You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Asian Development Foundation College


Lungsod Tacloban
FIL 12

FILIPINO SA
IBA’T IBANG
DISIPLINA

Semi-Finals: Modyul 6
panimula

Tatalakayin sa bahaging ito ang kabanata 5. Ito ay tungkol sa “Batayang


Kaalaman sa Metodoloohiya sa Pananaliksik Panlipunan”

Ito ay naglalaman ng mga aralin at iba’t ibang gawain alinsunod sa asignaturang


pinag-aaralan. Pangunahing layunin nito na matamo ang pagkatuto sa kabila ng
kasalukuyang pandemyang kinakaharap.

Mga layuning pampagkatuto

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maisagagawa ng mga mag-aaral ang


mga sumusunod:
a) Maisa-isa ang mga metodo na ginagamit sa pananaliksik at magamit ito sa pagsulat;
b) Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa pananaliksik;
c) Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan; at
d) Makapagsulat ng isang halimbawa ng pananaliksik.

Tampok na Aralin

Sa pagkakataong ito, magsisimula ka nang maglakbay sa iba’t ibang aralin dito.


Tatalakayin sa bahaging ito nang mas malaliman ang nabanggit na aralin/paksa sa
itaas

Kabanata 5

Batayang Kaalaman sa
Metodolohiya sa
Pananaliksik Panlipunan
Mahalaga ang kaalaman sa pananaliksik upang makapagsulat nang wasto at
mabisa. Isa itong sistematiko, pormal at masaklaw na pagsusuri ng mga datos at wasto
sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos, inaayos ang
mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
Kaya naman mahalaga na pag-aralan ang iba’t ibang metodohiya na maaaring
magamit sa pagsulat isang pananaliksik

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:


a. Maisa-isa ang mga metodo na ginagamit sa pananaliksik at magamit ito sa pagsulat.
b. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik
c. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
d. Makapagsulat ng isang halimbawa ng pananaliksik

Aralin 1:

Kabanata 5 22

A. ETNOGRAPIYA

A. ETNOGRAPIYA
Ang etnograpiya ay may saling ethnography sa wikang Ingles na nagmula sa
mga salitang Griyego: ethnos na ang ibig sabihin ay "mga tao" at graphia na ang ibig
sabihin ay "pagsusulat". Ito ay ang makaagham na estratehiya ng pananaliksik na
kadalasang ginagamit sa larangan ng mga agham panlipunan, partikular na sa
antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya, na kilala rin bilang isang bahagi
ng agham pangkasaysayan na nag-aaral ng mga tao, pangkat etniko, at iba pang mga
kabuuang etniko, ang kanilang etnohenesis, kumposisyon, muling paglipat, mga
katangian ng kabutihang panlipunan, pati na ang kanilang kalinangang materyal at
espirituwal. Layunin ng disenyong ito na pag-aralan ang isang penomenon sa konteksto
ng kulturang nananahan sa nasabing lipunan. Mahalaga ito sapagkat nagbibigay ito ng
malalim na kaalaman ukol sa sistemang politikal, ekonomiko, at kultural ng isang
lipunan. Pinag-aaralan din sa ganitong uri ng disenyo ang interaksiyon, ugali, kilos at
paniniwala ng mga tao sa nasabing lipunan.

Ang metodong etnograpiya o etnograpi ay mula sa larang ng antropolohiya na


nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipagugnayan sa pamamagitan ng
paglahok, pagmamasid, at pakikipamuhay sa mga taong nasasakupan ng pag-aaral.
Kadalasang ginagawa ang pagtitipon ng mga datos sa pamamagitan ng pagmamasid
ng kalahok, mga panayam, mga pagtatanong na nakasulat, at iba pa. May layunin ang
etnograpiya na mailarawan ang kalikasan ng mga pinag-aaralan (iyong mailawaran ang
isang pangkat ng mga tao, na tinatawag na isang ethnos) sa pamamagitan ng
pagsusulat.

