You are on page 1of 5

Arellano University- Elisa Esguerra Campus

Gen. Luna St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City


Tel # 932 52 09
S.Y. 2021 - 2022
Ikalawang Semestre

BANGHAY ARALIN SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PETSA: Ika-28 ng Marso taong 2022

I. PAKSANG ARALIN Konsepto Blg. 14: Kabanata 1: Ang Suliranin at Sanligan nito
Sa loob ng 40 minutong aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

 Natatalakay ang unang kabanata sa pagbuo ng Pananaliksik.


II. LAYUNIN  Nasusuri ang iba’t ibang bahagi ng unang kabanata.
 Nakasusulat ng unang kabanata na nakabase sa tamang pormat at
pagkakaayos ng mga bahagi.

III. SANGGUNIAN  K-12 Senior High School – Core Subject Filipino 2 Module

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG 1. Pagbati
2. Pagtsetsek ng liban sa klase
GAWAIN
B. PAGSUSURI Gabay na tanong:
NG KAALAMAN 1. Anu ano ang mga bahagi ng Pahinang preliminarya?

C. PAGGANYAK Panuto: Makipag- ugnayan sa mga kagrupo at alamin kung anu-ano ang mga
suliranin at kaligiran ng pamanahong papel na binubuo.

D.
PAGTATALAKAY
a. NILALAMAN Pagsipi ng Konsepto Blg.13 :

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Mga Suliranin at Kaligiran:


1. Panimula o Introduksyon - ay isang maikling talataang kinapapalooban
ngpangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
2. Layunin ng Pag-aaral - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan
kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na
suliranin na nasa anyong patanong.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral - Inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa
ngpananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring
maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwa,
pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
4. Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy
rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
5. Definisyon ng mga Terminolohiya -ang mga katawagang makailang
ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng pagpapakahulugan
ay maaaring konseptwal ibinibigay ang istandard na depinisyon ng mga
katawagan o operasyunal kungpaano iyon ginamit sa pamanahong- papel.

b. Pagsusuri Gabay na tanong:


1. Alamin kung anu-ano mga suliranin at kaligiran.(Pagpapakita ng isang Pananaliksik na
tapos na gawin upang maunawaan ang nilalaman ng Kabanta 1.)

V. PAGTATAYA PANUTO: Makipag ugnayan sa inyong mga kagrupo at gumawa na ng Kabanata


1: Ang Suliranin at Kaligiran nito.

PANIMULA O LAYUNIN KAHALAGAHAN SAKLAW AT DEFINISYON NG


INTRODUKSYON NG PAG- NG PAG-AARAL LIMITASYON MGA
AARAL TERMINOLOHIYA
VI. PAGLALAHAT PANUTO: Ibigay ang limang bahagi ng Kabanata 1 at isa isahin ang kanilang
kahalagahan.

Mga Bahagi Kahalagahan

1.

2.

3.

4.

5.

VII. PANG- C-ompetence


INSTITUSYONAL NA H-umility
PAGPAPAHALAGA I-ntegrity
E-quality
F-ortitude
S-tewardship
VII. TAKDANG - Walang takdang aralin
ARALIN

Arellano University- Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2021 - 2022
Ikalawang Semestre

BANGHAY ARALIN SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PETSA: Ika-30 ng Marso, taong 2022

I. PAKSANG ARALIN Konsepto Blg. 15: Kabanata 2: Mga kaugnay na Pag- aaral at Literatura

Sa loob ng 40 minutong aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

 Natatalakay ang ikalawang kabanata ng pagsusulat ng pananaliksik.


II. LAYUNIN  Nasusuri ang iba’t ibang bahagi ng ikalawang kabanata.
 Nakasusulat ng ikalawang kabanata na nakabase sa tamang pormat at
pagkakaayos ng mga bahagi.

III. SANGGUNIAN  K-12 Senior High School – Core Subject Filipino 2 Module

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG 1. Pagbati
2. Pagtsetsek ng liban sa klase
GAWAIN
B. PAGSUSURI Gabay na tanong:
NG KAALAMAN 1. Isa- Isahin ang mga bahagi ng Kabanata 1.

