You are on page 1of 9

[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,

CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

ARALIN 3
HAGDAN NG KARANASAN:
PAGKAKAKILANLAN, SELEKSYON
AT PRODUKSYON
BASAHIN NATIN

Panimula
Ang kagamitang panturo ay may malaking papel sa pagkakatuto ng mga mag-aaral at ito
ay nakatutulong upang mapabilis at maging kawili-wili at mabisaang proseso ng pagkatuto. Ayon
kay Camino (2003) ito ay naging gabay nila sakanilang lubos na pagkakatuto sa pagbasa,
pagsulat, pag-unawa at pagsalita dahil dito malaki ang maitutulong sa mga guro sa kanilang mga
mag-aaral upang mapadali ang kanilang pagkatuto.
Ang mahusay at maayos na paghahanda ng kagamitang pampagtuturo at eletonikong
kagamitang pampagtuturo (e-kagamitang pampagtuturo) ay nagbubunga ng mabisang pagkatuto.
Bilang isang uri ng dinig-tanaw (audio-visual) na kagamitan, malaking bahagi ng aralin ang
maaaring manatili/ maalala o Simbolikong
matutunan ng mga mag-aaral. Berbal

Simbolong
Biswal
Ang Hagdan ng Karanasan
Tape Recorder at
ni Dale Larwang Di-Gumagalaw

Ayon sa “Cone of Pelikulang Gumagalaw


Experience” ni Edgar Dale, ayon
sa lawak ng naalala (o maaaari rin Telebisyon
nating sabihing natutunan) ng
Eksibit
isang tao mula sa kanyang
karanasan, ang iba’t ibang uri ng Edukasyon
dinig-tanaw na materyales ay
maaaring iayos na parang apa Pakitang - Turo
(cone). Ipinakikita rito na kalahati
Madulang Pakikilahok
ng kabuuan ng narinig at nakita ng
tao ang kayang maaalala. Narito Mga Binalangkas na Karanasan
ang kanyang ilustrasyon.
Mga Tuwirang Karansan

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 10


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

Ang Mag-aaral ay
Mga Karanasan Ang Mag-aaral ay Nagagawa:
Karaniwang Naaalala:
 10% ang kanilang Simbolikong Pagpapakahulugan
nababasa Berbal Paglilista
 20% ang kanilang Simbolong Paglalarawan
naririnig Biswal Pagpapaliwanag
Pagtatanghal
 30% ang kanilang Tape Recorder at Larawang
Paglalapat
nakikita Di-Gumagalaw
Pagsasanay
Pelikulang Gumagalaw
 50% anf kanilang
Telebisyon
naririnig at nakikita
Eksibit
Edukasyon Pag-aanalisa
 70% ang kanilang Pagde-disenyo
Pakitang – Turo Paglikha
sinabi at sinulat
Madulang Pakikilahok Pagtataya
Mga Binalangkas na
 90% ang kanilang Karanasan
nagagawa
Mga Tuwirang Karanasan
Samakatuwid, malaking bahagi ng pagkatuto ang maaaring idulot ng paggamit ng mga e-
kagamitang pampagtuturo. Makatutulong ito sa mabilis at mabisang proseso ng pagtuturo-
pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral. Kailangan lamang ng guro ang talino, determinasyon,
positibong disposisyon, at malikhaing pag-iisip sa paghahanda ng anumang kagamitang
pampagtuturo para sa epektibong pagtuturo.

ANG HAGDANAN NG KARANASAN AY MAAARING


PANGKATIN SA TATLO AYON KAY JEROME BRUNER:
BRUNER’S THREE-FOLD ANALYSIS
1. Ginagawa (Enactive). Ito ay mga aktwal o direktang mga karanasan sa buhay.
2. Minamasid (Iconic). Tumutukoy sa higit pang abstrak na mga karanasan na
maaaring maging nasa anyo ng mga larawan.
3. Sinasagisag (Symbolic). Paggamit ng mga salita o nakalimbag materyales na
hindi na katulad ng mga bagay na nasa ilalim ng isang pag-aaral.

BALANGKAS NG TATLONG PANGKAT NG HAGDANAN NG KARANASAN

Ginagawa:

a. Mga tuwirang karanasan


b. Mga binalangkas na karanasan
c. Madulang pakikilahok

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 11


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

Minamasid

a. Ang Pakitang – turo


b. Ang edukasyon
c. Ang mga exsibit

Mga Midyang Pang – Edukasyon

a. Telebisyon
b. Pelikula
c. Radyo
d. Prodyektor
e. Larawang di – gumagalaw
1. Islayd
2. Pilmstrip
d. Teyp rekorder

Sinasagisag

a. Simbolong biswal
b. Simbolikong berbal

KAGAMITANG TANAW – DINIG PARA SA:

TUWIRANG KARANASAN

1. Eksperimento
 Pag eeksperimento sa labotoryo
 Ang mga nag – aaral ay nasusubukang tumuklas ng bagong akaalamanng
siyensya .
2. Mga Laro
 Pag nababagot ang mga bata.
 Ito ay mabisang paraan para mabigyan – buhay ang pag – aaral ng mga bata.