Mga Hakbang sa Lingguwistikong Etnograpiya


1. Pananaliksik sa mga kaugnay na literatura. Bilang panimulang gawain sa mas
detalyado at lubusang pananaliksik, napakahalaga na malaman ng mananaliksik ang
mga naisagawa nang pananaliksik tungkol sa paksa. Sa pamamagitan nito, malalaman
ang mga konseptong maaring maging gabay sa pananaliksik. Ito ang magiging batayan
ng mga kailangang saliksikin pa at likumin hinggil sa nais idokumento o pag-aaralan.
Paraan ito upang mabalida na rin ang mga datos ng mga nauna nang pag-aaral.
2. Pagtukoy sa lawak ng pananaliksik. Linawing mabuti ang saklaw at limitasyon ng
tutugunang pananaliksik bago magtungo sa fild. Ito ang magbibigay direksiyon sa
gagawing pag-aaral. Tunghayan ang mga paksang dapat tugunan sa etnograpiyang
pananaliksik batay na rin sa mga inilahad ng Komisyon ng Wikang Filipino.

Paksa Saklaw
a. Heograpiya ng lugar  Topograpiya
 Demograpiya
b. Pagkakakilanlan ng pangkat  Identidad ng pangkat
 Lokasyon at distribusyon
 Etnolinggwistikong pagkakakilanlan /
Migrasyon
c. Sitwasyong Pangwika  Deskripsiyon ng wika
 Mga varayti ng wika
 Sosyolingguwistika
 Wikang ginagamit sa bawat dominyo
 Ugali at pagtanaw sa wika
d. Estruktura ng lipunan o komunidad  Pamilya
 Pagkakamag-anak
 Pakikipag-ugnayan sa komunidad
e. Estruktura / Sistema ng Pamamahala  Kapangyarihan / pamumuno
 Batas / Tuntunin
 Sistemang panghustisya
f. Sistemang pangkabuhayan  Produksiyon, pangangaso,
pangingisda, pagtatanim, o
pangunguha ng pulut-pukyutan
g. Relihiyon  Mga sinaunang paniniwala at gawi
 Pagbabago / kasalukuyang
kinaaanibang relihiyon
h. Materyal na kultura at tradisyon  Sining (paghahabi, pagbabasket,
atbp.)
 Literatura
 Musika at mga instrument
 Sayaw
 Arkitektura
 Damit
 Mga dekorasyon at palamuti
 Iba pang mga kaugalian
i. Siklo ng buhay  Paglilihi at panganganak
 Pagkabata
 Pagbibinata / Pagdadalaga
 May sapat na gulang
 Pag-aasawa
 Katandaan
 Kamatayan / Dami ng namamatay
j. Partisipasyon sa pambansang kultura  Edukasyon
 Kalusugan / Medisina
 Transportasyon at komunikasyon
 Politika
k. Pagtanaw at tugon ng pangkat sa kalagayan ng kanilang wika at kultura

3. Pagtukoy sa kabuoang erya ng wikang idodokumento. Ayon kay Griňo (2011, 9),
mahalagang matukoy ang lawak ng lugar ng wikang idodokumento ―saan ito sinasalita
at paano ang distribusyon ng mga tagapagsalita ng wikang nais pag-aralan. Magiging
maayos ang iskedyul ng pagkalap ng mga datos kung matutukoy ang mga lugar bago
ang fildwork.

4. Pagtukoy sa paraan ng pananaliksik. Ito ay isang mahalagang hakbang sa


pagsasagawa ng isang etnograpiyang pag-aaral. Ang mananaliksik na magsasagawa
ng pag-aaral gamit ang metodong etnograpiya ay nangangailangan ng kaalaman sa
tatlong paraan ng pananaliksik na nakasaad sa bahaging ito. Hindi magiging
matagumpay gagawing pagdodokumento kung ang mananaliksik ay may kakulangan
sa kaalaman tungkol sa lingguwistik na paraan, etnograpikong paraan, at historical na
paraan ng pananaliksik.

