You are on page 1of 10

BAHAGI II: ANG KULTURANG PILIPINO

Aralin 7: Ang Kulturang Pilipino

Introduksyon

Ang tao ay gumaganap ng kanyang tungkulin sa lipunan at


kumikilos upang pamuhayan ang buhay na pinagkaloob sa kanya. Sa
kanyang pakikipamuhay sa lipunan, nariyan ang maraming hain na
putahe ng buhay upang maisulong at maitaguyod ang sariling pagkatao,
mapasaya at maalagaan ito upang magising kinabukasan at
magpapatuloy ang buhay. Isang mahalagang usapin sa konsepto ng
pagkabuhay at pamumuhay ng isang tao ay ang Kultura. Sa isang
lipunan, binibigyang - katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang
tama sa mali at ang mabuti sa masama. Ang Kultura ayon kay Panopio
(2007), ay “ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga
tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.”
Lubos na mahalaga ito sapagkat ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa
isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.

Layunin

1. Nailalahad ang mga katangian, manipestasyon at


komponent ng kulturang Pilipino.

1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Kahulugan ng
Kultura “Kalinangan” ang tamang salin ng salitang “culture”
sa Filipino. Ito ay may salitang-ugat na “linang” na kung
tutumbasan naman sa Ingles ay “cultivate.” Ayon kay
Timbreza (2008), kalinangan o kultura ang siyang
lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain
ng tao.
Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang
Latin: na cultura na may literal na kahulugang "kultibasyon"
o "paglilinang". Ang kalinangan ay isang katagang may
maraming iba't ibang magkakaugnay na mga kahulugan.
Subalit, ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang
ginagamit sa tatlong payak na mga diwa:

 Ang pagkakaroon ng matanging


panlasa sa mga pinong sining at
araling pantao, at tinatawag ding
mataas na kalinangan

 Isang binuong huwaran ng


kaalaman, paniniwala, at ugali ng
tao na nakabatay sa kakayahan
para sa masagisag na pag-iisip at
pagkatutuo ng pakikipagkapwa

 Isang pangkat ng
pinagsasaluhang mga ugali,
pagpapahalaga, mga layunin, at
mga gawain na nagbibigay ng
katangian sa isang institusyon o
panimulaan, organisasyon, o
pangkat.

Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na


nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya, na nagsasangkot
ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga
kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa antropolohiyang
Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na kakahayan ng tao
upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga sagisag,
at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at (2) ang namumukod-tanging mga
kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri
at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain
nila. Pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang katawagan ay naging

2 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang
mga disiplinang katulad ng araling pangkalinangan, sikolohiyang organisasyonal, ang
sosyolohiya ng kalinangan at araling pampamamahala.

Ayon naman kina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn sa kanilang limbag na aklat
na Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions noong 1952. Ang
kultura o kalinangan tumutukoy sa araw-araw na pangkabuhayan ng isang grupo.
sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na
kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung
paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na
sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng
buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat,
relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.

Ayon sa mga sumusunod, ito ang kahulugan


ng kultura:

1. Anderson at Taylor (2007), Ang kultura ay


isang komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan.

2. Panopio (2007), Ang kultura ay ang


kabuuang konseptong sangkap sa

3. Rubrico(2009), Ang kultura ay ang


pangkabuuang pananaw ng tao sa
isang lipunan sa mundo at sa kanilang
kapaligiran. Ang pananaw na ito ay
hango sa tradisyon, paniniwala, uri ng
pamumuhay, at iba pang bagay na
nag-uugnay na sa kanila at
nagpapatibay sa bigkis na siyang
nagpapalaganap ng kanilang
pangkahalatang diwa, panananaw,
kaugalian at adhikain.

4. Panopio (2007), Ang kultura ay ang


kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng tao, ang batayan ng kilos
at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.

5. Mooney (2011), Ang kultura ay tumutukoy


sa kahulugan at pamamaraan ng
pamumuhay na nalalarawan sa isang
lipunan.