Mga halimbawa ng laro:


 Larong Book Baseball – Ang paglalaro ay sa pamamagitan ng tanong /
sagot.
 Hot Patato – Magkakahawak ang kamay ng mga bata bubuo ng bilog na
pormasyon. Ang taya ay nasa gitna.
 Author’s Game – Laro ng may – akda (istilong Pabingo)
 Pahulaan – Ang manlalaro ay binubuo ng 2 pangkat.
 Magdala Ka – Ang guro ay magsasabi ng mga bagay na dadalhin sa kanya.

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 12


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

 Bugtungan: Sino Ako? – Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat.


Magbibigay ang guro ng bugtong.
 Lunting ilaw, pulang ilaw – Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang
guro ay naka – upo sa kani – kanilang upuan. Luntiang ilaw/tatayo, pulang
ilawa/ uupo.

BINALANGKAS NA KARANASAN

Mga halimbawa:

 Mga Modelo – Paggaya sa orihinal at tunay na kaanyuan at kabuuan ng


tunay na bagay.
 Mock – up – Isa o dalawang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang
kabuuan.
 Ispesimen – Isang mabuting panghalili sa tunay na karanasan.
 Mga Tunay na Bagay – Mahalagang kagamitan ng tanaw – dinig.
Nahahawakan/ nasusuri at napag – aaralan ang mga ito.

MADULANG PAKIKILAHOK

Mga Halimbawa:

1. Mga Dula
 Pagtatanghal (Pageant) – isang makulay na pagpapakita ng mga
mahahalagang bahagi ng kasaysayan.
 Pantomina o Panggagagad – pag – arte ng walang salita.
 Tableau – malaki ang pagkakatulad sa pantomina walang salitaan subalit
walang galaw.
 Saykodrama – isang kusang loob na dula na nauukol sa pansariling lihim
o suliranin ng isang tao.
 Sosyodrama – dulang walang paghahanda at pag – eensayo. Umiinog
ang paksa sa suliraning panlipunan.
 Role Playing – ang papel na ginagampanan. Mabigyang buhay at halaga
ang papel na ginagampanan.
 Dulang Pasalaysay (Chamber Theater) – paraan ng
pagpapakkahulugan sa panitikang pinag – aralan gaya ng: maikling
kuwento/pabula/tulang pasalaysay/at bahagi ng nobela sa
pamamagitan ng diyalogo, aksiyon at pagsasalaysay.
 Sabayang Pagbigkas – isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan
at pagpapahalaga sa isang tula.

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 13


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

Ibat- ibang Anyo ng Sabayang Pagbigkas:


1. Pagpapakahulugang pagbasa
2. Sabayang Pagbasa
3. Sabayang Pagbigkas na walang galaw at kilos
4. Sabayang pagbigkas na may galaw at kilos
5. Madulang sabayang pagbigkas

2. Mga Papet
 Isang tau – tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa tagapagpaandar
nito.

Mga Uri o Klase ng Papet:

 Karilyo – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira – pirasong karting hugis


tao o hayop sa likod ng isang kumot na puti na naiilawan.
 Istik Papet – cut – out ay anumang bagay na idinidikit sa patpat.
 Kamay na Papet o Hand Puppet – anumang anyo ng tao, haypo o bagay na
iginuhit sa supot ng papel.
 Daliring Papet – ito ay paggamit ng daliri sa paggawa ng anumang hugis o
anyo na gustogn gayahin.
 Maryonet o Pising Papet

MINAMASID

Pakitang – Turo

 Pagmamasid at paggaya sa nakatatanda/kadalasang tagamasid ang mag – aaral.

Mga halimbawa ng kagamitan:

1. Pisara – kapag wala nito ito sa isang silid – aralan ay tulad ng isang dyip na walang
gasolina.
2. Paskilang Pranela o Pelt – isang kagamitang tanw – dinig na dikitan ng mga bagay.

Paglalakbay o Ekskursyon

 Ito ay isang binalak na gawaing edukasyunal na hangarin ay matuklasan ang mga


kasagutan tungkol sa pinag – aralan o aktwal na pinag – aralan sa pamamagitan ng
paglabas sa apat na sulok ng silid - aralan.
 “First Hand Information”

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 14


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

Eksibit

 Ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang tanging lugar o


lalagyan upang mamasid ng balana.

Ilan sa mga Porma ng Eksibit:

 Display na yari ng guro at mga mag – aaral


 Museo – siyensa,sining,kultura,heograpiya, kasaysayan.
 Bulletin bord – paskilan ng mga bagay na may relasyon sa aralin at pag –
aaralan.
 Takbord – katulad ng bulletin bord subalit tamtaks o aspile ang ginagamit.
 Poster – nagsisilbi itong pagganyak, paalala at patnubay sa mga mag –
aaral hinggil sa liksyong pinag – aaralan.
 Timeline – Pisi o kawad na ginagamit bilang sabitan.
 Dayorama – Yari sa kahon/ inaalis ang itaas at harap na bahagi ng kahon sa
halip pinapalitan ng plastic upang Makita ang bagay na nakadispley sa loob.
 Mobil o Pabitin – Itinatnaggahl sa pamamagitan ng pagsasabit. Gumagalaw
kapag nahahanginan.