a. Lingguwistik na paraan. Ito ay mahalaga sapagkat wika ang pangunahing tuon


ng pag-aaral. Ang kaalaman sa unibersal o magkakaparehong elemento ng iba’t
ibang wika ay makakatulong sa paglalarawan sa aktuwal na gamit ng wika.
Maaring ilarawan ang iba’t ibang anyo ng wika batay sa edad, kasarian, istatus
sa buhay at trabaho. Malaki ang pangangailangang gamitin ang paraang ito
upang matugunan ang mga impormasyon hinggil sa deskripsiyon ng wika
gayundin ang pagtukoy ng sitwasyon ng wika batay sa likas na katangian ng
taong gumagamit dito.
b. Etnograpikong paraan. Ang mananaliksik bilang participant observer ang
napakahalagang paraan sa pagkalap ng mga datos. Siya ay magmamasid at
makikilahok sa pang-araw-araw na gawain o kilos ng grupo habang nakapaloob
at namumuhay siya sa komunidad. Ang mga ito ay isinasagawa upang
maunawaan ng mananaliksik ang tunay na pangyayari sa komunidad.
c. Historikal na paraan. Napakahalaga ang impormasyong maibibigay ng mga
nakatatandang miyembro ng komunidad sapagkat sila ang nakapansin at
nakaranas sa mga bagay na nangyari sa komunidad o sa pangkat sa mga
panahong lumipas. Makakatulong ng malaki ang mga nakalipas na pag-aaral
tungkol sa komunidad. Subalit, sa mga komunidad na wala o halos walang
dokumentadong kasaysayan, ang mga naaalala ng mga taong may personal na
karanasan ang pinakamahalagang datos sa pag-aaral. Kailangang makalap ang
mga impormasyong ito at gawan ng malalimang pag-aaral upang matugunan
ang bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan ng isang pangkat o komunidad.
5. Pagbuo ng grupo ng mananaliksik. Ang isang grupo ng mananaliksik o team ay
maaaring binubuo ng tatlo o apat na tao. Ang isa ay magiging punong mananaliksik,
ang isa naman ay magiging katuwang na mananaliksik, at ang isa naman ay magiging
photographer o videographer. Maliban sa mga pangunahing miyembro, mahalagang
magkaroon ng isang taong magsisilbing guide o kasama sa buong pananatili ng team
sa komunidad. Maaring hilingin ito sa lokal na pamahalaan. Ang guide ay dapat
marunong magsalita sa Filipino at sa wika ng pangkat o komunidad na pinag-aaralan.
Mas maganda kung siya ay miyembro ng komunidad dahil siya ang magsisilbing tulay
sa magandang ugnayan ng team at ng komunidad. Siya rin ang magsisilbing informant
hinggil sa lugar, mga taong dapat kapanayamin, at iba pang kailangan sa pananatili sa
komunidad.

6. Pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. Sa mga prosesong isinasagawa bago


pumunta sa komunidad ng mga katutubo, napakahalagang makipag-ugnayan muna sa
lokal na pamahalaan upang maging opisyal ang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo at
matiyak ang seguridad ng mga mananaliksik. Maaari ring makuha sa tanggapan ng
lokal na pamahalaan ang mga impormasyon tungkol sa lugar ng mga katutubong nais
saliksikin, populasyon, mga programa ng pamahalaan sa komunidad, at iba pang
impormasyon. Maari ring makatulong ang lokal na pamahalaan sa mga kakailanganin
ng mga mananaliksik tulad ng transportasyon, komunikasyon, tirahan, koneksiyon, at
iba pa.

7. Pakikipagpulong sa pangkat ng komunidad. Pagkatapos ng pakikipagugnayan sa


lokal na pamahalaan, mahalagang makipagpulong ang mga mananaliksik sa
komunidad ng pangkat ng wikang idodokumento. Kung hindi man sa buong komunidad,
maari rin namang sa pamunuan ng komunidad. Ang pakikipagpulong ay mahalga
upang maipaalam sa komunidad ang layunin ng pag-aaral at makahingi na rin ng
pahintulot na malikom at maidokumento ang mga mahahalagang datos sa kanilang
wika at kultura.

8. Paghahanda sa lahat ng kagamitang kakailanganin sa fildwork. Ang lahat ng


gagamitin sa pag-aaral ay dapat maihanda bago ang gagawing fildwork. Gagawin ito
upang maiwasan ang kakulangan ng mga kagamitan bago ang pagkalap ng datos. Sa
ganitong paraan, maiiwasan ang anumang suliranin sa pagkalap at magiging maayos
ang lahat ng gawain. Ang mga sumusunod ay ang mga malimit kakailanganin sa
fildwork.