3 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Katangian ng Kultura

Natutunan Ibinabahagi Naaadap Dinamiko

1. Natutunan (learned). Kung paano pinalaki, pinapakain, pinaliliguan,


dinadamitan, inalagaan ay proseso kung saan natututunan ng isang
indibidwal ang kaugalian sa loob ng kanilang pamilya. Magpapatuloy ang
prosesong ito habang buhay sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng ibang
tao sa kultura sa loob ng kanilang pamilya at kultura ng ibang tao.

Enculturation at socialization ang dalawang proeso ng interaksyon


ng tao sa lipunan. Ang enculturation ay ang pagkuha ng kultura ng ibang
pangkat/tao upang maging bahagi ng kulturang iyon. Madalas ay mas may
kagalingan pa siya sa paggamit ng wika, kaugalian, at paniniwala at
tradisyong sinusunod ng kanyang napasukang kultura. Ang socialization
naman ay ang kabuuang pagkilala mga pamantayan na kultura. Dito ay
matutukoy kung sino ang may mga tungkulin sa lipunan tulad ng ina/ama,
asawa, mag-aaral, guro, pulis, politiko at marami pang iba.

2. Ibinabahagi (shared). Nagsisilbing tulay upang magbigkis ang mga tao


bilang kanilang pagkakakilanlan. Sa kaparaanang ito ay masasanay ang mga
tao na mamuhay ng maunlad kasama ang ibang tao kahit na hindi sila pareho
ng kulturang kanagisnan.

3. Naaadap (adapted). Ang kultura ay umaayon sa kung ano ang takbo ng


kondisyon ng kapaligiran na kinatitirhan ng tao. Halimbawa nito ay ang mga
nakatira sa bansang South Korea kung saan sila ay nakararanas ng pag-ulan
ng nyebe na nagdudulot ng snow season. Normal para sa kanila ang
ganitong klaseng panahon, samantalang kung ikukumpara ito sa Pilipinas ay
imposible itong mangyari dahil mas sanay ang mga tao rito sa maiinit at
katamtamang lamig ng panahon.

4. Dinamiko (dynamic). Katulad ng wika, ang kultura ay patuloy na nagbabago


sa paglipas ng panahon at sa pag-alpas nito sa bawat henerasyon.

4 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Manipestasyon ng Kultura

Ang kultura ay mayroon ding pamantayan na sinusunod batay sa kahingian


nito. Sa bawat araw na dumaraan, nababakas ang manipestasyon ng kultura sa mga
sumusunod:

1. Valyu. Ito ay nakatuon sa kung ano ang nararapat at katanggap-tanggap


na ugaliin. Malaki ang gampanin dito ng prestige (kapangyarihan), istado,
pagiging tapat sa pamilya, pagmamahal sa bayan, relihiyong
pinaniniwalaan at karangalan. Magkakaiba-iba ang status symbol batay
sa kulturang pinagbabasehan nito. Tulad halimbawa ng kultura na
kinagisnan ng mga Pilipino gaya ng pagmamano sa mga nakatatanda
kung saan hindi ito nakikita sa banyagang kultura. Ang paggamit ng “po”
at “opo” ay tunay na nagpapakita ng pagiging magalang ng mga Pilipino
at tanda ng pagpapahalaga ng kanilang valyu.

2. Di-Berbal na komunikasyon. Ang paggamit ng mga bahagi ng katawan


ay maaari ring makapaghatid ng mensahe. Ang galaw at aksyon ng isang
tao ay maaaring maglarawan ng kulturang taglay nito. Ang mga simpleng
gawi tulad ng pagyuko ng ulo, pagmamano, pakikipagkamay o paghalik
ay naglalarawan ng pagkakaiba ng kultura. Ito ay maaaring matutunan
kung ito ay gagawin ngunit may mga hindi rin naman katanggap-tanggap
sa kultura ng ibang pangkat.

Ang pagkakaroon ng same-sex marriage sa America ay tanggap dahil


sila ay isang demokratikong estado ngunit kung ito ay ikukumpara sa
konserbatibong bansa na malakas ang impluwensiya ng relihiyon tulad ng
Pilipinas ay malabo itong maisabatas dahil hindi pa bukas ang bansa sa
ganitong usapin at hindi ito sumasang-ayon sa kung ano ang inuutos ng
Diyos.

