You are on page 1of 3

Mitolohiya-Ang 

mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o


mito, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng
mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa
alamat at kuwentong – bayan.

Kahon ni Pandora:
Mga tauhan:
Zeus – siya ang pinakamakapangyarihang Diyos sa lahat.
Epimetheus – ang gumawa ng mga hayop at apo ng Inang Kalikasan.
Prometheus – siya ang nagbigay apoy sa mga tao.
Hephaestos – ang diyos ng apoy at bulkan.
Athena – ang diyosang nagbigay ng maningning na kasuotan ni Pandora.
Aphrodite – ang gumawad kay Pandora ng hindi pangkaraniwang kagandahan.
Pandora – ang nilikha na babae na mula sa luwad, ang kahulugan ng ngalan nito sa wikang Griyego ay
“lahat ay handog
Mga kasamaan sa mundo: galit, inggit, kasakiman, digmaan, panibugho, gutom, kahirapan, kamatayan

Pandiwa
Pandiwa- isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang
pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, atbp).

Mayroong 2 Uri ng Pandiwa


Palipat – ang pandiwa ay may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod
ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng, ng mga, sa, sa mga, kay o kina”.
Katawanin – ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tagatanggap ng kilos
at nakatatayo na itong mag – isa.

Aspekto ng pandiwa
1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o
kaya’y patuloy na nangyayari.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o
gagawin pa lang.

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek
word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang
taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Parabola ng sampong dalaga
Mga tauhan:
5 matatalinong dalaga-mga matiyagang naghintay sa lalaking ikakasal kaya nakadalo sa kasiyahan at
piging(nagdala ng sobrang langis)
5 hangal na dalaga- mga hindi nakapaghanda sa pagdating ng lalaking ikakasal kaya hindi pinapasok sa
pagdiriwang(di nagdala ng sobrang langis)
Lalaking ikakasal- kilala sa bayan, ninais niyang makadalo ang lahat sa kanyang kasal

• Nagsimula ang Parabula sa isang malaking kasalan na inihahanda.


• Nagsimula ito sa pag – uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal na
sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.
• Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang
magiging tahanan.
• Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi.
• Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay may sampung dalagang may dalang ilawan.
• Kaugalian noon na tanging ang mga taong nasa labas pagdating ng ikakasal ang papapasukin sa
piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala ng
ikakasal.

Pang-ugnay- mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala o sugnay.

Pangatnig- mga kataga o salitang nag – uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod –
sunod sa pangungusap.
Dalawang Uri ng Pangatnig
Paninsay –nag – uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay.
-at pati saka ni datapuwat maging ngunit subalit
Pantulong –nag – uugnay ng di – magkatimbang na salita, parirala o sugnay
-Kung nang kapag upang dahil sa, sapagkat kaya para

Pang – angkop
– Ito ang mga salitang nag – uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Na -g -ng
Tatlong Pang – angkop
1. na- Ito ay iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k, p at iba pa.
2. –ng- Ito ay ginagamit kapag ang kaangkupan ay nagtatapos sa patinig. Ikinakabit ito sa unang
salita
3. –g- Ito ay kinakabit sa mga salitang nagtatapos sa titik na n sa magkasunod na salitang
naglalarawan at inilalarawan.

Pang – ukol – Ito ang tawag sa salita o katagang nag – uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap
-ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, ukol sa/kay, tungkol, hinggil sa/kay, alinsunod
sa/kay
Pagbibinyag sa savica- epikong Slovenian na binubuo ng tatlong bahagi:
“ang soneto”-iniaalay kay preseren sa matalik nyang kaibigang si matija cop na namatay sa pagkalunod
nung 38 xa
“ang prologo”-nasulat ng patulo at binubuo ng 26 na saknong na may tigtatlong taludturan
“ang pagbibinyag”-sinulat sa tigwalong taludturan at binubuo ng 56 na saknong/talata

Tungkol sa:
Tumatalakay sa mga pangyayaring nagbigay-daan upang ang mga paganong korinto noong ikasampong
siglo ay maging binyag na kristyano

Crtomir- nasigasig at matapang na mandirigmang pagano


Bogamila- kasintahan ni crtomir na dalagang maganda, inosente, mahinhin at may matatag na
paninindigan

Nagkaroon ng digmaan ang hukbong pagano ni crtomir laban sa kristyanong pinamumunuan ni valjhun
sa lambak ng bohinj noong 772

Natalo ang hukbo ni crtomir dahil: kulang sa pagkain at dahil sadyang malakas ang hukbo ni valjhun
-si crtomir lamang ang nakaligtas
-si bogamila na dating alagad ng kanilang dyosang si Ciba ay nagpabinyag at naging kristyano
-habang nasa digmaan si crtomir, nanalangin si bogamila at nangako sa panginoon na kapag nakabalik
nang buhay si crtomir ay iaalay nya ang kanyang sarili at buong buhay sa pagsilbi sa panginoon
-sinubukang suyuin ni crtomir si bogamli para magbago ang kanyang desisyon at ituloy ang naudlot
nilang pagmamahalan ngunit buo na ang desisyon ni bogamila
-kinumbinsi nya si crtomir na magpabinyag
-nagpayag si crtomir at ginanap ang pagbibinyag sa talon ng savica
-di nagtagal ay naging pari si crtomir

You might also like