Mga dokumento  Itinerary, gabay na tanong,


pormularyo sa profayl ng informant,
mga numero ng mga kontak
Mga kagamitan  Recorder, extension wire, kamera,
charger, laptop, external drive o USB,
battery, cellphone
Portable kit  Mga kagamitan sa pagluluto at
pantulog (kulambo, sleeping bag,
atbp.), pagkain, tubig o lalagyan ng
tubig, flashlight, toiletries, tali,
sombrero, raincoat, at iba pa
First aid kit  Mga gamot, ointment, vitamins, band-
aid/bandage, water purifiers, alcohol,
at iba pa
9. Pakikipamuhay sa komunidad. Dahil komprehensibo ang isasagawang
pagdodokumento, ang mga mananaliksik ay mananatili sa komunidad nang hindi
bababab sa 10 araw upang magkaroon ng masusing pagmamasid sa pamumuhay ng
mga katutubo, makapagsagawa ng malawakang pakikipanayam, at lubos na makalikom
ng mga datos at maayos na makapagsaliksik. Sa 10 araw na pakikipamuhay, narito ang
mga nakatakdang gawain ng manaliksik:

a. Muling pagpunta sa lokal na tanggapan gaya ng tanggapan ng mayor, barangay,


o tribal chieftain o tribal council na nakasasakop sa pangkat na idodokumento
bilang pagtupad sa protocol ng pananaliksik.
b. Pagmasid sa kilos, gawi, at paraan ng pamumuhay ng pangkat.
Pakikipanayam sa piling katutubo na maalam sa kanilang kultura at matatas sa
wika.
c. Pagkuha ng mga larawan at video ng mga pang-araw-araw na pamumuhay,
paniniwala, at iba pang kaugalian ng mga katutubo.
d. Pagrerekord ng mga panayam at video sample ng kanilang katutubong wika.

10. Paghahanda ng manuskrito. Pagkatapos maisagawa ang fildwork, ayusin ang


mga nakalap na datos at gawin ang masusing pagsusuri ng mga ito. Bigyang katuturan
ang lahat ng nakalap na datos at ilahad ito sa manuskrito. Ang mga bahagi ng
manuskrito ay isinusunod sa pangangailangan na itinalaga ng isang jornal kung saan
gustong magpalimbag ng saliksik. Ang mga bahagi nito ay wala namang ipinagkaiba sa
estandardisadong bahagi subalit may kaunting pagkakaiba dahil may mga natatanging
bahagi at tuntunin na hinihingi ang bawat jornal. Kung gayon, marapat na ito ay
nakasunod sa bahagi ng jornal kung saan ipapalimbag ang saliksi upang hindi
masayang ang oras, pagod, at yaman.

11. Pagbabalida ng manuskrito. Ang pagbabalida sa manuskrito ng etnograpiyang


pag-aaral ay tumutukoy sa isang masusing pagtataya sa nilalaman nito. Ang mga
magbabalida nito ay kinasasangkutan ng kahit tigtatatlong miyembro ng dalawang
grupo: mga eksperto sa etnograpiyang pag-aaral at mga maalam na taong kabilang sa
grupo ng pinagsaliksikan. Sapagkat ang manuskrito ay dokumento ng wika at kultura ng
isang grupo, marapat na maipabalida ang nilalaman nito upang masigurado na tama
ang deskriptibong bahagi at may katuturan ang nilapat na pagsusuri rito.