Ang pagkain naman ng letchong baboy sa mga katoliko kapag may


handaan ay nagiging tradisyon ng mga katoliko samantalang ito naman ay
bawal sa mga muslim dahil ito ay haram para sa kanila.

Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kultura at


gawing pinaniniwalaan ng iba’t-ibang pangkat. Nararapat na maunawaan
ng bawat isa ang pagkakaiba-iba nila dahil dito ay mas mag-iigting ang
kanilang samahan at mas makikilala nila ang iba pang pangkat.

Nagpapakita ang di-verbal na komunikasyon ay sumasalamin sa


kultura at nagtatangi upang mas mabigyang punto ang kaibahan ng kultura
para mas madali itong makilala kung ihahanay na sa iba’t ibang kultura.
Katulad ng hadlang sa pagkatuto at sa paraan kung paano bigkasin ang
isang salita ay nabibigyang impluwensiya ng ating kinagisnang wika.

5 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Komponent ng Kultura

Materyal na kultura. Mga


bagay na nahahawakan at
nakikita na ginagamit ng tao sa
kanilang araw-araw na
pamumuhay. Maaaring ito ay
mula sa pinakamaliit na bagay
hanggang sa pinakamalaking
bagay na makikita sa kultura ng
isang pangkat tulad ng disenyo
ng bahay at establismento.

Di-materyal na Kultura.
Ang mga kultura at
kaugaliang hindi
nahahawakan ngunit
maaaring mapansin batay
sa galaw ng tao. Ito rin ay
naipapasa sa bawat
henerasyon kung kaya’t ito
ay hindi namamatay.
Kabilang dito ang norm,
paniniwala, valyu at ang
wika.

a. Norms. Ang asal, aksyon, kilos, pakikitungo o pag-uugaling pamantayan ng isang


grupo. Ito rin ay karaniwang tinatawag bilang ideyal na istandard ng isang
lipunang ginagalawan ng isang tao sa partikular na sitwasyon. Isang konkretong
halimbawa nito ay ang pagpila ng maayos dahil may nakalagay na “Fall in Line.”
Nararapat itong sundin dahil ito ang pamantayan at ang batas na ipinatupad.

https://www.google.com/search?q=fall+in+line&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjg4_i9x6HrAhXUc9
4KHQqUAzQQ_AUoAXoECBsQAw
6 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
b. Folkways.
Tumutukoy sa kaugalian ng
isang tao sa isang sitwasyon
kung saan ipinapakita ang
magandang pamamaraan ng
isang pangkat. Ito rin ay ang
pangkahalatang batayan ng
kilos ng tao sa isang grupo o
isang lipunan na kanyang
kinabibilangan.

Katulad na lamang ng pasusuot na maayos na damit tuwing may


pupuntahan, mainit na pagtanggap ng bisita, atbp. Kung ang kultura ay sinasabing
ang midyum na nagbubuklod at nagbibigkis sa bawat indibidwal sa lipunang
ginagalawan, ang pag-uugali naman ay itinuturing na bahagi ng tali na
pinakamahalaga upang mapagbuklod ang bawat isa. Mas mainam ang paggamit ng
salitang folkways kaysa sa customs para sa mga sosyolohista dahil mas binibigyang
diin nito ang pag-uugaling nararapat na ipakita at mas katanggap-tanggap sa lipunan.
Ito ay nagpapakita rin ng napakarami pang customs na ating isinasagawa mula noong
tayo ay isinilang. Dahil sa folkways, may inaasahang pag-uugali sa atin ang lipunan na
nararapat nating ipakita. Tulad halimbawa ng kultura na ekspektasyon sa Pilipinas,
kapag ikaw ay nakapagtapos na sa pag-aaral o nasa wastong gulang ka na,
inaasahan na ikaw ay mayroon ng trabaho at tutulong sa iyong mga magulang sa
usaping pinansyal, kung minsan ay ikaw na ang magpapa-aral sa iyong mga kapatid.