C. PAGGANYAK Panuto: Ibigay ang kahulugan ng Literatura at Kaugnay na Pag aaral base sa iyong
kaalaman?

Literatura Kaugnay na Pag- aaral

MANANALIKSIK

D.
PAGTATALAKAY
a. NILALAMAN Pagsipi ng Konsepto Blg. 15:

Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

 Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan


sapananaliksik.
 Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o
literatura disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-
aaral.
 Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman
kaugnayng kanyang paksa.
 Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
 Piliting gumamit ng lokal at dayuhan
 Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at
sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

Estilong A.P.A. (American Psychological Association)

1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng


publikasyon ang isulat sa loob ng parentesis.
 Halimbawa:
 Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng
dayuhang wika.
 Ayon kina Nunan, et al. (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-
aaral ng dayuhang wika.
2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng
pangungusap kasama ang taon ng publikasyon.
 Halimbawa:
 Binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat (Nunan, 1977).
 Binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat (Nunan, et al., 1977).
3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng
publikasyon.
 Halimbawa:
 Ayon kina Casambre at Alcantara (1998), walang makabuluhang
pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa wikang Filipino at sa
mga nakinig ng mensahe sa Ingles.
 Walang makabuluhang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe
sa wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles
(Casambre at Alcantara, 1998).
4. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido,
banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang apelyido at sundan ng
taon ng publikasyon.
 Halimbawa:
 Ayon kina A. Garcia at O. Garcia (2003), ang pang-ekonomiyang
kaalaman ay lubhang kailangan upang maunawaan at
mapahalagahan ang lipunang ating kinabibilangan.
 Ang pang-ekonomiyang kaalaman ay lubhang kailangan upang
maunawaan at mapahalagahan ang lipunang ating kinabibilangan
(A. Garcia at O. Garcia, 2003).
5. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang pinaikling
bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob ang pinaikling
pamagat sa panipi o ‘di kaya’y iitalisado ang font.
 Halimbawa:
 Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala
ng regular na publikasyon (“CSB Student Handbook”, 1996).
 Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala
ng regular na publikasyon (CSB Student Handbook, 1996).
6. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin
ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngutin tutuldok
(:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng
publikasyon.
 Halimbawa:
 Isinulat ni Mabini ang El Liberal na isang panunuligsa sa mga
bagong mananakop (Bernales 4: 2002).
7. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na
lamang ang mga akda at paikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o iitalisado
ang mga pamagat.
 Halimbawa:
 Sa mga aklat ni Bernales (“Sining ng Pakikipagtalastasan” at
“Mabisang Komunikasyon”), tinukoy ang mga pangunahin at
unibersal na katangian ng wika.
 Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at
Mabisang Komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahin at
unibersal na katangian ng wika.
8. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor,
dapat banggitin ang dalawa.
 Halimbawa:
 Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000), ang pitong
tungkulin ng wika.
 May pitong tungkulin ang wika (Halliday, 1961; sa Bernales, et al.,
2000).
9. Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang
link kung walang awtor. Kung batid ang awtor at taon, banggitin din ang mga ito.
 Halimbawa:
 Ayon sa campus.muraystate.edu, ang pangunahin sa mga
hakbang sa pananaliksik ay ang pagtukoy sa suliranin.
 Pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa
suliranin (campus.muraystate.edu).
May walong tinukoy na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik (Blankenship,
www.humankinetics.com).

b. Pagsusuri Gabay na tanong:


1. Ano ang kahalagahan ng kabanata 2: Kaugnay na Pag- aaral at Literatura sa
isang Pananaliksik.

V. PAGTATAYA Panuto: Makipag- Ugnayan sa mga kagrupo at alamin ang mga gagawin para sa
paggawa ng Kabanata 2: mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kahandaan 25 %
Nilalaman 25 %
Paraan ng Pag-uulat 25 %
Bawat miyembro ay nakibahagi sa Gawain /
25 %
Tahimik ang bawat miyembro
Kabuuan: 100%

VI. PAGLALAHAT PANUTO: Magbigay ng limang (5) kahalagahan ng Kabanata 2: Mga Kaugnay na
Pag- aaral at Literatura.

Kahalagahan
1.
2.
3.
4.
5.

VII. PANG- C-ompetence


INSTITUSYONAL NA H-umility
PAGPAPAHALAGA I-ntegrity
E-quality
F-ortitude
S-tewardship

VII. TAKDANG - Walang takdang aralin


ARALIN

You might also like