12. Pagpapaedit ng manuskrito. Ang pagpapaedit sa manuskrito ay nakatuon sa


tamang gamit ng wika ng saliksik. Ginagawa ito matapos iwasto ang mga
nasumpungang kahinaan ng manuskrito batay sa isinagawang pagbabalida ng mga
eksperto at miyembro ng grupong pinagsaliksikan. Nakatuon ang pag-eedit sa mga
katangian ng epektibong pagsulat. May transisyon ba sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap at talata? Akma ba sa kahulugan ang gamit ng mga salita? Tama ba ang
balarila o ang gramatikang bahagi nito? Nasunod ba ang tuntunin sa mekaniks ng
pagsulat kung saan binibigyang pansin ang gamit ng bantas, malaki at maliit na titik,
pagbabaybay, at anyo ng manuskrito? Sapagkat masalimuot ang pag-eedit ng
manuskrito, dapat itong maedit ng mga mananaliksik bago ito ipaedit sa mas maalam
sa wikang ginamit sa pagsulat ng saliksik. Ginagawa ito upang maiwasan ang malimit
na epekto ng maling gamit ng wika sa kahulugan at maging maliwanag ang saliksik sa
mga mambabasa.
13. Pagsasapinal ng manuskrito. Mula sa isinagawang pag-eedit, iwasto ang maling
bahagi ng manuskrito. Isa-isahin at bigyang pansin ang bawat bahagi ng pahina upang
matugunan ang lahat ng kahinaan ng manuskrito. Ito ay isang mahalagang bahagi ng
pagsulat ng mga saliksik sapagkat dito nasusukat kung papasa ang manuskrito sa
mapanuring mata ng mga eksperto sa disiplina.

14. Paghahanda para sa pagpapalimbag. Matapos maisapinal ang manuskrito,


ihanda na ito para sa pagpapalimbag. Balikan ang mga tuntunin ng jornal at tingnan
kung akma pa rin ang manuskrito ayon sa hinihingi nito. Kung wala naman nang
makitang kahinaan, maari na itong isumite. Sa mga jornal na may reputasyon, hindi
basta-basta ang pagpapalimbag dito. May katagalan ang pagpapalimbag dahil dadaan
ang manuskrito sa mga magagaling na eksperto sa etnograpiyang pag-aaral.

Gabay sa Pagkuha ng Informant

Mahalaga ang gampanin ng informant sa etnograpiyang pag-aaral sapagkat siya


ang magbibigay ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral o pagdodokumento ng
impormasyon tungkol sa grupo o komunidad. Upang maging matagumpay ang
pananaliksik, narito ang mga gabay sa pagkuha ng informant:
1. Rekomendado ng mga namumuno sa pangkat.
2. Miyembro ng katutubong pangkat.
3. Pinanganak at naninirahan sa komunidad.
4. May sapat na gulang―hindi bababa sa 15 taon
5. Magkaroon ng informant sa iba’t ibang edad (14-25, 35-50, 55 o higit pa)
depende sa paksa.
6. Magkaroon ng dalawa o tatlong informant sa bawat paksa.

Halimbawa ng pormularyong maaring gamitin sa pagkuha ng datos ng informant.

Panayam Blg. _________ Paksa: _____________________ Petsa:


___________________________ Lugar ng Panayam: ___________
Oras:____________________________ Pangalan ng
Tagapanayam:_____________________________________

INFORMANT

Pangalan: __________________________ Kasarian: _________________


Petsa ng kapanganakan: ______________ Edad: ____________________
Pangkat-Etniko: _____________________
Posisyon sa komunidad: ______________
Komunidad na kinabibilangan: _________
Tagal na paninirahan: ________________
Edukasyong natapos: ________________ Hanapbuhay: _______________
Pangkat na pinagmulan ng Tatay: ___________________
Nanay: _________________
Unang wika: _________________ Iba pang wikang sinasalita: _________
(Kung may asawa):
Pangalan ng asawa _________________________ Edad: ____________
Taon kung kalian ikinasal: __________
Edukasyong natapos: _____________ Hanapbuhay: _________________
Pangalan ng anak Edad Kasarian Edukasyong Natapos Hanapbuhay
______________ ____ _______ _________________ __________

_______________ ____ _______ _________________ __________

Pangwakas na gawain

Gawain Blg. 2
Isa sa mga pangunahing bentahe na nauugnay sa etnograpikong pananaliksik ay ang
etnograpiya ay maaaring makatulong sa pagtukoy at pagsusuri ng mga hindi inaasahang isyu.
Dahil sa pagiging subjective nito, ang isang etnograpikong pag-aaral (na may isang bihasang
mananaliksik) ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang sa pag-alis at pagsusuri ng mga
nauugnay na saloobin at emosyon ng gumagamit. Ngayon, gumawa ng isang maikling
halimbawa ng Pananaliksik sa Etnograpiya. Sundin ang mga hakbang sa Lingguwistikong
Etnograpiya.

You might also like