c. Mores. Ang pinakamahalaga at pinakamataas na uri ng kaasalan na


nararapat na ilapat ng tao sa kanilang buhay. Kinakailangang isabuhay ang mga
kaasalang ito upang mapanatili ang kaayusan at pamantayan sa loob ng pangkat.
Halimbawa na lamang nito ay ang pagbabawal ng pag-aalaga ng aso ng mga
muslim, pagpapakulay ng buhok, pag-inom ng alak. Hindi lamang nila ito sinusunod
dahil sa isa mababaw na kadahilanan lamang ngunit may kaakibat na mabigat na
kaparusahan ang kanilang matatanggap kapag nilabag nila ito.

d. Batas. Ang tuntunin na


nagdidikta kung ano ang tama
at ang mali. Ang isang tuntunin
ay isinasabatas ng mga taong
may sapat na kaalaman at
kapangyarihan na nasa
awtoridad

7 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Halimbawa ay ang pagmamaneho ng isang sasakyang walang sapat na
dokumento at lisensya, ang pagbebenta ng illegal na droga ay may kaukulang
parusa sa kung sino man ang lalabag nito. Ang paggamit naman ng alkalde ng
kanyang kapangyarihan upang ideklara bilang holiday ang foundation day ng
kanilang bayan upang ipagdiwang ang araw na pagkilala sa batas ng kanilang
bayan. Sa paglipas ng panahon ay magiging costumary na ang araw na ito bilang
tanda ng pagdiriwang ng foundation day at hindi lamang ito legal na araw na
walang pasok at trabaho kundi isa na itong tradisyunal na holiday

d. Valyu. Ang mga magandang pag-


uugali, kilos at gawain na inaasahang
maipapakita ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan. Maaari rin itong
natural makapagsabi ng kung ano ba
ang kaaya-aya sa hindi, ang
katanggap-tanggap sa hindi, ang tama
sa mali, ang mabuti sa masama, ang
maganda sa pangit.

Halimbawa ay ang pagkatok bago pumasok sa bahay, pagmamano sa mga


nakatatanda, magbati ng “Magandang umaga,” “Magandang Hapon,” at “Magandang
gabi,” pagpapaalam sa magulang bago umalis ng bahay, pagtulong sa
nakatatandang hirap na sa pagtawid, tamang pakikipag-usap sa mga magulang,
atbp.

e. Paniniwala. Dahil sa
pagkakaiba-iba ng bawat tao sa
kanyang pinanggalingang kultura,
pangkat-etniko, at relihiyon, may
kanya-kanya ring pamamaraan at
pag-iisip ang tao sa mga
nagaganap na bagay sa kanyang
kapaligiran at mundo. Ang
paniniwala ay ang pananaw ng
isang tao sa mga kaganapan at
kung paano siya makikitungo rito,
sinasaklaw rin nito ay mga
pamahiin.

8 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


f. Wika. Ang pangunahing ginagamit sa
komunikasyon upang magkaroon ng
pagkakaintindihan sa lipunang
kinabibilangan. Ito ay gumagamit ng
tunog na lumilikha ng isang salita
nagtataglay ng kahulugan.

g. Technicways. Pagbabago sa mga bagay na nakasanayan ng tao sa mundo


pagdaan ng kasaysayan at ng panahon. Bunga ito ng patuloy na pag-usbong ng
teknolohiya. Halimbawa nito ay ang paggamit ng kompyuter, telefo o celfon sa mas
mabilis na pagpapadala ng mensahe kumpara noong unang panahon na idinadaan
sa sulat ang pagpapadala ng mensahe na kung minsan ay inaabot pa ng linggo o di
kaya’y buwan. Nagkaroon ng bagong bihis ang lipunan dahil sa malaking epekto ng
teknolohiya sa buhay ng bawat tao, mula sa pagluluto, pag-aaral, panganganak,
pagbibiyahe, pagpapagamot, paglalaba, pagpapaganda sa sarili, at marami pang
iba. Kumakatawan ang technicways sa pagbabago ng kultura sa lipunan na halos
kabaliktaran ng folkways at norms.

9 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


10 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

You might also like