Mga Midyang Pang – Edukasyon

 Ibat’ – ibang kagamitang pangkomunikasyon na ginagamit sa pagtuturo.

Mga halimbawa:

1. Telebisyon – Isang banto na imbensyon ng tao.


2. Sine – May layuning edukasyunal nalalaman nila ang bagay na
hindi nalalaman ng mga mag – aaral ang mga bagy na hindi nila
naranasan nang tuwiran.
3. Radyo – Isa sa pinakamagiting na kasangkapan ng komunikasyon.
4. Prodyektor – Kasangkapang gingamit upang magmukhang malaki
ang isang maliit na larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa telon.
5. Mga Larawang Di – gumagalaw (Still Pictures) – Maaring
letratong kuha ng kamera, iginuhit o idinikit na magazine,
pahayagan at iba pang babasahin.
6. Teyp Rekorder – Nagbibigay ito ng iba’t – ibang kaalaman at
kasanayan sa pamamagitan ng pakikinig.

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 15


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

SINASAGISAG

Mga Simbolong Biswal

 Mga ssagisag na kombensyunal na nagbibigay ng malinaw na representasyon ng


katotohanan o realidad.

Kinatawan ng Simbolong Biswal:


1. Mapa at Globo – Gamiting – gamitin ito sa pagtuturo ng Araling Panlipunan,
Sibika at Kultura at Agham.
2. Dayagram – Nagpapaliwanag sa ugnayan ng mga sangkap ng isang bagay sa
pamamagitan ng mga linya at simbolo.
3. Grap – Isang kagamitang nagpapakita ng malinaw na ugnayan na balangkas
ng ugnayan ng dalawa o mahigit pang bilang ng pangyayari.
 Gamit sa paglalahad ng istadistika sa pamamagitan ng tuldok – tuldok,
linya bilog hanay o mga larawan.
4. Tsart – Mc Known at Roberts (grapikal na hindi mabigyang pangalan kaya
tinawag nila itong tsart).
 Mga kaalamang nakatala, nakalarawan at nakadayagram (ayon kay
Kinder)
5. Kartun – Ayon kay Kinder ang kartun ay pagpapakahulugan ng larawan sa
pamamagitan ng pagsasagisag.
6. Sketch - Payak at daglian pagguhit.

MGA SIMBOLONG BERBAL

 Ang mga salita, ideya, kosepto, terminolohiyang pansiyensya, at anumang nakasulat na


karanasan ay simbolong berbal.

Mga Prosesong Kumakatawan sa Simbolong Berbal

1. Semantic Mapping o Semantic Webbing


 Isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan
ng kategorya ng salita na nauugnay rito.
 Nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na natutuhan ng mga mag-aaral
ay kaugnay ng kanyang karanasan at dati ng alam.
2. Association o Word Network
 Isang proseso ng pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya.
3. Clining
 Isang proseso ng pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugan na ipinahahayag.

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 16


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

4. Clustering
 Isang proseso ng pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng
kahulugan ng batayang salita.
5. Collocation o kolokasyon
 Isang proseso ng pagsasama ng pagsasama ng salita sa iba pang salita upang
makabuo ng ibang kahulugan. Nabibilang ditto ang mga matalinghagang salita
na binubuo ng mahigit sa isang salita o parirala
6. Huwaran o pattern
 Proseso ng pagsusuri sa kayarian ng salita o grupo ng mga salita.
7. Kasabihan, kawikaan at salawikain
 Karaniwang nakikita sa porma ng poster sa mga silid-aralang elementarya at
sekondarya.
8. Plaskard
 Pinagsusulatan ng mga anumang bagay na nais ipakita ng mabilasan o paulit-
ulit sa mga mag-aaral.

MAGPAHINGA
MUNA BAGO
SAGUTAN
ANG MGA
KATANUNGAN!

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 17


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
[CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MOALBOAL Ikalawang Semestre,
CAMPUSGRADUATE SCHOOL] 2019-2020

BILANG 3
GAWIN NATIN

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

1. Nauugnay ang mga Hagdan ng Karanasan sa isang paralel na paglalarawan laban sa


Bruner’s Three-fold Analysis of Experience. Mayroon ba itong pagkakatulad? Sa
anong paraan?
2. Maghanda ng mga sumusunod na mga pictorial media. Ibigay ang mga hakbang kuna
paano ito isasagawa.
3. Pumili ng isang aralin o leksyon sa inyong dalubhasang pagtuturo at maghanda ng
isang audio lesson. (Ang Audio Lesson ay kinakailangang naka-CD).
4. Gumawa ng Limang Simbolong Berbal sa aralin ng Panitikan at Wika. Isabay ang
pagpasa nito sa inyong mga sagot.

FT 604 Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda Page 18


ng mga Kagamitang Pampagtuturo
This study source was downloaded by 100000832888037 from CourseHero.com on 09-08-2022 06:40:24 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/64824385/604-3pdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like