa pangangandiato sa eleksyon, ang bionote ng aplikante ang maituturing na isang
advertisement material na nagpapakita kung bakit sya ay dapat na piliin para sa posisyon sa inaaplayan dahil sa
kaniyang mga nakamit at mga karanasan sa larangan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 5
PAGSUSULAT NG BIONOTE
Pagsasanay
C.
Si Dan Jezer G. Mangonon ay isang ika-labing dalawang baitang (sinyor haiskul) na estudyante sa Manaoag National
High School, at kasalukuyang nasa STEM strand ng Akademik track ng paaralan. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa
Colegio de San Juan de Letran Manaoag, at ng diyunyor haiskul sa Manaoag National High School bilang isang kasapi sa
Special Science Class na programa ng eskwelahan. Isang mag-aaral na tulad ng kaniyang mga kaklase sa programang
pinasukan ay bihasa sa mga gawain, paguugali at mga kaalaman na nakatuon sa agham, matematika, at iba pang mga
tiyoretikal na kaalaman. Bukod dito, siya ay mahilig makipaligsahan sa kahit na ano mang larangan na nasakaniyang
interes, akademik man o hindi. At dahil dito, siya nagantimpalaan ng pangapat na gantimpala sa 6 th National Seminar-
Workshop on Manipulative Laboratory Skills Focused on Experimental and Descriptive Researches sa larangan ng
Manipulative Laboratory Skills in Limnology, at iba pang mga gantimpala sa mga paligsahan na naganap sa kaniyang
eskwelahan sa elementarya at haiskul.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
KWARTER 3 MODYUL 6
PAGSULAT NG TALUMPATI
Pagsasanay 3
Tagapangalaga o Taga-sira
2. Mag isip ng konteksto ng talumpati: okasyon, tema, layunin, manonood, at tagpuan
Okasyon: Forum tungkol sa mga problema at hamon na kinakaharap ng mga modernong tao sa mordernong panahon.
Tema: Pagkasira ng kalikasan
Layunin: Magpabatid at manghikayat tungkol sa pagkasira ng ating kalikasan.
Manonood: Estudyante, Mga guro, at kung sino mang gusting making sa paksa at tema ng forum.
Tagpuan: Auditorium
3. Gumawa ng plano kung paano tatalakayin ang tema ng talumpati at kung paano mananaliksik at magtipon ng
material.
Pagtalakay sa tema ng talumpati:
I. Introduksyon:
a.) Pagbati sa madla.
b.) Pagbibiro at pagbibigay ng mga sarkastikong mga pahayag tungkol sa mainit na klima ng Pilipinas.
c.) Pagbitaw ng mga kataga at panretorikang mga tanong patungkol sa paksa at tema.
II. Katawan
a.) Pagpapakita ng mga larawan ng mga magagandang tanawin ng kalikasan sa Pilipinas na aking napuntahan noon.
b.) Pagbabahagi ng mga karanasan, kung saan kinuha ang litrato, kung ano ito, at kung ano ang naramdaman at unang
pumasok sa isipan noong nakita ito.
c.) Pagpapakita ng mga larawan ng mga pinakitang tanawin sa kasalukuyan at tumigil sa pagsasalita ng bahagya.
d.) Magbitaw ng mga kasabihan at ng personal na nararamdaman na magbibigay-diin sa aking nararamdaman at ng madla
e.) Pormal na simulan ang pagtalakay sa tema ng talumpati gamit ang pinakitang mga larawan.
f.) Pagbibigay ng mga solusyon na maaaring gawin ng kahit sinuman, at ng mga aksyon na ginagawa ng gobyerno at ng
mga pribadong mga organisasyon.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 6
PAGSULAT NG TALUMPATI
Pagsasanay 3
Tagapangalaga o Taga-sira
3. Gumawa ng plano kung paano tatalakayin ang tema ng talumpati at kung paano mananaliksik at magtipon ng
material.
Pagtalakay sa tema ng talumpati: III. Konklusyon
a.) Pagbibigay ng mga salitang nagpapatibay ng loob sa madla.
b.) Pagbibitaw ng mga funny quotes tungkol sa tema at tumigil ng bahagya upang kumalma ang madla
c.) Pagbibitaw ng isang quote galing sa isang libro na may saysay sa tema ng talumpati.
d.) Pagpapasalamat sa madla sa pakikinig at sa paanyaya.
Paano mananaliksik ng mga material.
- Kailangan munang mabatid kung ano ang magiging pokus ng talumpati. Kung batid na ng husto ang pokus at ang sakop
ng tema na matatalakay ng talumpati ay nararapat lamang na tumingin ng mga impormasyon tungkol dito na galing sa
mga mapagkakatiwalaan na mga sources ng impormasyon sa larangan. Bukod dito, mainam din na kumuha ng mga
opinion ng mga experto sa asignatura kung ano dapat ang mga talakayin ang kung ano sa mga ito ang dapat bigyang
pansin ang diin sa talumpati.
