You are on page 1of 5

Baitang at Kindergarten-

Paaralan: Banot Elementary School


Seksyon: Ilang Ilang

Pangalan ng Mary Joy M. Calago


Araw: Martes
Guro: Teacher

Huwebes
DETALYADONG Araw at Petsa: Markahan: Ikatlo
BANGHAY ARALIN July 12, 2022
SA
*****
KINDERGARTEN Punongguro: Learning Area:
Desiree A. Jardin

I. MGA LAYUNIN
A. Nasasabi ang iba’t ibang uri ng panahon; Kasuotan at pagkain sa iba’t ibang
uri ng panahon.

II. ARALIN

A. Sanggunian K-12 Kindergarten Teacher’s Guide

B. Mga Laptop, power point presentation, monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga
Kagamitan larawan, Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola, lapis.

III. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO ANNOTATION

A. Panimulang
Mga Gawain
Pagbati

Magandang umaga mga bata!

Kamusta naman mga bata? Ayos lang ba ang


inyong pakiramdam ngayong araw?

Atin ng simulan ang araw na ito sa pamamagitan


ng isang panalangin, at pag-eehersisyo.
Hinihilingan ko ang lahat na tumayo.

B. Pagbabalik- Para sa ating pagbabalik-aral. Magbigay muli ng


aral mga bagay na iyong gusto at hindi gusto.

C. Paglalahad ng Handa ka naba sa ating bagong aralin? Integration:


Bagong Aralin

Tumayo muna ang lahat at awitin natin ang awit A.P


na “Panahon”
Science

Health
Pagmasdan mo ang paligid. Ano ang napapansin
mo sa panahon ngayon?
Tama! Ngayon ay maaraw. Kapag maaraw,
medyo mainit ang ating pakiramdam dahil sa
sikat nito. Mas madali tayong pawisan kaya
kailangan natin magsoon ng maninipis na damit
gaya ng sando, shorts at sombrero upang maging
proteksyon sa ating ulo mula sa init ng araw.

Mayroon ba kayo ng mga nabanggit?

Mabuti. Ito ang maaari nating isuot tuwing


maaraw.

Makakatulong din sa panahong maaraw ang mga


sumusunod na pagkain.

Ice cream, halo halo at malamig na tubig. Ano


ang inyong paboritong pagkain tuwing mainit ang
panahon?

Nakakatuwa ang inyong mga kasagutan. Pero


alam mo ba na bukod sa panahong Maaraw ay
may iba pang mga uri ng panahon? Maaari ba
kayong magbigay?

Tama ang inyong sagot! Isa na rito ang


panahong maulap. Kapag maulap ay mas malilim
ang paligid dahil natatakpan ng ulap ang
direktang sikat ng araw. Kapag maulap ang
panahon, ito ang magandang pagkakataon para
sa mga bata upang makapaglaro sa labas.

Kayo ba ay naglalaro sa labas tuwing maulap ang


panahon?

Anong mga laro ang inyong paborito sa labas


tuwing maulap ang panahon?

Magaling! Ang susunod naman ay panahong


mahangin. Masarap din maglaro sa labas ng
bahay kapag mahangin ang panahon. Ano ang
pinaka magandang laro tuwing mahangin?
Tama! Ito ay pinaka magandang panahon upang
makapag palipad ng saranggola. Sino na dito ang
nakapag palipad ng saranggola?

Magaling! Ito naman ay panahong maulan. Sa


tuwing maulan ang panahon ay hindi maaaring
lumabas ang mga bata upang maglaro.

Maaaring mabasa sa ulan at magkaroon ng sakin


ang mga bata. Subalit kung kinakailangan mo
talagang lumabas habang maulan, ito ang mga
dapat mong gamitin:

Payong, kapote, at bota.

Ito ang mga bagay na kailangan mong gamitin


tuwing lalabas at maulan ang panahon upang
maproteksyonan ang iyong sarili.

At ang panghuli ay ang panahong mabagyo.


Katulad ng mauling panahon, bumubuhos din ang
tubig mula sa mga ulap kapag mabagyo. Ang
bagyo ay higit na mas malakas at mapanganib
kaya’t delikado para sa mga tao ang lumabas
kapag bumabagyo dahil ang bagyo ay may
kasamang kulog, kidlat at malakas na hangin.

Kapag may bagyo, mas mainam na manatili na


lamang sa loob ng bahay. Naiintindihan ba mga
bata?

Mahalagang malaman ang iba’t ibang mga


kasuotan at pagkain sa iba’t ibang panahon
upang tayo’y mas maging komportable.
Ano- ano ang ibat-ibang uri ng panahon?

Tignan ang larawan at tukuyin kung anong


panahon ang ipinapakita.

(Ang guro ay magpapakita ng mga larawan)

IV. Paglalahat

Kasanayan
V. Pagtataya Kulayan sa inyong papel ang panahon ngayong
araw.

VI. Kasunduan
Ilista sa isang papel ang mga pagkain na
maaaring kainin sa mga sumusunod na panahon:

1. Maaraw

2. maulan

Inihanda ni:

MARY JOY M. CALAGO


Teacher II

Inobserbahan ni:

ZEYREL B. SALAYO
Master Teacher

You might also like