You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: _______ Iskor: __________

Paaralan: ____________________ Guro: _________________ Asignatura: Filipino 11

Manunulat ng LAS: LOYD M. GALDONES Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL


Paksa: Tekstong Prosidyural Quarter 3 Week 4 LAS 1
Mga Layunin: a. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP-IIId-36).
a. Nakikilala ang tekstong ekspositori o prosidyural.
b. Natutukoy ang katangian ng tekstong prosidyural.
Sanggunian: Dayag, A., Del Rosario, MG., 2016. Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.,pp 69-80

Nilalaman

Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga
hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano
ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga watsong hakbang na dapat isagawa. Sa
panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself (DIY) o iyong mga bagay na sa
halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa. Ang wastong pag-unawa sa mga
prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay. Ating suriin ang
halimbawa:

Pagluluto ng Egg Souffle.


1. Una, kumuha ng dalawang bowl na puwede pang lagyan ng itlog.
2. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
3. Ikatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
Ang puti ay ilagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
4. Lagyan ng isang kutsarang asukal ang puti ng itlog at haluin hanggang maging -“whipped cream” like
ang mukha nito.
5. Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
6. Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
7. Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
8. Ilagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
9. Hintaying maluto.

Gawain

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag at isulat ang salitang
T kung ito ay tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

________ 1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang inaasahan.
________ 2. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t
nasusundan.
________ 3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
________ 4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa
ipagagawa.
________ 5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong
lamang ng pagbabasa, kahit walang aktwal na demonstrasyon, ay maisasagawa ito.

You might also like