4. Bumuo ng balangkas ng susulating talumpati na may dalawa hanggang tatlong lebel.
Tesis ng pangungusap: Bakit at paano natin sinisira ang kalikasan, at ang kaledad ng ating buhay dahil dito.
A. Pananaw ng nagtatalumpati: Madaming nang nasabi, kakaunti ang nagawa
a.) Sa aking pananaw at bilang isang estudyante at isang mamamayan ng Pilipinas, mulat tayong lahat sa mga
suliranin na ating kinakaharap dahil sa pagkasira ng kalikasan ngunit bakit hindi tayo kumikilos bilang isang indibidwal
ukol dito?
b.) Ang kailangan ng mga Pilipino ay hindi lamang ang kaalaman, alam na natin na masama ito ngunit ginagawa
parin. Kailangan natin ang makiramdam at makialam sa nangyayari sa ating kalikasan.
B. Alam na ng masa na madumi ang ating hangin, ngunit alam ba ng madla kung gaano ito nakakaapekto sa
buhay ng tao?
a.) Ayon sa pag aaral na isinagawa ng WHO noong 2018, mayroong 45.3 na namamatay kada 100,000 na katao sa
Pilipinas (mula sa: www.iamat.org).
b.) Ang mga maliliit na particles sa ere o tinatawag na “particulate matter” ay ang pangunahing nag aambag sa
karamdaman at mga problemang medikal na dulot ng maduming hangin tulad ng problema sa paghinga, mga chronic
diseases, pagtaas ng hopitalizationm, at premature mortality (mula sa: www.iamat.org).
C. Nakakasira ang kasalukuyang sistema ng ating agrikultura sa kalikasan.
a.) Ayon sa Climatelinks.org (2016), ang Pilipinas ay naglabas ng humigit-kumulang 157.6 million metric tons ng
carbon dioxide equivalent (MtCO2e), na may kabuuang 0.33 percent ng global GHG emissions, kung saan ang sektor ng
agrikultura ay nag-aambag sa humigit-kumulang 33% ng mga emisyon.
b.) Ang hindi maayos na pagpapastol at pagbubungkal ng lupa ay nag reresulta pagbilis sa proseso ng soil erosion
at dahil dito, maaaring bumaba ang kalidad ng lupa na siya namang mag dudulot sa pagbaba ng bilang ng mga aanihing
mga pananim ng mga magsasaka.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 7
KATITIKAN NG PULONG
Pagsasanay
B. Salok-Dunong: Ipaliwanag ang bawat hakbang sa pagbuo ng katitikan ng pulong upang mas epektibo ityong
maisagawa.
1. Paunang pagplaplano
- Kinakailangan ito upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong at ng pagtatala ng katitikan ng wala o
kaunting lamang na aberya. Kailangan bigyan ng pansin ang lahat ng mga detalye sa magaganap na pagpupulong
tulad ng usapin, haba ng pagpupulong, schedule o oras, lugar, at ang mga inaasahang magiging pryoridad,
mosyon at mga dadalo.
2. Pagrerecord ng mga napag-usapan
- Dito rin ay kinakailangan na mabatid o malaman ang mga impormasyon na kailangang maitala upang
hindi na maisama ang mga datos o imprmasyon na walang koneksyon at mababang halaga sa pagpupulong. Sa
pagrerekord ng katitikan, kinakailangang kasama ang mga: iskedyul ng pagpupulong at ng susunod na
pagpupulong, mga sangkot sa pagpupulong (nakadalo o hindi, mga nahuli at naunang umalis), mga pagwawasto,
napagpasyahan, hakbang na naisagawa at mga usapin (nakaraan at bago).
3. Pagsusulat ng mga napagusapan o transkripsyon
- Mabuting maisulat kaagad ang transkripsyon ng katitikan pagkatapos ng pagpupulong upang sariwa pa ito
sa isipan ng magtatala. Sa pagsusulat nito ay kinakailangan na magingobhetibo at tiyak sa mga itatala na
mahahalagang impormasyon tulad ng mga pagpapasiya, mosyon, mga dapat isagawa, at ng mga panauhan ng mga
ito. Isulat lamang ang mga napag-usapan ang hindi ang mga personal na mga obserbasyon.
4. Pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong
- Bago ito ipamahagi ay kinakailangan itong lagdaan at mabatid ng tagapamuno. Maraming paraan ng
pamamahagi nito halimbawa ay ang hard copy o pisikal na kopya, mga e-copy/soft copy na nakatala sa mga
software na maaring buksan sa kompyuter at shared copies na gamit ang mga cloud-based tools.
5. Pag iingat ng sipi o pagtatabi
- Sa madaling sabi, kinakailangan mag tabi ng kopya ng katitikan ang nagtala na kadalasan ay ang kalihim
upang gawin itong reperensiya para sa mga susunod na mga pulong. Sa pagtatago nito ay maaaring makabuti ito
sa samahan o organisasyon upang mabalikan nila at makita ang kasaysayan at kung gaano sila umunlad sa mga
nagdaan na panahon.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Dan Jezer G. Mangonon Baitang/Seksyon: 12 – STEM MENDELEEV


Guro sa Asignatura: Gng. Wilma Tropia

FILIPINO SA PILING LARANGAN


KWARTER 3 MODYUL 8
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Pagsasanay C.
1st Sem
Natural lang sa isang anak o sa kahit na sinuman ang pakiramdam ng lumbay ‘pag nawalay sakaniyang mga
mahal sa buhay. Sa aking palagay, ito ang pangunahing dahilan kung bakit karamihan ng mga tao ay ayaw na sumubok na
lumabas sakanilang mga “comfort zone” sapagkat sila ay napu-puspos sakanilang kapaligiran dahil nga hindi ito ang
kanilang kinagisnan. Alam ko ang pakiramdam nito, noong akoy lumipat mula sa isang pribadong eskwelahan papunta sa
isang pampublikong paaralan ay agad akong nalula sapagkat hindi ito ang aking nakasanayan. Tulad ng pangunahing
tauhan sa pelikulang 1st Sem na si Maru.
Si Maru Marasigan, labing-anim na taong gulang na isang incoming freshman sa isang unibersidad sa
kamaynilaan. Tubong probinsya, siya ay lumuwas papunta sa kaniyang unibersidad na papasukan kasama ang kaniyang
ina at mga kamag-anak. Nang nanduon na sila ay nalungkot si Maru nang mnakitang umiiyak ang kaniyang ina.
Kinagabihan, sa dorm na kaniyang tutulugan ay nakitang niyang malungkot din ang kaniyang kasama dahil sa pagkawalay
sa kaniyang pamilya sa probinsya, lalo nitong pinatindi ang kalungkutan ni Maru at agad-agad siyang umuwi sakanilang
bahay. Dismayado ang kaniyang ina nang malaman niya ito at agad niya itong pinilit na bumalik sa unibersidad, si Maru
naman ay lumuhod at nagmakaawa sa kaniyang ina na mag aral na lamang sa isang karatig na kolehiyo. Hindi siya
pinagayagn, siya ay naging isang drop-out, at duon nagsimula ang mga hanay ng mga pangyayari na susubok sa tibay ng
relasyon niya sakaniyang ina, kapatid, kamag-anak, at kaibigan.
Tulad ni Maru ay natatakot din akong lumipat ng lugar na hindi kasama ang aking pamilya o mga kaibigan. Alam
ko sa aking sarili na hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa sa isang hindi pamilyar na lugar na wala ang mga taong ang
mga mukha saakin ay pamilyar. At hindi lang ako o si Maru ang nakakaranas nito, marami akong kilala na ayaw lumipat
ng eskwelahan, bagama’t hindi eksaktong kapareho ng rason ni Maru ay nauugnay parin ito sa pagkawalay sa nakagisnan
o nakasanayan na kapaligiran. Ayon sa survey na isinagawa ni Vidya Narayanan, isa sa mga pangunahing kinatatakutan
ng mga estudyante sa survey ay ang “pagsisimula muli” o “starting a new life” sa ingles.
At tulad din ng ginawa ni Maru kalaunan sa pelikula, ang tanging paraan upang mawala ang ganitong
pakiramdam ay ang lakas ng loob na harapin ang pagbabago. Hindi bumalik sa unibersidad si Maru, katunayan nga ay
nabuntis niya ang kaniyang matalik na kaibigan, ngunit may lakas siya ng loob na harapin ito. Hindi niya tinakasan ang
kaniyang nagawa at buong tapang niyang sinabi sa harap ng magulang ng kaniyang kaibigan na haharapin at aakuhin niya
ang responsibilidad bilang isang ama kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at walang mga kapaki-pakinabang na
mga kakayahan. Dapat lamang na katakutan natin ang pagbabago defense mechanism natin ito, ngunit hindi dapat natin
hayaang na ang takot na ito ang manaig sa ating pag-gawa ng mga desisyon sa ating buhay.
Isang malaking oputunidad ang makapag-aral o tumira sa ibang lugar, isa itong pagkakataon upang maranasan
ang ibang bagay, makakilala ng ibang mga tao, at mahasa ang iba’t ibang mga kakayahan o subukin ito sa ibang lugar.
Hindi nararapat na “alienization” at FOMO lamang ang ang ating nasa isipan. Natural lang ang kalungkutan dahil sa
pagkawalay, ngunit isipin mong mabuti kung bakit kailangan mong lumabas sa iyong comfort zone. Sa aking karanasan,
masasabi kong sulit ang aking paglipat ng eskwelahan, bagaman may mga ilan akong kasama galing sa aking
elementarya, nahirapan parin akong mag-adjust sa aking paligid sa una. Ngunit nang tumagal ay ako’y nasiyahan sapagkat
ang dami kong naranasan na una sa aking buhay dahil dito. Hindi man tayo tulad ni Maru na isang drop-out ngunit naway
maging katulad natin siya, natututo sa maling desisyon na dala ng takot, at lakasan ang loob sa harap ng problemang
kinakaharap.

You might also like